NCR_FINAL_FILIPINO11_Q2_M4 (1) PDF - Filipino Grade 11 Quarter 2 Module

Summary

This document appears to be a Filipino language learning module for Grade 11 students in the Philippines. It focuses on communication, research, and the use of different types of Filipino words and expressions. The document includes questions and exercises for students to practice the concepts presented.

Full Transcript

Senior High School FILIPINO (Komunikasyon at Pananaliksik) Ikalawang Markahan-Modyul 4: Pagpapaliwanag sa Iba’t ibang Dahilan, Anyo, at Paraan ng Paggamit ng Wika May-akda: Riza P. Lago Ta...

Senior High School FILIPINO (Komunikasyon at Pananaliksik) Ikalawang Markahan-Modyul 4: Pagpapaliwanag sa Iba’t ibang Dahilan, Anyo, at Paraan ng Paggamit ng Wika May-akda: Riza P. Lago Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Alamin Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin. Aralin – Pagpapaliwanag sa Iba’t ibang Dahilan, Anyo, at Paraan ng Paggamit ng Wika Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. natutukoy ang iba’t ibang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng wika; at B. naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon Subukin Bago tayo magpatuloy sa bagong aralin, subukin muna ang iyong kakayahan na may kinalaman sa paksang ating tatalakayin. Lagyan ng tsek (/) ang pahayag kung ito ay iyong nagagawa at ekis (x) naman kung hindi mo nagagawa. _____ 1. Magsimula ng isang usapan. _____ 2. Makidalamhati sa taong may mabigat na pinagdaraanan. _____ 3. Magpahayag ng iyong sariling opiniyon. _____ 4. Magpahayag ng saloobin. _____ 5. Magbahagi ng iyong nararamdam at mga pangarap o tunguhin sa buhay. Pagpapaliwanag sa Iba’t ibang Dahilan, Aralin Anyo, at Paraan ng Paggamit ng Wika Sa araling ito pag-aaralan mo ang pasalitang pagpapaliwanag ng iba’t ibang dahilan, anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Malilinang ito kung magagawa mo nang matapat ang mga gawain. Balikan Balikan ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. 1. Paano sinusuri ang linggwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunag Pilipino sa mga pelikula at dulang pinanonood? 2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagtukoy at pagsusuri sa wika at kultura lalo na sa mga bagay na napapanood o nakikita? City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 1 Tuklasin A. Panimula Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Alin sa mga sitwasyon ang gumagamit ng phatic, expressive at emotive na gamit ng wika? Patunayan. 1. Sa tagal ng panahon, muling nagkita ang magkaibigan. 2. Inaalagaan ni Mina ang may sakit na ama. 3. Taas noong ipinahahayag ni Tito ang kaniyang mga pangarap. B. Pagbasa Basahin ang sumusunod na liriko mula sa mga piling saknong ng ilang awitin. Ngumiti kahit na napipilitan, Kahit pa sinasadya mo akong masaktan paminsan-minsan, Bawat sandali na lang. Tulad mo ba akong nahihirapan? Lalo’t naiisip ka. Diko na kaya pa na kalimutan, Bawat sandali na lang. “Nobela.” awit mula sa Join The Club Sinimulan ko ‘to walang naniniwala Sa paligid ko Eh ano (eh ano) Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina At mas sisipagan ko pa Kahit maubusan pa ‘ko Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina Maubusan man ng hininga Di na para ako ay tumigil pa “Pahina,” awit mula kay Pricetag Binibigkas habang tumatakbo Pumipiglas sa mga yakap ko Pag-ibig ko,bakit lumalayo? Pag-ibig mo,tila naglalaho? Kapag makapiling ka Hindi alam ang gagawin,iiwas ba o titingin City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 2 Sa ‘yong kagandahan? Ang kislap ng iyong mata ay ‘di ko na makikita “Dulo ng Hangganan,” awit mula sa IV of Spades C. Pag-unawa sa Binasa 1. Piliin kung anong mga linya ng awit ang nagpapahayag ng damdamin at kung anong mga linya ang nagpapahayag ng opinyon. 2. Ano ang anyo ng wikang ginamit sa mga awit? 3. Paano ang paraan ng paggamit ng wika sa mga awit? 4. Bakit kinakailangan na matukoy ang pamamaraan ng paggamit ng wika at anyo nito sa mga pahayag? 5. Madali mo bang naunawaan ang awit? bakit? Suriin Maraming gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon na karaniwang mababasa sa isang akdang pampanitikan o anomang babasahin. Makatutulong na batayan ang mga tanong na sino, paano, kailan, saan at bakit upang matukoy ang sitwasyong pangkomunikatibo. Isa sa mga ginagamitan ng wika ay ang mga awitin. Mga awitin na nagpapahayag ng damdamin, ideya, kaisipan, at higit sa lahat ang paglalarawan sa kuturang nakapaloob dito. Sa nakaraang aralin, sinimulan mong pag-aralan ang mga gamit ng wika. Ngayon naman ay itutuloy natin sa araling ito ang gamit ng wika sa ibat ibang sitwasyon. Upang matukoy ang iba’t ibang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng wika, ating suriin itong mabuti. DIYALOGO 1 Liza: Uy,napansin mo ba? Belle: Ang ano? Liza: Si Ria,kanina pa siya tahimik.Parang malungkot siya. Belle: Napansin ko rin nga.Baka may sakit siya o kaya baka may problema.Halika lapitan natin siya. Liza: Ria,kumusta ka?Masama ba ang pakiramdam mo? Ria: Naku,wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema.Napuyat lang ako kagabi sa pagsulat ng pananaliksik natin. Liza: Hay… pare-pareho pala tayo.Kami rin ni Belle napuyat sapagtapos ng pananaliksik. Belle: Oo nga, mabuti naman,Sol,at okey ka lang. Ria: Oo,okey lang ako.Salamat sa inyong dalawa,ha. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 3 DIYALOGO 2 Marlon: Hindi parin ba natatapos ang problema ninyo ng iyong nobya? Mario: Sinabi mo.Nalulungkot talaga ako sa nangyayari sa aming dalawa.Natatakot ako at baka lalo pang lumala at tuluyan na kaming magkahiwalay.Sana huwag naman at ang tagal na nito. Marlon: Sana magawan na ng paraan na masolusyunan ninyongdalawa ang problema na inyong kinakaharap. Mario: Ipagdarasal ko nalang na malagpasan ang pagsubok na ito. DIYALOGO 3: Shopie: Sayang talaga! Ang daming sale sa online shopping hindi ako nakaorder.Sobrang mumura pa naman ng mga bag at damit na gustong gusto ko kaso wala ako pera. Leezada: Ako naman kahit may pera akong pambili,hindi parin ako oorder sa mga mga online nayan. Shopie: Bakit naman? Leezada: Hindi ako mahilig umorder online.Mas gusto ko na personal kong nakikita ang produkto na aking bibilhin. Shopie: Talaga? Palagay ko,kani-kaniya talagang hilig at gusto ang mga tao. Mababasa sa mga diyalogong ito ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot at awa. Sa pang-araw-araw nating pakikipagkominukasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap. Madalas nating masabi ang masaya ako, galit ako,nahihiya ako, kinakabahan ako,at iba pa. Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika. Basahin mo uli ang mga pahayag na ito mula sa Diyalogo 3: “Paboritong-paborito ko pa naman.” “…kahit may pera akong pambili,hindi parin ako oorder.” “Hindi ako mahilig umoder online.” “Palagay ko kanya-kanya talaga ng hilig ang mga tao.” Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababnggit natin ang ilang mga bagay tungkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba. Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit na wika. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 4 Ang expressive na gamit ng wika ay nakatutulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa. Matutukoy mo ba ang mga gamit ng wika sa mga diyalogo na iyong nabasa sa itaas? Balikan mo ang mga pahayag na ito sa Diyalogo 1. “Uy, napansin mo ba?” “Kumusta ka?” “Masama ba ang pakiramdam mo?” “May problema ka ba?” Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito.Ginagamit natin ang wika bilang panimula ng usapan. Kapag may nasasalubong tayong kaibigan, binabati natin ito at madalas ay tinatanong ng, “Saan ang punta mo?” o kaya ay,”May lakad ka yata?” “Baka makatulong kami?” “Mabuti naman,Sol,at okey ka lang.” Nagpapakita naman ng mabuting pakikipagkapwa-tao o pakikipag-ugnayan sa kapuwa ang mga pahayag na ito. Ang mga mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng mga diyalogo na iyong binasa ay nagpapatibay ng relasyon sa ating kapuwa ay phatic na gamit ng wika. Karaniwan na maiikli ang mga usapang phatic. Sa ingles ito ay tinatawag na social talk o small talk. Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Ang iba pang uusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit ng wika. Kung minsan din, hindi na nangangailangan ng sagot ang mga tanong na phatic katulad ng “Kumusta ka?” lalo na kung ito ay ginagamit lamang natin bilang pambati sa isang kakilala. Balikan mo naman ang Diyalogo 2: “Nalulungkot talaga ako sa nangyayari.” “Natatakot ako na baka lumala pa.” City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 5 Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman sa araling tinalakay. A. Tukuyin ang pagkakaiba ng mga gamit ng wika na phatic, emotive, at expressive. B. Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na phatic,emotive, at expressive. Phatic: 1. _____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ 3. _____________________________________________________ Expressive 1. _____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ 3. _____________________________________________________ Emotive 1. ____________________________________________________ 2. ____________________________________________________ 3. _________________________________________________ Isaisip Maraming gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon na karaniwang mababasa sa isang akdang pampanitikan o anomang babasahin. Makatutulong na batayan ang mga tanong na sino, paano, kailan, saan at bakit upang matukoy ang sitwasyong pangkomunikatibo. Isagawa Sumulat ng isang diyalogo na kaugnay sa pandemic na ating nararanasan sa kasalukuyang panahon na nagpapakita ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon, maaaring pansarili, pampamilya o pangkomunidad. Isaalang-alang ang phatic,expressive at emotive. Gawing batayan ang binasang halimbawang diyalogo sa bahaging “Suriin.” Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagbuo ng sariling diyalogo: Pamantayan sa Pagmamarka Panukatan Puntos Orihinalidad ng konsepto 15 Paglalapat ng gamit ng wika 20 Napapanahon ang paksa 15 Pagkamalikhain 10 Kabuoan 60 Tayahin City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 6 Ngayon naunawaan mo na ang aralin, panahon na para sukatin ang iyong kakayahan at natutuhan. Sumulat ng isang sanaysay na nagpapaliwanag kung ano-ano ang mga dahilan ng iba’t ibang paggamit ng wika. Pagkaraan ay ipaliwanag ito nang pasalita sa harap ng iyong kapamilya. Gamiting gabay sa pagpapaliwanag ang binuong sanaysay. Gamitin ang pamantayan sa ibaba. Rubriks sa Pasalitang Papaliwanag ng Sanaysay Panukatan Deskripsiyon Puntos Iskor Nilalaman Mapanuring paggamit ng wikang 50 nagpapaliwanag ng iba’t ibang dahilan ng paggamit ng wika. Paraan ng Nagtataglay ng interesante, 30 Pagtalakay o makabuluhan,at malikhaing panimula pagpapaliwanag gitna,at konklusyon Kalidad ng May mayaman saliksik,batayan at 20 Datos kasanayan sa pagsulat. Kabuoan 100 Karagdagang Gawain Lalo pang paunlarin ang iyong kakayahan. Ipagpalagay na isa kang bagong mag- aaral ng isang eskuwelahang nasa isang lalawigan. Sa pamamagitan ng expressive na gamit ng wika, sumulat ng maikling pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bago mong kaklase. Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan at sigasig na matuto sa ating talakayan. Binabati kita! Susi ng Pagwawasto City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 7 Guro ang magwawasto ng mga Gawain ng mag-aaral na may kinalaman sa pagsulat at pagpapaliwanag. Sanggunian Jocson, Magdalena O. 2016.Komunikasyon at Pananaliksik saWika at Kulturang Pilipino. Vibal Group Inc. Geronimo, Jonathan V., Petras, Jayson D., Taylan, Dolores. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store,Inc. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 8 Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Riza P. Lago (Guro, SNNHS) Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS) Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL) Romeo A. Pilongo (Guro, SEHS) Tagasuri-Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino) Tagasuri-Panlabas: Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS) Tagalapat: Tagapamahala: Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala Galcoso C. Alburo Superbisor sa Filipino Ivy Coney A. Gamatero Superbisor sa LRMS City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE

Use Quizgecko on...
Browser
Browser