Summary

This document discusses the Filipino language in various disciplines, including education, research, and other fields. It highlights the importance of Filipino as a medium of communication and expression in the Philippines. It also touches on the challenges of integrating Filipino in various areas. The paper also looks at possible solutions to overcoming those challenges, arguing that Filipino-language classes and research should be expanded to encompass various fields in Philippine education.

Full Transcript

ANG W I K A N G F IL IP I N O SA IB A ’ T I B A N G LU N A N iplina Filipino sa Iba’t Ibang Dis WIKA NG BAYAN Tinitiyak ng Konstitusyon ng 1987 ang pagpapayabong at pagpapayaman s...

ANG W I K A N G F IL IP I N O SA IB A ’ T I B A N G LU N A N iplina Filipino sa Iba’t Ibang Dis WIKA NG BAYAN Tinitiyak ng Konstitusyon ng 1987 ang pagpapayabong at pagpapayaman sa Wikang Pambansa mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas. Pinasubalian ito ni Almario (1997) nang ilahad na may probisyon tungkol sa paglinang ng Filipino sa tulong ng mga wika sa bansa. Ang mabigyan ng tunay na puwang ang wikang katutubo ay pagtatampok sa Filipino para sa taguring wika ng bayan. Ang usapin ng pagtiyak sa wika ng bayan ay tumutulay patungo sa mabisang gamit nito sa edukasyon. Pinatunayan ni Abueva (1995) nang ilahad na ang wika ng edukasyon at ang wika ng sambayanan ay pinagtatagpo. Tinugunan ito ng Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyonn ng NCCA. Kailangang ito ay magpalakas ng pambansang kakayahan. Nakapaloob din dito ang malinaw na politika sa pagitan ng Filipino at Ingles na nagtatagisan para maging wika ng bayan. Iminungkahi ni Abueva (1995) na malaki ang maitutulong ng Filipino sa pagkakaisa ng bayan na nasa bingit ng pagkakawatak-watak. Ang paggamit ng isang wikang malapit sa puso ngunit bukas naman sa pagtanggap ng pagbabago mula sa lahat ng wika ay magdadala sa lipunang matagal ng inaasam – isang sambayanang may dignidad dahil may pagpapahalaga sa sariling wika. WIKA NG EDUKASYON Malaki ang pangangailangan na mailugar ang Filipino bilang wika ng bayan upang maggamit bilang wika ng edukasyon. Tunguhin nitong makilala ng mamamayan ang sarili, may tiwala sa sariling identidad at nalilinang ang kaalaman sa sariling kultura at kasaysayan, kalakasan at kahinaan ng kapwa. Sa paglilinaw ng KWF, sinipi ang sinabi ni Gonzales na Filipino: The National Language of Education na upang mapanatiling intelektwal ang wika, ito ay dapat gamitin at hindi lamang pag-aralan. Dagdag pa mula sa Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon (2004), ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo ay nagbibigay-daan na matuto ang mga mag-aaral ng kanilang kultura-ang kaluluwa ng pagkabansa. WIKA NG PANANALIKSIK Sa pagsasakatuparan ng piling programang pang-edukasyon na nakatuon sa Filipino bilang midyum ng komunikasyon at pagtuturo, mahalagang patatagin ito ng gawaing pananaliksik. Kung ang pananaliksik ay buinuo mula sa karanasang Pilipino at para sa Pilipino, kailangang maggamit ang Filipino-ang midyum na tatawid sa kamalayan at pangangailangan ng sambayanan. Katotohanan na sa maraming institusyon, nagagamit lamang ang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa limitadong kurso tulad ng sa Filipino. Mabisa ang pagpapamulat sa tersyarya ng Wikang Filipino upang madala ang kaisipang ito sa industriya at sa iba pang larang. FILIPINO BILANG LARANG Ang kaalaman sa Filipino ay angkop na muling dalawin upang matuklasan ang saysay nito bilang isang disiplina. Hindi lamang ito tumitindig bilang isang kurso ng komunikasyon kundi bilang batis ng talino. May maitutulong ang mass media, edukasyon, pamahalaan at industriya sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga gawaing pagsasaluhan ng mga mamamayang nakikibahagi sa diskursong Filipino. Mahalagang magkaroon ng puwang ang Filipino bilang larang sa Mataas na antas ng Edukasyon. Ang matatag na pundasyon ng hangaring internasyonalisasyon ay nakaugat sa hakbang ng pagpapalakas sa local na nag-iisip para sa sarili at sa bayan. FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANG Sa patuloy na pagpapaunlad ng Filipino, kailangang tumawid din ito sa iba’t ibang larangan upang matiyak na may malawak itong naaabot na iba’t ibang lawas ng talino. Subalit may mga suliraning kinakaharap upang maisakatuparan ito. 1. Pinaniniwalaan na hindi napapanahon ang pagpasok ng Filipino sa mga larang; 2. Dagdag pa ang problemang logistics para sa pagpapatuloy ng programang pangwika sa iba’t ibang larang.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser