Modyul sa Pagtuturo at Pagtataya sa Makrong Kasanayan sa Pagsulat PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Ortograpiya ng Wikang Filipino PDF
- Yunit 2: Malikhaing Pagsulat PDF
- Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE)
- MODULE 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM
- Pagsusulat-Summative Reviewer PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang modyul sa pagtuturo at pagtataya sa kasanayan sa pagsulat para sa asignatura ng Filipino. Tinalakay dito ang kahalagahan ng pagsulat at ang iba't ibang aspekto nito, kabilang ang mga layunin at nilalaman. Panimula rin nito sa propesyon.
Full Transcript
**YUNIT IV** Modyul sa Pagtuturo at Pagtataya sa Makrong Kasanayang Pagsulat II. **Mga Layunin** Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang; ================================================================ a. Nahihinuha ang iba't ibang kahulugan ng pagbasa mula sa iba't iba...
**YUNIT IV** Modyul sa Pagtuturo at Pagtataya sa Makrong Kasanayang Pagsulat II. **Mga Layunin** Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang; ================================================================ a. Nahihinuha ang iba't ibang kahulugan ng pagbasa mula sa iba't ibang iskolar, b. Napapahalagahan ang pagsulat bilang parte ng pagpapahayag ng damdamin, ideya, at karanasan, c. Nalalaman at nauunawaan ang batayang simulain at konsepto sa pagsulat, d. Nuunawaan na ang pagsulat ay isang kompleks na proseso, e. Naiisa-isa ang mga uri ng sulatin at kailangan sa pagbuo ng isang sulatin, f. Nalalaman ang layunin ng pagtuturo at pagkatuto ng pagsulat, g. Nalalaman ang mga panimulang komunikatibong gawain sa pagsulat, h. Naiisa-isa at napapahalagahan ang simulain ng unti-unting pagkontrol sa pagsulat, i. Nauunawaan ang mga prosesong pagdulog sa pagsulat; at j. Nalalaman ang mga mungkahing patnubay sa pagtuturo at pagtataya sa pagsulat. III. ![](media/image3.png)**Nilalaman/Talakayan** **Ano ang pagsusulat?** Ang pagsusulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabubuo ng mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makababasa nito\'y magaganyak na mag-isip, kumilos at magalak. Sa puntong pedagohikal, ang mga pahayag (statement) ay iyong paggamit ng wika bilang instrumento sa naiisip o nadarama, saloobin, at reaksyon sa isang natural na paraan mabisang paglalahad ng (kakayahang komunikatibo). Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat/inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kaya\'y isang malapad at makapal na tipak na bato. Ang pagsulat sa Filipino ay gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28 letra (a, b, c, \.....z). Ayon kay **Bernales et al. (2001),** ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita. simbolo at ilustrayon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Nangangahulugan na ang pagsulat ay hindi lang basta paglalagay ng mga salita sa papel. Ito ay isang proseso ng pagsasalin ng mga kaisipan, ideya, at damdamin mula sa isip ng manunulat patungo sa isang pisikal na anyo. Ang pagsulat ay hindi limitado sa mga salita lamang. Maaaring gamitin ang mga simbolo, imahe, at ilustrasyon upang mas mahusay na maipahayag ang kaisipan. Ayon kina **Xin at Jin (1989)**, "ang pagsusulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit ng gramatika, malawak na talasalitaan, lohikal na pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang elemento." Hindi lamang ito paglalagay ng mga salita sa papel; isa itong masalimuot na proseso na nangangailangan ng pag-aaral at pagsasanay upang makamit ang epektibong pagpapahayag. Ayon naman kay **Keller (1985)**, "ang pagsusulat ay isang biyaya, isang pangangailangan, at isang kaligayahan para sa nagsasagawa nito." Ang pagsusulat ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao---isang biyayang nagbibigay-daan upang maipahayag natin ang ating sarili, makipag-ugnayan sa iba, at mas maunawaan ang mundo sa ating paligid. Higit pa rito, ang pagsusulat ay isang aktibidad na nagbibigay kasiyahan at nagpapayaman sa ating buhay. **Ang Pagsulat: Isang Kompleks na Proseso** Ang pagsulat ay isang kontinwum (continuum) ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na gawain ng paglikha sa kabilang dulo. Ito ay isang patuloy na proseso ng pag-unlad, mula sa pag-aaral ng mga pangunahing kasanayan tulad ng gramatika at baybay hanggang sa paggamit ng mga kasanayang ito upang lumikha ng orihinal na mga teksto. Ayon naman kay **Rivers (1975)** ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using). Sa madaling salita, ang pagsulat ay isang proseso na naglalayong maabot ang mas mataas na antas ng pagkamalikhain at epektibong pagpapahayag, kung saan ang mga natutunang kasanayan ay ginagamit upang ipahayag ang sariling mga ideya at damdamin. Ayon kay **Royo,** na nasulat sa aklat ni **Dr. Eriberto Astorga.Jr. na Pagbasa Pagsulat at Pananaliksik (2001)**. Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin. mithiin pangarap, agam agam bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili --- ang kanyang mga kahinaan at kalakasan. Ang lawak at tayog ng kanyang isipan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. a\. Ang masining at istetikong hikayat (artistic and aesthetic appeal) ng mga malikhaing sulatin na siyang pinakatampok sa herarkiya kung saan tinutuklas at minamalas natin ang mahika ng gamit ng wika. Sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng mga salita, ritmo, at imahe, ang mga manunulat ay nakakalikha ng mga akda na nag-aanyaya sa atin na maglakbay sa mga mundo na lampas sa ating sariling karanasan. Ang mga tula, kwento, at dula ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na makita ang mundo sa pamamagitan ng mga mata ng iba. b\. Kasunod ng herarkiyang ito\'y ang paggamit ng wika kung nais nating magbigay ng ulat katulad ng uri ng wikang ginagamit sa mga pahayagan. Ito\'y tinatawag na expressive purpose ayon kay **Samuel (1988).** Ito ay naglalayong maghatid ng impormasyon nang malinaw at tumpak, na siyang pangunahing layunin ng mga balita. c\. At ang pinakagamiting dimensyon hinggil sa hikayat ng pagsulat ay ang functional purpose. Kabilang sa dimensyong ito ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Ang mga kombensyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga panimulang gawaing magagamit ng guro sa paglinang ng mga kasanayang hinggil sa paglalahad ng mga detalye, pakiusap, pagsusumamo, at iba pa. Laging isaisip na palagay ang sinumang tao kung alam niyang tinatanggap ng balana ang wikang kanyang ginagamit. 1\. **Personal ng Sulatin-** impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kaya\'y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. Halimbawa: Shopping (groseri lists), Tala, Diary, Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati, Talambuhay **2. Transaksyunal na sulatin-** pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin. Halimbawa: Liham Pangalakal, Panuto, Memo, Plano, Proposal, Patakaran at mga Tuntunin, Ulat, Adbertisment **3. Malikhaing Sulatin-** masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito\'y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya\'y isang libangan. Halimbawa: Tula, Maikling Kuwento, Awit, Anekdota, Biro, Bugtong 1\. **Pasalaysay (Narration)** Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunud-sunod ng isang pangyayari, may tauhan at may tagpuan. (maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathang-isip, atbp.) 2\. **Palarawan (Descriptive)** Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari. (paglalarawan ng mga tao, bagay, lugar o konsepto) 3\. **Panghihikayat (Persuasive)** Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat. (adbertisment. sanaysay na politikal, editoryal, brosyur) 4\. **Eksposisyon (Exposition)** Pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran at mga kaisipan. (pagpapaliwanag, impormasyon) 5\. **Pangangatwiran (Argumentation)** Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuru-kuro na naglalayong mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat. (opinyon, talakay, ebalwasyon) Ang pagsulat ay using kompleks ng kasanayan. Ang isang manunulat ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin, gaya ng mga sumusunod: 1\. **Tapik/Paksa.** Kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang susulatin. Ang mga kaalaman/impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal, atb., o mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid at/o personal na mga karanasan. 2\. **Layunin.** Dapat na malinaw sa isipan ng mga manubulat ang dahilan kung bakit siya nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang Malaki sa layunin. 3\. **Interaksyon at isang pagbuo sa kamalayan ng Awdyens.** Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsusulat siya ng dyornal, pera sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Nagsusulat ka para mangamusta(halimbawa, pagsulat sa mahal sa buhay upang ipaalam na nasa Mabuti kang kalagayan). O 'di kaya'y pagsulat ng isang maikling paalala/mensahe o kung may nais ipagawa sa isang kasambahay. Kailangang linagin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatin, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pag-unawa, anong uwi ng wika ang angkop na gamitin kung isasaalang-alang ang kanyang kalagayn sa buhay, antas ng kanyang pinag-aralan, at iba pa. 4\. **Wika.** Ang isang manunulat ay kailangan mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon. 5\. **Konbensyon.** Dapat isaalang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum. 6\. **Mga kasanayan sap ag-iisip.** Ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba't ibang kasanayan sap ag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hini; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa isang kawili-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya, at iba pa. Anupa't totoong masasabi natin na ang pagsulat ay isang kompleks na proseso sa pag-iisip. 7\. **Kasanayan sa pagbubuo.** Isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansupostang detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop na pang-ugnay. 8\. **Sariling Sistema ng pagpapahalaga.** Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang mga pagpapahalagang ninananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod: - Ano ang mahalaga sa paksa; - Ano ang maganda o mahusay na pagsulat; - Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat; - Sino ang wadyens o pinaglalaanan ng sulatin: Ang mga ito at ilang pang personal o pansariling pagpapahalaga ay nakakaapekto sa pagsulat ng isang tao. 9\. **Mekaniks (pagkakasulat, pagbaybay, pagbabantas, konbensyon sa pagsulat).** Dapat isaisip na ang maayos na pagkasulat ng isang sulatin ay isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa pagsulat. 10\. **Ang Proseso sa Pagsulat.** Dapat mabatid ng isang manunulat ang mga proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpilit ng paksa, paglilikom ng mga ideya, paggawa ng draf o burador, pagrerebisa, pag-eedit, ibayong patingin sa buong manuskrito at paglalathala. **Bakit itinuturo ang pagsulat?** Ang maraming bilang ng mga mag-aaral na palihim na nagrerebelde ang kalooban dahil kailangan nilang mag-submit ng komposisyon ay karaniwang senaryo sa maraming klasrum at halos ay hindi binibigyang-pansin ng maraming guro ng wika. Ang ganitong tanawin ay maaring bunga ng mga maling konsepto at mga paraan at istratehiya sa mabisang pagtuturo ng pagsulat at komposisyon sa ating paaralan. Dapat isaisip na ang kakayahang mailahad ang anumang naiisip o nadarama sa pamamagitan ng pagsulat ay napakahalaga sa ating pang-araw-arawng pakikipag-ugnayan. Ang pagsulat ay maaaring tanawin bilang tugon sa pagpapahayag ng ating damdaming emosyunal na karaniwan ay mahirap gawin nang pasalita. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang mahusay sa pagbasa ay magaling rin sa pagsulat. Ang kaligirang pantahanan ay may malaki ring kaugnayan sa kakayahan sa pagsulat. Ang pagbasa ay makatutulong nang malaki sa paglinang ng mga kasanayan sa pagsulat, at ang mag-aaral na gumagawa ng kaukulang pagpaplano, pagrerebisa, at pag-eedit kung sumusulat ang siyang lumalabas na magaling sa larangan ng pagsulat. Bukod sa katotohanang dapat ituro ang pagsulat para sa pansariling kapakanan, marami pa ring ibang pangangailangan na dapat tanawin sa pagtuturo ng pagsulat gaya ng mga sumusunod: 1\. Ang mga gawain sa pagsulat ay mahalagang daan upang mapagsama-sama at mapatibay ang mga kasanayang natamo sa iba pang makrong kasanayan gaya ng sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa. 2\. Ang mga gawain sa pagsulat ay iba\'t iba at ito\'y maaaring magsilbing pangganyak at maaari ring tanawin bilang tagapamagitan sa mga gawain sa pagbasa o pagsasalita. 3\. Ang mga gawain sa pagsulat ay maaring tagatala ng kung ano ang mga natutuhan sa pagsasalita at nakatutulong din sa pagpapanatili ng mga natutuhang talasalitaan at mga istruktura ng pangungusap. 4\. Ang pag-uugnay ng pagsulat sa iba pang mga kasanayang pangwika ay magbubunsod sa isang reyalisasyon hinggil sa kahalagahan ng pagsulat sa tunay na buhay. e.g. pagsagot sa telepono at pagtatala ng mensahe na nais ipahatid ng kausap sa telepono. 5\. Ang pagsulat ay isang mabisang paraan ng pagtataya para sa malaking bilang ng mag- aaral. Isang mabisang gawain upang makatiyak kung ano ang dapat linanging mga kasanayan sa pagtuturo ng pagsulat ay ang pagsusuri ng ELC at PSSLC na kung saan ay itinala ang mga kasanayang dapat linangin sa pagsulat sa antas elementarya at sekundarya. Maaari naman tingnan ng mga guro sa antas tersyarya ang mga silabus na ipinalabas ng CHED kaugnay ng ipinatutupad na New General Education Curriculum (NGEC). Batay sa mga dokumentong dapat suriin sa pagtuturo ng pagsulat, makukuro na ang pagtuturo ng pagsulat ay dapat umayon sa apat na kaisipang inilahad sa ibaba: 1\. Mahalaga ang hakbang-hakbang na pagtuturo ng pasulat; 2\. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng mga mahuhusay na modelo sa pagtuturo ng pagsulat; 3\. Dapat ituro ang mga kaalamang pangwika (talasalitaan at balarila) na angkop sa mga pangangailangan sa pagsulat ng mga mag-aaral; at 4\. Dapat bigyang-diin ang iba\'t ibang proseso sa pagsulat. **Ang Pagsulat sa Elementarya** **1. Pamantayan sa Pagsulat** Magkaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat at paggamit ng mga sangkap sa pagsulat. a\. nakasusunod sa mga pamantayan sa pagsulat. b\. naisasagawa ang matipid at malinis na paraan ng pagsulat. **2. Panimulang Pagsulat** Nagkakaroon ng panimulang kasanayan sa maayos na pagsulat nang palimbag at sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat. 1\. Naisusulat ang mga titik nang may wastong porma o hugis 1.1 nakaguguhit ng mga \"stick figures\" 1.2 nakasusulat ng iba\'t ibang guhit 1.3 nasisipi ang malaki/maliit na titik 1.4 naiuugnay ang malaki at maliit na titik 2\. Nagkakaroon ng kahandaan sa pagsulat nang kabit-kabit 2.1 Nakagagawa ng pataas-pahabang guhit (push and pull), pataas na ikot (indirect oval) pahabang ikot (direct oval) 2.2 Naisusulat ang mga titik ng iba\'t ibang guhit alpabeto nang naaayon sa iba't ibang guhit. Hal: pailalim na kurba-u, ww, i, c, atb. paibabaw na kurba- a, n, m, x, atb. paikot na kurba-l, h, k, atb. **3. Nagagamit nang wasto ang bantas na tuldok, pananong, at pandamdam na angkop sa uri ng pangungusap.** **4. Nakasusulat ng maikling talata na binubuo ng 3 o higit pang pangungusap.** **5. Nagagamit nang wasto ang mga sangkap ng pagsulat.** **Ang Pagsulat sa Sekundarya** Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral ng Filipino sa mataas ng paaralan, inaasahang malilinang sa bawat mag-aaral ang mga sumusunod na kakayahan: ***A. Pagsulat*** 1\. Naipapakita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang panretorika upang maipahayag ang sariling kaisipan, ideya, opinyon, damdamin at mga saloobin. 2\. Naipakikita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga anyong pagsulat. 3\. Naipamamalas ang kakayahang gumamit ng mga kaalamang pambalarila sa tulong ng mga batayang kaalamang pangwika. 4\. Naipamamalas ang kakayahang maisulat nang wasto at maliwang ang damdamin at kaisipan sa mga tiyak na layunin (sosyal, pangangalakal, bokasyunal, siyentipiko). **Ang Pagsulat sa Tersyarya** Malilinang ang pagsulat batay sa institusyon na pinasukan ng bawat mag-aral at ayon sa kurso na kanilang pinasukan. Ang bawat institusyon ay may kani-kanilang prinsipyo na sinusunod upang pagkatapos ng mag-aaral ay siyang matutuhan at iyon ay nababatay sa libro o materyal na babasahin pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo. **APAT NA PANGUNAHING YUGTO ING PAGKATUTO SA PAGSULAT:** 1. ***Kahandaan sa pagsulat-*** nililinang dito ang mga kasanayang psychomotor upang maihanda ang mga bata sa pagsulat na isang gawaing pisikal. Sa yugtong ito, ang isang batang nagnanais makasulat sa Filipino ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod: 1. May sapat na kaalaman tungkol sa wikang Filipino upang maunawaan niya kung ano ang kanyang mga kinokopya at makapamiling mga angkop na salitang mauunawaan ng isang nagsasalita ng Filipino; 2. May interes at hilig sa pagsulat sa Filipino; 3. Nakilala na ang mga limbag ay iba sa mga larawan at ang bawat salitang limbag ay makahulugan 4. Nagagawang mapagtangi-tangi ang ibat ibang hugis upang makilala ang pagkakaiba ng mga titik katulad ng b, p, d, a, q; 5. may taglay na talas sa pagkilala ng mga hugis. Ito\'y mahalaga sa ispeling ng mga salita; 6. Debelop na ang mga kaalaman sa kanyang mga braso kamay at ang mga pinong kalamaan ng kanyang hintuturo aa hinlaaki. Ito\'y kailangan para sa paskontrol at tamang pashawak ng mga gamit sa pagsulat (lapis, rayola, pen, atb.) Ang pagkukulay ay nakatutulong sa pagkilala ng mga hugis. Ang paggugupit, pagdididkit, pagtunton (tracing) at pagdodrowing ay nakatutulong sa paglinang ng mga pinong kalamnan sa kamay. Ang mga gawain tulad ng pagpapapulot ng mga bagay at paggamit ng modeling clay ay nakatutulong nang malaki para sa pagkontrol ng mga daliri at kamay, diskriminasyong biswal at pagkilala sa hugis. Maaaring gumamit ang guro ng ilang aklat hinggil sa kahandaan sa pagsulat kung kinakailangan. ***2. Panimulang pagsulat*** **Ito ay ang panahon kung saan nagsisimula silang matuto ng mga pangunahing kasanayan sa pagsulat, tulad ng Pagkilala sa mga titik, Pagsulat ng mga titik, Pagsulat ng mga simpleng salita at Pag-unawa sa konsepto ng pagsulat**. ***A. Mga Batayang Patnubay*** Sa yugtong ito ng pagsulat, karamihan ng mga gawain ay nakapokus sa mga gawaing pre-komunikatib kung saan ang natutuhan ng mga bata ay ang mga mekaniks at konbensyong mahalaga para sa epektibong pagsulat na komunikatib. Kabilang sa mga gawaing nakapaloob dito ay ang porma ng pagsulat, pagbaybay, pagbabantas at pagtatalataan. Binibigyan-diin din sa yugtong ito ang mga kaalaman sa iba\'t ibang aspekto ng wika tulad ng balarila, talasalitaan, at pagbubuo ng mga pangungusap na karaniwang napapaunlad sa tulong ng mga input sa pakikinig at pagbasa. Subalit hindi dapat isaisip na ang iba pang aspekto ng pagsulat ay nalilinang nang ganoon na lamang. Hindi magiging maganda ang bunga nito lalo na\'t ang kasangkot ay ang paglinang ng wika at ang motibasyon sa pagsulat. Ang pag-aaral ng mga mekaniks sa pagsulat ay nakababagot na gawain at kung hindi isasaalang-alang ang kawilihan ng mga bata sa gawaing ito, malamang na maging negatibo ang saloobin nila sa mga gawaing pagsulat. Narito ang ilang patnubay sa pagtuturo ng mga gawain para sa panimulang pagsulat. 1\. **Ilahad ang mga aralin at gawain sa pagtuturo ng mga mekaniks sa makabuluhang konteksto.** Halimbawa, kung sasabihin nati sa mga bata na ang magandang sulat-kamay at wastong pagbaybay ng mga salita ay pagbibigay-gala sa tagabasa, maaaring isaalang-alang nila sa kanilang pagsulat ang kahalagahan ng wastong pagbabalanse sa pagitan ng mga salita. Maaaring pag-usapan nang pangkatan sa klase, halimbawa, kung ano ang kanilang nararamdaman, kung ang mga aklat nilang binabasa ay nakalimbag sa mga salitang iba't iba ang laki gaya nito. o di kaya nama'y nakatanggap kayo ng liham na tulad nito: 2**. Isaalang-alang ang mga pasalitang komposisyon ng mga bata upang magkaroon sila ng maliwanag na pagkaunawa sa sining ng pagsulat.** Ang mga bata ay nakabubuo na o maaari nang maturuan ng pagbuo ng komposisyon bago pa man nila matamo ang mga kasanayang kailangan nila sa pagsasatitik ng kanilang nais sabihin. Magsilbing tagasulat ng klase. Isulat ang mga maikling kuwento, balita na ididikta ng mga bata ayon sa kanilang pagkabanggit. Ito\'y isang mabisang pagsasanay sa pagsulat. Kung ipapabasa ang mga idiniktang kuwento sa ibang bata, unti-unti nilang makikita na ang pagsulat ay ang mga pananalita na isinulat sa papel. At kung gaganyakin ang mga bata na magbigay puna sa mga sulatin ng kanilang kamag- aral, unti-unting imumulat ang kanilang kamalayan sa magiging awdyens ng kanilang mga susulatin.\ \ Ang mga kuwentong maaring ibigay ng mga bata ay iyong may *mga reperensyang eksoporik (exophoric references*-pagbanggit sa mga bagay na wala sa teksto) gaya halimbawa, nandoon ang bata o mainit sa lugar na iyon. Kung ipababasa mo ito sa mga hata pagkalipas ng ilang panahon, na kung saan limot na nila ang orihinal na konteksto nito, magagawa mo nang maipalawanag ang pagkakaiba ng pagsasalita sa pagsulat na karaniwan ay hindi namamalayan ng mga bagong manunulat karaniwa harapang usapan, na karaniwang anyo ng usapan ng mga bata, ang tagapagsalita at tagapakinig ay may parehong kaalaman sa konteksto ng pinag-uusapan. Kaya kung gagamit ang tagapagsalita ng mga salitang tulad ng *doon at iyon*, makikita iyon ng tagapakinig at mauunawaan niya kung ano ang tinutukoy ing tagapagsalita. Kung hindi nama\'y maari siyang humingi ng paglilinaw. Hindi ganito ang nangyayari kapag tayo\'y sumusulat. Ang tagabasa o awdyens ay maaaring walang kamalayan sa kontekstong binabanggit ng tagasulat at napakalayo niya para magbigay ng pidbak ang gtagasulat. Sa ganitong kalagayan, dapat mabatid ng mga bata na kailangan ang maliwanag na paglalahad ng kaisipan sa pagsulat. Kailangang maipaliwanag nang malinaw kung ano ang \"doon at iyon.\" 3\. **Laging bigyan ng kamalayan ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagsulat.** Halimbawa, kung may ipadadala kang mahabang talaan ng mga bagay sa klase, ipakita ang kahalagahan ng pagsulat nito upang hindi makalimutan kung ano ang mga dadalhin. Ganyakin ang mga bata na l-gyan ng kaunting paliwanag o kapsyon ang kanilang mga drowing. Ito\'y magsisilbing tagapagpaalaala kung bakit at kailan isinagawa ang drowing at maaring magsilbing parang isang diary. 4\. **Ugaliing binabasahan ang klase ng iba\'t ibang uri ng babasahin**. Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga bagay na nagustuhan sa kuwentong binasa. Isama rin sa talakayan ang istilo sa pagsulat, ang pagpili ng mga salita, atb, kung kinakailangan. Ang gawaing ito\'y magsisilbing modelo sa mga mag-aaral kung sila ay magsisimula na sa pagsulat. Ang interralisasyon tungkol sa *story gramar*, istiio, atb. ay isang mahabang proseso at kailangan ng mga mag-aaral ng maraming karanasan sa isang uri ng babasahin bago nila maisaisip ang kayarian, istilo, konbensyon, atb. nito. 5\. **Linangin ang likas na kuryusidad at kasanayan sa pag-iisip ng mga mag-aaral.** Mahalaga ang mga ito upang mapayaman ang kanilang isipan para magkaroon sila ng kamalayan sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid. Kung wala sila nito, mahihirapan silang ipahayag ang ibig sabihin, kahit na may kasanayan na sila sa pagsulat at pagbaybay. *B. Mga Sulat-Kamay(Handwriting)* Ang sulat-kamay ay isang paraan ng pagbuo ng mga simbolo na kapag pinagtatabiay maaaring kumakatawan sa mga salita. Sa kabila ng paglaganap ng mga makinang *word process*, mahalaga pa rin ang kasanayan sa sulat-kamay; kailangan ito sa pagsulat ng mga draf ng komposisyon o mga liham, sa pagtatala ng mga mensahe at maikling kalatas. **Mga dapat isaalang-alang sa mga gawaing sulat-kamay:** a\. agwat sa pagitan ng mga letra ng isang salita at agwat at pagitan ng mga salita sa isang pangungusap; b\. wastong sukat ng mga bahagi ng mga letra; dapat bigyang pansin ang tamang laki at taas ng mga letra sa pagsulat at; ![](media/image4.png) c\. tamang pagsunod sa direksyon ng lapis sa pagsulat. Upang malinang ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga aspektong ito ng sulat-kamay, bigyan sila ng mga pagsasanay sa pagbakat/pagsulat ng mga letra ng alpabeto na ginagamit ang papel na may guhit na asul, pula, asul upang mabihasa sila sa tamang sukat at taas ng mga letra ng alpabeto. **MGA GAWAIN SA PAGSIPI/PAGKOPYA** Kailangan ng mga batang bago pa lamang sumusulat ang maraming gawain at pagsasanay sa pagsipi. Ito\'y hindi dapat maging mekanikal upang maiwasan ang pagkabagot ng mga bata. Ang pagsipi ay maaaring sa anyo ng laro, puzzle o di kaya\'y mga gawaing hahamon sa kanilang kakayahan sa pag-iisip. Tunghayan natin ilang mga gawain sa pagsipi. ***1. Paghahanda ng talaan ng mga bisita para sa isang bertdey parti*** Bigyan ang mga bata ng talaan ng mga mag-aaral sa kanilang klase. Sabihin na pumili sila ng sampung pangalan na iimbitahin nila sa kanilang bertdey parti. Sa gawaing ito, matutuhan ng mga bata na gumagamit ng malalaking titik sa pagsulat ng ngalan ng mga tao. ![](media/image5.png) 2\. Pag-uri at pagsipi Mula sa isang talaan ng mga salita, uuriin ito ng mga bata at ipasisipi. Pangkatin ang mga salita at isulat sa tamang pangkat ang mga ito. ![](media/image6.png) 3\. Krosword Puzzle Bubuuin ng mga bata ang krosword puzzle sa tulong ng mga inilahad na salita at mga larawan. 4\. Pagsipi ng isang tula Pagkatapos maisaulo/mabigkas ang isang tula, maaaring ipasipi ito sa mga bata sa isang pirasong papel. Maaaring palagyan ito ng mga angkop na larawan. Hindi basta nangyayari ang pagsulat sa tunay na buhay. Kai- langang may mabigat na dahilan para sumulat ang isang tao, hindi ba? Paano sa loob ng klasrum? Dapat laging isaisip ng guro ang pahayag sa itaas. Kailangan niyang lumikha ng mga sitwasyon na maghahawi na landas tungo sa pagbuo ng komposisyon. Isa sa maaaring isagawa ng guro ay isang pagkaklase na walang usapan. Sa halip, pasulat na komunikasyon ang dapat na pairalin. Ang mga praktikal at makabuluhang gawain sa pagsulat tulad ng paggawa ng talaan ng mga panauhin, talaan ng mga bibilhin, pagsulat ng mga mensahe at tagubilin ay mga gawaing dapat kalugdan ng mga batang bago pa lamang natututong sumulat. Ang mga gawaing ito\'y magbubukas sa kanilang kamalayan hinggil sa mga kadahilanan o layunin ng pagsulat, at pag-alam kung sino ang awdyens o tagabasa ng kanilang isinagawang pagsulat. Ito ang dalawang mahalagang aspekto na dapat isaalang-alang sa anumang gawaing pasulat. 1\. Sabihin: Bawal magsalita sa loob ng klasrum. Kung may kailangan o nais sabihin sa isang kaklase, kailangang gawin ito nang pasulat. *Narito ang ilang mga panimulang gawaing komunikatibo sa pagsulat:* ![](media/image7.png) 2\. Sabihin: Malapit na ang ating parti para sa pagtatapos ng taon. Sumulat ng talaan ng mga bagay na dapat gawin. Ang gawaing ito'y maaaring palawakin sa pamamagitan ng pagsulat sa isang kaklase tungkol sa magiging tungkulin niya sa gaganaping part. Dapat na magbigay ng tugon ang sinulatan. ![](media/image8.png) 3\. Ganyakin na pasulatin ang mga mag-aaral ng isang dyornal. Ito\'y maaaring isulat sa isang maliit na notbuk kung saan ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga naiisip, nadarama o ideya tungkol sa isang pangyayari sa kanilang buhay. Dahil ito\'y hindi iwinawasto, isa itong gawain sa pagsulat na panatag ang kalooban ng mga bata. Kung magagawa ng guro na bigyan ng ganting-tugon (isa-sa-isa) ang dyornal ng ilang bata, maaari itong maging daan sa pagtuklas ng mga hilig at kinalulugdang gawain ng kanyang mga mag-aaral. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Isang pragmatikong dulog sa pagdedebelop ng mga kasanayan sa pagsulat ng komposisyon ay sa pamamagitan ng pagpaplano ng mga gawain sa tanglaw ng isang kontinum gaya ng inilahad sa ibaba: ![](media/image9.png) Ang diagram na ito ay nagpapakita ng isang pragmatikong paraan upang matulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga kasanayan sa pagsulat. Ang proseso ay nahahati sa dalawang pangunahing yugto: **Pagtatamo ng Kasanayan at Paggamit ng Kasanayan.** **Pagtatamo ng Kasanayan** Ang yugtong ito ay nakatuon sa pag-unlad ng pangunahing mga kasanayan sa pagsulat, tulad ng: - **Mekanikal na pagsulat:** Ang pagsulat ng mga salita nang tama, pagbaybay, at paggamit ng tamang bantas. - **Mga kontroladong pagsulat:** Ang pagsulat ng mga teksto na sumusunod sa mga tiyak na panuntunan, tulad ng pagsusulat ng isang talata o isang sanaysay. **Paggamit ng Kasanayan** Ang yugtong ito ay nakatuon sa paggamit ng mga natutunang kasanayan sa pagsulat upang makipag-usap nang epektibo. Kasama sa yugtong ito ang: - Pagsulat sa tulong ng mga tala, tanong, larawan, atbp.: Ang paggamit ng mga visual aid upang suportahan ang pagsulat. - Pagpapalawak: Ang pagsulat ng mas mahaba at mas kumplikadong mga teksto. - Pinatnubayan/malayang komposisyon: Ang pagsulat ng mga teksto na walang tiyak na mga panuntunan, tulad ng isang sanaysay o isang kwento. Ang \"Kontroladong Pagsulat\" ay isang diskarte sa pagtuturo ng pagsulat na naglalayong magturo ng mga pangunahing kasanayan sa pagsulat, tulad ng pagsulat ng mga talata na walang kamalian. Ito ay isang epektibong paraan upang matulungan ang mga mag-aaral na umunlad sa kanilang mga kasanayan sa pagsulat at upang maiwasan ang mga pagkakamali. Ito\'y binubuo ng mga gawain sa pagsulat na maglalaan sa mga mag-aaral ng iba\'t ibang pagsanay sa pagsulat ng mga pangungusap o talata na walang kamalian. Ito ang unang hakbang tungo sa pagsulat ng komposisyon at tinatayang makatutulong ng malaki para sa mag-aaral na limitado ang kaalaman sa wika. Sa kontroladong pagsulat, mas higit ang input ng titser kaysa sa mag-aaral. Kábilang sa mga teknik na ginagamit sa kontroladong pagsulat ang mga sumusunod: *substitution tables, tumbasang pagsulat, tanong at sagot, pagbuo ng mga pangungusap at padikta.* **1. Ang paggamit ng substitution table** Ang paggamit ng substitution table ay isang epektibong paraan upang matulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga pangungusap at upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat. Unang Halimbawa *Panuto: Bumuo ng dalawang talata tungkol sa barbero at panadero sa tulong ng talahanayan sa ibaba.* ![](media/image11.png) Ikalawang Halimbawa Panuto: Bumuo ng dalawang magkaibang talata tungkol sa mga kasapi sa inyong mag-anak. Gamitin ang talahanayan sa ibaba. Punan ng angkop na salita ang bawat puwang. ![](media/image12.png) **2. Tumbasang Pagsulat (Parallel Writing)** Ang antas ng pagkontrol sa pagsulat ay maaaring mapag-iba-iba sa pamamagitan ng tumbasang pagsulat. Sa pinakamahabang antas, maaaring ang isagawa lamang ng mga bata ay ang pagpapalit ng mga salita (pangngalan, panghalip atb.). Sa mas mataas na antas ng pagkatuto, dapat ipaalam sa mga mag-aaral na ang isang pagpapalit ay maaaring mangailangan ng iba pang pagpapalit upang magkaroon ng kaisahan ang ipahahayag na kaisipan. Ito ay isang paraan ng pagtulong sa mga mag-aaral na bumuo ng mga pangungusap o talata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang modelo at pagkatapos ay pagtatanong sa kanila na magsulat ng isang katulad na pangungusap o talata. Halimbawa\ \ A. Pag-aralan ang modelo at bigyang-pansin kung paanong ginamit ang mga impormasyon sa pagsulat ng isang talatang naglalarawan. Gawain: Buuin ang talahanayan sa ibaba ng ilang impormasyon tungkol sa isang kamag-aral. Pagkatapos, sumulat ng isang paglalarawan sa kamag-aral na ito na mapagkikilanlan sa kanya kung sakaling ipahahanap mo ito sa isang kaibigan sa terminal ng bus. ![](media/image13.png) **3. Teknik na Tanong at Sagot** Ang teknik na ito\'y maaaring mamagitan mula sa kontrolado hanggang malayang pagsulat. Sa puntong kontrolado, ang mga mag- aaral ay bibigyan ng mga tala o di kaya\'y tekstong babasahin, pagkatapos ay pasusulatin sila ng mga sagot para sa isang serye ng mga tanong. Halimbawa: ![](media/image14.png) Sa halimbawang ito, matutuhan ng mga bata ang pagsulat ng talata nang may wastong pagkakasunodsunod. Nasa ibaba ang isang pinalawak na tanong-sagot na maaaring gawing gabay ng mga bata sa pagsulat ng isang talata. 4. **Pagpuno ng mga Puwang** Isang karaniwang teknik sa kontroladong pagpapasulat ay ang pagpuno ne puwang. Ang mga salitang ipupuno sa puwang ay batay sa mga aralin sa pagsulat o balarila na natutuhan ng mga bata. Ito ay isang paraan ng pagtulong sa mga mag-aaral na bumuo ng mga pangungusap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pangungusap na may mga nawawalang salita. ![](media/image15.png) **5.Padiktang Pagsulat** Ang teknik na padikta ay mahusay na gawain sa pagsulat sapagkat mahahantad ang mga mag-aaral sa iba\'t ibang halimbawa o modelo ng kayarian ng mga pangungusap at maayos na pagbubuo ng teksto. Sa gawaing ito\'y nahahasa rin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbaybay at paggamit ng iba\'t ibang bantas. Ito\'y maaaring gamitin sa mga mag-aaral na may iba\'t ibang antas ng kakayahan. Kailangan lamang ang maingat na pagpili ng teksto sa paggamit ng teknik na padikta. Ilan sa mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng teksto para sa pagsulat na padikta ay ang mga sumusunod: 1**. Haba.** Katamtaman lamang ang haba ng teksto at kailangang kawili-wili at makabuluhan. 2\. **Antas ng Kahirapan.** Ang talasalitaan at istilo ng pagkakasulat ay nararapat na angkop sa lebel ng mga mag-aaral. 3\. **Uri ng testo.** Upang maging makabuluhan ang gawain, ang mga teksto ay dapat na kumakatawan sa mga bagay na karaniwang idinidikta natin. sa tunay na buhay gaya ng memorandum, liham pangangalakal, mga panuto, at iba pa. 4\. **Ang teksto.** Kinakailangang may kaugnayan ang tekstong gagamitin sa mga paksa o te mang binasa o tinatalakay na sa klase. **Mga hakbang sa Padiktang Pagsulat** 1\. Unang Pagbasa. Basahin ang buong teksto sa normal na bilis upang magkaroon ang mga mag-aaral ng kabuuang ideya tungkol saan ang teksto. 2\. Sa ikalawang pagbasa ng teksto, basahin ito nang may wastong paglilipon ng mga salita/parirala sa normal na bilis, huminto nang bahagya sa katapusan ng bawat lipon ng mga salita/parirala upang maisulat ito ng mga mag-aaral. Ulitin kung hinihiling ng klase upang tanawin ng mga bata na ang padiktang hinihiling ng klase nagiliw ng gawaing interaktibo, at hindi pagsulat. 3\. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na basahin ang kanilang isinulat at hayaang iwasto ang mga kitang-kitang kamalian Pagkatapos basahin muli ang buong teksto upang maiwasto ng mga mag-aaral ang anumang pagkakamali. 4\. Idikit sa pisara ang orihinal na teksto upang maiwasto ng mga mag-aaral ang kanilang isinulat. Maaaring magpalitan ng papel dahil minsan ay mahirap makita ang sariling mga pagkakamali. Ang mga gawain sa pinatnubayang pagsulat ang tumatayong tulay sa pagitan ng kontrolado at malayang pagsulat. Mas higit ang input ng mga mag-aaral kaysa sa guro sa pinatnubayang pagsulat. Ang konteksto at anyo ng mga pangungusap ay hindi kina- kailangang itakda ng guro ngunit maaaring likhain nang tulong- tulong ng buong klase bilang isang gawain bago sumulat. Ang mga bunga ng talakayang pangklase ay kailangang isulat sa pisara. Ito\'y maaaring nasa anyo ng maikling tala, mga tanong, pagsang- ayon/di pagsang-ayon sa isang isyu. Ang mga talang isinulat sa pisara ay gagamitin ng bawat mag-aaral sa pagbuo ng sariling sulatin. Ang mga tala at mga tanong ang magsisilbing patnubay ng mga mag-aaral sa pagbubuo ng mga ideya/kaisipang tungkol sa paksang susulatin. **2. Pagsulat mula sa mga maikling tala** Mga Halimbawa: B. Panuto: Sumulat ng isang komposisyon na hindi kukulangin sa 100 salita. Gamitin at palawakin ang mga talang inilahad sa ibaba. Gawing kawili-wili ang yong komposisyon. **3. Dikto-Komp** Ang dikto-komp ay pinagsamang pagdikta at komposisyon. Ito\'y ginagamit upangsanayinang mga mag-aaral sa pagbuo ng isang tekstong idinikta. Ito\'y ginagamit upang mahimok ang mga mag-aaral na gumamit ng tiyak na anyong mga pangungusap at upang makabuo ng tiyak na uri ng teksto sa pagsulat-tulad ng pasalaysay, palarawan, panghihikayat, eksposisyon at pangangatwiran. **Mga Hakbang sa Dikto-Komp.** 1.Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga kayariang sintaktik na nais mong mapagsanayang gamitin sa pagsulat ng mga mag-aaral. 2\. Basahin ang buong teksto sa karaniang bilis sa pagbasa. Hayaang mapakinggan itong mabuti ng buong klase. Sa ikalawang pagbasa, sabihin sa klase na kailangan nilang magtala ng mahahalagang salita or parirala. 3.Pagkatapos, hayaang mag pares-pares ang mga mag-aaral at ipabuo muli ang tekstong napakinggan sa tulong ng mga initalang salita at/o parirala. 4\. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga mag-aaral (4-7 kasapi sa bawat pangkat) at hayaang ilahad ng bawat kasapi sa pangkat ang binuong komposisyon. Paghambing-hambingin ang mga binuong komposisyon at pabuuin muli ang bawat pangkat ng isang pinal na komposision. 5\. Ipakita ang orihinial na teksto nang buong-buo o di kaya\'y isa-isang ilahad ang mga pangungusap ng buong teksto. Ipahambing ang binuong teksto sa orihinal. Ang proseso sa pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit kung saan sinisimulan ang pagsulat at pagkatapos ay maaaring baguhin ang naisulat, susulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin. Maaaring sa kalagitnaan ng pagsulat ay huminto ang manunulat upang makaisip pa ng magagandang ideya o di kaya\'y sasangguni siya sa isang kaibigan o sa isang libro lalo na\'t hindi nakatitiyak sa kawastuhan ng ideyang nais na ilahad. Ang paglikha ng isang sulatin ay binubuo ng apat na malalawak na yugto: ![](media/image17.png) **1.Bago sumulat** - **Pagpili ng paksa:** Ang unang hakbang ay ang pagpili ng isang paksa na gusto mong isulat. - **Paglikha ng mga ideya**: Pagkatapos, kailangan mong mag-isip ng mga ideya na nauugnay sa iyong paksa. - **Pagbuo ng mga ideya:** Ang mga ideyang iyong nabuo ay dapat na palawakin at ayusin upang maging isang malinaw at organisadong sulatin. 2\. **Pagsulat:** Sa wakas, maaari mo nang simulan ang pagsulat ng iyong sulatin. 3\. **Paglalathala:** Ito ay ang proseso ng pagbabahagi ng sulatin sa iba, na kasama ang paglalathala, pagdidisplay, o pagbabahagi sa publiko. **MGA YUGTO SA PROSESONG PAGDULOG SA PAGSULAT** **1. Bago Sumulat** Ang yugtong ito sa pagsulat ay nagsisimula pagkatapos ihayag ng guro ang paksa o di kaya\'y pagkatapos ng guro ang pag paksang susulatin; tumatagal ito hanggang sa paglikha at paghahanap ng mga ideya at nagtatapos kapag isinusulat na ang unang burador (draft). Ang mga gawaing pangklasrum sa yugtong ito ng pagsulat ay iyong makatutulong sa mga mag-aaral sa paglinang ng mga ideya o di kaya\'y iyong magpapalinaw o magpapayabong ng kanilang orihinal na ideya. Ang talakayang pangklase o pangkatang talakayan ang mga karaniwang gawain sa yugtong ito. Ang mga larawan, tsart, artikulo mula sa mga pahayagan at magasin, audio-video recording ay ilan sa mga bagay na makagaganyak sa mga mag-aaral na mag-isip upang makalikha ng mga makabuluhang ideya. Ilan sa mga teknik na maaaring gamitin sa paglika/pagbuo ng mga ideya. ***a. Brainstorming.*** Batay sa paksang susulatin, pagbibigayin ang mga mag-aaral ng maraming ideya (salita o parirala); lahat ng ideyang ibibigay ng mga mag-aaral ay tatanggapin at isusulat sa pisara o sa manila paper; ang diin sa gawaing ito\'y ang dami. Inaasahang magbubunga ang gawaing ito ng higit na maraming ideya. ***b. Pagtatala.*** Ito\'y isahang gawain. Ang bawat mag-aaral ay hihikayating magtala ng mga ideyang kaugnay ng paksa hanggang sa makabuo siya ng isang mahabang talaan. Hindi kailangang isulat ito sa buong pangungusap. Ang pagtatala ay isang pagtitiyak na may listahan ang mga mag-aaral ng lahat ng mga ideyang nasa kanilang isipan upang hindi ito mawaglit sa alaala habang naglalahad sila ng iba pang ideya. ***c. Mabilis na Pagsulat.*** Sa tulong ng pamagat at ng pambungad aaral sagungusap, pasulatin nang tuluy-datang bawat mag aaral sa loob ng limang minuto. Kung wala siyang maisip na ideya, isusulat niya ang ganito "Ano ang susunod kong isusulat?" nang maraming beses hanggang sa may maisip siyang ideya. Patitigilin sa pagsulat ang klase pagkatapos ng limang minute. Maaaring magpalitan ang mga mag-aaral ng kanilang mga isinulat at talakayin ang mga ideyang ito nang pangkatan. ***d. Mind-Mapping.*** Katulad ng brainstorming, ang gawaing ito'y maaaring isagawa nang pagkatan o ng buong klase. Ang Gawain ay pasisimulan ng gusro sa pagsulat ng pangunahing salita o ideya sa gitna ng pisara. Ito'y susundan ng pagsulat ng mga kaugnay na ideya sa paligid ng ilong salita o ideya. ***e. Pagbuo ng mga ideya.*** Ang iba\'t ibang teknik katulad ng brain storming ay nakatutulong nang malaki upang makapagtipon ang mga mag-aaral ng maraming ideya para sa kanilang sulatin. Ang susunod nilang dapat gawin ay ang pagpili pagbuo ng mga ideya kaugnay ng paksang susulatin. Ipagawa ito nang isahan at hayaan silang magpasiya kung alin sa mga ideya ang isasama sa komposisyon at alin ang dapat na ilagay sa unahan, sa gitna at sa katapusan. Sa dakong ito, ipaplano na ang pagsulat ng komposisyon. **2. Pagsulat** ***a. Pagsulat ng Burador.*** Isusulat na ang unang burador batay sa planong isinagawa. Kailangan sa bahaging ito ang positibong saloobin upang malayang mailahad ng mga mag- aaral ang kanilang mga ideya sa paraang gusto nila, hindi pigil o takot na magkamali. Maaaring masiyahan na sila sa unang burador o di kaya maaaring gumawa sila ng mga pagbabago habang sumusulat. Paalalahanan ang mga mag- aaral na dapat isaisip lagi sa pagsulat ang layunin at kung sino ang target na tagabasa upang makapili ng angkop na mga salita, istilo at anyo ng mga pangungusap para sa sulatin. ***b. Pidbak/Pakikipanayam.*** Ang pakikipanayam ay napakahu- lugang yugto sa proseso ng pagsulat. Sa yugtong ito\'y nabibigyan ng ibayong patnubay ang mga mag-aaral kung paano nila mapapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat. Sa pamamagitan ng mga tanong at puna ng guro o ng isang kaklase, matutuklasan ng isang mag-aaral ang mga kabutihan at kahinaan ng kanyang komposisyon at daan ito upang mapalinaw at mapadalisay niya ang sulatin. May iba\'t ibang paraan ng pakikipanayam-isahan o di kaya\'y pangkatang pakikipanayam. Gawing maikli ang pakiki- panayam at bigyang-pokus ang nilalaman at ang pakahulugan dito. Tungkulin ng guro na bumuo ng mga tanong na gaganyak at susuporta sa mga pagsisikap na ginagawa ng isang mag-aaral sa pagsulat. ***c. Muling Pagsulat/Rebisyon.*** Pagtatapos, isusulat na muli ng mga mag-aaral ang kanilang komposisyon na isinasaalang- alang ang mga kaisipang natamo sa pakikipanayam. Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip habang isinusulat na muli ang komposisyon at hindi lamang basta kinokopya ang burador. Dapat bigyang-pansin ang pagpapabuti ng kanilang komposisyon sa pamamagitan ng wastong paglilinaw ng mga ideya at pagiging kawili-wili nito. ***d. Editing/Pagwawasto.*** Pagkatapos maisulat-muli ang komposisyon, maiwawasto na ito na bibibgyang-pansin ang nilalaman, pagbubuo, balarila at kayarian ng pangungusap. Hikayatin ang mga mag-aaral na gumawa ng sariling pagwawasto sa kanilang komposisyon bago ito ipasa sa guro. **3. Paglalathala (Publishing)** Ang paglalathala ay ang pakikibahagi ng nabuong komposisyon sa mga target na tagabasa. Kabilang sa gawaing ito ang pagbabasa sa klase ng kanilang sinulat, pakikinig sa pagbasa ng iba, paggawa ng isang buklet o album ng katipunan ng mga sinulat o di kaya\'y pagdidisplay sa bulletin board ng mga naisulat na komposisyon. Lalong mabuti kung maipalalathala ang ilang komposisyon sa pahayagang pampaaralan. **1. Gawing maluwag ang kalagayang pangklase** Maraming mag-aaral ang parang natitigilan kapag pinasusulat na ng guro. Maaaring ito\'y dahil sa hindi nila alam ang kanilang isusulat o kaya\'y alam nilang hindi magiging maganda ang kanilang susulatin. Ang unang hakbang na dapat isagawa ng guro upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay gawing maluwag ang kalagayan sa silid-aralan. Upang magkaroon ng isang bukas, tapat at kaiga-igayang kala- gayan sa klase, subukin ang mga sumusunod na gawain. a\. Pagpares-parisin ang mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan at hayaang kapanayamin ang isa\'t isa. Pagkatapos, hayaang ipakilala sa klase ng bawat isa ang kanilang kapares. b\. Ganyakin ang bawat mag-aaral na magkuwento tungkol sa isang karanasan na nagpapakita ng \"pagmamalaki sa sarili.\" c\. Magpakita ng retrato (pansarili o pampamilya) at magkuwento tungkol dito. Bigyang pansin ang mga sumusunod: Ano ang iyong naging damdamin ng kunan ang retratong ito? Masaya o malungkot ka ba? Bakit? Ano ang kaibahan mo noon at ngayon? Ano ang mahalaga sa iyo noong kuhanan ang retrato? Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-aaral at ipagawa rin ang ganito. **2. Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid** Ang mga manunulat ay sumusulat upang mailarawan ang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at sa daigdig na kanilang ginagalawang Upang maging matapat sa kanilang paglalarawan, kailangan maging sensitibo sila sa mga detalye at ito\'y nangangailangan nang masugid na pagmamasid. Ito ay isang mahalagang bahagi ng pagsulat dahil nagbibigay ito ng materyal para sa mga kwento, sanaysay, at iba pang uri ng komposisyon. Ang pagiging sensitibo sa mga detalye at ang masugid na pagmamasid ay makakatulong sa mga mag-aaral na lumikha ng mga masiglang paglalarawan at makabuo ng mga makatotohanang tauhan at tagpuan. **3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakagaganyak na papuri** Magiging kawili-wili sa mga mag-aaral ang pagsulat kung paminsan- minsan ay nagbibitiw ng mga papuri ang guro. Paano ba ang pamumuri? Paano ito naisasagawa? Narito ang ilang paraang maaaring sundin ng guro. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Gising ang Pandamdam: | Napagalaw mo ang iyong mga pan- | | | damdam\" | | | | | | \"Naging matalas din ang iyong | | | pandinig.\" | +===================================+===================================+ | Detalye: | \"Siguradong makikita ko ang | | | lugar na iyon; nailarawan mo ito | | | hanggang kaliit- liitang | | | detalye." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kapani-paniwala: | \"Tunay na alam mo ang lugar na | | | iyon.\" | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Mga Salitan kilos: | \"Kumikilos\...Gumagalaw\...tunay | | | na naga- mit mo nang mahusay ang | | | mga pandiwa." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Determinasyon: | "Alam kong nahirapan ka sa | | | pagsulat nito pero pakinggan mo | | | ang daloy ng iyong mga | | | pangungusap." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Tibay ng loob: | "Nakaranas na rin ako ng kabiguan | | | at minsan mahirap itong sabihin | | | sa iba. Subalit nagawa mo ito | | | kung kaya't maganda ang nagging | | | marka ng iyong papel." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Paggamit ng salita: | "Pansinin mo ang pares ng salitan | | | iyong ginamit patak sa bitak. May | | | bahagi bang matulain sa iyong | | | isinulat?" | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Imahinasyon: | "Naramdaman kong parang totoong | | | nandoon ako sa planetang iyon." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Dayalog: | "Nang papagsalitain mo ang iyong | | | tauhan, para silang mga totoong | | | tao." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Katatawanan: | "Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa | | | sa bahaging ito." | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **4. Sabihin: \"Ipakita! Huwag sabihin.\"** Tandaan na hindi sinasabi ng magagaling na manunulat ang kanilang naiisip o nadarama. Ipinakikita nila ito. Pansinin ang pahayag ng ito: \"Sa pagsilip ng buwan sa pinagtataguan nitong ulap ay biglang nagliwanag àng paligid. Maari itong sabihin na. \"Maliwanag ang buwan\". **5. Laging ipaalala ang wastong gamit ng salita, bantas at kayarian ng pangungusap.** **1. Lahat ba ng sulatin ay dapat tayahin?** Dalawang salik ang maaaring tumiyak sa katugunan ng tanong na ito: **A. Kapakinabangang Pedagohikal.** Ang pagtataya ba ng bawat gawain sa pagsulat ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makasulat ng mas magagandang sulatin? Halimbawa, kung gusto mong palagiang nagsasanay sa pagsulat ang mga mag- aaral sa pamamagitan ng pagpapasulat ng diary o dyorrial at magtatakda ka ng araw at oras upang ipasa at iwasto ang mga ito, maaaring mabawasan ang interes nila sa pagsulat at maging artipisyal ang gawain. Ang pangamba na matuklasan ang mga repleksyon nila sa buhay at pagtatangka sa paggamit ng iba\'t ibang anyo ng wika ay maaaring magsilbing hadlang sa pag-unlad nila sa pagsulat. Sa pagpapasulat ng diary o dyornal hayaang magkusa ang mga mag-aaral kung nais nilang ipakita at ipawasto ang kanilang mga isinulat. **B. Likas na Pagkukuro**. Sa isang klase na binubuo ng mahigit sa limampung mag-aaral at ang posibilidad na ang tinuturuang klase sa Filipino ay mahigit pa sa dalawa, magagawa ba kaya ng guro na basahin at iwasto ang bawat sulating ipapasa ng mga mag-aaral? **2. Sino ang dapat mag-ebalweyt at ano ang tungkulin ng ebalweytor?** Kung sa mga pagsusulit ang guro ang karaniwang nag-eebalweyt, sa mga gawain sa pagsulat, mas makabubuti kung ang mga mag- aaral na nagsasanay sa pagsulat at ang kanilang mga kaklase ay maisasangkot sa proseso ng ebalwasyon.\ \ ***Ebalwasyon ng Guro*** Ang guro ay karaniwan nang tinatanaw bilang tagapagpasiya sa isang pagsusulit ngunit sa pagtuturo\'y higit pa rito ang dapat na maging tungkulin niya. Unang-una, maaari siyang **tagabasa** ng mga likhang sulatin ng mga mag-aaral. Mahalaga ito, dahil isa sa mga suliranin sa pagpapasulat sa klase ay ang kawalan ng tunay na tagabasa. Sa pagbasa, kailangang maging isang tunay na tagabasa ang guro at hindi parang isang huwes na tagahatol. Kailangang sabihin niya nang tuwiran sa mag-aaral kung ano ang naibigan sa sulatin, ano ang hindi sinasang-ayunan, ano ang hindi malinaw at iba pa.\ \ Isa pang tungkulin ng guro ay **tagapayo** sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mungkahi upang mapabuti ang sulatin. Maaaring sabihin ng guro halimbawa ang ganito; \"Siguro kung daragdagan mo ng ilang detalye kung ano ang naging damdamin ni Lilia, maaaring maging kawili-wili ang iyong kuwento\" o \"Sana, hindi, mo na lang isinama ang bahaging ito. Binanggit mo na ito sa unang talata. Maaaring makabagot ito sa bumabasa.\" Sa ganitong tungkulin. dapat tandaan ng guro na ang mga pagbabagong hihilingin ay iyon lamang kayang isagawa ng mag-aaral. Isa pang tungkuling magagampanan ng guro ay maging dulugan o takbuhan. Maaaring sabihin ng guro ang mga salitang hindi nila maisip, ipaalam kung saan maaaring makuha ang mga impormasyong kakailanganin(hal. Diksyunaryo, ensayklopedya, atlas, atb.) at higit sa lahat, kailangang nandoon ang guro sa mga sandaling kailangan siya ng mga mag-aaral. **\ *Ebalwasyon ng isang kamag-aral*** Maraming maidudulot na kabutihan kung maeebalweyt ng isang kaklase o kaibigan ang sulatin: a\. Ang kaklaseng ebalweytor ay nagsisilbing tunay na tagabasa, na tumutulong sa mag-aaral na manunulat na maging sensitibo sa ideya ng awdyens sa pagsualt. Ang mga puna ng mga kaklase ay nagbibigay ng pananaw sa mga lakas at kahinaan ng sulatin, at nagtuturo sa mag-aaral na mag-isip nang malinaw at maunawaan ang iba\'t ibang reaksyon ng mga mambabasa. b\. Ang proseso ng paglikha ay isang prosesong pang-isipan na mahirap obserbahan. Ang mga talakayan sa ebalwasyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga proseso ng pag-iisip at matuto mula sa mga istratehiya ng kanilang mga kaklase. c\. Ang pag-eedit at rebisyon na isinasagawa ng mga mag-aaral ay nagbibigay-daan sa guro na magtuon sa mas malalalim na aspeto ng pagsulat, tulad ng organisasyon, istilo, at pagpili ng salita, upang mapabuti ang kalidad ng mga sulatin. ***Ebalwasyong Pansarili*** Pagkatapos maitakda ang gawain sa pagsulat, karaniwang binibigyan ng guro ng mga mungkahi ang mga mag-aaral upang maging maganda ang kanilang komposisyon. Nagbabasa ng kuwento ang mga tao upang maglibang. Kaya\'t kailangang maging kawili-wili ang mga kuwento. Kailangan malinaw na mailarawan sa isipan ng mambabasa ang tagpuan, tauhan, at mga pangyayari sa kuwentong kanyang binabasa. Ang kuwento ay huhusgahan hindi lamang sa punto ng maayos na paglalahad kundi kung ito ba\'y kawili-wili. Kung may kamalayan na ang mga mag-aaral sa iba\'t-ibang krayteryang ito bago pa man siya sumulat, malamang na pipilitin niyang maisaalang-alang ang mga ito sa kabuuan ng proseso sa pagsulat. Magagawa niyang maebalweyt ang sarili niyang isinulat at mapapanagutan niya ang sariling pagkatuto. **3. Anu-anong mga kaparaanan ang magagamit upang maging epektibo ang ebalwasyon?** Ang pagwawasto ng komposisyon ay isang nakakaubos ng oras na gawain para sa mga guro sa wika. Kailangan ng mahabang oras upang magawa ito dahil mahalaga ang pagwawasto upang: - Upang mapatnubayan ang mga mag-aaral sa rebisyon at pagpapaganda ng kanilang sulatin; - Upang gumanap bilang isang tagabasang nagtatanong para matulungan ang mga mag-aaral na maebalweyt ang kanilang isinulat; Upang matulungan ang mga mag-aaral na mapataas ang kalidad ng kanilang mga ideya; at - Upang maganyak ang mga mag-aaral na maging epektibong manunulat. **Iba\'t Ibang Paraan ng Ebalwasyon** Tatlong paraan ang karaniwang ginagamit sa ebalwasyon ng mga sulatin:\ \ ***1. Pagmamarkang Holistik*** Ito\'y gumagamit ng **Top-Down** na pananaw sa sulatin. Babasahin ng minsanan ang sulatin at bubuo ng isang panlahatang impresyon. Pagkatapos, babasahin ito nang masinsinan sa ikala- wang pagbasa upang makakita ng mga patunay upang mapangat- wiranan ang unang impresyon sa sulatin. Ibibigay ang mga puna (mga kabutihan at kahinaan) upang mapagbuti ng mag-aaral ang kanyang sulatin.\ \ ***2. Mapamiling Pagmamarka*** Sa ganitong uri ng pagmamarka, ipinababatid sa mga mag-aaral ang mga krayteryang dapat sundin sa pagsulat. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng ganito bago pasulatin ang mga mag-aaral: \"Ngayon, gusto kong bigyang-pansin ninyo sa inyong pagsulat ang wastong pag-uugrtay ng mga ideya o kaisipan.\" Sa pagwawasto ng komposisyon, iwaksi ang ibang \"kamalian\" at bigyang-pansin ang target na kasanayan.\ \ ***3. Dalawahang Pokus na Pagmamarka*** Maraming manunulat sa klase ang maaaring nagtataglay ng magaganda at orihinal na mga ideya subalit nasisiraan ng loob dahil mababa ang markarıg nakukuha. Ito\'y dahil sa medyo mahina sila sa wika. Magagawa ng gurong mapahalagahan ang maga- gandang ideya at kaisipan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng dalawahang pagmamarka-markang patitik para sa nilalaman at markang bilang para sa kasanayan sa wika. Kaya kung ang isang mag-aaral ay nakakuha ng markang A7, alam niyang magaganda ang mga ideya niyang inilalahad ngunit mahina ang paraan ng kanyang pagkakasulat. Ang panlahat na simulaing dapat isaalang-alang sa pagwawasto ng komposisyon ay ang pagkilala ng kung ano ang magandang nagagawa ng isang mag-aaral at hindi iyong mga negatibong puntos sa kanyang komposisyon. Laging pagsumikapan na ipaalala sa mga mag-aaral na ang pagkakamali ay mahalagang bahagi ng pagpapabuti at pag-unlad ng mga kasanayan sa pagsulat. Ito\'y nangangahulugan na dapat magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral na ang mga pagkakamali ay bahagi ng proseso sa pagkatuto. Huwag pabigla- bigla sa paggamit ng pulang bolpen sa pagmamarka ng mga kamailan. Iwasan ang paggamit nito upang hindi mabansagang \"red- devil-marker.\" Narito ang ilang paraan ng pagwawasto: ***a. Salungguhitan ang mga kamalian at huwag iwawasto.*** Ang teknik na ito\'y angkop kung ang kamalian ay naganap pagkatapos mapag-aralan ang tuntunin. Dapat iwasto ng mag-aaral ang sariling pagkakamali. Kailangan niyang isipin kung saan siya nagkamali at siya dapat ang magwasto ng pagkakamali. Sa puntong ito, dapat isaisip ng mag-aaral na ang pagwawasto ng kamalian ay isang aktibong proseso ng pagkatuto. Upang mapadali ang sariling pagwawasto, maaaring bumuo ang guro ng isang Panuntunan/Simbolo na gagamitin kasama ng pagsasalungguhit. Halimbawa ng mga simbulong maaaring gamitin ay inilahad sa ibaba: **Simbolo** **Uri ng Kamalian** ------------- -------------------------------- **Pb** **Maling baybay** **P** **Panahunan** **B** **Bantas** **MS** **Maling gamit ng salita** **MAS** **Maling ayos ng salita** **MA** **Maling anyo ng salita** **MT** **Malaking titik** **?** **Hindi malinaw** **\^** **Magdagdag ng salita** **X** **Alisin ito** **\#** **Bilang ( isahan/maramihan)** **/-/** **Bagong talata** b\. Kung ang pagkakamali ay nangyari dahil hindi pa alam ng mag-aaral ang tuntunin at/o hindi inaasahang alam na, hayaan na lamang ito. O di kaya sumulat ng ganito ang isihayaan \"Makipagkita sa akin at ipaliliwanag ko ang tuntunin.\" c\. Kung ang pagkakamali ay malimit at konsistent sa mga ipinasang sulatin, makabubuting tawagin ang pansin ng mag- aaral tungkol dito. Kung kinakailangan, maglaan ng mga pagsasanay upang malunasan ang mga pagkakamali sa pamamagitan ng mga laro o mga pagsasanay na pambalarila bago isagawa ang susunod na gawain sa pagsulat. d\. Kung may pangungusap sa sulatin na hindi mo maunawaan, mas mabuting lagyan ito ng? at sabihing makipagkita sa guro sa halip na burahin ito at isulat na lamang ng guro para sa mag-aaral. Sa kabuuan, ang mga na banggit na simulain, at estratehiya sa pagtuturo at pagtataya ng pagsulat ay nagsisilbing gabay upang matulungan ang mga guro at mag-aaral na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at kasanayan sa pagsulat. Ang mga ito ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng pagkamalikhain, lohika, at organisasyon sa pagbuo ng mga ideya, pati na rin ang epektibong pagpapahayag ng damdamin at opinyon. Sa pamamagitan ng tamang pagtuturo, ang mga mag-aaral ay nahuhubog upang maging mapanuri at malikhain sa kanilang mga akda, at natututo silang suriin ang kanilang sariling gawain at ang gawa ng iba upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagsulat. Ang pagtataya naman ay hindi lamang nakatuon sa nilalaman kundi pati na rin sa pagiging makabuluhan ng mensahe at bisa ng estilo, na siyang mahalaga sa tunay na pagkatuto sa larangan ng pagsulat.