ANG TEKSTONG NARATIBO PDF
Document Details

Uploaded by LovingAmazonite6279
Tags
Related
- ARALIN 1.2 - TEKSTONG DESKRIPTIBO AT NARATIBO PDF
- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungong sa Pananaliksik: Ang Tekstong Naratibo PDF
- Katangian at Kalikasan ng Iba't Ibang Uri ng Teksto PDF
- Pagsusuri ng Teksto GRP 4 PDF
- Modyul ng Iba't-ibang Teksto Tungkol sa Pananaliksik (Tagalog)
- PDF Reviewer para sa Midterm - Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad tungkol sa tekstong naratibo, isang uri ng teksto na nagkukwento ng mga pangyayari. Tinatalakay nito ang iba't ibang uri ng naratibo, mga elemento, at mga paraan ng pagpapahayag nito. Ang pag-aaral ng mga tekstong naratibo ay mahalaga upang maunawaan ang sining ng pagsasalaysay.
Full Transcript
ANG TEKSTONG NARATIBO Ito ay pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos napagkakasunod-sunod mula simula hanggang Iba't ibang uri ng naratibong teksto Maikling Kwento Nobela Kwentong Bay...
ANG TEKSTONG NARATIBO Ito ay pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos napagkakasunod-sunod mula simula hanggang Iba't ibang uri ng naratibong teksto Maikling Kwento Nobela Kwentong Bayan Mitolohiya Alamat Tulang Pasalaysay MAY IBA’T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA SA TEKSTONG NARATIBO UNANG PANAUHAN – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng magbagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig IKALAWANG PANAUHAN – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw susbalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sakanilang pagsasalaysay. IKATLONG PANAUHAN – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay tagapag- obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALOGO DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG - Ang tauhan ay direkta o tuwrirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. DI DIREKTA O DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG ang - Ang tagapagsalaysay naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi. MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO 1. Tauhan - may dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan- ang expository at ang dramatiko. a.Expository - kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan. b.Dramatiko - kusang magbubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Karaniwang Tauhan sa mga Akda a. Pangunahing Tauhan - bida, umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang katapusan. b. Katunggaling Tauhan - kontrabida, sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. c. Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. d.Ang May-akda - sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan Karaniwang Tauhan sa mga Akda a. Pangunahing Tauhan - bida, umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang katapusan. b. Katunggaling Tauhan - kontrabida, sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. c. Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. d.Ang May-akda - sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan 2. Tagpuan at Panahon Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at mahing sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari. 3. Banghay Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod- sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. Bangh i. Simula - pagpapakilalaay ng mga tauhan, tagpuan at tema ii. Suliranin iii.Kasiglahang hahantong sa aksiyong gagawin ng tauhan iv. Pangyayaring hahantong sa Kasukdulan v. Resolusyon o kakalasan vi.Makabuluhang Wakas Anachron (Pagsasalaysay na hindi y May tatlong uri nito: nakaayos.) a. Analepsis (flashback) - papasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. b. Prolepsis (flash-forward) - pumapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap. c. Ellipsis - mga puwang o patlang sa pagkasunod- sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal. 4. Paksa o Tema Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.