Bionote: Modyul sa Pagsulat ng Bionote (PDF)

Summary

Ang modyul na ito ay nagtuturo sa mga mambabasa kung paano sumulat ng isang bionote. Saklaw nito ang kahulugan ng bionote, mga katangian, at mga hakbang sa pagsulat. Ang dokumento ay nagbibigay ng gabay sa pagsulat ng epektibong pagpapakilala ng sarili at may kasamang halimbawa para sa karagdagang pag-unawa.

Full Transcript

MAGANDANG ARAW Modyul 3: PAGSULAT NG BIONOTE ANO ANG BIONOTE? BIONOTE Tinitignan ang bionote bilang “BIO” o BUHAY at “NOTE” o DAPAT TANDAAN, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandaan. Ang bionote ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng is...

MAGANDANG ARAW Modyul 3: PAGSULAT NG BIONOTE ANO ANG BIONOTE? BIONOTE Tinitignan ang bionote bilang “BIO” o BUHAY at “NOTE” o DAPAT TANDAAN, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandaan. Ang bionote ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa. Kalimitan itong naririnig na binabasa upang ipakilala ang napiling susing tagapagsalita ng palatuntunan. Sa ganitong paraan nabibigyang-ideya ang mga tagapakinig o mambabasa kung ano ang kakanyahan ng panauhing tagapagsalita sa loob ng sandaling panahon lamang. Ginagamit din ang bionote sa paglalathala ng mga journal, magazine, antolohiya, at iba pang publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala ng manunulat o ng sinumang kailangang pangalanan. Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at kredibilidad sa larangang kinabibilangan, ito rin ay isang daan para maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga nagbabasa. Bagamat may pagkakatulad sa mga impormasyon ang bionote, curriculum vitae, at autobiography ay Malaki pa rin ang pagkakaiba ng mga ito sa anyo at kalikasan ng bawat isa. PAGKAKAIBA NG BIONOTE, CURRICULUM VITAE O BIODATA, AT TALAMBUHAY O BIOGRAPHY Hindi ito gaya ng Ang curriculum vitae na Ang bionote ay maikli talambuhay tinatawag ding biodata ay dahil siniksik ang (autobiography) na naglalaman ng mga detalyadong personal na impormasyon mga impormasyon na ginagamit sa isinasalaysay ang mga sa pagsulat ng paghahanap ng impormasyon hinggil mapapasukang trabaho maikling paglalahad. sa buhay ng isang tao. Katangian ng Isang Mahusay na Bionote MAIKLI ANG NILALAMAN Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw HALIMBAWA Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan. Kinikilala ang mga mambabasa Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila. Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok Tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote. PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON MAHALAGANG IMPORMASYON DI-GAANONG - MAHALAGANG IMPORMASYON Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian HALIMBAWA: “Si Pedro ay guro, manunulat, negosyante, environmentalist at chef” Kung ibig pumasok bilang Guro sa panitikan, hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef. Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan Kung kinakailangan ay maaring isulat ang mga degree na iyong natapos o kaya naman saang paaralan nakamit ang degree na ito. Maging matapat sa pagbabahagi ng Analysis, business, corporate, data, document, evaluation, research... impormasyon Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Modyul 3: PAGSULAT NG BIONOTE Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote Tiyakin ang Layunin. 1 Ang layunin ang magsisilbi mong gabay kung ano ang mga impormasyon ang mahalagang isama at mula rito ay matutukoy mo rin ang magandag paraan upang mailahad ito. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote. 2 Mahalaga pagdedesisyon sa haba ng ang bionote sapagkat kadalasan ay may kahingian ang mga organisasyong humihingi nito. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib. 3 Ito ang makakatulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote. Simulan sa pangalan 4 Mahalaga ito dahil ang pangalang ang pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at natamo na paksa. Ilahad ang Propesyong Kinabibilangan. 5 Importanteng mabanggit na kabilang ka sa laranangang na may kinalaman sa komunidad ng iyong kikilala. Sa pamamagitan nito, maitataas mo ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay. 6 Dapat piliin lamang ang mga impormasyong ibibilang na maaring makapagpataas ng antas ng pagkilala sa iyo. Idagdag ang ilang di- inaasahang detalye. 7 Mahalaga na may element of surprise ang pagpapakilala sa iyo. Ito ay magandang teknik upang mapukaw ang interes nila, basta tiyakin na ito ay maiuugnay sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo. Isama ang Contact Information. 8 Makabubuting isama makipag-ugnayan sa iyo upang mapalawak ang network ang impormasyon kung paano posibleng sa propesyon at upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa ekspertis na larangan. Basahin at isulat muli ang bionote. 9 Sa pagbasa mo nito, makikita mo ang mga dapat mong ayusin, tanggalin man o dagdagan. Masusuri mo rin kung epektibo ang paglalahad nito. Mula sa iyong personal na mga puna, muli itong isulat. HALIMBAWA NG BIONOTE HALIMBAWA NG BIONOTE: Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag, koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma” Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University. Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang homeroom chairman, koordineytor ng Filipino at Sibika/HeKaSi at Assistant principal for Academics sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, Singapore, China (Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba‟t ibang panig ng bansa. Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino. Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod: Pangalan ng may-akda, kursong natapos (graduate at post-graduate), karangalang makamit, trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang nadaluhan, kontribyutor, angkop na kasanayan, akreditor, manunulat at iba pa. Modyul 3: PAGSULAT NG BIONOTE KWEN TAGUMPAY PANUTO: Sumulat ng sariling Bionote patungkol sa iyong nakamit sa kasalukuyang panahon Si Mark Jeyrald A. Alabat ay kasalukuyang guro sa paaralan ng St. Vincent Colle of Cabuyao. Siya ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino. Noong araw ng pagtatapos niya sa kolehiyo ay ginawaran siya ng parangal na Leadership Awardee. Siya din ay ginawaran ng parangal bilang Best in Pre-Service Teacher at Best in Demo. Siya ay nakapagtapos ng Senior High School sa paaralan ng Balibago Integrated High School at ginawaran ng parangal na With High Honors mula Baitang labing isa hanggang labing dalawa.Siya din ay naging representante ng kanilang paaralan noong High School sa mga patimpalak para sa Teatro. Ngunit ang lahat ng ito ay kanyang inaalay na pinaghuhugutan niya ng inspirasyon ay ang kanyang pamilya na kanyang pinagpapatuloy hanggang ngayon sa pag abot ng kanyang mga pangarap. Kung may mga katanungan ay maari siyang tawagan o imensahe sa mga numerong ito 09989269065 at 09652215657 PAMANTAYAN PUNTOS Nilalaman- Wasto at makatotohanan ang mga impormasyon na nakapaloob sa bionote para 10 kasalukuyang panahon Organisayon-Naayon ang estraktura sa tatsulok na tinalakay. 7 Katangian- Angkop ang buong sulatin sa katangian ng bionote na tinalakay 8 Gramatika- Wasto ang pagkakabuo ng bawat pangungusap sa bawat ideya ng sulatin. 5 KABUUAN 30 MAARING ILAGAY SA BUBUUING BIONOTE; ❑ Mga parangal at gantimpla o pagkilala na nakamit sa kasalukuyang panahon. ❑ Saan kasalukuyang nag-aaral, strand ang mga nakamit na gantimpala sa kahit anong kompetisyon sa kasalukuyan. ❑ Saan nakapagtapos ng Sekondarya at ang mga na parangal na nakamit noong mga panahong ito. ❑ Saan nakapagtapos ng Elementarya at ang mga matataas na parangal na nakamit noong mga panahong ito. ❑ Mga impormasyong makakatulong o iba pang kailangan sa Bionote

Use Quizgecko on...
Browser
Browser