Pagsulat ng Abstrak, Sinopsis at Bionote PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pagsulat ng Abstrak, Sinopsis, at Bionote sa Filipino. Inilalahad nito ang mga elemento ng isang Abstrak, kabilang ang mga bahagi nito, at ang mga hakbang sa pagsulat nito. Saklaw din ng dokumentong ito ang pagsulat ng mga Sinopsis at Bionote.

Full Transcript

# Pagsulat ng Abstrak - Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. - Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. - Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang n...

# Pagsulat ng Abstrak - Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. - Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. - Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. - Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom. - Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. - Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. - Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. - Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. - Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante. - Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. - Pang-apat, ito rin ay nakakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod. - Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. - Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan, at ang marami ay parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. - Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba't ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba't ibang uri ng propesyon. - Kaya naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod ang abstrak, synopsis o buod at bionote. ## Ang Abstrak - Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. - Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. - Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat. - Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract (1997), bagama't ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali/Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon. - Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat. ### Mga Bahagi ng Abstrak - **Pamagat**: Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin. - **Introduksyon o Panimula**: nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin, mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat. - **Kaugnay na literatura**: Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa. - **Metodolohiya**: Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain. - **Resulta**: Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin. - **Konklusyon**: Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa paksa. ### Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin. 2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. 3. Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. 5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa. ### Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak - Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. - Kaya naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. - Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak. 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon. 3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel. 4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. 6. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito mabuti ang abstrak. 7. Isulat ang pinal na sipi nito. # Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod - Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, pelikula, at iba pa. - Layunin nito ang mailahad ang nilalaman ng akda gamit ang sariling salita, upang maging malinaw ang diwa at mahahalagang detalye nito. - Karaniwang ito ay maikli—maaaring isang talata o ilang pangungusap lamang, at karaniwang 1/3 ng haba ng orihinal na teksto. - Sa pagsulat nito, mahalaga ang pagiging obhetibo o makatutuhanan at dapat maiwasan ang personal na opinyon. - Kailangang masagot nito ang mga tanong na Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? upang maging malinaw ang akda sa mga mambabasa. ### Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod 1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap. 4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay (gayunpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang daku, bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. ### Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis - Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. - Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. - Habang nagbabasa, magtala kung maaari ay magbalangkas. - Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat. - Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito. Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukwento. - Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod. # Pagsulat ng Bionote - Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. - Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. - Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. - Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. - Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. - Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyóng Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. - Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. ### Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote: 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga. 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. 5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawiliwili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka. 6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito. ### Katangian ng Bionote - **Maikli ang nilalaman**: Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. - **Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw**: Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. - Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan. - **Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market**: Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila. - **Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok**: Tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote. - **Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian**: Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote. - Halimbawa: "Si Pedro ay guro, manunulat, negosyante, environmentalist at chef”. - Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa hindi na kailangang banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef. - **Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan**: Kung may PhD halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito. - **Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon**: Walang masama kung paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. # Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod - Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na ginagamit para sa mga tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, pelikula, at iba pa. - Layunin nito ang mailahad ang nilalaman ng akda gamit ang sariling salita, upang maging malinaw ang diwa at mahahalagang detalye nito. - Karaniwang ito ay maikli—maaaring isang talata o ilang pangungusap lamang, at karaniwang 1/3 ng haba ng orihinal na teksto. - Sa pagsulat nito, mahalaga ang pagiging obhetibo o makatutuhanan at dapat maiwasan ang personal na opinyon. - Kailangang masagot nito ang mga tanong na Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? upang maging malinaw ang akda sa mga mambabasa. ### Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod 1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap. 4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay (gayunpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang daku, bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. ### Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis - Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. - Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. - Habang nagbabasa, magtala kung maaari ay magbalangkas. - Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat. - Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito. Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukwento. - Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser