Mga Hamon sa Pagkabansa sa Timog Silangang Asya (PDF)
Document Details
![CongenialElm4810](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-14.webp)
Uploaded by CongenialElm4810
Antique National School
Tags
Related
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog Silangang Asya PDF
- Mga Patakarang Kolonyal sa Timog Silangang Asya (Cambodia, Myanmar, at Vietnam) PDF
- Paglaya ng Asia at Timog-Silangang Asya PDF
- AP7-Q3-Week-2-Mga-Pamamaraan-ng-Pagtamo-ng-Kasarinlan-ng-mga-Piling-Bansa PDF
- Pagtamo ng Kasarinlan ng Piling mga Bansa sa Timog Silangang Asya - PDF
Summary
Ang papel na ito ay tumatalakay sa mga hamon sa pagbuo ng bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung. Tinalakay ang mga karanasan ng ilang mga bansa at ang mga isyu na kanilang hinarap.
Full Transcript
**Mga Hamon sa Pagkabansa sa Pangkontinenteng timog Silangang Asya Matapos ang Kumperensiya ng Bandug** Matapos ang komperensya ng Bandong ang komperensya ng bandong ginanap sa bandong Indonesia noong April 18 hanggang April 24 taong 1955 ito ay inorganisa ng mga bansang Indonesia Burma Pakistan sr...
**Mga Hamon sa Pagkabansa sa Pangkontinenteng timog Silangang Asya Matapos ang Kumperensiya ng Bandug** Matapos ang komperensya ng Bandong ang komperensya ng bandong ginanap sa bandong Indonesia noong April 18 hanggang April 24 taong 1955 ito ay inorganisa ng mga bansang Indonesia Burma Pakistan sri lanka at india at nilahukan ng 2 na bans na akatawan sa kalahati ng populasyon ng buong daigdig ang pangunahing layunin ng komperensya ay talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa kapayapaan gayundin ang mga gampanin ng mga bansang Third Word sa pag -unlad ng ekonomiya at pagtuldok sa naganap na kolonisasyon sa pagtatapos ng kumperensiya ay nakabuo ang mga kasaling bansa ng Final Communique na naglalaman ng mga deklarasyon at mahahalagang usapin kabilang na dito ang "Sampung Prinsipyo ng Bandung" **Sampung Prinsipyo ng Bandung** 1.Respect of fundamental human rights of the objectives and Principles of the Charter of the United Nations. 2.Respect of the sovereignty and territorial integrity of all nations. 3.Recognition of the equality among all races of the equality among all nations, both large and small. 4.Non-intervention or non interference into the internal affairs of another-counrty. 5.Respect of the right of every nation to defend itself, either individually or collectively , in conformity with the charter of the United Nations. 6\. A. Non -use of collection defense pacts to benefit the specific interests of any of the great power. B. Non -use of pressures by any country against other countries. 7.Refraining from carrying out threatening to carry out aggression ,or from using force against the territorial integrity or political independence of any country. 8.Peaceful solution of all international conflicts in conformity with the charter of the United Nations. 9.Promotion of mutual Interest of cooperation 10 Respect of Justice and of international Obligation **VIETNAM: Pagdami ng Boat People** Sa pagwawakas ng kumbensyon ng bandong ay nagpatuloy ang interbensyon ng Amerika na nagsilbing tagasuporta ng timog Vietnam at naging pinakamalaking kalaban ng komunistang bansa na hilagang Vietman sa pag -iisa ng dalawang Vietnam noong 1976 at pagkakaluklok sa kapangyarihan ng mga komunista ay sinubukan nitong sakupin ang katabi nitong bansa na Cambondia.ito ang naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng Vietnam at China Dahilan ng Sino -Vietnam War noong 1976. Ito ang naging sanhi ng kaguluhan sa Vietnam at ang pagdami ng **Boat People** o mga mamamayan ng Vietnam na tumakas sa bansa sakay ng mga bangka at barko upang takasan ang kaguluhan.ito ang naging sanhi ng kaguluhan sa Vietnam at ang pagdami ng Boat People o mga mamamayan ng Vietnam na tumatakas sa bansa sakay ng mga bangka at barko upang takasan ang kaguluhan.Sa simula ay maayos ang naging pagtanggap ng mga bansang Malaysia ,Hong Kong at Indonesia sa mga boat people ngunit kalaunan sila ay tinanggihan na rin dahil sa patuloy nilang pagdami at pagdating. Ang ibang boat people na nakapasa sa pagsasala at matinding inspeksyon ay nakarating sa Amerika, Canada , at Australia at doon ay nakapagsimula ng bagong buhay. Tinatayang nasa 1.5 milyong katao ang umalis sa Vietnam, 10% sa bilang na ito ay namatay dahil sa pamimirata, pagkalunod , paglubog ng barkong , gutom o kaya ay pagkauhaw. Mga Naganap na Pagbabago sa Vietnam - 1992 Nagkaroon ng bagong Konstitusyon - 1994 Natapos ang trade Embargo o 30 taong restriksyon sa kalakalan sa pagitan ng Vietnam at Amerika - 1995 Naayos ang diplomatikong relasyon sa Amerika at naging miyembro ng Asean - 2007 Naging opisyal na kasapi ng Word Trade organization - 2008 Natapos ang sigalot sa bansang Tsina hinggil sa hangganan ng teritoryong sa pagitan dalawang bansa. Sa kasalukuyang ay humaharap pa rin ang Vietnam sa mga isyung politikal gaya ng pagsusulong ng demokratisasyon kabilang din ang Vietnam sa mga bansang nagsusulong ng kanilang Karapatan sa dagat kanluranng Pilipinas. Mula nang maging liberal at bukas sa internasyunal na kalakalan ay naging mabilis ang pag-angat ng kanilang ekonomiya mula sa isa sa mga pinakamahirap na bansa sa Asnya. Isa ang turismo sa may pinakamalaking ambag sap ag-unlad ng kanilang ekonmiya. **Cambodia: pamumuno ni Sihanouk** Taong 1953 nang payapng makamit ng Cambodia ang kasarinlan mula sa mga Pranses sa ilalim ng pamumuno nu Haring Norodom Sihanouk. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay naging isang monarkiyang konstitusyonal ang Cambodia. 1955 nang siya ay bumaba bilang hari at pinalitan ng kanyang ama. Siya naman ay nagsilbi bilang Punong Ministro hanggang 1960. Bagamat ninais ni Sihanouk na maging neutral sa panahon ng Cold War ay pinayagan niya ang mga gerilua mula Hilagang Vietnam na magtago at gamitin ang mga lugar sa Cambodia bilang ruta patungo sa Timog Vietnam. At dahil sab anta ng Amerika sa seguridad ng bansa ay pinutol ni Sihanouk ang ugnayan nito sa Hilagang Vietnam. Nabuo ang tensiyon sa pamahalaanng Cambodia nang magsimulang maitatag at magrebelde ang Partido Komunista ng Kampuchea laban sa pamahalaan ni Sihanouk. Nagkaroon ng mga digmaang sibil sa loob ng bansa kaya't napilitang humingi ng tulong si Sihanouk sa Amerika. Sinimulang bombahin ng Amerika ang mga lugar sa Cambodia na pinaghihilaang pinagtataguan ng mga komunista mula sa Hilagang Vietnam. 1970 nang siya ay tanggalin bilang ulo ng Cambodia at hinatulan ng kamatayan kayat siya ay napilitang magtago at humingi ng tulong sa Tsina. Habang nasa Tsina ay kanyang itinatag ang kilusang gerilya na tinatawag na **Khmer Rouge** sa tulong ng **Communist Party of Campuchea** at Hilagang Vietnam. Sa pamumuno ni Heneral Saloth Sar o mas kilala sa tawag na **Polpot** ay napabagsak ng **Khmer Rouge** ang pamahalaang demokratiko ng Cambodia. Tinawag ni Pol Pot ang panahon ng kanyang pamumuno bilang **Year Zero** dahil sa layunin niyang muling umpisahan ang kasaysayan ng Cambodia. Ang pamumuno ni Pol Pot ay itinuturing na malagim na bangungot sa kasaysayan ng Cambodia. Siya ay nagpatupad ng mga batas na naglilimita sa kalayaang magpahayag at makipag-ugnayan sa labas ng bansa. Snira ang anumang lugar, bagay at kagamitang may kinalaman sa relihiyon, tradisyon at kasaysayan ng bansa. Marami ang naging biktima ng biglaang pagdakip, torture at sapilitang paggawa. Marami ang ipinapatay na lider ng relihiyon, opisyal ng pamahalaan, negosyante at maging mga ordinaryong mamamayan. Nakaransa din ng matinding taggutom ang mga mamamayan dahil sa limitadong supply ng pagkain sa bansa. Tinatayang umaabot sa 1.7 milyon ang mga taong namatay sa tatlong taong pamumuno ng Khmer Rouge sa bansang Cambodia. Tuluyang nagtapos ang rehimen ni PolPot nang salakayin ng Vietnam ang Cambodia. Ang madilim na bahagi ng kasaysayan na ito ng Cambodia ay nag-iwan ng malalim na sugat sa bansa particular sa politika at ekonomiya. Dahil sa pagnaanis ng pamahalaan ng Camdodia na muling makabangon at dahil na rin sa tulong ng United Nations ay unti-unting naisaayos ang Sistema ng pamahalaan sa Cambodia. 1991 -- Ang lahat ng paksiyon sa Cambodia ay nagkaisang wakasan ang gulo. 1993 -- Muling naibalik ang monarkiya sa Cambodia at naging hari muli si Narodom Sihanouk Laos: Komunismo sa Bansa Sa panahon ng Kumperensiya ng Bandung ay nakamit ng bansang Laos ang kaniyang kasarinlan ngunit nahati naman ito sa dalawang paksiyon: 1. Royalista -- Mga nanatiling tapat sa monarkiya 2. Pathlet Lao -- Komunistang Pangkat 1975 ay nagsimulang pamunuan ng mga komunista ang bansang Laos matapos nitong maagaw ang kapangyarihan kay **Haring Savang Vatthana** na noon ay napilitang bumaba sa trono bilang hari. Ang dating Pathlet Lao na naging **Lao's People Front** ay nagtatag ng pamahalaan na pinangalanang **The Lao Peoples Republic** kung saan nagkaroon ng iisang partidong politikal sa bans ana pinangalanang **Lao People;s Revolutionary Party (LPRT). Si Haring Kayson Phnomvihane** ang nagsilbing Punong Ministro. Laos: Mga Pagbabago Ang mga sumusunod na taon ay naging mahirap para sa bansang Laos dahil sa laganap na kagutuman na naging rason ng pagtakas ng maraming mamamayan patungong Thailang. 1986 nang simulang ayusin ang ekonomiya ng bansa at naging market oriented. Binuksan ang bansa sa turismo at pandaigdigang kalakalan. 1991 -- Lumagda ng kasunduan ng seguridad at kooperasyon sa bansang Thailand 1994 -- Nabuo ang Frienship Bridge sa Ilog Mekong na nag-uugnay sa dalawang bansa 1995 -- Natigil ang embargo o ban sa kalakalan ng Laos at Amerika 1997 -- naging miyembro ng ASEAN 2000 -- Naaprubahan ng International Monetary Fund 2004 -- nagsilbing host sa ASEAN Summit 2013 -- Naging kasapi ng World Trade Organization Laos: Estado ng Kapayapaan sa Bansa Patuloy na nananatili ang problema ng bansa sa mga pangkat etnikong Hmong na isang minoryang pangkat na nagmula sa Tsina. Sa pagitan ng 1960-1970, ang mga kalalakihan mula sa pangkat ng Hmong ay lihim na inorganisa ng Central Intelligence Agency ng Amerika upang labanan ang komunismo. Sa pagkatalo ng Amerika sa naganap na naganap na **Digmaang Vietnam noong 1975** ay nalagay sa isang delikadong sitwasyon ang mga Hmong dahil sa kanilang ugnayan sa Amerika. Marami sa kanila ang naging biktima ng pag-atake at pagpatay. Marami din sa kanila ang nakatakas at nakarating sa bansang Thailand at duon ay naging mga refugee. Marami din sa kanila ang nanatili sa kanilang mga kampo at nag-antay ng oportunidada na makalipat sa Amerika. 1990 ay maraming Hmong ang nailipat patungong Amerika, Canada at France sa ilalim ng **US Refugee Program.** **MYANMAR** Ang bansang ito ang isa sa mga nagpasimula ng Kumperensiya ng Bandung sa pangunguna ng Punong Ministro nito si U NO (THankin Nu). Sa kanyang pamumuno ay nabuo ang mga paksiyon na kontra sa pagpapatupad ng Budismo bilang pangunahing relihiyon at pagiging bukas niya sa ideya ng separatism na hindi nagustuhan ng militar. MYANMAR: Mga Kudeta 1962 nang maganap ang kudeta sa Myanmar sa pamumuno ni **Hen. Ne Win. Layunin ng kudeta na buwagin ang sistemang pederalismo at isulong ang sosyalismo.** Sa pagkakaupo ni Hen. Ne win ay naging komunistang bansa ang Myanmar sa kalaunan ay nagtatag sa **Burma Socialist Programme Party o BSPP.** Ang mahabang panahon ng pamumuno ng BSPP sa Myanmar ay nagdulot ng labis na paghihirap at kabi-kabilang isyu at sigalot. 1988 ay nagkaroon ng malawakang kilos protest ana nilahukan ng libo-libong estudyante, Kabataan at maging mga propesyunal na nagsusulong ng demokrasya sa bansa. MYANMAR: Mga KudetaCouncil Isa sa mga naging simbolo ng kilos protestang ito ay si Aung San Suu Kyi, ang anak ng Ama ng Kalayaang Burmese na si Aung San Bogyoke. Pinamunuan ni Suu Kyi ang mapayapang paraan ng pagpoprotesta na nagresulta sa ikalawang kudeta na pinangunahan ni **SAW MAUNG.** Sa naganap na ikalawang kudeta ay itata ang State Law and Order Restoration Council at itinatag naman ni Suu Kyi ang National League for Democracy. Sa pagpapatuloy ng malawakang pag-aaklas ay tinatayang humigit kumulang sampung libong katao ang namatay. MYANMAR: Panunungkulan ni Suu Kyi 1990 nang magkaroon ng halalan ng Myanmar kung saan ay ideneklarang panalo ang Partido ni Aung San Suu Kyi sa isang landslide victory. Hindi ito kinilala ng pamahalaang military at sa halip ay inilagay si Suu Kyi sa ilalim ng HOUSE ARREST. Ang mga sumusunod na taon ay mailalarawan na panahon ng kaguluhan sa Myanmar dahil sa malawakang kaguluhang etniko, laganap na krimen at mga pagpatay. 1995 -- Pinalaya si Suu Kyi mula sa kanyang House Arrest 1997 -- Naging kasapi ng ASEAN ang Myanmar 2010 -- Muling ipina-aresto at sumailalim sa House Arrest 2012 -- Nanalo bilang miyembro ng Parliamento Sa panahon ng panunungkulan ni Suu Kyi ay inulin siya ng kontrobersiya tulad ng paglabag sa karapatang pantao at diskriminasyon sa lahi ng mga **Rohingya.** Ang mga Rohingya ay isang pangkat etnikong muslim na ilang daang taon nang naninirahan sa Myanmar at dahil ang bansa ay dominado ng relihiyong Budismo, ang paninirahan ng mga Rohingya ay hindi kinikilala ng estado. Sa panahon ni Suu Kyi naganap ang malawakang **Genocide** o pagpatay sa pangkat ng mga Rohingyan sa Myanmar. Tinatayang umaabot sa 25, 000 -- 40,000 ang namatay sa ginawang pag-atake sa kanila ng mga militar. Libu-libong Rohingyan ang lumikas patungo sa Bngladesh upang takasan ang kaguluhan na umaabot sa 960,000 ayon sa ulat ng UNHCR o United Nations High Commission for Refugees. Ang kawalan ng aksyon ni Aungsan San Suu Kyi sa pangyayaring ito ang sumira sa kanyang imahe. Ang kanyang administrasyon din ay inakusahan ng pagpatay sa mga mamamahayag. 2021 ay muling nagkaroon ng kudeta sa Myanmar na nagpabagsak sa administrasyon ni Suu Kyi. Siya rin ay nahatulan ng 33 taon ng pagkakakulang sa kasong korupsiyon at kasalukuyang nakakulong sa isang gusaling pagmamay-ari ng pamahalaan. **THAILAND** Ang Thailand ay hindi nakaranas ng tuwirang kolonisasyon kaya sa loob ng mahabang panahon ay naging Malaya ang bansa sa pagpapatupad ng sarili nitong polisiya. Sa loob ng mahabang panahon, ang Thailand ay nagsilbing Buffer State o bansang hindi maaring sakupin o pumanig sa dalawang bansa dahil maari itong pasimulan ng kaguluhan. Sa kabila nito ay hindi nangangahulugan na ang bansa ay walang kinakaharap na problema. Ito ay naranas ng mga panloob na pagsubok na nag-ugat sa tunggalian ng mga military at sibilyan. Ang Thailand ay tagasuporta ng Amerika at naging miyembro ng SEATO o Southeast Asian Treaty Organization bilang pagsuporta sa laban kontra komunismo. SEATO- Australia, France, New Zealand, Pakistan, Philippines, Thailand, United Kingdom, at United States Ang pagsali ng Thailand sa SEATO ay nakatulong ng Malaki sa bansa dahil sa tulong military na natanggap nito mula sa Amerika noong 1951-1957. Kapalit naman ng suportang ito ng Amerika ay ang pagpayag ng Thailand na ipagamit ang kanilang mga base-militar. Sa pangamba noon ng punong ministro ng Thailand na si **Plaek Phibunsongkhram** na lumaganap ang komunismo sa bansa ay nagsagawa siya ng pag-atake at paniniil sa komunidad ng mga Tsino na naninirahan saThailand. Kaniyang ipinaresto ang mga lider na maaring tumiwalag sa bansa particular ang mga Lao sa Hilagang Silangan at mga Malay sa Timog. Ang mga sumunod na panahon ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan sa pagitan ng military at pamahalaan kung saan ay kabi-kabilang kudeta ang inilunsad ng militar. Isa sa kudetang naganap ay noong 1957 kung saan ay pinatalsik si **Sarit Thanarat** si Phibunsongkhram at muli niyang ginawang popular ang monarkiya sa Thailand. Dahil sa isyu sa pamamahala ay bumagsak ang military na pamumuno sa Thailand dahil rin sa sunud-sunod na protest ana nilahukan ng mga estudyante na nagresulta ng pagkakaroon ng malayang halalan noong 1973. Sa kasamaang palad, dahil sa kahinaan ng pamahalaang naitatag ay muling naibalik sa pamahalaang militar ang bansa noong 1976. Nasundan ito ng pagkakatatag ng isang bagong konstitusyon noong 1978. 1991 ay nagkaroon ng ikawalong kudeta sa bansa at nasundan ng isang eleksiyon noong 1992. Si **Chuan Leekpai** ang Nahalal na pinuno mula sa Partido Demokratiko. Makalipas ang tatlong taon, siya naman ay pinalitan ni **Banharn Silpa-Archa.** Dahil sa tensiyong politikal dulot na rin ng mga inilunsad na kudeta ay nagkaroon ito ng malaking dagok sa ekonmiya ng bansa. Bumaba ang halaga ng Baht na nagbunga ng pagkalugi ng maraming Negosyo at kawalan ng trabaho sa bansa. 2004 nang magdeklara ng Batas Militar sa katimugang bahagi ng bansa na dominado ng mga muslim. Ito ay matapos ang sunod-sunod nap ag-atake na ikinasawi ng mahigit sa isang daang tao. Ang mga pag-atake ay isinisisi sa mga etnikong Malay nan ais mag-sarili ng bansa. 2016 nang pumanaw ang pinakamatandang monarko ng Thailand na si **Haring Adulyadej** na namuno sa loob ng 70 taon. Siya ay pinalitan ni Haring Vajiralongkorn na lumagda sa isang bagong konstitusyon noong 2017 na nagsusulong ng pagbabalik ng demokrasya sa bansa. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang bansa sa pagkilos upang masulusiyunan ang mga problema kaugnay ng presensiya ng mga muslim na nais humiwalay. **MHA HAMON SA PAGKABANSA SA PANGKAPULUANG TIMOG SILANGANG ASYA MATAPOS ANG KUMPERENSIYA NG BANDUNG** Pagkatapos ng kumperensiya ng Bandung ay unti-unti rimg naging Malaya ang mga bansa sa rehiyon mula sa kolonisasyon. Kasabay ng paglayang ito ay ang mga hamon sa pagkabansa na humubog at nagdikta kung saan tutungo ang mga bansang ito sa hinaharap. INDONESIA Ang pamahalaan ng Indonesia ay nakaranas ng mga isyu at problema dulot ng pagiging isang bagong tatag na bansa. Ang pagiging archipelago ng bnasa ay isa din sa naging sagabal sa pagkakaisa ng mga mamamayang naninirahan dito. ANG MGA HAMON SA PAMUMUNO NI SUKARNO Si Sukarno ang naging unang pangulo ng Indonesis ng ito ay maging Malaya noong Agosto 17, 1945. Kanyang ipinatupad sa bansa ang **Guided Democracy.** Isang sisstema na naglalayaong ayusin ang dibisyong politikal na sanhi ng parliamentong pamahalaan. Ang Guided Democracy ay nakabatay sa tradisyunal na pamahalaan sa Indonesia kung saan ang mga desisyon at usapin ay idinaraan sa pagkakasundo at opinion ng mga nakakatanda sa nayon. Ang mga mapag-uusapan dito ang magsisilbing gabay ng pangulo sa kaniyang pamumuno. Nabawasan ang kapangyarihan ng mga Partido politikal at mas nabigyan ng pansin ang opinion ng mga konsehong tagapayo. Sa ilalim ng pamumuno ni Sukarno ay ang relihiyong **Islam** ang naging pangunahing relihiyon sa bansa. Unti-unti rin naging popular ang **Partido Komunis Indonesia** (PKI) na binigyanng pabor ng pamahalaan. Bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagtanggi nito sap ag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto dahil sa paniniwalang makakaya ng bansa na suportahan ang sarili nito. Nagkaroon ng isang kudeta na tinawag na **September 30^th^ Movement** na pinamunuan ni Suharto at siyang nagpabagsak sa administrasyon ni Sukarno. Sa pagkakaupo ni Suharto sa pwesto ay kanyang binago ang mga polisiyang nabuo sa ilalim ng pamahalaan ni Sukarno. Binuksan ang ekonomiya ng bansa sa mga dayuhang pamumuhunan at nabawasan ang mga isyu at away politikal ng mga Partido ng bansa. Ang pamnuan ni Suharto ay tinawag na **NEW ORDER:** 1. Binuwag ang aristokratikong impluwesniya ng mga pamilya 2. Maraming opisyal sa military ang nabigyan ng katungkulan sa pamahalaan 3. Naging prominente ang pag-angkat ng mga negosyanteng Tsino 4. Tumibay ang relasyon sa ibang bansa at naging miyembro ng ASEAN at APEC Sa mga huling taon ng pamumuno ni Suharto ay sari-saring problema ang kanyang kinakaharap: 1. Bumagsak ang halaga ng Rupiah dahil sa Economic Crisis ng 1997 2. Ang kaguluhan sa Jakarta dahil sa karahasan laban sa mga lahing Tsino-Indonesian na naganap noong 1998 kung saan tinatayang umaabot sa isang libo ang namatay 3. Kabi-kabilang kilos protesta laban sa kanyang pagbibitiw bilang pangulo noong mayo 21, 1998 **MALAYSIA** Sa pagtatapos ng kumperensiya ng Bnadung, ang Malaysia ay tinatawag na **Pederasyon ng Malaya** na nasa panahon nga kaguluhang panloob dahil sa paglaganap ng komunismo sa bansa. 1957 - nang makamit ang Kalayaan mula sa mg Ingles 1963 -- napabilang sa Pederasyon ng Malaya ang mga dating kolonya ng Ingles na Sabah, Sarawak, at Singapore. Ang pagsasanib na ito ay nakatulong sa mga nasabing teritoryo pero hind isa Singapore dahil sa mga nagaganap na awayan ng mga pangkat etniko. Upang maiwasan ang higit na kaguluhan ay tinanggal ang Singapore sa Pederasyon noong 1965. Katulad ng ibang bansa sa Timog Silangang Asya, ang Malaysia mayroon din isyu sa mga pangkat etniko na naninirahan sa kanyang bansa. MGA HAMONG DULOT NG MGA PANGKAT ETNIKO Malay -- 57% Tsino 26% Bumiputra 7% Dayuhan 9% at iba pang lahi 1% Kaya noong 1971 ay pinasimulan ang NEP (New Economic Policy) na naglalayong isulong ang balanseng pamamahagi ng yaman at pag-unlad ng ekonomiya na pinaghaharian lamang ng minorya. Sa ilalim ng pamumuno ni Mahathir Mohamad MGA HAMONG PANG-EKONOMIYA ilalim naman ng pamumuno ni **Mahathir Mohamad** (1981-1987) bilang Punong Ministro ay nagkaroon ng estabilisadong politika ang Malaysia na kailangan para sa paglago ng ekonomiya. MAHATHIR MOHAMAD 1. Pinayagan ang dayuhang pamumuhunan 2. Inayos ang Sistema ng pagbubuwis 3. Binawasan ang taripa sa kalakalan 4. Privatization ng mga pampublikong Negosyo Sa kanyang pamumuno ay naging maunlad ang sektor ng industriya ng Malaysia. Dumami ang bilang ng mga Gitnang Uri sa bansa at tumaas ang bahagdan ng literacy at humaba ang pag-asa sa buhay. Sa pagpasok ng dekada 90 ang ekonomiya ng Malaysia ay unti-unting dumanas ng krisis pang-ekonomiya dulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni **Mahathir at Anwar Ibrahim** na siyang inaasahang humalili sa kanya bilang punong ministro. Ang pagsuporta ni Anwar sa pagkakaroon ng bukas na pamilihan at malayang pagpasok sa bansa ng pamumuhunan ng mga dayuhan ay taliwas sa layunin ni Mahathir na nawawalan ng tiwala sa mga kanluraning bansa. MGA Hamon sa Pamunuan ni Mahathir Mohamad Taong 2003 nang magbitiw sa pwesto bilang Punong Ministro at pinalitan ni **Abdullah Ahmad Badawi.** Sa **usaping** pangkapayapaan ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga komunista at pamahalaan noong 1989-1990 ngunit nagpatuloy pa rin ang away sa pagitan ng mga pangkat etniko sa bansa. Taong 2015 ay nasangkot ang punong Ministro ng bans ana si Najib Razak at nahatulan ng 12 taong pagkakakulong matapos lustayin ang mahigit \$4.5B sa pondo ng **1 Malaysia** **Development Berhad** (1MDB) na siyang nagsisilbing sovereign wealth fund ng bansa. SINGAPORE Sa paglaya ng Singapore sa mga British bilang kolonya noong 1959 agad na bumuo ito ng sariling pamahalaan kung saan Nahalal si **Lee Kuan Yew** bilang Punong Ministro. 1963 ay napagdesisyunan ng bans ana maging bahagi ng **Pederasyon ng** **Malaya.** Sa kasamaang palad, dahil sa nabuong tensiyon sa pagitan ng mga pangkat atniko ay hindi nagtagal ay nagdesisyon ang Malaysia na itiwalag ang Singapore sa pederasyon noong 1965. MGA HAMON SA PAGSISIMULANG MULI Sa pagkakahiwalay ng Singapore sa Pederasyon ng Malaya ay kinakailangan nitong mag-umpisang buuin ang isang estabilisadong politika at ekonmiya. Ito ang nagtulak kay LEE KUAN YEW na gumawa ng matatag at estratehikong plano para sa pagsusulong ng pambansang kaunlaran. Sa kanyang pamumuno sa loob ng 30 taon (1959-1990) ay nakilala ang Singapore bilang isa sa mga pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Mula sa pagiging bagsak na ekonomiya ay kanyang inakay ang bansa sa pag-unlad. Binibigyang pansin ang kawalan ng trabaho sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga pabrika na nakatuon sa pagmamanupaktura. Paghikayat sa mga dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagpasok sa bansa ng **Multinational Companies** (MNCs) MGA HAMONG DULOT NG PANGKAT ETNIKO Ang Singapore ay dumanas din ng isyung pangkapayapaan dahil sa pangkat etniko. Upang solusyunan ito gumamit si Lee Kuan Yew ng kamay na bakal sa pamumuno. Diktaturya ang paraang ng pamumuno na ginamit ni Lee Kuan Yew. Naging kilala siya sa pagpapatupad ng mahigpit na batas lalo na sa aspekto ng disiplina. Sa kabila nito ay hindi maipagkakaila ang kanyang naging kontribusyon sap ag-unlad ng bansa. Ipinatupad niya ang **Internal Security Act 1960** na nagsusulong na ikulong ang isang akusadong nagsisilbing banta sa estado kahit walang nagaganap na paglilitis. Nakilala din siya sa pagpapatupad ng mahigpit na batas at pagpataw ng parusang kamatayan sa paggamit ng baril at droga. Sa kasalukuyan ay nananatiling maunlad na bansa sa ilalim ng pamumuno ni **Lee Hsien Loong**. Patuloy ang mabuting relasyon sa ibang bansa at inobasyon pagdating sa teknolohiya at edukasyon. BRUNEI Ang Brunei ang katangi-tanging bansa sa ASEAN na pinamumunuan ng isang Sultan. Ang pagkakadiskubre ng langis sa bansa ang isa sa dahilan sa pagsulong ng bansang Brunei. Sa pamumuno ni **Omar Ali Saifuddien III** ay naisulat ang unang konstitusyon sa Brunei kung saan ang relihiyong Islam ang itinalaga bilang opisyal na relihiyon. MGA HAMON SA PAMUMUNO NI HASSANAL BOLKIAH Sa pag-upo ni **Hassanal Bolkiah** sa pwesto bilang Sultan noong 1967 ay unti-unting nakilala ang kanyang pangalan pagdating sa pandaigdigang entablado. Idineklara siyang pinakamayamang tao sa daigdig mula sa panahon ng kanyang pagkakaupo hanggang 1980. Naging popular dahil sa kanyang mga koleksiyon ng mamahaling sasakyan tulad ng Rolls Royce na nababalutan ng ginto. Bilan glider ay nakilala siya sa kanyang absolutong pamumuno. Siya ang humawak ng mga mahahalagang posisyon sa gobyerno tulad ng: 1. Punong Ministro 2. Ministro ng Pinansiya 3. Ministro sa Panlabas 1991 nang mahigpit na ipatupad sa bansa ang relihiyong Islam. Pinasimulan niya ang **Melayu Islam Beraja** ( Malay Muslim monarchy). Isang ideolohiya na nagtatalaga sa Sultan bilang tagapagtanggol ng pananampalataya. Taong 2000 nang sampahan ng kaso ang kanyang kapatid na si **Prinsepe Jefri Bolkiah** sa paggamit ng pondo ng estado sa pagbili ng mga maluluhong kagamitan. Taong 2007 pumirma ang Brunei kasama ang Malaysia at Indonesia sa **Rainforest Declaration** na naglalayong pangalagaan ang malawak na kagubatanng sumasakop sa Borneo na tirahan ng maraming specie ng halaman at hayop. \(2014) ang Brunei ang kauna-unahang bansa na nagpatupad ng **SHARIA LAW.** Ito ay kalipunan ng mga batas na ang prinsipyo ay nakabatay sa Koran. Ito ang nagsisilbing gabay sa mga muslim sa pagpapatupad ng batas sa bansa at maging sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ilan sa kalakip ng Shariah law ay ang: 1\. Pagbabawal sa mga negosyong may kinalaman sa alak at sigarilyo. 2\. Pagdeklara na illegal ang homosexuality. TIMMOR LESTE: MGA HAMON BAGO MAKAMIT ANG KASARINLAN Simula pa noong 1975 ay nakakaranas na ang bansa ng panggigipit mula sa Indonesia. Ninais ng Indonesia nag awing probinsiya nito ang Timor-Leste, isang layunin na mariing tinutulan ng United Nations bilang pagsunod sa mga napagkasunduan sa Kumperensiyang Bandung. Ang represyon mula sa bansang Indonesia ay nagdulot ng malawakang taggutom sa Timor-Leste kung saan ay tinatayang umaabot sa 200,00 ang namatay. Sa ilalim ng pamumunuan ni **Xanana Gusmao** ay naitatag ang Armed Forces of National Liberation of East Timor o mas nakilala sa tawag na **FALINTIL. Ang falintil ang naatasang lumaban para makamit ang Kalayaan at hustisya ng bansa.** Sa pagbaba sa pwseto ni Suharto at pag-upo ni BACHARUDDIN JUSUF HABIBIE bilang pangulo ng Indonesia noong 1998 ay kanyang iminungkahi na bigyan ng espesyal na katayuan ang Timor Leste. Mayo 20, 2002 ay idineklara ang Kalayaan ng Timor Leste at kinilala bilang isang malayang bansa. Sa kabila ng pagkakaroon ng kasarinlan ng bansa, nananatili ang kaguluhan sa Timor leste dahil sa patuloy na alitan sa pagitan ng mga sundalo ng pamahalaan at sundalo ng Falintil. Isang dahilan kung bakit nanatili ang UN PEACE KEEPING MISSION sa bansa. 2011 -- Naging miyembro ng ASEAN 2012 -- Umalis ang UN PEACE KEEPING MISSION 2016 -- Inakusahan ang Australia ng pag-eespiya ukol sa eksplorasyon ng langis sa bansa.