Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
Document Details
Uploaded by FunConnemara1527
Tags
Related
Summary
Ang presentasyong ito ay tungkol sa sinaunang kasaysayan ng Timog-Silangang Asya, tinatalakay ang mga pattern ng paglipat ng populasyon, mga kultural na impluwensya, at mga teorya sa pag-unawa sa rehiyon. Tatalakayin din ang mga kalinangang Austronesian at ang mga Maritime Empire.
Full Transcript
"The point of human evolution is adapting to circumstance. Not letting go of the old, but adapting it, is necessary.” — Sanali Bendre PAGLAGANAP NG TAO SA TIMOG-SILANGANG ASYA MGA DAPAT NA TANDAAN: 1.PLEISTOCENE – isang panahong heolohikal sa Daigdig o...
"The point of human evolution is adapting to circumstance. Not letting go of the old, but adapting it, is necessary.” — Sanali Bendre PAGLAGANAP NG TAO SA TIMOG-SILANGANG ASYA MGA DAPAT NA TANDAAN: 1.PLEISTOCENE – isang panahong heolohikal sa Daigdig o Ice Age kung saan ang tao ay pinaniniwalaang nagsimulang lumaganap at maglakbay ang mga ninuno ng sinaunang tao mula sa Africa. 2.Tabon Man- kabilang sa mga homo sapien sapiens na nahukay ang labi sa kuweba ng Tabon sa Palawan. Itinuturing na ninuno ng mga Pilipino. 3. Sunda Shelf - ang continental shelf ng mas malaking kalupaan (geological region) sa Timog-silangang Asya na tinatawag na Sundaland. Binubuo ito ng mga isla ng Sumatra, Borneo, Java, Bali at Palawan. 4. Paleolithic – Tinatawag ding “Old Stone Age” dahil ang tao ay gumamit ng mga kagamitan mula sa bato. 5. Java Man- Isang uri ng sinaunang tao na Homo Erectus na tinatayang pinakamatandang fossil ng hominid sa Timog- Silangang Asya na nahukay sa isla ng Java, Indonesia. 6. Neolithic – isang yugto ng rebolusyong kultural kung saan ang tao ay natutunan ang pagsasaka at nanirahan ng permanente sa isang lugar. Tinawag din itong “Panahon ng Bagong Bato o New Stone Age. 7. Homo Erectus – Isang pangkat o uri ng tao na may kakayahang tumayo at makalakad ng tuwid. 8. Austronesian - isang malaking grupo ng mga sinaunang tao na may magkakamag-anak na wikang ginagamit at pinaniniwalaang naglakbay sa mga kapuluan ng Timog- Silangang Asya hanggang sa kapuluan ng Oceania sa Karagatang Pasipiko at isla ng Madagascar. 9. Homo sapiens – Ang pangkat o uri ng sinaunang tao na may kakayahang mag-isip. 10. Callao Man- isang uri sinaunang tao na nahukay ang labi sa Cagayan at tinawag din homo luzonensis. 11. Hominid- tawag sa mas malaking pamilya ng mga primates tulad ng gorilla, chimpanzees, orangutan at iba pa, kabilang na ang mga tao. 12. Kalinangan o culture – tumutukoy sa kabuuang kaugalian, tradisyon at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. 13. Imperyong Maritime – mga kabihasnan na nagtatag ng sentro ng kalakalan at paghahatid ng Hinduismo at Budismo. 14. Prehistoric— yugto ng kasaysayan bago naimbento ang anumang sistema ng pagsulat MGA LAYUNIN Natatalakay ang Naiisa-isa ang mga kalinangang teorya sa Austronesian at Maritime paglaganap ng tao Empire sa Timog-Silangang Nabibigyang-diin ang Asya. Nakabubuo ng venn kahalagahan ng diagram na kalinangang nagpapakita ng Austronesian at Maritime pagkakaiba ng sa pagsusuri ng kalinangan noon at kalinangan ng mga ngayon. KABANATA 3 SINAUNANG KASAYSAYAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA Ang Timog Silangang Asya ay isang rehiyon ng pagkakaiba ngunit may mayamang mga kultura at kasaysayan. Tutuklasin natin sa presentasyong ito ang mga pattern ng paglipat na humubog sa populasyon nito. Ang pag-unawa sa mga tao sa lugar na ito ay nagpapakita ng mga pananaw sa panlipunan, pang-ekonomiya, at kultural na pag-unlad nito sa paglipas ng mga siglo. Panirahan ng mga Sinaunang Tao Ang pinakaunang mga pamayanan ng tao sa Timog-silangang Asya ay nagmula sa panahon ng Paleolithic. Ang mga natuklasan sa arkeolohiko ay nagpapahiwatig na ang mga hunter- gatherer ay naglibot sa rehiyon, na nag- iiwan ng mga kagamitan at artifact na nagbibigay ng katibayan ng kanilang mga pamumuhay at adaptasyon sa kapaligiran. Land Bridges Theory Iminumungkahi ng Land Bridges Theory na ang mga sinaunang koneksyon sa lupa ay nagpapahintulot sa paglipat ng mga species at tao sa pagitan ng mga kontinente. Ang mga tulay na ito ay may mahalagang papel sa paghubog ng biodiversity na nakikita natin ngayon. Ang pag-unawa sa teoryang ito ay tumutulong sa atin na tuklasin ang mga makasaysayang koneksyon sa pagitan ng mga kontinente. Bering Land Bridges Ang Bering Land Bridge ay isang makabuluhang koneksyon sa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika noong huling Panahon ng Yelo. Ang tulay na ito ay nagbigay- daan sa mga unang tao at hayop na mag-migrate at manirahan sa mga bagong teritoryo, na lubos na nakakaapekto sa genetic diversity ng mga species sa mga kontinente. Sundaland Bridge Sa panahon ng bumaba ang antas ng tubig sa dagat, ikinonekta ng Sundaland ang mga bahagi ng Southeast Asia sa Australia. Pinadali ng tulay na ito ang paggalaw ng mga flora at fauna, kabilang ang mga unang populasyon ng tao. Ang pag-aaral ng mga koneksyon na ito ay nagpapakita ng mga pattern ng Ang mga Austronesian Tumutukoy sa isang malaking grupo ng mga sinaunang tao na may magkakamag-anak na wikang ginagamit at pinaniniwalaang naglakbay sa mga kapuluan ng Timog- silangang Asya hanggang sa mga kapuluan ng Oceania sa Karagatang Pasipiko at isla ng Madagascar sa Karagatang Indian, noong Panahong Neolitiko. Itinuturing na ninuno ng karamihan sa mga pangkat- etnolinggwistiko hindi lamang sa Pilipinas, pati na rin sa insular na Timog-Silangang Asya. KALINANGANG AUSTRONESIAN AT MARITIME EMPIRE MAINLAND ORIGIN HYPOTHESIS Ayon kay Peter Bellwood, isang Ang teoryang ito, na tinatawag ding arkeologo, ang mga grupong may Out of Taiwan Theory, ang dahilan wikang Austronesian ay nanggaling sa kung bakit magkakamag-anak ang Taiwan at naglakbay pababa sa mga mga wika sa rehiyon. kapuluan ng Pilipinas at Indonesia. Ayon sa mga pag-aaral, dala ng mga Nangyari umano ang maramihang grupong Austronesians ang isang migrasyon sa loob ng ilang daang kulturang maritima (maritime) dahil taon, hanggang sa unti-unting na rin sa kanilang kaalaman sa makarating sa malalayong grupo ng paggawa ng mga sasakyang- isla sa Pasipiko katulad ng Polynesia, pandagat (mga bangkang may katig) Micronesia, at Melanesia. at paglalakbay sa mga isla. MAINLAND ORIGIN HYPOTHESIS “Bellwood Theory Pinaniniwalaan ding may mga nangyaring asimilasyon o paghahalo ng mga kulturang katutubo sa Hawaii, New Zealand, at Pilipinas sa kultura ng ilang grupong Austronesian. Bukod sa iisang pinanggalingang pamilyang wika, ang ilan pa sa mga katangiang kultural na makikita sa mga grupong Austronesian ay ang paglalagay ng tattoo, paniniwala sa kabilang buhay, paggamit ng mga banga sa paglilibing (katulad ng Manunggul Jar), domestikasyon ng ilang halaman (palay, taro, niyog, at iba pa) at hayop (manok, baboy, at aso), pag-ukit ng jade, at paninirahan sa mga bahay na naka-tiyakad (stilt) sa tabing-dagat. Ayon din kay Bellwood, posibleng Bagaman may ilang grupong ang agrikultura din ang naging Austronesian na may kaalaman dahilan ng migrasyon paalis ng sa agrikultura, may ilan ding Taiwan noong panahon ng walang kaalaman dito, bagkus, Neolitiko dahil sa masidhing pangingisda at pangangalakal pagsasaka sa kalupaang Tsina at ang ikinabubuhay. Taiwan. Kilala rin ang mga grupong Austronesian sa kanilang historikal na paglalayag na sinasabing nagsimula humigit- kumulang 5,000 taon (4000- 2500 BCE) na ang nakalilipas na nagdulot ng paglaki ng populasyon sa mga kapuluan. ISLAND ORIGIN HYPOTHESIS Ipinanukala naman ng anthropologist Mula sa mga isla ng Indonesia ay na si Wilhelm Solheim, na mayroon lumawak ang kanilang mga teritoryo nang mga ruta at sistema ng paakyat sa Mindanao hanggang sa kalakalan ang mga sinaunang tao sa katimugang bahagi ng Tsina. Timog-Silangang Asya na naging batayan ng cultural diffusion o Ang iba't ibang pakikipag-ugnayan ng pagkalat ng kulturang maritime sa mga Austronesian sa pamamagitan rehiyon. ng kalakal ay lalo pang napaigting ng mga kasunduan, kasalan, at Tinawag niyang Nusantao (nusa = migrasyon sa pagitan ng mga isla) ang mga katutubong sinaunang sinaunang tao ng mga isla. tao sa Timog-Silangang Asya. Ayon sa teorya, ang mga kapuluan ng rehiyon ang nagbigay-daan sa pag-usbong at Bagaman may ilang Kung susumahin, ang iba't pagkakaiba, pareho namang ibang teorya tungkol sa binibigyang-diin ng dalawang sinaunang kasaysayan ng teorya ang mayamang Timog-Silangang Asya ay mga kulturang maritime (paglalayag patunay lamang ng mayamang at paglalakbay) ngating nakaraan at malaking rehiyon, pati na rin ang kontribusyon ng rehiyon sa sinaunang migrasyon ng mga pandaigdigang pag-unawa sa tao at ang mga pagkakapareho ating mga nakalipas. ng wika at diyalekto sa insular na Timog-Silangang Asya at iba Malaking bahagi ang patuloy na pang panig. pag-aaral ng mga siyentipiko at ang mga nahuhukay na Sa kasalukuyan, ang pamilya ng ebidensiya na unti-unting wikang Austronesian ay nagbibigay-linaw sa ating sinasalita ng mahigit sa 400 mahabang kasaysayan sa milyong katao. mundo. mga katutubong bahay: (a) Taiwan (b) Ifugao (c) Fiji Salamat sa Pakikinig!