Paglaya ng Asia at Timog-Silangang Asya PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- AP Reviewer PDF - Aralin 1, Aralin 2
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog Silangang Asya PDF
- Ang mga Asyano sa Panahon ng Paggalugad at Kolonyalismo PDF
- Aralin 1: Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- BANGHAY ARALIN SA KASAYSAYAN NG TIMOG SILANGANG ASYA (ARALIN 8): PAGLITAW NG IMPERYALISMONG HAPONES PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbabalangkas ng iba't ibang ideolohiya at paniniwala sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya. Inaasahan nitong talakayin ang mga dahilan ng mga paglaya ng mga bansa, patungo sa kasalukuyan. Isinasama nito ang mga mahalagang pangyayari, pinuno, at karanasan ng rehiyon.
Full Transcript
**IBA'T IBANG IDEOLOHIYA AT PANINIWALA SA SILANGANG ASYA AT TIMOG-SSILANGANG ASYA** 1. **PAGLAYA NG CHINA** Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di-makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. 1. - 2....
**IBA'T IBANG IDEOLOHIYA AT PANINIWALA SA SILANGANG ASYA AT TIMOG-SSILANGANG ASYA** 1. **PAGLAYA NG CHINA** Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di-makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. 1. - 2. - 3. - 2. **PAGLAYA AT PAGKAKAHATI NG KOREA** - Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan. Bunsod nito maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones. - Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan. Bunsod nito maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones. - Subalit matapos ang digmaan, hindi nakaligtas ang Korea sa dalawang ideolohiyang nag-uumpugan: - - - 3. **PAGLAYA NG INDONESIA** - Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong **Agosto 17,1945** sa pamumuno ni **Achmed Sukarno** sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Dutch. - Umigting ang pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pinagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno noong sakupin sila ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. - Ngunit nang matalo ang Hapon dumating muli ang mga Dutch upang ibalik ang kanilang pamamahala. - Subalit ang Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban. Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng 23 taon. - Pinasimulan niya ang pamamahalang **guided democracy (limited democracy)** base sa Pancasila. - Ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong 1963 subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang-aabuso niya. 4. **PAGLAYA NG BURMA (MYANMAR)** - Nakamit ng Burma ang kalayaan nito noong Enero 04, 1948 sa pamumuno ni U Nu bilang punong Ministro ng Republika ng Burma. - Kalaunan ay inilipat ang pamumuno kay Heneral Ne Win na isang diktador militar. - Bilang pinuno ng mga hukbong armado pinairal niya ang ideolohiyang Myanmar way to Socialism na kung saan kinumpiska ng pamahalaan, ang anumang negosyo at pangkalakalan, bangko at mga pribadong ari-arian - EPEKTO: nawalan ng hanapbuhay ang mga dayuhan. - Noong unang hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan ang kumokontrol dito ay ang India sa tulong ng England at China. - Bilang pagtugon sa pananakop na ito nagtatag ng iba't ibang kilusang naglalayon ng kalayaan. - Nakaranas ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kung kaya't nagtatag sila ng kilusang laban sa Japan. - AFPFL (Anti Fascists People's Freedom League)-binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat - Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na pumayag ang mga Burmese kaya't sunod-sunod na usaping pangkalayaan ang naganap. - KASUNDUANG ANGLO-BURMESE -nagpapahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 04, 1948. 5. **PAGLAYA NG VIETNAM** - Ang bansang Vietnam ay sakop ng France na kabilang sa French Indo-China. Noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nasakop ng Japan ang Vietnam. - Nang matapos ang digmaan sa pagsuko ng Japan, naitatag ni Ho Chi Minh ang Democtatic Republic of Vietnam subalit hindi ito kinilala ng ibang mga bansa. - Nahati ang Vietnam sa dalawang bansa: A. B. 6. **PAGLAYA NG PILIPINAS** - Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. - Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol sa Digmaang Espanol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanol. - Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa atin kaya idineklara ang ating kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan. **Benevolent Assimilation**- - - - Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kung kaya't sumiklab ang Digmaang Pilipino- Amerikano. - Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang Amerikano ng pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga Amerikano at pinalaganap ang edukasyong makabanyaga. - Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang tayo'y masangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig - Nilusob tayo ng Hapon dahil kaalyado natin ang mga Amerikano at ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano ay nasa ating bansa. - Sa kasagsagan ng digmaan, iniwan tayo ng mga lider-Amerikano at natira tayong lumalaban at nagtatanggol sa ating kalayaan. - Nasakop tayo ng Hapon sa loob ng 5 taon. - Natalo ang Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kaya't binalikan tayo ng mga Amerikano at ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 04,1946.