Kohesyong Gramatikal - Cohesive Device (PDF)
Document Details
Uploaded by ContrastyLobster
Tags
Summary
These notes provide an overview of Filipino grammatical cohesion, specifically focusing on cohesive devices like anaphora and katapora. The notes explain how these devices create coherence and unity within sentences and paragraphs. Examples and exercises are included for a better understanding.
Full Transcript
KOHESYONG GRAMATIKAL o COHESIVE DEVICE Pansinin ang teksto sa sususnod na slide: Ang mga Estudyante ay nagsusunog na ng kilay lalo na ngayong paparating ang kanilang Midterm Exam. Ang Midterm Exam ay mangyayari sa loob ng dalawang araw ng Octobre 23- 24. Sa Midterm Exam , dito t...
KOHESYONG GRAMATIKAL o COHESIVE DEVICE Pansinin ang teksto sa sususnod na slide: Ang mga Estudyante ay nagsusunog na ng kilay lalo na ngayong paparating ang kanilang Midterm Exam. Ang Midterm Exam ay mangyayari sa loob ng dalawang araw ng Octobre 23- 24. Sa Midterm Exam , dito tinataya at sinusukat ang kakayahang intelektwal ng mga estudyante. KOHESYON COHESION UNITY O PAGKAKAISA PANGHALIP- PRONOUN SIYA HE Panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop at lugar. Ang mga Estudyante ay nagsusunog na ng kilay lalo na ngayong paparating ang kanilang Midterm Exam. Ito ay mangyayari sa loob ng dalawang araw ng Octobre 23-24. Sa pamamagitan nito tinataya at sinusukat ang kakayahang intelektwal ng mga estudyante. Kohesyong gramatikal o Cohesive device - ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi babanggitin nang paulit-ulit. - Panghalip (Pronoun) Ito, dito, doon, iyon (bagay/lugar/hayop) Sila, Siya, tayo, kanila, kaniya (tao/ hayop) Mga Panandang Kohesyong Gramatikal 1. Pagpapatungkol 2. Elipsis 3.Pagpapalit o Substitution 4. Pang-ugnay 1. PAGPAPATUNGKOL Paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan. (noun) HALIMBAWA: Si Thea ay isa sa pinakamabuting estudyante sa paaralan nila kaya siya ay pinagpala ng maykapal. HALIMBAWA: Sa syudad ng Canlaon ay kilala bilang isa sa may pinakamasaganang taniman ng gulay. Dito rin ay may mga magagandang pasyalan. HALIMBAWA: Sila ay tinaguriang mga bagong mga bayani. Ang mga sundalo ay ang isa sa nagpapanatili ng kaayusan sa bansa. HALIMBAWA: Tayo ay hinahamon ng ating bansa sa pag-unlad. Ang mga Pilipino ang solusyon at sandigan ng minimithing pagsulong. 2 uri ng pagpapatungkol 1.ANAPORA 2.KATAPORA Anapora – Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan. Pangngalan(noun) panghalip(pronoun) Si Thea(pangngalan) ay isa sa pinakamabuting estudyante sa paaralan nila. Kaya siya (panghalip)ay pinagpala ng maykapal. Katapora Mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangungusap bilang pamalit sa pangngalang nasa hulihan. panghalip(pronoun) Pangngalan(noun) Tayo (panghalip) ay hinahamon ng ating bansa sa pag-unlad. Ang mga Pilipino (pangngalan) ang solusyon at sandigan ng minimithing pagsulong. MAGSANAY TAYO! 1.Malapit na ang fiesta sa syudad ng Canlaon. Ito ang pinakahihintay ng lahat dahil sa magarbong selebrasyon nito. Malapit na ang fiesta sa syudad ng Canlaon. Ito ang pinakahihintay ng lahat dahil sa magarbong selebrasyon nito. ANAPORA 2. Sa paaralang JBCMHS-SHS Main matatagpuan ang mga estudyanteng may iba’t –ibang talento. Ito ang tinaguriang Home of the Champion. Sa paaralang JBCMHS-SHS Main matatagpuan ang mga estudyanteng may iba’t –ibang talento. Ito ang tinaguriang Home of the Champion. ANAPORA 3. Dito ipinapasyal ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak. Sa Children’s park din ang isa sa mga may pinakamakinang na lugar sa Canlaon sa pagsapit ng kapaskuhan. Dito ipinapasyal ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak. Sa Children’s park din ang isa sa mga may pinakamakinang na lugar sa Canlaon sa pagsapit ng kapaskuhan. KATAPORA 4. Ang mga Canlaonian ay mga masisipag at may mataas na pangarap sa buhay. Sila ay kakikitaan ng pagpupursige lalong-lalo na sa pagbubukid. Ang mga Canlaonian ay mga masisipag at may mataas na pangarap sa buhay. Sila ay kakikitaan ng pagpupursige lalong-lalo na sa pagbubukid. ANAPORA 5. Si Chao ay isang huwaran ng pagiging mabuting kaklase. Siya ay tumutulong sa kaniyang mga kaklase tuwing nahihirapan ang mga ito sa talakayan. Si Chao ay isang huwaran ng pagiging mabuting kaklase. Siya ay tumutulong sa kaniyang mga kaklase tuwing nahihirapan ang mga ito sa talakayan. ANAPORA Ano ang kahalagahan ng Anapora at Katapora sa pagsusulat? Ang paggamit ng Anapora at Katapora ay mahalaga sa pagsulat dahil ito ay nagbibigay ng malinaw at organisadong pagpapahayag ng mga ideya sa teksto. Nagkakaroon ng kaayusan at pagkakaisa ang mga salita, pangungusap, o mga parirala sa teksto. MAGSANAY PA TAYO! 1. Makikita sa mga mukha ng mga estudyante ang galak at saya sa paparating na Acquaintance party kaya’t kanya-kanya na silang bili ng kani-kanilang mga damit. 1. Makikita sa mga mukha ng mga estudyante ang galak at saya sa paparating na Acquaintance party kaya’t kanya-kanya na silang bili ng kani-kanilang mga damit. ANAPORA- ESTUDYANTE- SILA 2. Sa sitwasyong pang-edukasyon, isa sa mga pangangailangan ng isang estudyante ay ang Laptop dahil ito ang kanilang ginagamit sa mga proyekto at pag-uulat. 2. Sa sitwasyong pang-edukasyon, isa sa mga pangangailangan ng isang estudyante ay ang Laptop dahil ito ang kanilang ginagamit sa mga proyekto at pag-uulat. ANAPORA- LAPTOP-ITO 3. Pumapangalawa sila sa mga Guro pagdating sa aspetong Pandisiplina lalong-lalo na Uniporme. Ang ating mga Security Guard ang nagpapanatili sa kaayusan sa loob ng paaralan. 3. Pumapangalawa sila sa mga Guro pagdating sa aspetong Pandisiplina lalong-lalo na Uniporme. Ang ating mga Security Guard ang nagpapanatili sa kaayusan sa loob ng paaralan. KATAPORA- SILA- SECURITY GUARD 4. Isa sa mga lugar na matatagpuan sa Lungsod ng Canlaon ay ang Brgy. Masulog. Dito matatagpuan ang paliguang La Blanca Resort. 4. Isa sa mga lugar na matatagpuan sa Lungsod ng Canlaon ay ang Brgy. Masulog. Dito matatagpuan ang paliguang La Blanca Resort. ANAPORA- BRGY. MASULOG- DITO 5. Nagiging matagumpay ang mga selebrasyon sa Lungsod ng Canlaon dahil sila mismo ang gumagalaw sa mga programa. Nararapat lamang na bigyang pugay ang mga Opisyal na ito. 5. Nagiging matagumpay ang mga selebrasyon sa Lungsod ng Canlaon dahil sila mismo ang gumagalaw sa mga programa. Nararapat lamang na bigyang pugay ang mga Opisyal na ito. KATAPORA- SILA- OPISYAL 2. ELIPSIS o ELLIPSIS … ELIPSIS… Ay isang bantas na marka na kinakatawan nang grapiko na may tatlong puntos. Nakadikit at walang puwang sa pagitan nila. ELIPSIS … -nagpapahiwatig ng pagsususpinde ng isang pangungusap. PARA SAAN ANG ELIPSIS? 1. PANSAMANTALANG PAG-PAUSE: Hal: Tumunog ang telepono... (pag-uusap) 2. Para sa pasiya/pagpapahayag Hal: Ang galing mo talaga..., parang hindi ka na matututo. PAGTITIPID SA PAGPAPAHAYAG Hal: Naiwan ni James ang kanyang relo. Si James ay napagalitan ng nanay. 3. PAGTITIPID SA PAGPAPAHAYAG Hal: Naiwan ni James ang kanyang relo. Si James ay napagalitan ng nanay. Naiwan ni James ang kanyang relo kaya’t napagalitan siya ng nanay. (panghalip) Wala ng ibang hinangad ang mga Pilipino kundi makapunta sa bansang iyon. Wala ng ibang hinangad ang mga Pilipino kundi makapunta sa bansang iyon. Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga taong tulad nila. Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga taong tulad nila. Bibihira ang nagbibigay ng ganito sa kaniyang pamilya. Bibihira ang nagbibigay ng ganito sa kaniyang pamilya. Elipsis Pagbawas sa bahagi ng pangungusap ngunit nauunawaan parin ng mambabasa dahil sa unang pahayag. Nagpasya si Joy na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas mahalaga umano ang responsibilidad nila sa digmaan kaysa sa sarili nilang kaligayahan para sa isa’t-isa. Nagpasya si Joy na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas mahalaga umano ang responsibilidad nila sa digmaan. kaysa sa sarili nilang kaligayahan para sa isa’t-isa. Nagpasya si Joy na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas mahalaga umano ang responsibilidad nila sa digmaan. Pangngalan (Noun) - ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Halimbawa: Sylvio Libro Negros Oriental Tigre PANDIWA (VERB) - -ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng isang tao, bagay o hayop Halimbawa: Naglalaba Umaawit Nagtatanim Lumalangoy SUGNAY (CLAUSE) ay kalipunan ng mga salitang may simuno(subject) at panaguri(predicate) na maaaring may buong diwa(makapag -iisa) o di-buong diwa(di makapag-iisa). SUGNAY NA MAKAPAG-IISA (independent clause) Mabilis siyang tumakbo. SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA (DEPENDENT CLAUSE) dahil sa kanyang kayabangan. Pamalit o Substitution Mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng pangungusap na naunang nababanggit. Mga Uri ng Pamalit o Substitution Nominal Berbal Clausal 1. Nominal (NATURINGAN) - Pinapalitan ay ang pangngalan (Noun) Halimbawa: Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay magkakaunawaan, kailangan lang nating pagyamanin ang ating wikang pambansa. wikang Filipino -wikang pambansa. Halimbawa: Maraming mga maliliit na mga bata ang takot sa mga bayaning ito. Gayunpaman, ang ating mga sundalo ay isa sa mga magigiting na tagapagligtas ng bayan. Halimbawa: Maraming mga maliliit na mga bata ang takot sa mga bayaning ito. Gayunpaman, ang ating mga sundalo ay isa sa mga magigiting na tagapagligtas ng bayan. mga bayani - mga sundalo Dahil sa pagsasalin ng mga wikang naunawaan natin ay namumulat tayo sa kulturang banyaga. Nalalaman natin na ang Kulturang Hapones at natututo tayo sa mga gawain nila. Dahil sa pagsasalin ng mga wikang naunawaan natin ay namumulat tayo sa kulturang banyaga. Nalalaman natin na ang Kulturang Hapones at natututo tayo sa mga gawain nila. kulturang banyaga-Kulturang Hapones Sa bansang Pilipinas namuno ang isa sa pinakamatapang na presidente na si Noo’y Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nangangahulugang sa paglingkod ng pinuno nagkaroon ng kapayapaan at kaginhawaan. Sa bansang Pilipinas namuno ang isa sa pinakamatapang na presidente na si Noo’y Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nangangahulugang sa paglingkod ng pinuno nagkaroon ng kapayapaan at kaginhawaan. Pangulong Rodrigo Roa Duterte - pinuno 2. Berbal – Pinapalitan ay ang pandiwa(Verb) Hal: Inaayos na nila ang sala, at ___________ng iba ang kusina. Hal: Inaayos na nila ang sala, at ginagawa ng iba ang kusina. Hal: Pinuntahan ni Janice ang kaniyang lola.________naman ng knayang mga ate ang kanilang bukid na malapit sa bahay ng lola. Hal: Pinuntahan ni Janice ang kaniyang lola.Tinungo naman ng knayang mga ate ang kanilang bukid na malapit sa bahay ng lola. Hal: Itinayo nila ang tent at _______ng iba ang bonfire. Hal: Itinayo nila ang tent at inayos ng iba ang bonfire. 3. Clausal : pagpapalit ng sugnay(clause) sa pangungusap. Hal: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw. Hal: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw at hindi rin nagawa ng mga pulis na hulihin sila. Hal: Nakuha ni Jessica ang pinakamataas na marka. Hal: Nakuha ni Jessica ang pinakamataas na marka kaya’t ang mga magulang niya’y tuwang tuwa. PANG-UGNAY- Paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang isang pangungusap. HALIMBAWA: Hindi sila nagtagumpay sa kanilang binabalak sapagkat hindi lahat ay nakiisa. Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat masama ang layunin nito. Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat masama ang layunin nito. Hindi ka makakarating sa iyong pupuntahan kung hindi mo lilingunin ang mga taong tumulong sa iyo. Hindi ka makakarating sa iyong pupuntahan kung hindi mo lilingunin ang mga taong tumulong sa iyo. HABANG UPANG SAMANTALA BAGKUS SUBALIT