REBYUWER SA PAGBASA 12 Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a Tagalog-language review document on different text types, including techniques like reiteration/ repetition and substitution in creating cohesive text. The document covers several grammatical concepts like cohesive devices and features.
Full Transcript
**[Aralin 1 at 2: Mga Uri ng Teksto at Katangian]** 1. **Tekstong Impormatibo** - Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. - Pangunahing layunin ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tun...
**[Aralin 1 at 2: Mga Uri ng Teksto at Katangian]** 1. **Tekstong Impormatibo** - Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. - Pangunahing layunin ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. 1. **Tekstong Deskriptibo** - Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kaugnayan sa katangian ng mga tao, ayos, bagay, lugar, at mga pangyayari. 2. **Tekstong Persweysib** - Ang tekstong persweysib ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo. 3. **Tekstong Naratibo** - Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang tekstong narativ o naratibo. 4. **Tekstong Argumentatibo** - Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro at sariling pananaw hinggil sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. - Nangangailangan ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya. 5. **Tekstong Prosidyural** - May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o mga hakbang sa paggawa ng mga bagay. **[Aralin 3: Cohesive Devices]** 1. **Reperensiya (reference)** ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag- uusapan sa pangungusap. a. **Anapora** - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan. **Halimbawa**: Aso ang gusto kong alagaan. **Ito** kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan. (Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy sa pangungusap. b. **Katapora** - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan. **Halimbawa**: **Siya** ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang (Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbasa. 2. **Substitusyon (substitution)** paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. **Halimbawa:** Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago. (Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita'y parehong tumutukoy sa iisang bagay ang aklat.) 3. **Ellipsis** may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang unang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. **Halimbawa:** Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y tatlo. (Nawala ang salitang bumuli gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya'y bumuli rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.) 4. **Pang-ugnay** nagagamit ang mga salitang pang- ugnay tulad ng **at** sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sapagitan ng mga pinag-uugnay. **Halimbawa:** Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak **at** ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. 5. **Kohesyong leksikal** mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa: reiterasyon at ang kolokasyon. a. **Reiterasyon** Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauuri sa tatlo: **a1.** **pag-uulit o repetisyon**, Maraming **bata** ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga **batang** ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang. Maraming **kabataan** na ang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ang mga **kabataang** ito ang magiging pag-asa ng bayan. **a2.** **pag-iisa-isa** Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, **sitaw, kalabasa, at ampalaya.** **a3. Pagbibigay-kahulugan** Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang **dukha**. **Mahirap** sila kaya ang pag aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan. Si kaloy ay nanggaling sa pamilyang dukha. Mahirap lamang sila kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. b. **Kolokasyon** Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ring magkasalungat. **Halimbawa:** nanay-tatay, guro-mag-aaral, langit-lupa puti-itim, maliit-malaki, **[Aralin 4: Hanguan ng Datos]** Ang **datos** ay tinukoy bilang koleksyon ng mga katotohanan at mga detalye tulad ng teksto, figure, obserbasyon, simbolo o simpleng paglalarawan ng mga bagay, kaganapan o nilalang na natipon na may pananaw sa pagguhit ng mga impormasyon. 1. **Hanguang Primarya** - Ito ay mga datos na nagmula sa mga awtoridad, organisasyon, gobyerno at mga pampublikong kasulatan. 2. **Hanguang Sekondarya** a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang mga ito o hindi 3. **Hanguang Elektroniko o internet** **[Aralin 5: Kaisipan ng Teksto ]** - Ang tawag sa **pangunahing ideya o konsepto** na nais maiparating ng manunulat sa kanyang mambabasa. Kadalasan ay matatagpuan sa mismong teksto o sulatin (explicit) ang kaisipan nito pero may mga pagkakataon din na hindi ito lantad (implicit) na kung saan dapat mong suriing mabuti ang binabasa para malaman ang nais ipahiwatig ng awtor. **Sarili** -- kung ang pangunahing mensahe ay tungkol sa sarili. **Pamilya** -- kung ang pangunahing mensahe ay tungkol sa pamilya **Komunidad** -- kung ang pangunahing mensahe ay tungkol sa komunidad **Bansa** -- kung ang pangunahing mensahe ay tungkol sa bansa **[Aralin 6: Katangian ng Pagpapahayag]** 1. **Kalinawan** - Ang kalinawan ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pahayag, gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap. - Nagiging malinaw ang mga pahayag kung ang mga salitang ginagamit ay angkop para sa kontekstong nakapaloob sa pahayag. Iwasang maging maligoy upang hindi magbigay ng kalituhan ang pahayag na inilalahad. 2. **Kaugnayan** - Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa anumang uri ng pagpapahayag, kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay. - Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng pagpapahayag. 3. **Bisa** - Ang bisa ng isang pahayag ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag. - Ipinapalagay na mabisa ang isang pahayag kung nagtataglay ito ng sumusunod na katangian−makatotohanan, nababakas ang katapatan, at binibigyang pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.