Mga Paraan ng Pag-uugnay sa mga Pangungusap PDF
Document Details
![FreeDoppelganger](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-17.webp)
Uploaded by FreeDoppelganger
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga halimbawa at paliwanag tungkol sa mga cohesive devices o mga kohesyong gramatikal sa Tagalog. Tinatalakay nito ang iba't ibang uri ng cohesive devices, tulad ng reperensiya, elipsis at pagpapalit. Mabuting maunawaan ang mga konseptong ito upang mahasa ang kakayahan sa pagsulat at pag-unawa ng wikang Filipino.
Full Transcript
Cohesive devices Ang cohesive devices o kohesyong gramatikal ay ginagamit upang pag – ugnayin o pagtaliin sa isang teksto ang mga salita, parirala, pangungusap o sugnay sa mga tiyak na paraan upang maging malinaw ang pahayag. Ang mga panghalip ay isang paraan na maaaring gamitin upang iugnay sa pa...
Cohesive devices Ang cohesive devices o kohesyong gramatikal ay ginagamit upang pag – ugnayin o pagtaliin sa isang teksto ang mga salita, parirala, pangungusap o sugnay sa mga tiyak na paraan upang maging malinaw ang pahayag. Ang mga panghalip ay isang paraan na maaaring gamitin upang iugnay sa pangngalan o referent na binabanggit sa teksto. Mga Panandang Kohesyong Gramatikal 1. Reperensiya o Pagpapatungkol – paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangalan. Mga Halimbawa: ito, dito, doon, diyan, iyon at iba pa (para sa lugar, bagay, hayop) sila, tayo, siya, kanila, kaniya at iba pa (para sa tao/hayop) a. Anapora o sulyap na pabalik – ito ang reperensya kung binanggit na sa unahan ang salita. Halimbawa: Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. b. Katapora o Sulyap na pasulong – ito’y reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot ng kasabikan o nakapukaw ng interes. Halimbawa: Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo. 2. Elipsis – ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na inilalagay o nawawala na sa kadahilanang naintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit – ulit na lamang. Halimbawa: Tunay na kailangan ang pagbabago at rebulusyon sa larangang ito. (Anong Larangan?) 3. Pagpapalit – paggamit ng iba’t ibang salita o reperensiya sa pagtukoy sa isang bagay o kaisipan. Halimbawa: Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang panturo. Ang wikang Filipino’y handa upang gamitin sa de – Amerikanisasyon ng isang mamamayang Pilipino. 4. Pag – uugnay – ito’y paggamit ng mga pangatnig upang pag – ugnayin ang dalawang pahayag. Halimbawa: Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay mabibigo habang dayuhan ang sistema ng ating paturuang pambansa. Wastong Gamit ng Cohesive Device 1. Pagpapahayag ng Pagdaragdag – ganoon din, gayundin, saka, bilang karagdagan, dagdagan pa rito Halimbawa: Bilang tanda ng paggalang, nagmamano tayo sa nakakatanda sa atin. Gayundin, sa ibang bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hapon, naipapakita nila ang kanilang respeto sa nakakatanda sa pamamagitan ng pagyuko. 2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan – maliban sa/sa mga, kay/kina, bukod sa/sa mga, kay/kina Halimbawa: Maliban kay Eric, lahat sa klase ay pinayagan na sumama sa fieldtrip. 3. Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari – Kaya/kaya naman, dahil/dahil sa/sa mga, kay/kina, sapagkat, dito, bunga nito. Halimbawa Maraming krimen ang nagaganap na kinasasangkutan ng mga menor de – edad. Bunga nito, ipinatupad ang curfew sa mga edad 18 pababa. 4. Kondisyon, bunga, o kinalabasan – sana, kung/kapag, sa sandaling, basta’t Halimbawa: Madali lang ang pagsusulit basta’t nag – aral kayo. 5. Taliwas o Salungat – pero, ngunit, sa halip (na), kahit (na) Halimbawa: Mayroong pagsusulit si Daniel bukas ngunit namasyal siya ngayon sa halip na mag – aral. 6. Pagsang – ayon o di – pagsang – ayon – kung gayon/kung ganoon, dahil dito, samakatwid, kung kaya Halimbawa: Ayon sa mga doktor, nakasasama ang paninigarilyo sa kalusugan. Dahil dito, itinigil na ni Samuel ang paninigarilyo. 7. Pananaw – ayon sa/sa mga, kay/kina, batay sa, para sa/sa mga Halimbawa: Para kay Sarah, mahalaga ang panloob na katangian bilang batayan sa pagpili ng mga kaibigan. 8. Probabilidad, sapantaha, o paninindigan – maaari, puwede, marahil, siguro, sigurado Halimbawa: Kapag hindi ka nagsesepilyo araw – araw, maaaring masira ang iyong mga ngipin. 9. Pagbabago ng Paksa o Tagpuan – gayunman/gayunpaman, sa kabilang dako/banda, sa isang banda, samantala Halimbawa: Ang panganay na Anak ni Mang Teban ay masunurin at matulungin. Samantala, ang bunso niyang anak ay matigas ang ulo at tamad. 10. Pagbibigay – linaw sa isang ideya – sa madaling - salita/sabi, bilang paglinaw, kung gayon, samakatuwid. Halimbawa: Kung walang pagkakasundo, parating may mag – aaway sa komunidad. Sa madaling salita, kailangan ng kooperasyon ng bawat isa.