BIONOTE at Abstrak (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by SucceedingTransformation8051
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Bionote at Abstrak. Ito ay mga maikling buod ng impormasyon ukol sa isang gawain o sulatin.
Full Transcript
**BIONOTE** Isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor. Kadalasang nakikita sa likod ng libro na may kasamang litrato. Inihahanda ang bionote para sa; 1\. Pagpapasa ng aplikasyon para sa palihan 2\. Pagpapakilala ng sarili sa *website* o isang *blog* 3\. Tala ng *emcee*...
**BIONOTE** Isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor. Kadalasang nakikita sa likod ng libro na may kasamang litrato. Inihahanda ang bionote para sa; 1\. Pagpapasa ng aplikasyon para sa palihan 2\. Pagpapakilala ng sarili sa *website* o isang *blog* 3\. Tala ng *emcee* upang ipakilala ang isang tagapagsalita 4\. Pagpapakilala ng may akda na inilalagay sa huling bahagi ng kaniyang aklat **MGA DAPAT NA LAMAN NG BIONOTE** - Personal na impormasyon (pinagmulan, edad, buhay, kabataan- kasalukuyan) - Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, karangalan) - Ambag sa Larangang Kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya) **KATANGIAN NG BIONOTE** - Pawang katotohanan ang mga impormasyong nilalaman - Karaniwang nagsisimula sa pangalan ng manunulat ang bionote - Ginagamit ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng bionote - Gumagamit ng modelong baligtad na tatsulok sa pagsulat - Naglalaman ng mahahalagang impormasyon mula sa manunulat na maaaring may kaugnayan sa librong isinulat **ABSTRAK** Buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin **KATANGIAN NG ABSTRAK** - Nakasulat sa ikatlong panauhan - Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-sunod ng saliksik - Pawangkatotohanan ang mga detalye ayon sa ginawang saliksik - Karaniwang hindi lalagpas sa isang pahina - Hindi ito nararapat na mapuno ng mga salitang mahirap unawain Kadalasan itong binubuo ng mga sumusunod na pangunahing detalye: - Rasyonale ng pag-aaral - Pangkalahatang Suliranin - Metodolohiya - Resulta - Kongklusyon at implikasyon **Mga uri ng Abstrak** - **Kritikal na Abstrak**- Ito ay lagom na bukod sa paglalarawan at pagbibigay impormasyon tungkol sa nilalaman ng pag-aaral, naglalahad din ito ng palagay o komento sa katapatan, kawastuhan at kabuuan ng resulta ng naging pag-aaral. Sinusuri ng mananaliksik ang resulta ng pag-aaral at ikinukumpara ito sa iba pang pag-aaral na may magkatulad na paksa. - **Deskriptibong Abstrak**- Ito ay buod ng pag-aaral na naglalarawan lamang sa pangunahing ideya ng isinagawang pananaliksik. Ang ganitong uri ng abstrak ay naglalaman ng layunin ng pag-aaral, metodolohiyang ginamit at ang saklaw ng mismong pag-aaral. - **Impormatibong Abstrak**- Kadalasan, ito ang abstrak na isinasgawa ng mga mananaliksik. Ito ay naglalaman ng mga detalyeng katulad ng sa deskriptibong abstrak maging ang resulta at kongklusyon ng isinasagawang pag- aaral. - **Pamukaw- Atensyon o Highlight Abstrak**- Ito ay abstrak na ang layunin ay pukawin ang atensyon ng mga mambabasa na basahin ang pag-aaral. Hindi ito tahasang nagdedetalye sa nilalaman ng ginawang pag-aaral kung kaya hindi gaanong ginagamit sa pagsulat ng akademikong abstrak. **ADYENDA** -Ito ay isang listahan, plano o balangkas ng mga pag-uusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang pulong. -Mahalaga ang adyenda upang mabigyan ngkatuturan at kaayusan ang daloy ng isang pulong. -Sa pamamagitan ng adyenda, nalalaman ng mga nagpupulong ang mga pag-uusapan at ang mga isyu o suliraning dapat tugunan. -Nakasalalay ang haba ng adyenda sa mga nakatalagang aytem na dapat pagpulungan. **NAGBIBIGAY IMPORMASYON** - Hindi kailangang pagdesisyunan - Makikinig lamang **KAILANGANG TUGUNAN** Alam na ng mga dadalo ang pag-uusapan upang mas marami ang makapag-ambag at makipagpalitan ng ideya. **Uri ng Adyenda** **Pormal na Adyenda-** May sinusunod na balangkas ang ganitong uri ng adyenda. Isinasaalang-alang dito ang klase ng pagpupulong na isasagawa, listahan ng mga fasiletaytor, at mga inaasahang kalahok sa pagpupulong. Binabanggit din dito ang mga paksang natalakay o napagkaisahan sa nakaraang pagpupulong bago talakayin ang mga bagong usapin na siyang nais bigyang pansin ng isasagawang pagpupulong. **Impormal na Adyenda-** Ito ay tala ng mga paksang pag-uusapan, problemang susolusyonan o kaya'y usapin na tutugunan na inihahanda bago simulan ang mismong pagpupulong. Hindi tulad ng pormal na agenda, ang impormal na agenda ay hindi nagtataglay ng madetalyeng usapin. Kadalasang isinasagawa ang ganitong adyenda para sa mga biglaang pagpupulong. **Prayoridad na Adyenda**-Ang ganitong uri ng adyenda ay nakaayos mula sa kahalagahan ng mga paksang dapat pag-usapan. Ang pinakakontrobersyal na usapin ay dapat ilagay sa pinakahuling prayoridad na dapat pag-usapan upang hindi maubos ang oras o maiwasan ang pagbababad sa iisang paksa lamang. **Timed o Nakaoras na Adyenda**- May nakatakdang oras para sa pagtalakay sa mga paksa sa ganitong adyenda. Naglalaan ng eksaktong oras o minuto para pag-usapan ang isang tiyak na usapin sa pamamagitan ng mga itinakdang agwat ng oras para sa bawat isyung tutugunan o pag-uusapan. Halimbawa, 9:30- 9:35 panimulang pagbati, 9:35- 9:40 pagbabalik-tanaw sa nakaraang pagpupulong. Mas detalyado at espesipiko sa oras ang ganitong uri ng adyenda. **Narito ang mga Halimbawang balangkas ng karaniwang agenda:** - Panalangin - Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong *(review)* at pagrerebisa - Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay-linaw sa isyu kung mayroon pa - Pagsang-ayon sa nakaraaang katitikan ng pulong - *Regular* na *report* - Mga pangunahing puntong pag-uusapan - Iba pang bagay na nais pag-usapan - Muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong (petsa) **KATITIKAN NG PULONG** Ito ay opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisasyon. **TANDAAN** Mahalagang detalye lamang ang kailangang itala at hindi verbatim. **KAHALAGAHAN NG KATITIKAN** - Sa pamamagitan ng katitikan mas madaling mababalikan ang anumang napag-usapan o napagkasunduan sa pulong - Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan o pagtatalo dahil nakatala ang lahat ng napagkasunduan sa pulong. **HABA NG KATITIKAN** Nakasalalay ang haba ng katitikan sa mga napag-usapang desisyon sa loob ng isang pulong. **TIPS SA PAGSULAT** Maaaring irekord ang pagpupulong upang maging batayan sa mas makatotohanang katitikan. Magpaikot ng papel na magsisilbing talaan ng pangalan ng mga dumalo. Gumawa ng template upang mas madali ang pagtatala sa bawat paksang natalakay. **BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG** 1\. PANGALAN NG KOMPANYA/ SAMAHAN: 2\. PETSA AT ORAS NG ISINAGAWANG PAGPUPULONG: 3\. PAKSA NG PAGPUPULONG: 4\. MGA ADYENDA: 5\. MGA DUMALO: 6\. DI- DUMALO: 7\. USAPIN O PAKSANG TINATALAKAY: 8\. MGA SUHESTIYON: 9\. MGA NAPAGDESIYUNAN O NAPAGKAYARIAN SA PAGPUPULONG 10\. PETSA NG SUSUNOD NA PAGPUPULONG 11\. MGA DOKUMENTASYON 12\. LAGDA NG MGA TAGAPANGUNA NG PAGPUPULONG **BUOD AT SINTESIS** **BUOD** Pinaikling bersyon ng isang akda Walang halong interpretasyon o opinyon sa paglalahad ng akda Hindi nangangailanganng bagong batis ng impormasyon **KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD** - May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. - Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. - Hindi nagsasama ng halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal na teksto. - Gumagamit ng mga masusing Salita - Maaaring gumamit ng mga tayutay **SINTESIS** -Pinaiklingbersyon mula sa iba't ibang batis ng impormasyon. -Pinagsasama-samaang iba'tibang ideya na may magkakatulad at magkakaibang punto de bista mula sa iba-ibang sanggunian. -Ito ay pinaikling bersyon ng mga nabasa upang makabuo pa ng panibagong ideya. **KAHALAGAHAN NG SINTESIS AT BUOD** - Mahalaga ang ganitong sulatin upang higit na maunawaanang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o sulatin. - Sa pagsusulat nito, higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa sa isang sulatin.