Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang PDF

Document Details

AppreciatedCotangent6016

Uploaded by AppreciatedCotangent6016

Lingunan National High School

Tags

Filipino writing academic writing types of writing writing guide

Summary

Ang dokumentong ito ay isang gabay sa iba't ibang uri ng pagsulat sa Filipino, kabilang ang dyornalistik, malikhain, teknikal, reperensiyal, at propesyonal na pagsulat. Naglalaman din ito ng mga halimbawa at katangian ng mga akademikong sulatin tulad ng abstrak, sintesis, bionote, at talumpati.

Full Transcript

REVIEWER Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang PAGSULAT- ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag- aaral. Ayon kay Mabilin (2012), “naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa pagsulat”. Ayon naman kay...

REVIEWER Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang PAGSULAT- ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag- aaral. Ayon kay Mabilin (2012), “naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa pagsulat”. Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.” Ayon kay Austero et. al (2009) “Ang pagsulat ay kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng mensahe, ang wika. Pinakaangkop na kahulugan ng akademikong pagsulat ay: Ito ay isang intelektwal na pagsulat at nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. MGA URI NG PAGSULAT 1. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) - Ito ay sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo. 2. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Masining ang uring ito ng pagsulat, karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang. 3. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) -Ito ay uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin. Ilan sa mga halimbawa nito ay ulat panlaboratoryo, feasibility study, project renovation, pagsasaayos ng SLEX. 4. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) -Ito ay uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. Ilan sa mga halimbawa nito ay RRL, bibliography, note cards at iba pa. 5. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)-Nakatuon ang uri ng pagsulat na ito sa isang tiyak na propesyon. Ito ay may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Pagsulat ng lesson plan, pagsulat at pagsusuri ng kurikulum, Police Report, Medical Report at iba pa ay ilan sa mga halimbawa nito. 6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Ito ay isang intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto ng akademikong pagsulat. Katangian ng Akademikong Pagsulat 1. Obhektibo -Dapat walang kinikilingan at lohikal. 2. Maliwanag at Organisado - Dapat maging malinaw at organisado sa nais na ipahayag. 3. Pormal - Iwasan ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal. 4. May Paninindigan- Maging matiyaga sa pagsagawa ng mga datos para matapos ang pagsusulat. 5. May Pananagutan- Ang ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat bigyan ng nararapat na pagkilala Iba’t ibang Anyo ng Akademikong Sulatin Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Narito ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. 1. ABSTRAK Layunin: mapaikli ang tesis o pananaliksik Gamit: buod ng pananaliksik Katangian: maikli, organisado, naaayon sa pagkakasunud-sunod sa nilalaman ng tesis 2. SINTESIS/BUOD Layunin: mabigyan ng buod ang teksto Gamit: buod ng teksto Katangian: overview ng akda, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 3. BIONOTE Layunin: maipakilala ang tao sa madla Gamit: para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya. Katangian: makatotohanan, maikli 4. PANUKALANG PROYEKTO Layunin: makapaglatag ng proposal sa proyekto, malutas ang suliranin Gamit: dokumento para sa plano Katangian: pormal, nakabatay sa target na awdiyens, malinaw 5. TALUMPATI Layunin: magbigay ng impormasyon, maglahad ng saloobin sa pamamagitan ng pagsasalita Gamit: pagpapahayag sa madla Katangian: pormal, nakabatay sa uri ng tagapakinig, malinaw, kawili-wili 6. KATITIKAN NG PULONG Layunin: makapagtala ng mahahalagang puntong nailahad sa pulong Gamit: dokumento ng mga napag-usapan sa pulong Katangian: organisado, ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga paksang napagusapan 7. AGENDA Layunin: magpabatid ng paksang tatalakayin sa pulong Gamit: dokumento ng mga mapag-usapan sa pulong Katangian: pormal at organisado 8. LARAWANG SANAYSAY (PICTORIAL ESSAY) Layunin: magpahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga lararawn Gamit: tagapagpahatid ng mensahe, tagapagmulat Katangian: gumagamit ng mga larawang magkakaugnay 9. REPLEKTIBONG SANAYSAY Layunin: makapaglahad ng saloobin, pananaw, opinyon o ano mang nais palitawing ideya Gamit: nagsisilbing tala ng tao ukol sa kanyang karanasan Katangian: karaniwang subhektibo, batay sa karanasang personal, binasa o pinanood 10. POSISYONG PAPEL Layunin: maipakita ang katotohanan ukol ng isang napapanahong isyu, maipaglaban ang tama, mahikayat ang madla Gamit: dokumento ng pagsasapubliko ng pananaw o pinaniniwalaan Katangian: pormal at organisado, gumagamit ng mga katibayan, batay sa pananaliksik 11. LAKBAY-SANAYSAY Layunin: maitala ang karanasan sa paglalakbay, maitaguyod ang lugar Gamit: dokumento sa paglalakbay, gabay ng mga turista, promosyonal na materyales Katangian: gumagamit ng mga larawan, naglalarawan ABSTRAK Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis o disertasyon. Karaniwan itong matatagpuan sa unang bahagi ng manuskrito na nakahiwalay sa buong papel pampananaliksik kaya maaari itong tumindig bilang isang hiwalay na teksto o kapalit ng isang buong papel. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 1. Lahat ng mga impormasyong ilalagay sa abstrak ay dapat na makikita sa kabuuan ng pananaliksik, nangangahulugang walang impormasyon na ilalagay na hindi naman matatagpuan sa pananaliksik. 2. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. 3. Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsulat nito. Gumamit ng mga simple, malinaw at tiyak na mga pangungusap. 4. Maging obhektibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. 5. Maging tumpak at mapanghahawakan ang mga pahayag dito. Iwasan ang paggamit ng mga salitang ‘marahil’, ‘baka’ siguro at iba pang kaugnay ng mga ito na nagpapahiwatig ng di- katiyakan o pag-aalinlangan. 6. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman ng pananaliksik. 7. Gumamit ng mga pangatnig upang maipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita at pangungusap sa iisang talata. 8. Gumamit ng wastong gramatika. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon. 3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito ng kabuoan ng papel. 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kailangan. 5. Limitahan ang mga salitang gagamitin. Tandaan na ang isang abstrak ay karaniwang binubuo lamang ng 200-250 Salita. 6. Basahing mabuti ang abstrak. Suriin kung may nakaligtaaang mahahalagang kasipang dapat isama. 7. Isulat ang pinal na sipi nito. Mga Bahagi ng Abstrak (sunod-sunod) 1. Layunin- Matutunghayan dito ang maikling pagpapakilala sa paksa gayundin ang mga tiyak na layunin/ suliraning kailangang lutasin ng mananaliksik. 2. Pamamaraan o Metodolohiya ng Pananaliksik- Tumutukoy ito sa mga pamamaraan at hakbang sa pagbuo ng pananaliksik. 3. Resulta o Kinalabasan ng Pananaliksik- Tumutukoy ito sa mga sagot sa mga tanong na nakalahad sa simula ng pag-aaral o taong kabilang sa paglalahad ng suliranin. Tanging buod ng resulta lamang ang inilalagay rito at hindi ang kabuuang resultang makikita sa pananaliksik. 4. Konklusyon at Rekomendasyon- Makikita sa bahaging ito ang implikasyon o hinuha batay sa kinalabasan ng pag-aaral Tatlong Anyo ng ABSTRAK: a. Pinaikling anyo. Binubuo ng 100-250 salita b. Malayang anyo. Binubuo ng 500-900 salita. Ito ay kadalasang kinakailangan para sa isang papel pampananaliksik para sa mga paligsahan at paglalahad ng siyentipikong papel sa mga simposyum at seminar. c. Pinahabang anyo. Binubuo ng 900-1000 salita. Ito ay kinakailangan sa pagbuo ng tesis panggradwado at disertasyon. SINTESIS / BUOD akademikong sulatin ang naaangkop kung lalagumin ang dalawa o higit pang sulating magkakaugnay Ang sintesis o buod ay mas maikli ngunit komprehensibo. Gumagawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin. Ang layunin nito ay makakuha ng mahalaga ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa kabuuan ng tekstong ibinuod. Taglay nito ang sagot sa mahahalagang tanong katulad ng “Sino, Ano, Paano, Saan, at Kailan” naganap ang mga pangyayari. Dalawang Anyo ng Sintesis 1. Explanatory Synthesis - Ito ay sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. 2. Argumentative Synthesis - Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat. Mga Uri Ng Sintesis 1. Background Synthesis - Nangangailangan pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. 2. Thesis-Driven Synthesis - Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit magkaiba lamang sila ng pagkatuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin. 3. Synthesis For The Literature - Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Mga Hakbang Sa Pagsulat Ng Sintesis 1. Linawin ang layunin ng pagsulat. 2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin ang mabuti ang mga ito. 3. Buuin ang tesis ng sulatin. 4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. 5. Isulat ang unang burador. 6. Ilista ang sanggunian. 7. Rebisahin ang sintesis. 8. Isulat ang pinal na sintesis. BIONOTE Urii ng maikling sulating impormatibo patungkol sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang indibidwal bilang propesyunal. Nakatala rito ang kaniyang mga natamo upang masabing siya ay maalam sa kaniyang larangang kinabibilangan. Ito ay maituturing na isang marketing tool dahil ginagamit ito upang itanghal ang natamo ng isang tao. Nagsusulat tayo ng bionote upang maipaalam sa iba ang ating karakter at kredibilidad. Isa itong paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa at akademikong sulatin ang ginagamitan ng personal profile ng isang tao ELEMENTO NG BIONOTE na NARARAPAT UNAHING ISULAT ay PERSONAL NA IMPORMASYON na kinabibilangan ng kaligirang pang- edukasyon, natamong parangal at ambag sa larangang kinabibilangan. Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Bionote 1. Sikaping maisulat lamang nang maikli. Kailangang makagamit lamang ng 200 salita kung ito ay gagamitin sa resume. Kung para sa networking site naman, isulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap. 2. Simulan sa pagsulat ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Magdagdag rin ng mga detalye patungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang mga natamong tagumpay ngunit kung ito ay marami, pumili lamang ng 2 o 3 na pinakamahalaga. 3. Upang maging litaw ang pagiging obhetibo ng sulatin, gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad kahit ito ay patungkol sa iyong sarili. Halimbawa: “Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong Pamantasan.” 4. Gumamit ng baliktad na tatsulok sa pagsulat. Unahin ang pinakamahahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming tao na basahin lamang ang unahang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay unahin na ang mga mahahalagang detalye. 5. Isulat lamang ito nang payak. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan. Ang layunin nito ay maipakilala ang sarili sa maili at tuwirang paraan. Upang maging kawili-wiling basahin, ang iba ay gumagamit ng kaunting pagpapatawa. 6. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Hindi masama ang pagbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay kinakailangan sa sulatin. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. 7. Basahin muli at muling isulat ang pinal na kopya ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito. TALUMPATI Proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang tiyak na paksa. Hindi magiging ganap ang talumpating isinulat kung hindi ito mabibigkas sa harap ng madla. Apat na Uri ng Talumpati Nasa ilalim ang mga uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. 1. Biglaang Talumpati (Impromptu)- ibinibigay nang walang paghahanda o biglaan. Kasabay ng pagbibigay ng paksa ang oras ng pagsasalita. Ang tagumpay ay nakabatay sa mga mahahalagang impormasyon na kailangang mapakinggan ng madla. 2. Maluwag (Extemporaneous)- nabibigyan ng ilang minuto ang tagapagsalita upang makabuo ng outline ng mga mahahalagang kaisipan na kanyang ipapahayag batay sa paksang ibinigay. 3. Manuskrito- Ang tagapagsalita ay may hawak na nakasulat na bersyon ng kanyang talumpati. Ginagamit ang uring ito sa mga seminar, kumbensyon o programa sa pagsasaliksik kaya ito ay dapat na lubos na pinaghandaan ngunit karaniwan ay nawawala ang koneksyon ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahilan sa pagbabasa ng inihandang manuskrito. 4. Isinaulong Talumpati- mahusay na pinag-aralan at pinaghandaan bago bigkasin sa madla gaya ng manuskrito. Nagkakaroon ng pakikipagugnayan ang tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil wala siyang binabasa habang nagsasalita. Ang kahinaan ng uri nito ay ang pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong kinabisado. Mga Uri ng Talumpati ayon sa Layunin 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran 2. Talumpating Panlibang 3. Talumpating Pampasigla 4.Talumpating Panghikayat 5. Talumpati ng Pagbibigay-galang 6. Talumpati ng Papuri Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati A. Uri ng mga Tagapakinig 1. Edad o gulang ng mga makikinig- 2. Ang bilang ng mga makikinig- 3. Kasarian- 4. Edukasyon o antas sa lipunan- 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig- Mga Hakbang na Maaaring Isagawa sa Pagbuo ng Talumpati. 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa internet, ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin at dyornal. Maaaring magsagawa ng panayam sa mga taong bihasa sa paksa. Iinternet ang pangunahing ginagamit sa pangangalap ng impormasyon ngunit nararapat na matiyak ang kawastuhan ng mga ito. 2. Pagbuo ng Tesis Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay ng kabatiran, manghikayat, o pokus ng pagpapahayag ng damdamin. 3. Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o punto Kailangang matukoy ang mga mahahalagang detalye na bibigyan ng tuon upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati Mahalaga ring mabigyang tuon ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati. Malaki ang epekto sa pagkaunawa ng mga makikinig sa paraan ng pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati. May tatlong hulwarang maaaring gamitin ayon kina Casanova at Rubin (2001). 1. Kronolohikal na Hulwaran – Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. 2. Topikal na Hulwaran – Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito. 3. Hulwarang Problema-Solusyon – Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito – ang paglalahad ng suliranin at ang pagtatalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati Mahalagang maisaalang-alang ang pagkakahabi ng nilalaman ng talumpati mula simula hanggang wakas upang maging mahusay, komprehensibo at organisado ito bago bigkasin. Ang isang talumpati ay may tatlong bahagi ayon kina Alemitser P. Tumangan Sr. et al. sa aklat nilang Retorika sa Kolehiyo. 1. Introduksyon – Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ang naghahanda sa mga tagapakinig para sa nilalaman ng talumpati. 2. Diskusyon o Katawan- Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito makikita ang mahahalagang punto at argumento patungkol sa paksa. 3. Katapusan o kongklusyon- Nakasaad dito ang lagom ng mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. AGENDA Ang pagpupulong o meeting ay pangkaraniwang gawain sa isang samahan, organisasyon, kompanya, palihan at sa mga kumperensiya. Maliban sa karaniwang pagpupulong kung saan magkakaharap ang mga taong kasama rito, sa kasalukuyan, sa tinatawag nating New Normal sa tulong ng makabagong teknolohiya, ang mga sumusunod ay ginagawa na rin; teleconference, videoconference, at online meeting sa pamamagitan ng iba’t ibang apps sa internet. Ang agenda ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong (Bandril at Villanueva, 2016). Ito ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong upang maging maayos, organisado, at epektibo (Julian at Lontoc, 2016). Ang susi sa matagumpay na pulong ay nakabatay sa sistematikong agenda. TALAHANAYAN -pinakaangkop gamitin sa paglalatag ng talaan sa agenda kung saan makikita ang paksa, taong magpapaliwanag at oras kung gaano katagal pag-uusapan ang paksa Mga impormasyon ang dapat ilagay sa agenda 1. Mga paksang tatalakayin 2. Mga taong magpapaliwanag ng paksa 3. Oras na itinakda para sa bawat paksa Kahalagahan ng Agenda Inilahad nina Julian at Lontoc (2016) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang agenda sa mga pulong. 1. Ito ang nagsasaad ng mga sumusunod na impormasyon: i. mga layunin at paksang tatalakayin ii. mga taong tatalakay ng paksa iii. oras na itinakda para sa bawat paksa 2. Itinatakda rin dito ang balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito. 3. Nagsisilbi itong talaan o checklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. 4. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagpapasyahan. 5. Nakatutulong ito nang malaki upang manatiling nakapokus ang mga dadalo sa mga paksang tatalakayin sa pulong Mga Hakbang sa Pagsulat ng Agenda Naglahad din sina Julian at Lontoc (2016) ng mga hakbang sa pagsulat ng agenda. 1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o sa e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar. 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail nama’y kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng agenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng oras na kanilang kailangan upang pag-usapan ito. 3. Kung naipasa na ang lahat ng paksang tatalakayin, maging sistematiko sa paglatag nito. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga paksa ay nalikom na. Gumamit ng talahanayan kung saan nakasaad ang agenda o paksa, taong tatalakay, at oras kung gaano ito katagal tatalakayin. Tiyaking ang mga paksa ay nakaayos sa layunin at kung sakaling walang kaugnayan ang paksa, ipagbigay alam sa taong nagpasa nito na maaaring sa susunod na lamang na pagpupulong ito talakayin. 4. Ipadala ang mga sipi ng agenda sa mga dadalo, dalawa o tatlong araw bago ang pagpupulong. 5. Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa ng pulong. Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Agenda 1. Ang lahat ng dadalo sa pulong ay tiyaking nakatanggap ng sipi ng mga agenda. 2. Ang higit na mahalagang paksa ang dapat na talakayin sa unang bahagi. 3. Manatili sa talatakdaan (schedule) ng agenda ngunit maaaring maging flexible kung kinakailangan. 4. Tiyaking magsimula at magwakas sa itinakdang oras ng agenda. 5. Ihanda ang mga kinakailangang dokumento kasama ng agenda. Katotohanan hinggil sa AGENDA bilang isang uri ng akademikong sulatin: 1. Tala ito ng pag-uusapan sa pulong 2. Gabay ito sa pagsulat ng katitikan ng pulong WASTONG PAGKAKASUNOD-SUNOD NA BAHAGI NG AGENDA: 1. Pangalan ng Samahan/Organisasyon 2. Petsa 3. Oras 4. Lugar 5. Paksa 6. Mga Dadalo 7. Mga Paksang Tatalakayin/Agenda 8. Naghanda ng Agenda

Use Quizgecko on...
Browser
Browser