Document Details

JudiciousCrocus

Uploaded by JudiciousCrocus

Valenzuela National High School

2024

Dianne D. Lumibao/Zoe Sarah Bejuco

Tags

Philippine Social Studies Nationalism History Education

Summary

This document contains lesson materials for Grade 7 Social Studies in the Philippines for the third quarter, week 2. It includes learning objectives, topics on national identity, and historical context. Specific details are present on the various historical periods and how these periods shaped the concepts of nationalism.

Full Transcript

7 Kuwarter 3 Lingguhang Aralin Aralin sa Araling Panlipunan 2 1 Modelong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7 Kuwarter 3: Linggo 2 SY 2024-2025 Ang kagamitang panturong ito ay eksklusibo sa mga gurong kalahok para paunang papapatu...

7 Kuwarter 3 Lingguhang Aralin Aralin sa Araling Panlipunan 2 1 Modelong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7 Kuwarter 3: Linggo 2 SY 2024-2025 Ang kagamitang panturong ito ay eksklusibo sa mga gurong kalahok para paunang papapatupad o implementasyon ng MATATAG K - 10 na kurikulum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Manunulat: Dianne D. Lumibao / Zoe Sarah Bejuco (Valenzuela National High School) Tagasuri: Voltaire M.Villanueva, Ph.D. Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631-6922 o mag-email sa [email protected] 2 ARALING PANLIPUNAN, IKATLONG KUWARTER, BAITANG 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nasyonalismo at pagkabansa sa konteksto ng kolonyalismo sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng pagtatanghal na nagpapahalaga sa nasyonalismo at pagkabansa ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya sa konteksto ng kolonyalismo. C. Mga Kasanayan at Layuning Mga Kasanayan Pampagkatuto 1. Nailalarawan ang pagtamo ng kasarinlan ng mga piling bansa sa Timog-Silangang Asya. 2. Napaghahambing ang mga pamamaraan ng pagtamo ng kasarinlan ng mga piling bansa sa Timog-Silangang Asya. C. Nilalaman Mga pamamaraan ng pagtamo ng kasarinlan ng mga piling bansa D. Integrasyon Sustainable Development Goals (SDG 16 – Promote peaceful and inclusive societies for sustainable development, provide access to justice for all and build effective, accountable and inclusive institutions at all levels) II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Batchelor, T. (2015). Ho Chi Minh in Newhaven: From pastry chef in East Sussex to patriotic leader of Vietnam [Online Image]. Independent Co UK. https://www.independent.co.uk/news/uk/home-news/ho-chi-minh-in-newhaven-from-pastry-chef-in-east-sussex-to-patriotic- leader-of-vietnam-10157622.html 1 Bustamante, E. & Avendano, F. (2016). Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. St. Bernadette Publishing House Corporation Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan. 2016, Mayo. Department of Education. https://www.deped.gov.ph/wp- content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf Ideal Leadership of General Aung Sun [Online Image]. (2020). Myanmar Digital News. https://www.myanmardigitalnewspaper.com/en/ideal-leadership-general-aung-san IQuestion PH (2022, August 30). Ano ang Nasyonalismo? [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=juVCANRKqVs Knowledge Channel. (2022, November 14). Ano ang Nasyonalismo [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=lyMUmS0-ou0 Nasyonalismo (n.d.). CulturEd Philippines. https://philippineculturaleducation.com.ph/nasyonalismo/ Piedad-Pugay, C. & Uckung, P. (2020). Jose Rizal: Discover The Human Side Of the National Hero of the Philippines [Online Image]. Tatler Asia. https://www.tatlerasia.com/lifestyle/arts/a-closer-look-on-the-more-human-side-of-national-hero-dr-jose-rizal Sakurno Founding Father of Indonesia [Online Image]. (2023). Banknote World. https://www.banknoteworld.com/blog/sukarno-founding- father-of-indonesia/ Teacher Aldrin TV. (2021, September 2). Ang Deklarasyon ng Kalayaan o Kasarinlan ng Pilipinas (K-12 MELCS Based) [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=e4zVr154CgA Teacher Shaira. (2020, November 8). Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at Ang Unang Republika [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=HvGLOOx3cbk Telan, Jemerlyn. (2020, July 30). Ang Apat na Elemento ng Pagkabansa (Ang Aking Bansa) [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=11CGKuEq4-w Veneracion M. (2018). Nasyonalismo: Ang Makabayang Pilosopiya sa Pagpapanumbalik ng Maka-Pilipinong Kamlalayan. Philippine E- Journals. https://ejournals.ph/article.php?id=12966 Zaide, G. & Zaide S. (2014). Kasaysayan ng Bansang Asyano Ika-8 Edisyon. All Nations Publishing Co., Inc. [Cartoon Government House]. Shutterstock. https://www.shutterstock.com/search/cartoon-government-house [Human Brain Cartoon Image]. Vectorstock. https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/human-brain-cartoon-isolated-vector- 31809671 2 [Philippine Flag Cartoon Image]. Istockphoto. https://www.istockphoto.com/search/2/image-film?phrase=philippine+flag+cartoon [Reaction Design Emoticon]. Vecteezy. https://www.vecteezy.com/vector-art/2075163-reaction-design-emoticon-flat-collection III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng Unang Araw Ang mga gawaing ito ay Dating magsisilbing gabay o maaaring 1. Maikling Balik-aral Kaalaman mapagpilian upang balikan ang Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain: natapos na aralin sa nakaraang (Mind & Mood) kuwarter at bilang panulay sa A.Anong Tugon?: Maglahad ng ilang pangyayari / konsepto na sa iyong palagay ay mga bagong paksang nagbigay-daan sa pag-usbong ng konsepto ng nasyonalismo sa Timog-Silangang tatalakayin sa bagong kuwarter Asya. na ito. 3 B. Paglalahad ng 1. Panghikayat na Gawain Sa bahaging ito ay mahalagang Layunin Bayaning Petmalu: Sino ang maituturing mong bayani na sumisimbolo sa maipaalam sa mga mag-aaral nasyonalismong Pilipino? Humango ng kaniyang larawan sa internet (o gumuhit ng ang kahalagahan ng paksang (Aims) kaniyang larawan) at ilahad ang mga katangian ng bayaning napili na iyong tatalakayin. Maaaring gamiting nagustuhan. gabay ang mga kalakip na gawain. A. Pangalan ng Bayani ___________________________ ___________________________ ___________________________ Larawan ng Bayani B. Siya ay katangi-tangi dahil … __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ C. Paglinang at Ikalawang Araw Ang mga gawaing nakalahad sa Pagpapalalim bahaging ito ay gawing gabay Kaugnay na Paksa : Mga Pamamaraan ng Pagtamo ng Kasarinlan - Pilipinas, Burma, (Tasks and Indonesia, at Vietnam. Thought) 4 upang lubusan na maunawaan ang paksa sa linggong ito. Pilipinas Hindi naging masaya at naging mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Espanyol. Mula 1574 hanggang 1872, mahigit sandaang pag- aalsa ang naganap sa iba’t ibang lalawigan. Subalit hindi ito naging matagumpay sa kadahilanang ilan sa mga ito ay bunga ng personal na adhikain at dahil na rin sa kawalan ng pagkakaisa at pagkakawatak watak ng mga Pilipino. Noong Pebrero 1872, namulat ang pambansang kamalayan ng mga Pilipino. Sa taong ito naganap ang hindi makatarungang pagpatay sa tatlong paring Pilipino, sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora (GomBurZa). Noong Agosto 1896, pinamunuan ni Andres Bonifacio ang lihim na samahan ng Katipunan (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan Ng Mga Anak ng Bayan o KKK) sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Nagsimula ang rebolusyon hanggang sa patayin si Bonifacio noong Mayo 1897 sa Cavite. Noong Disyembre 30,1896 naman nangyari ang pagbaril kay Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan. Ang pagbaril na ito kay Rizal ang nagbunsod pa sa Rebolusyong Pilipino. Noong Hunyo 12, 1989, iprinoklama ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite at Noong Enero 1899, pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Ang pangyayaring ito ay isa sa mga naging instrumento at inspirasyon sa pagsulong ng nasyonalismo at republikanismo sa Asya. Burma Naging lalawigan ng British India ang Burma noong 1886. Umunlad ang Burma sa pananakop ng Biritain subalit ang mga negosyanteng British at Indian lamang ang lubos na nakinabang. Iba’t ibang reporma din ang isinulong at ipinatupad na naging dahilan para mawala ang mga pribilehiyong nararanasan ng mga katutubong 5 Burmese. naging laganap ang mga nakawan, nabaon sa utang at lalong naghirap ang mga mamamayan. Taong 1930, ng magkaroon ng sunod-sunod na riot laban sa mga British sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pinasimulan ito ng mga Buddhist monghe at ng mga thakins o mga aktibistang estudyante. Sa grupong ito nagmula ang ilan sa mga naging bayani ng kasarinlan ng Burna – sina Aung San ang “Ama ng Kasarinlan ng Burma”, U Nu, ang unang punong ministro at Than Thun, lider ng kilusang komunista. Indonesia Noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon, sumibol ang kilusang nasyonalista sa mga Indonesian. Isa sa mga naging malaking impluwensiya at inspirasyon para sa kanila ang rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol at ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Patunay rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga kalalakihang Indonesian ng Rizal hanggang sa kasalukuyan. Isa sa mga naging lider ng nasyonalismo ay si Raden Adjen Kartini na masigasig na kumilos para sa emansipasyon ng kababaihan. Naisagawa niya ito sa pamamagitan ng kaniyang mga liham na tinatawag ang atensiyon ng mga namumunong Dutch sa tunay na kalagayan ng mga mamamayan lalong-lalo na ang mga kababaihan. Taong 1927 ng itinatag ang partidong nasyonalista na may adhikaing isulong ang kasarinlan ng bansa sa pamumuno nina Achmed Sukarno, Muhammad Hatta, at Sultan Sjahrir. Vietnam Taong 1941, pinamunuan ni Ho Chi Mihn ang kilusan para sa kasarinlan ng Vietnam. Noong nakapagtrabaho siya bilang katulong sa kusina sa Paris, nakilala niya ang komunistang nagbigay ng inspirasyon sa kaniya para ipaglaban ang kasarinlan. 6 Noong Ikalawang Digmaang Pandaigidig, lumaban ang mga gerilyang Vietnamese. Taong 1945 naman ay itinatag ng mga Hapon ang bagong pamahalaan upang makuha ang simpatya ng mga Vietnmese. Ang papet na pamahalaan na ito ay hindi rin nagtagal dahil hindi ito tinanggap ng taumbayan. Sa pagtatapos ng digmaan, hindi napigilan ng Allied French Army si Ho na magtatag ng pamahalaang probisyonal sa hilagang Vietnam, ito ang Demokratikong Republika ng Vietnam. Sa pagsapit ng Setyembre 2, 1945, ipinahayag ni Ho sa taumbayan ang kasarinlan ng Vietnam. 1. Pagproseso ng Pag-unawa. Tukuyin ang mga samahang nasyonalista na naitatag sa mga pangunahing bansa sa Timog-Silangang Asya Bansa Mga Samahan Layunin / Hinahangad 1. Pilipinas 2. Burma 3. Indonesia 4. Vietnam Ikatlong Araw 7 2. Pinatnubayang Pagsasanay. Kunwariang Panayam: Isipin na ikaw ang sumusunod na personalidad, ano ang iyong magiging sagot sa mga katanungan. Katanungan: 1. Ano ang nagbigay-daan sa inyong pagkakakilala bilang larawan ng nasyonalismo sa inyong bansa? 2. Anong pagbabago ang nais ninyong makamit sa rebolusyon/reporma na isinasagawa mo/ninyo? 3. Ano ang kinahinatnan ng iyong pagsusumikap? Jose Rizal Kasagutan: _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Aung San Kasagutan: _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 8 Sukarno Kasagutan: _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Ho Chi Minh Kasagutan: _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 3. Paglalapat at Pag-uugnay. Paghahambing: Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamamaraan ng ng pagtamo ng kasarinlan sa pagitan ng sumusunod na bansa: Pilipinas, Burma, Indonesia, at Vietnam. 9 Pagkakatulad Pagkakaiba __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ D. Paglalahat Ika-apat na Araw Ang bahaging ito ay magisilbing daan para sa mga mag-aaral na (Abstractions) 1. Paglilinaw. maipahayag ang kanilang mga natutuhan sa natapos na aralin. Ilahad ang iyong sariling pananaw batay sa iyong natutuhan sa aralin. Isulat ang pahayag sa loob ng kahon. 10 Iyong Natutunan Reaksiyon Tanong _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ ______________________. ______________________. ______________________. E. Pagtataya 1. Pagsusulit Ang bahaging ito ay magsisilbing pagtataya sa (Tools for Ipakita ang Galing: Sa pamamagitan ng isang uri ng sining na iyong mapipili naging pag-unawa ng mga mag- Assessment) (visual art, literary art, performing art o digital art), ipakita kung paano mo aaral sa natapos na paksa. patuloy na maipagmamalaki ang pagiging Pilipino at ang paninirahan sa Sa gawain na ito, maaaring bansang Pilipinas. maging basehan ang sumusunod sa pagtatakda ng grado: Malikhaing pagpapahayag – 30 puntos Orihinal ng kosepto – 30 puntos Impact o mensahe sa mga manonood/makakabasa/maka kakita - 40 Kabuoan: 100 puntos 11 F. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa Problemang Naranasan at Anotasyon pagtuturo sa alinmang Epektibong Pamamaraan sumusunod na bahagi. Iba pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag- aaral At iba pa G. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? Inihanda ni: Dianne D. Lumibao / Zoe Sarah R. Bejuco Sinuri ni: Voltaire M. Villanueva Institusyon: Quezon City University / Valenzuela NHS Institusyon: PNU-Maynila 12 13

Use Quizgecko on...
Browser
Browser