Mga Hamon ng Pagkabansa ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalahad ng mga hamon ng pagkabansa ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binibigyang-diin ang mga isyu tulad ng neokolonyalismo, at kung paano ito nakaapekto sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng bansa. May mga katanungan at talakayan tungkol sa paksa.

Full Transcript

Mga Hamon ng Pagkabansa ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 3 - WEEK 3 Ang pag-unlad ng NASYONALISMO sa Timog-Silangang Asya ay nagbigay-daan sa higit na pagsisikap ng mga Pilipino, Burmese, Indones at V...

Mga Hamon ng Pagkabansa ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 3 - WEEK 3 Ang pag-unlad ng NASYONALISMO sa Timog-Silangang Asya ay nagbigay-daan sa higit na pagsisikap ng mga Pilipino, Burmese, Indones at Vietnamese na isulong ang kanilang hangaring makamit ang KASARINLAN para sa kani-kanilang bansa. Aral ng Nakaraan, Ating Balikan SAAN AKO KABILANG? Bansa Kapital Sumakop Personalidad Araw ng Kalayaan Jakarta Myanmar Sukarno September 2, 1945 Great Britain August 17, 1945 Ho Chi Minh Hanoi Netherlands Jose Rizal Aung San January 4, 1948 France Spain & US Indonesia Vietnam Philippines June 12, 1898 Manila Naypyidaw Tuluyang naging ganap ang kasarinlan ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Unti-unting bumuo ng mga patakaran at polisiya na naglalayong pagtibayin ang PAGKABANSA nito. Ang PAGKABANSA ay katayuan o kalagayan ng isang lugar bunga ng pagkakaroon ng tao o mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at kalayaan o soberaniya. SALAMIN NG KATOTOHANAN: (#Magpakatotoo ka) Lagyan ng ☺ ang bilang na naglalahad ng mga sitwasyon na nagpapahiwatig ng pagkabansa. 1. Pagdalo sa mga pambansang pagtitipon na may kinalaman sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan o iba pang mahahalagang okasyon ng bansa. 2. Pagbili at pagsuporta sa mga produkto mula sa ibang bansa. 3. Paggamit at pagtaguyod ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas. 4. Aktibong pagsuporta sa wikang Pambansa at pagpapahalaga sa sariling kultura at identidad. SALAMIN NG KATOTOHANAN: (#Magpakatotoo ka) Lagyan ng ☺ ang bilang na naglalahad ng mga sitwasyon na nagpapahiwatig ng pagkabansa. 5. Ang pagsasawalang-bahala sa karapatan sa pagboto. 6. Pagsuporta sa mga adhikain na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng bansa tulad ng pangangalaga ng kalikasan, pagsulong sa edukasyon, at paglaban sa katiwalian. 7. Ang pag-aaral at pagbibigay ng halaga sa mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, kasama na ang mga tagumpay at pakikipaglaban para sa kalayaan. SALAMIN NG KATOTOHANAN: (#Magpakatotoo ka) Lagyan ng ☺ ang bilang na naglalahad ng mga sitwasyon na nagpapahiwatig ng pagkabansa. 8. Pagtangkilik sa mga pambansang isports at pagsuporta sa mga atletang nagdadala ng karangalan sa bansa sa pandaidigang palakasan. 9. Pagpapakita ng respeto at dignidad sa mga pambansang simbolo tulad ng watawat at awit ng bansa. 10. Ang pagtulong at pagbibigay ng suporta sa kapuwa Pilipino sa panahon ng kalamidad tulad ng pagbibigay ng donasyon o volunteer work. Kasabay ng paglipas ng mga taon ay ang pagbabago ng kalagayang politikal, pang-ekonomiya, pangkultura at panlipunan ng Pilipinas. Sa mga pagbabagong ito ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon din ng mga HAMON. Patuloy ngunit masugid na sinisikap ng bansa na harapin ang mga HAMON NG PAGKABANSA sa pag-asang mapagtitibay pa ito para sa kagalingan ng susunod pang henerasyon ng mga Pilipino. MGA HAMONG Anong mga hamon ang nararanasan ng Pilipinas sa kabila ng POLITIKAL patuloy na pagsisikap nitong mapagtibay ang pagkabansa? Sa kabila ng pagtatamasa ng kasarinlan, nagpatuloy ang kapangyarihan at impluwensiya ng United States sa Pilipinas sa pamamagitan ng makabago at tahimik na paraan ng pananakop na tinatawag na MO YAO LIS LON KO NE Ang neo ay nangangahulugang bago, samantalang ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng malakas na bansa upang makakuha ito ng kanilang mga pangangailangan. Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa paggamit ng iba’t ibang puwersang politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan ng isang bansa upang maimpluwensiyahan ang isa pang bansa, na kalimitan ang huli ay dating nasakop ng una. Bahagi ng napagkasunduan ng Pilipinas at Amerika ang pagkakaroon ng mga Amerikano ng base-militar sa bansa, nagtagal ang mga ito ng apat na dekada hanggang sa magwakas ang kasunduan noong 1991 at pinili ng Senado ng Pilipinas na hindi na ito ipagpatuloy. Ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ang pagpunta ng mga Amerikanong sundalo sa bansa upang magsagawa ng mga pagsasanay. Nakikilahok naman ng mga Pilipinong sundalo sa mga military intervention na ito na isinasagawa ng United States. Bahagi ito ng pagkilala sa nilagdaang MDT (Mutual Defense Treaty) noong 1951 na pinagtibay pa ng VFA (Visiting Forces Agreement), 1999, at EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement), 2014. Patuloy rin ang impluwensiya ng United States sa kalagayang pulitikal ng bansa kabilang na ang LEK YON E SI Mahalaga para sa kanila na ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay sumusuporta sa mga polisiya nila. Halimbawa, ang pagpapadala ng CIA kay Edward Lansdale hindi lamang upang sugpuin ang Huk kundi tumulong din na mailuklok sa katungkulan ang isang pangulong mananatiling tapat sa Estados Unidos. Nagpatuloy rin ang pangungutang ng Pilipinas sa mga pandaigdigang pinansiyal na institusyon gaya ng IMF (International Monetary Fund) at World Bank, at ginamit ang mga ito bilang mga mekanismo para magpatupad ang pamahalaan ng mga patakaran at polisiyang pang-ekonomiya na PABOR sa INTERES ng United States. Dahil na rin sa naging mahinahong paraan ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay mas naging MADALI para sa kanila na IMPLUWENSIYAHAN ang ASAL at PANINIWALA ng mga Pilipino sa pamamagitan ng media, wika, edukasyon, at maging ng relihiyon. Hanggang sa kasalukuyan, ang sistema ng edukasyon na umiiral sa bansa ay batay sa sistemang ipinakilala ng mga Amerikano. Malawakan din ang paggamit ng wikang Ingles sa bansa. Hindi rin maikakaila na ang panlasa ng mga Pilipino sa pagkain, pananamit, at iba pa ay may pagkiling sa kulturang Amerikano. Nagsisilbing Hamon ang Neokolonyalismo sa Pilipinas bunsod ng sumusunod na Dahilan: PATULOY NA UMAASA ANG PILIPINAS SA MGA DAYUHANG PAMUMUHUNAN AT TULONG. Patuloy na nakikilahok sa ekonomiya ng Pilipinas ang mga dayuhang multinasyonal, na karaniwang dating mga kolonyalistang bansa. Dahil dito, ang Pilipinas ay nakatali sa mga tuntuning idinidikta ng mga namumuhunang ito, na maaaring magpahina sa kapangyarihan at kalayaan ng pamahalaan sa pagpapasiya. Maaari rin itong magdulot ng pagbabago sa polisiya at kawalan ng kontrol sa ekonomiya, lipunan, at politika ng bansa. Nagsisilbing Hamon ang Neokolonyalismo sa Pilipinas bunsod ng sumusunod na Dahilan: ANG PATULOY NA PAGPASOK NG PILIPINAS SA MGA KASUNDUANG PANGKALAKALAN AY MAAARING MAGDULOT NG PANANAMANTALA NG MGA MAKAPANGYARIHANG BANSA. Maaari itong humantong sa paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas, pagkasira ng kalikasan, kaguluhan sa lipunan, at konsentrasyon ng yaman sa kamay ng mga dayuhan. Nagsisilbing Hamon ang Neokolonyalismo sa Pilipinas bunsod ng sumusunod na Dahilan: ANG MAHABANG PANAHON NG PAGKAKAUTANG NG PILIPINAS NA MAY MATAAS NA INTERES AT MAIKLING PANAHON NG PAGBABAYAD AY MAAARING MAGDULOT NG SIKLO NG PAG-ASA SA UTANG. Ito ay maaaring magdulot ng kawalan ng katatagan ng pamahalaan at ekonomiya. Sa patuloy na pag-utang, maaaring masangkot ang bansa sa mga kasunduang hindi makatutulong sa mga hamong kinakaharap nito. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 1. Isang patakaran ng United States na ipinatupad sa Pilipinas na nagpapatunay bilang pagpapasimula ng neokolonyal na katangian ng edukasyon sa bansa. Colonial Mentality Neokolonyalismo Benevolent Assimilation Labis na Pagdepende Dayuhang Pautang Lihim na Pagkilos Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 2. Karamihan sa bansa sa Timog – Silangang Asya ay labis na umasa sa mga mayayamang bansa tulad ng United States. Colonial Mentality Neokolonyalismo Benevolent Assimilation Labis na Pagdepende Dayuhang Pautang Lihim na Pagkilos Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 3. Ito ay maituturing na bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan ng impluwensiya o pagkontrol sa aspetong pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at kahit sa larangan ng pangmilitar ng isang maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa. Colonial Mentality Neokolonyalismo Benevolent Assimilation Labis na Pagdepende Dayuhang Pautang Lihim na Pagkilos Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 4. Ito ay ang pamamaraan ng anumang pautang na ipinapahiram ng International Monetary Fund (IMF)/World Bank o ng United States na may laging kasunduan o kondisyon. Colonial Mentality Neokolonyalismo Benevolent Assimilation Labis na Pagdepende Dayuhang Pautang Lihim na Pagkilos Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 5. Tumutukoy sa gawain ng mga neokolonyalistang bansa na guluhin ang isang pamahalaan ng isang bansa o ibagsak ito nang tuluyan dahil hindi mapasunod sa mapayapang paraan. Colonial Mentality Neokolonyalismo Benevolent Assimilation Labis na Pagdepende Dayuhang Pautang Lihim na Pagkilos Buuin ang pahayag sa ibaba. Piliin ang tamang salita na nasa loob ng kahon. makabagong paraan Ang Neokolonyalismo ay ang 6. ________________ kolonyalisasyon sa pamamagitan ng ng 7. ________________ impluwensiya sa pagpapanatili ng 8. ________________ pampulitikal militar at pang-ekonomiya kultural, 9. _______________, mananakop ng dating 10. ________________ sa mga bansang dating nasakop. makabagong kolonyalisasyon impluwensiya mananakop pampulitikal Magbigay ng ilang hakbang upang tugunan ang hamon ng neokolonyalismo. Palakasin ang soberanya ng bansa. Lumaban sa anumang uri ng MANILA panghihimasok ng ibang bansa. Tumutol sa mga polisiya na pabor sa malalaking bansa. Hikayatin ang kabataan na magtuon sa practical arts o maging entrepenyur. Mahalin ang sariling kultura. Pagyamanin at tangkilikin ang lokal na produkto. Pumili at bumoto ng mga pinunong magpoprotekta sa interes ng bansa. Tatlong sangay ang bumubuo sa pamahalaan – ang e h e k u t i b o na kinabibilangan ng Pangulo, ang l e h i s l a t i b o o ang Kongreso, at ang h u d i k a t u r a na kinakatawan ng mga Korte. Pantay-pantay ang tatlong sangay, dapat ay walang isa na higit na makapangyarihan at tungkulin ng bawat isa na tiyakin ang pagkakaroon ng check and balance. check and balance - sistemang tumitiyak na walang may lubos na kapangyarihan sa mga desisyon, malinaw ang tungkulin ng bawat sangay, at may kooperasyon ang mga sangay sa pagtupad ng mga gampanin Ngunit, hindi ito nasunod dahil nanatili ang herarkiya sa mga pinuno, kung saan ang presidente o pangulo ang pinakamataas. Dahil dito, nanatili ang malaking impluwensiya at kapangyarihan ng sinumang umupo bilang pangulo sa pagtalaga at pagbuo ng mga polisiya, paglalaan ng pondo, at pagtatalaga ng iba pang opisyal ng pamahalaan. Ang politika ng Pilipinas ay pinamumunuan ng mga oligarkiya mula pa noong panahon ng mga mananakop. Mula sa sistemang cacique ng mga Espanyol, nabuo ang relasyong patron-client sa pagitan ng mga makapangyarihang politiko at mga ordinaryong mamamayan. Ganoon din sa electoralism ng Estados Unidos, kung saan binigyan ng kapangyarihan ang mga mayayamang Pilipino sa pamamagitan ng halalan upang matiyak ang kanilang kooperasyon. Ang mga kondisyong ito ang nagbigay-daan sa pag-iral ng ELITE DEMOCRACY sa bansa. Ang demokratikong elitismo sa Pilipinas ay naglalarawan ng pagkakaroon ng kapangyarihan at impluwensiya sa kamay ng iilang mayayaman at edukadong tao, sa kabila ng pagsunod sa mga demokratikong proseso at institusyon. Bagama't ito ay nagaganap sa Pilipinas, posible rin itong mangyari sa iba pang demokratikong bansa. Ang mga dinastiyang politikal at sistemang patronage ay ilan lamang sa mga aspeto na may kaugnayan sa demokratikong elitismo sa bansa. Ang political dynasty o dinastiyang politikal ay tumutukoy sa isang kalagayan kung saan ang kapangyarihan sa politika ay naipapasa mula sa isang miyembro ng pamilya MANILA patungo sa isa pang miyembro ng parehong pamilya. Sa ganitong sistema, ang mga posisyon sa pamahalaan ay kadalasang hawak ng mga magkakamag-anak, na nagreresulta sa isang uri ng pamumuno na kontrolado ng iilang pamilya lamang. Ang mga political dynasty ay karaniwang makikita sa mga bansa kung saan ang mga pamilya ay may matagal nang impluwensya sa politika at ekonomiya. Isyu Ngayon: (#Magpakatotoo ka) Magbigay ng halimbawa ng dinastiyang politikal sa Pilipinas. Magbigay ng mga dahilan kung bakit nagtatagumpay ang dinastiyang politikal sa Pilipinas. Sistemang padrino ang karaniwang tawag sa sistemang patronage rito sa Pilipinas. Ito ay tumutukoy sa pagkakaloob ng pabor, na maaaring MANILA pagtaas sa katungkulan o pagtatalaga sa pamahalaan ng isang kawani, bunsod ng kaugnayan nito sa isang politiko. Ang indibidwal na ito ay maaaring wala namang kakayahan o kwalipikasyon sa posisyong ipinagkakaloob dito. Dito pumapasok ang mga sistemang nepotismo at cronyism. Nepotismo - pagkakaloob ng pabor ng isang maimpluwensiyang pulitiko o kawani sa kamag-anak. Cronyism - o ang pagkakaloob ng pabor ng isang politiko o kawani ng pamahalaan sa isang kaibigan, o kasamahan. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 1. Paggamit ng halalan bilang bahagi ng demokrasya; kung sino ang manalo ang siyang may hawak ng kapangyarihan Political Dynasty Nepotismo Sistemang Patronage Cronyism Electoralism Elite Democracy Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 2. Tumutukoy sa pagkakaloob ng pabor, na maaaring pagtaas sa katungkulan o pagtatalaga sa pamahalaan ng isang kawani, bunsod ng kaugnayan nito sa isang pulitiko. Political Dynasty Nepotismo Sistemang Patronage Cronyism Electoralism Elite Democracy Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 3. Modelo ng demokrasya kung saan isang maliit na grupo lamang ng mga tao na karaniwang nagmumula sa mga mayayaman o nakapag-aral ang may kapangyarihan at impluwensiya sa mga desisyong politikal. Political Dynasty Nepotismo Sistemang Patronage Cronyism Electoralism Elite Democracy Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 4. Pagkakaloob ng pabor ng isang politiko o kawani ng pamahalaan sa isang kaibigan, o kasamahan Political Dynasty Nepotismo Sistemang Patronage Cronyism Electoralism Elite Democracy Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. 5. Pagkakaloob ng pabor ng isang maimpluwensiyang pulitiko o kawani sa kamag-anak. Political Dynasty Nepotismo Sistemang Patronage Cronyism Electoralism Elite Democracy Magbigay ng EPEKTO ng Demokratikong Elitismo sa Bansa. Kawalan ng representasyon dahil ang kapangyarihan ay nakatuon sa iilang MANILA mayayaman at edukadong tao. Korupsiyon: Ang mga elite ay may kakayahang manipulahin ang mga proseso at institusyon upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan at impluwensya. Pagkakaroon ng Patronage System at Political Dynasties Pagkakaroon ng Social Inequality kung saan ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman habang ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap. Magbigay ng ilang HAKBANG upang Malabanan ang Demokratikong Elitismo sa Bansa. Pagpapatupad ng mahigpit na batas na nagbabawal sa mga paboritismo at nepotismo sa pamahalaan MANILA Pagpapalakas ng transparency at accountability Pagpapalakas ng edukasyon na nagtuturo sa publiko tungkol sa mga epekto ng patronage at korupsiyon Pagpapalakas ng media na nag-uulat tungkol sa mga isyu ng patronage at korupsiyon Pagpapalakas ng mga institusyon ng pamahalaan na may tungkuling mag- imbestiga at mag-usig ng mga kaso ng korupsiyon Mga Hamon ng Malawakang Katiwalian KO YON SI RUP Ang isyu ng K O R U P S I Y O N o K A T I W A L I A N ay matagal nang balakid sa sinisikap na pagsasaayos ng pamamahala sa Pilipinas. Ayon sa isang pagsusuri (Nawaz, 2022), LAHAT ng uri ng korupsiyon mula simpleng panunuhol ay nagaganap sa Pilipinas. Ang KORUPSIYON ay tumutukoy sa PANG-AABUSO ng kapangyarihang ipinagkatiwala sa isang indibidwal para sa sariling kapakinabangan upang Ito ay may kinalaman sa hindi tamang makuha ang minimithing paggamit ng mga pinagkukunang yaman, bagay sa pamamagitan ng impluwensiya, at awtoridad ng mga indibidwal o pangkat na karaniwang nasa hindi patas na paraan. posisyon na sumasaklaw sa pampubliko at pampribadong sektor. Noong Pebrero 1, 2022, itinala ng Transparency International's Corruption Perception Index (CPI) ang Pilipinas bilang ika - 116 ? sa iskor na 33 ? sa 180 bansa na tinatayang lebel ng korupsiyon sa pampublikong sektor sa daigdig. Inihahayag ng Transparency International ang eskalang zero bilang "highly corrupt" at ang 100 naman bilang "very clean." Ibig sabihin, MATAAS pa rin ang kaso ng korupsiyon sa bansa. Hinahadlangan ng KORUPSIYON ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ito rin ang nagiging sanhi ng kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaang makapagkaloob ng inaasahang kapakinabangang panlipunan at pang-ekonomiya. Active ang panunuhol kung ito ay inialok bilang pangako o ibinigay kung ang isang indibidwal ay humiling o tumanggap nito. Ang sumusunod ay ilan sa nagaganap na AKTIBONG PANUNUHOL: Panunuhol upang makamit ang isang proyekto ng pamahalaan Panunuhol upang mapabilis na maipagkaloob ang minimithing pondo Panunuhol upang mapagkalooban ng malaki at mahalagang kontrata Panunuhol upang mapadali ang pagproseso ng inspeksiyon Panunuhol sa opisyal ng Bureau of Customs Pagkakaloob ng hanapbuhay sa kamag-anak Pagkakaloob ng mga sponsorship fee at panggastos sa pagbibiyahe Ang passive na panunuhol o bribery ay nangyayari sa panahon ng pagganap ng tungkulin ng isang opisyal ng pamahalaan. Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng PASSIVE NA PANUNUHOL: Seguridad – suhol mula sa kriminal upang maganap ang pagnanakaw Pagbili at pagkuha o purchasing at procurement – direktang paghingi ng “kickback” Alokasyon ng produkto at serbisyo – pagpabor ng isang empleyado dahil sa suhol sa isang mamimili sa pamamagitan ng mas mabilis na pagkakaloob ng kailangan nito, sa halip na unahin ang mga naunang mamimili Subastahan at tasahan sa pamahalaan – nagaganap kapag nagkakaroon ng anomalya sa public bidding, tulad ng nepotismo at cronyism Tukuyin ang sumusunod na pahayag. 1. Ang k o r u p s i y o n ay tumutukoy sa pang-aabuso ng kapangyarihang ipinagkatiwala sa isang indibidwal para sa sariling kapakinabangan upang makuha ang minimithing bagay sa pamamagitan ng hindi patas na paraan. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. 2. Noong Pebrero 1, 2022, itinala ng Transparency International's Corruption Perception Index (CPI) ang Pilipinas bilang ika- 1 1 6 sa iskor na 3 3 sa 180 bansa na tinatayang lebel ng korupsiyon sa pampublikong sektor sa daigdig. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. 3. Transparency – pagiging bukas ng mga kinatawan ng pamahalaan sa taumbayan sa lahat ng transaksiyon at desisyon na kanilang ginagawa. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. 4. Ang passive na panunuhol o bribery ay nangyayari sa panahon ng pagganap ng tungkulin ng isang opisyal ng pamahalaan. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. 5. Active ang panunuhol kung ito ay inialok bilang pangako o ibinigay kung ang isang indibidwal ay humiling o tumanggap nito. Mga BATAS na ipinatutupad upang tiyakin ang pananagutan ng mga magkakasala Anti-Graft and Corruption Practices of 1960 Government Procurement Act of 2003 Anti-Red Tape Act of 2007 Mga tanggapan at CIVIL SOCIETY GROUPS ahensiya ng pamahalaan Transparency and Accountability na naglalayong labanan ang Network (TAN) korupsiyon: Transparency International Philippines (TIP) Office of the Ombudsman (OMB) Commission on Audit (COA) PANDAIGDIGANG AHENSIYA Transparency – pagiging bukas ng mga United Nations Development kinatawan ng pamahalaan sa Programme (UNDP) taumbayan sa lahat ng transaksiyon United States Agency for at desisyon na kanilang ginagawa International Development (USAID) International Monetary Fund (IMF) Asian Development Bank (ADB) RA T A DU D I K Mga Hamon ng D I K T A D U R A Ang panahon ng diktadura sa Pilipinas ay tumutugon sa panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Idineklara ni Marcos ang batas militar noong Setyembre 21, 1972 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081 at pinamahalaan ang bansa gamit ang awtoritaryan hanggang 1986. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malalim na epekto sa Pilipinas. Ito ay naging sanhi ng pagguho ng institusyong demokratiko sa bansa. Dahil sa isinuspinde ang Saligang Batas at pinawalang-bisa ang lehislatura, ang kapangyarihan ng bansa ay nalagay lamang sa kamay ni Marcos. Ito ay nauwi sa pagpigil ng mga karapatang sibil, pamamahayag, at pagsalungat sa pamahalaan. Mga Hamon ng D I K T A D U R A Kawalan ng Katatagang Politikal Sa panahong ito, ang bansa ay humarap sa politikal na kaguluhan, alitan sa pagitan ng mga paksiyon sa pamahalaan, at armadong paghihimagsik. Dahil dito, idineklara ni Marcos ang batas militar upang maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Mga Hamon ng D I K T A D U R A Krisis Pang-ekonomiya – Naharap ang Pilipinas sa mga hamong pang-ekonomiya tulad ng mataas na implasyon, malaking utang, at kawalan ng katatagan ng salapi. Ang pagbagsak ng ekonomiya ay dulot ng maling pamamahala, labis na korupsiyon, at pagkakasangkot ng mga kapitalistang crony ni Marcos. Ang kanilang mga negosyo ay hindi nakaayon sa batas at patakaran, at napagkalooban pa ng pabor sa anyo ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis, na sana'y nakatulong sa ekonomiya at serbisyong panlipunan. Mga Hamon ng D I K T A D U R A Papatatag ng Kapangyarihan - Hinangad ni Marcos na palakasin ang kanyang kapangyarihan at pahabain ang kanyang panunungkulan nang hindi naaayon sa Saligang Batas. Sa layuning ito, sinuspinde niya ang mga kalayaang sibil, binuwag ang Kongreso, pinatahimik ang oposisyon, at sinimulan ang pamamahalang awtoritaryan. Dahil dito, siya ay naging makapangyarihan na namumuno nang walang checks and balances at patuloy na nagpatupad ng mga batas na pabor sa kanyang administrasyon. Noong panahon ito, patuloy na inilarawan ni Marcos ang kaniyang rehimen na nasa kaayusang demokratiko pa rin sa pamamagitan ng pagtatalaga ng halalan. Ngunit tinatayang minanipula ang resulta upang matiyak ang kaniyang pananatili sa pamahalaan. Nakilala ang 1986 snap presidential elections sa mga paratang ng malawakang pandaraya o panloloko at pagmamanipula ng resulta ng halalan. Ang kasukdulan ng mga hamon ng diktadura ay tinapos ng EDSA People Power Revolution. Ito ay isang mapayapang rebolusyon na sinamahan ng milyong Pilipino na sinuportahan ng mga kilalang opisyal ng militar na nakiisa sa pagtatapos ng rehimeng diktadura sa bansa. PPT Link: Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Kailan iprinoklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Proklamasyon 1081 kung saan ang Pilipinas ay isinasailalim sa Batas Militar? A. Setyembre 21, 1970 B. Setyembre 21, 1971 C. Setyembre 21, 1972 D. Setyembre 21, 1973 Piliin ang letra ng tamang sagot. 2. Ito ay karapatan ng sinumang dinakip na sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis bago bigyan ng karampatang hatol ng hukuman. Ang karapatang ito ay sinuspinde sa panahon ng batas militar. A. Writ of Amparo B. Writ of Habeas Corpus C. Writ of Habeas data D. Writ of Execution Piliin ang letra ng tamang sagot. 3. Ito ang isinagawang hakbang ni Marcos upang maiwasan ang nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa mga paghihimagsik, rebelyon, at karahasang nangyayari sa bansa. A. batas militar B. demokratiko C. komunismo D. pamahalaang sibil Piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagdedeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar sa bansa, MALIBAN sa isa. A. Pagsulpot at pagdami ng mga makakaliwang pangkat. B. Malawakang pagwewelga o demonstrasyon. C. Kaguluhan at kawalan ng katiwasayan. D. Pagkakaisa ng mamamayan. Piliin ang letra ng tamang sagot. 5. Ito ay isang matahimik na paraan ng pagkamit ng demokrasya sa Pilipinas. A. People Power I B. People Power II C. Pakikibaka 1986 D. War on Drugs Magbigay ng Mahahalagang Aral sa Panahon ng Diktadura at Batas Militar sa Pilipinas Kahalagahan ng Demokrasya at Pagpapahalaga sa Karapatang Kalayaan: Ang pagkawala ng Pantao: Ang malawakang mga karapatang sibil at politikal paglabag sa karapatang pantao ay nagdulot ng matinding ay nagbigay-diin sa kahalagahan paghihirap sa mga mamamayan. ng paggalang at pagtatanggol sa mga karapatang ito. Pag-iwas sa Korupsiyon: Ang malawakang korupsiyon at pandarambong ng mga nasa kapangyarihan ay nagdulot ng matinding kahirapan at kawalan ng tiwala sa pamahalaan. Mahalaga ang transparency at accountability sa pamahalaan upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Magbigay ng Mahahalagang Aral sa Panahon ng Diktadura at Batas Militar sa Pilipinas Pagkakaisa at Pakikibaka: Pagpapahalaga sa Kasaysayan: Nagpakita ng lakas ng bayan. Ang Upang maiwasan ang pag-uulit EDSA People Power Revolution - ng mga pagkakamali ng halimbawa ng mapayapang nakaraan; nagbibigay ng gabay sa pakikibaka sa kalayaan at mga susunod na henerasyon. demokrasya. Pagtutol sa Pang-aabuso ng Kapangyarihan: Ang mga pang-aabuso ng kapangyarihan noong panahon ng batas militar ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutol sa anumang uri ng pang-aabuso at pagtatanggol sa mga karapatan ng bawat mamamayan. SALAMAT PO! ~ Ma’am Eve

Use Quizgecko on...
Browser
Browser