Aralin 9 - Nasyonalismo PDF

Summary

This Tagalog document appears to be a lesson plan or study guide on Nationalism. It includes activities, questions, and historical figures related to Filipino nationalism. It outlines the concept of nationalism, its importance, and how it relates to the Philippines' history.

Full Transcript

NASYONALISMO, AT PAGKABANSA Ano nga ba ang......... NASYONALISMO? AKTIBITI #1: SINO SILA? Aktibiti #1: Sino Sila? Ang mga sumusunod ay ilan sa kilalang makabansa o nasyonalistang Pilipino na namuno sa pagtugon sa hamon ng pananakop ng mga Kanluranin sa Pilipina...

NASYONALISMO, AT PAGKABANSA Ano nga ba ang......... NASYONALISMO? AKTIBITI #1: SINO SILA? Aktibiti #1: Sino Sila? Ang mga sumusunod ay ilan sa kilalang makabansa o nasyonalistang Pilipino na namuno sa pagtugon sa hamon ng pananakop ng mga Kanluranin sa Pilipinas. Ano ang alam mo tungkol sa kanila? Sino sa kanila ang hinahangaan mo? Iranggo ang mga ito ng 1-5 batay sa kahalagahan at kabuluhan ng kani-kanilang nagawang pagtugon sa hamon ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Pilipinas. AKTIBITI #1: SINO SILA? Aktibiti #1: Sino Sila? Mga pamprosesong tanong: 1. Nakikilala mo ba ang mga taong iyong nakikita sa larawan? 2. Paano mo ipapakilala ang bawat isa sa iyong mga kamag-aral? 3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang kanilang mga ginawa para sa kalayaan ng Pilipinas? Nasyonalismo Tumutukoy sa malakas o matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling nasyon o estado na karaniwang may kasamang paniniwala sa kahigitan o kaibahan ng sariling nasyon sa iba. NASYONALISMO Ang nasyonalismo ay isang makabagong kilusan. Sa buong kasaysayan, ang tao ay nakakabit na sa kaniyang lupang tinubuan, tradison ng mga magulang, at nakagisnang pag- aari. Ngunit ang ideyang nasyonalismo ay nagkaroon lamang ng katuturan sa halos pagtatapos na ng ikalabingwalong siglo na humubog sa buhay ng tao. Ito ay kinikilalang nag-iisang salik na naging sanhi ng mga pangyayari sa modernong kasaysayan. Aktibiti #2 “TASK MO! EXPLAIN MO!” “TASK MO! EXPLAIN MO!” Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa 6 at bibigyan ng kani-kanilang paksang pag-aaralan at paghahandaang maipaliwanag at maipresenta sa harap ng kanilang mga kamag-aaral. Ang mga sumusunod na katanungan sa bawat paksa ang gagamitin ng mga mag-aaral bilang gabay sa paggagawa ng kanilang gawain. “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 1 – Konsepto at Kahalagahan ng Nasyonalismo Ang pangkat ay aatasan na bumuo o lumikha ng isang infographics na maghahayag sa konsepto at kahalagahan ng Nasyonalismo. Mga gabay na tanong: ·Ano ang pangunahing idea ng nasyonalismo? ·Anong mga bagay ang pinagtitibay ng nasyonalismo? ·Paano nagiging instrumento ng kapayapaan ang nasyonalismo? ·Paano nagiging instrumento ng pagbabagi at pagsulong ng bansa ang nasyonalismo? ·Ano pang mga pagpapahalaga ang nakapaloob sa nasyonalismo? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 2 – Mga Uri ng Nasyonalismo Ang pangkat ay aatasan na lumikha ng isang concept map na nagpapahayag at naglalaman ng mga uri ng nasyonalismo. Mga gabay na tanong: ·Ano ang etnocentrismo? Bakit ito nagiging suliraning pampolitikal sa isang bansa? ·Paano kayo makatutulong sa pagpapanatili ng nakagawiang mahahalagang tradisyon ng inyong bansa? ·Paano niyo naipakikita ang inyong nasyonalismong sibiko? ·Paano kayo makatutulong sa pagpapatibay ng pamahalaan ng inyong bansa? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 3 – Konsepto ng Kasarinlan Ang pangkat ay aatasan na gumawa ng isang simbolo o poster na may kinalaman sa kasarinlan na nararanasan ng mga bansa partikular na sa Timog-Silangang Asya. Mga gabay na tanong: ·Bakit sinabing ang kalayaang politikal ang pinakamahalagang katangian ng demokratikong pamahalaan? ·Paano nakatutulong ang pansarili at mapanagutang pagpapasiya sa pag- unlad ng bansa? ·Paano napananatili ng kalayaang pangkultural ang pagkakakilanlan ng isang bansa? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 4 – Konsepto ng Pagkabansa Ang pangkat ay aatasan na magbigay ng mga larawan na may kinalaman sa pagpapakita ng mga mamamayan ng kanilang damdaming makabansa. Mga gabay na katanungan: ·Ano ang pagkakaiba ng nasyon, bansa, at bansang-estado? ·Ano naman ang pagkabansa? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 5 – Nasyonalismo sa Pilipinas Ang pangkat ay aatasan na lumikha ng isang slide presentation tungkol sa Nasyonalismo sa Pilipinas. Mga gabay na tanong: ·Bakit matagal na nabuo ang kilusang nasyonalismo sa Pilipinas? ·Bakit binitay ang GOMBURZA? ·Ano ang naging katuturan nito sa mga Pilipino? ·Ano ang Kilusang Propaganda? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 5 – Nasyonalismo sa Pilipinas Ang pangkat ay aatasan na lumikha ng isang slide presentation tungkol sa Nasyonalismo sa Pilipinas. Mga gabay na tanong: ·Ano ang bahaging ginampanan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa Kilusang Propaganda? ·Bakit idineklara ni Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898? Bakit naganap ang pagpoproklama ng Kongreso sa Malolos? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 6 – Pagtatamo ng Kasarinlan ng Pilipinas Ang mga mag-aaral ay aatasan na bumuo ng isang talk show tungkol sa Kasarinlan ng Pilipinas. Mga gabay na tanong: ·Ano ang OsRox Mission? Ang Hare-Hawes-Cutting Act? ·Ano-anong probisyon ang nakapaloob sa Hare-Hawes-Cutting Act? ·Bakit hindi kaagad tinanggap ng-mga Pilipino ang OsRox Mission? “TASK MO! EXPLAIN MO!” Pangkat 6 – Pagtatamo ng Kasarinlan ng Pilipinas Ang mga mag-aaral ay aatasan na bumuo ng isang talk show tungkol sa Kasarinlan ng Pilipinas. Mga gabay na tanong: ·Alin sa probisyon sa OsRox ang hindi katanggap-tanggap para sa inyo? Bakit? ·Anong pagbabago ang naganap sa mga probisyon ng Hare-Hawes- Cutting Act sa Tydings-McDuffie Act? AKTIBITI #2: “TASK MO! EXPLAIN MO!” Bibigyan ang bawat pangkat ng pagkakataon na paghandaan ang kanilang presentasyon. Inaasahan na ang lahat ng miyembro ay makikilahok sa gawain. Gamitin ang inyong aklat (Aralin 9) bilang sanggunian. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 5 minuto upang ipakita ang kanilang akitibiti sa harap ng klase. Ano nga ba ang......... NASYONALISMO? Aktibiti #3 “TULA KO! PARA SA BAYAN KO!” AKTIBITI #3: “TULA KO! PARA SA BAYAN KO!” Ngayong natalakay na natin ang Nasyonalismo, ang kahalagahan nito, at ang papel na ginampanan nito sa buhay natin ngayon, bilang isang mag-aaral at mamamayan ng bansang Pilipinas, paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa bansang Pilipinas. Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang tula. Ang iyong tula ay mamarkahan gamit ang mga sumusunod na pamantayan. KONSEPTO NG NASYONALISMO AT PAGKABANSA KONSEPTO NG NASYONALISMO AT PAGKABANSA Ang nasyonalismo ay tumutugon sa malakas o matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling nasyon o estado na karaniwang may kasamang paniniwala sa kahigitan o kaibahan ng sariling nasyon sa iba. Ito ay tumutukoy sa matibay na ugnayan ng isang pangkat ng taong may iisang kasaysayan, wika, relihiyon, at kultura. Ang sumusunod ang kinikilalang elementong bumubuo sa ideya ng nasyonalismo: KONSEPTO NG NASYONALISMO AT PAGKABANSA Elementong bumubuo sa ideya ng nasyonalismo: Pagkakakilanlan at pagiging miyembro o kasapi ng isang pangkat Pambansang Pagmamalaki KAHALAGAHAN NG NASYONALISMO Ang damdaming nasyonalismo ay nahuhubog sa kalooban ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pagkakalantad nito sa pambansang awit, pambansang bandila, at mga pambansang lugar na may kinalaman sa mahahalagang kasaysayan ng bansa. Mahalaga ang pagtatamo ng damdaming nasyonalismo. Ito ay bunsod ng sumusunod na dahilan: KAHALAGAHAN NG NASYONALISMO Nagbibigay ito ng inspirasyon sa pagiging makabayan Nagdudulot ito ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba Itinataguyod nito ang pagsasarili Itinitimo nito sa isipan ng mamamayan ang pagmamalaki ng kanilang pambansang pamana Nagtutulak ito ng pagpapabuti at pag-unlad MGA URI NG NASYONALISMO Iginigiit ng mga paniniwala at kilusang nasyonalismo na ang estado at bansa ay kinakailangang magkasama sa ideyang nasyonalismo. Ang sumusunod ay uri ng nasyonalismo na nakakategorya Sa nasyonalismong pangkultural, pampolitikal, at pang-ekonomiya. MGA URI NG NASYONALISMO 1. Nasyonalismong etniko 2. Nasyonalismong Kultural 3. Nasyonalismong Sibiko 4. Nasyonalismong Ideolohikal 5. Pan-nationalism 6. Nasyonalismong Diaspora PAGKAKAIBA NG PATRIYOTISMO AT NASYONALISMO Ang salitang patriotism ay nagmula sa salitang Griyego na patrios na ang kahulugan ay "Of one's father." Ibig sabihin, ang patriyotismo ay pagmamahal at katapatan ng isang indibidwal sa bansang pinagmulan. Saklaw ng patriyotismo ang katapatan sa bansa kasama ang pangkat ng mga taong naninirahan dito. PAGKAKAIBA NG PATRIYOTISMO AT NASYONALISMO Ang nasyonalismo ay paniniwala na ang bansa ng isang indibidwal ay nakahihigit sa ibang bansa. Ito ay nagpapatibay sa paniniwala na ang interes ng sariling bansa ay higit na mahalaga kaysa interes ng ibang bansa KONSEPTO NG KASARINLAN Ang kasarinlan ay tumutugon sa kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at malaya mula sa anumang impluwensiya o panghihimasok ng ibang bansa. Ibig sabihin, ang kasarinlan ay tumutugon sa kalayaan mula sa pagkontrol, pag-impluwensiya, at pagsuporta ng ibang bansa. Mahalaga sa pagtatamo ng kasarinlan ang sumusunod na aspekto: KONSEPTO NG KASARINLAN Mahalaga sa pagtatamo ng kasarinlan ang sumusunod na aspekto: 1. Kalayaang politikal 2. Pansariling Pagpapasiya 3. Kalayaang Pang-ekonomiya 4. Kalayaang Pangkultural 5. Deklarasyon ng Kasarinlan KONSEPTO NG PAGKABANSA Ang nasyon ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao na may iisang kasaysayan, relihiyon, o iba pang kombinasyon na bumubuo sa isang pangkat. Samantala, ang bansa ay tumutugon sa kung minsan ay tinatawag na estado at isang lugar na may sariling pamahalaan. Ang bansang-estado naman ay isang malayang estado na binubuo ng mga tao mula sa isang partikular na pambansang pangkat. Ito ang pinagmulan ng katagang pagkabansa. NASYONALISMO AT PAGTATAMO NG KASARINLAN Pilipinas Ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino ay mas nalinang lamang nang ang Pilipinas ay may mahigit na 300 taon nang pinamamahalaan ng mga Espanyol. Nagsimulang sumibol ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino noon lamang huting bahagi ng ikalabinsiyam na dantaon nang buksan ng mga Espanyol ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. NASYONALISMO AT PAGTATAMO NG KASARINLAN Pagbitay sa GOMBURZA Kabilang sa pangkat na ito sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. Nang mapagbintangang nagpasimula ng pag-aalsa sa Cavitenoong 1872, sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora ay ipinabitay ng mga Espanyol. Malaki ang naging impluwensiya ng pangyayaring ito sa sumunod na mga nasyonalistang Pilipino na pinangunahan ni Dr. Jose Rizal. NASYONALISMO AT PAGTATAMO NG KASARINLAN Kilusang Propaganda Si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga nagtatag ng Kilusang Propaganda na nasundan ng La Liga Filipina. Ang mga ito ang nagpasimulang gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pahayagang La Solidaridad, inihayag ng mga ilustrado ang hangad na paglikha ng reporma sa Pilipinas. NASYONALISMO AT PAGTATAMO NG KASARINLAN Unang Sigaw sa Pugad Lawin Ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino ay mas lalo pang pinaalab ng Unang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan. Sa lakas ng puwersang nabuo ng damdaming ito, madali na sanang napaalis ang mga Espanyol sa bansa. Ngunit sumiklab ang Digmaang Espanyol-Amerikano kung saan winasak ng mga Amerikano ang hukbo ng mga Espanyol sa baybayin ng Maynila. NASYONALISMO AT PAGTATAMO NG KASARINLAN Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas Noong Hunyo 12, 1898, kaagad idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit ang inaasahang kalayaan para sa bansa ay naantala nang pormal na angkinin ng Estados Unidos ang Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa Paris. Hindi kinilala ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang pag-angkin ng Estados Unidos sa kapuluan. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG PILIPINAS Ang OsRox Mission at Hare-Hawes-Cutting Act Noong mga taong 1919 hanggang 1933, pinagsikapan ng mga Pilipinong magpadala ng mga misyon sa Estados Unidos sa layong makamit ang sa sariling pamamahala at kasarinlan. Ngunit ang mga misyong ito ay hindi nakapagbigay ng magandang impresyon sa mga Amerikano; hanggang sa pangunahan nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña ang misyong OsRox (Osmeña-Roxas) noong 1931. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG PILIPINAS Ang OsRox Mission at Hare-Hawes-Cutting Act Sa misyong ito, ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas ang Hare-Hawes-Cutting Act. Kasama sa mga probisyon ng batas na ito ang sumusunod: pagkakaloob sa Pilipinas ng Philippine Commonwealth bilang transisyong pamahalaan sa loob ng 10 taon eksaktong petsa ng pagkakamit ng ganap na kasarinlan ng Pilipinas (Hulyo 4, 1946) PAGTATAMO NG KASARINLAN NG PILIPINAS Ang OsRox Mission at Hare-Hawes-Cutting Act Sa misyong ito, ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas ang Hare-Hawes-Cutting Act. Kasama sa mga probisyon ng batas na ito ang sumusunod: paglalaan ng mga base militar ng Pilipinas para sa Estados Unidos pagataguyod ng hindi pagpataw ng buwis sa anumang produktong iaangkat ng Estados Unidos sa Pilipinas KASARINLAN NG MYANMAR PAGTATAMO NG KASARINLAN NG MYANMAR Nang mga panahong nahahati na sa siyam na magkakahiwalay na lalawigan ang Burma, malinaw na hangad ng mga British na mapamahalaan ang mga Burmese sa estratehiyang divide and rule Dahil sa ramdam ng mga Burmese ang layon ng mga British, sinikap ng ilang samahan na mapag-isa ang mga pangkat etnikong bumubuo sa bansa. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG MYANMAR Pagtatatag ng Dobama Asiayone (We Burmese Association) Ang lakas ng damdaming nasyonalismo ng mga Burmese ay naipahayag lamang noong dekada 30 sa pamumuno ni Saya San. Tulad ng mga kabataang bumuo ng kilusang nasyonalismo sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya, pinamunuan din ng mga mag- aaral ang mga kilusang nasyonalismo sa bansa. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG MYANMAR Pagtatatag ng Burma Independence Army o BIA Si Aung San ang isa sa mga namuno sa samahang ito. Ang kanilang islogan ay "Ang Burma ang aming bansa; panitikang Burmese ang aming panitikan; wikang Burmese ang aming wika." Nang maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binalak sanang makipagtawaran ng samahang ito sa mga British upang mapagkalooban ng kasarinlan. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG MYANMAR Pagtatatag ng Burma Independence Army o BIA Noong Disyembre 1941, kaagad na ipinahayag ni Aung San ang pagtatatag ng Burma Independence Army (BIA) na binuwag naman ng mga Hapones nang sakupin nila ang bansa. Nang sumuko ang mga Hapones sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagawa namang makontrol muli ng mga British ang bansa. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG MYANMAR Dito nagsimula ang negosasyon para sa kasarinlan ng Burma noong Enero 27, 1947 sa pamamagitan ng Aung San-Attlee Agreement. Noong Abril 1947, si Aung San ay inihalal bilang punong ministro ng British Crown Colony ng Burma. Ito na sana ang magbibigay-daan sa pag-iisa ng bansa ngunit noong Hulyo 19, 1947, si Aung San kasama ang ilang opisyal ng kaniyang gabinete ay namatay sa isang ambush na pinaniniwalaang kagagawan ng karibal niya sa politika. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG MYANMAR Noong 1946, naganap ang isang malakihang pag-aaklas ng mga pulis ng Burma hanggang sa ito ay magmistulang pambansang pag- aaklas. Pinayapa ng gobernador-heneral na si Sir Hubert Rance, politikong British, ang sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan kay Aung San upang kumbinsihin itong makiisa sa konseho ng gobernador kasama ang samahang AFPFL na nagkaroon ng mataas na kredibilidad sa bansa nang panahong iyon. KASARINLAN NG INDONESIA PAGTATAMO NG KASARINLAN NG INDONESIA Tulad ng naganap sa Pilipinas, ang mga kabataan mula sa Indonesia na nagtamo ng edukasyong European ang nagsimulang magtatag ng unang samahang nasyonalista sa bansa. Sa pulo ng Java nag-ugat ang malalim na damdaming nasyonalismo ng mga Indonesian. Isa sa mga samahang ito ang Budi Utomo na nangangahulugang dakilang pagpupunyagi o glorious endeavor. Layunin ng samahang ito na ibangon ang kalagayan ng mga magbubukid na Javanese. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG INDONESIA Ang Sarekat Islam (Islamic Association) naman ang unang organisasyong Islamiko sa Indonesia. Ito ay itinatag ni Omar Said Tjokroaminoto, isang maimpluwensiyang lider na Indones, noong 1912. Layunin ng samahang ito ang pagkakaroon ng repormang pangkapayapaan at pangkabuhayan. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG INDONESIA Nang dumating ang mga Hapones sa Indonesia noong Marso 1942, malugod silang sinalubong ni Sukarno na isang politikong Indones. Dahil sa naipatapon ng walong taon sa Flores at Sumatra ng Indonesia, itinuring ni Sukarno ang mga Hapones bilang personal niyang tagapagpalaya. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG INDONESIA Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, iginiit ng mga kabataang radikal na ideklara ni Sukarno ang kasarinlan ng bansa na tinataya nilang ipinagkaloob naman ng mga Hapones. Naganap ang proklamasyon ng kasarinlan ng bansa noong Agosto 17, 1945 mula sa kolonyalistang bansa dalawang araw bago sumuko ang mga Hapones. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG INDONESIA Noong 1946, kinilala ng United Nations ang pormal na pasabi ng Netherlands na ang Indonesia ay isa pa ring kolonya nito at ang Netherlands lamang ang may legal na karapatang magkaloob dito ng kasarinlan. Ang bagay na ito ay ipinaglaban ng mga Dutch na ang batayan ay ang charter ng United Nations. KASARINLAN NG VIETNAM PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Kaiba sa Myanmar ang naging sanhi ng pag-unlad ng nasyonalismo sa Vietnam. Ang nasyonalismong Vietnamese ay itinanim ng tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pranses sa panlipunan at pampolitikal na pananaw na nagbibigay-halaga sa karapatang pantao at kalayaang indibidwal. Ang kilusan laban sa mga Pranses ay unang nalinang sa industriyalisadong katimugang bahagi ng bansa. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Dalawang aspekto ng patakarang kolonyal ng mga Pranses ang nagpaunlad ng nasyonalismong Vietnamese. Ito ay ang kawalan ng Karapatang sibii ng mga katutubong Vietnamese at ang pagbubukod sa mga Vietnamese Sa modernisasyon ng ekonomiya ng bansa lalo na sa sektor ng industriya at kalakalan. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Dahil sa kalagayang ito, itinatag ng mga Vietnamese ang kauna-unahang malakihang samahan ng mga rebolusyonaryong Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD) o ang Vietnamese Nationalist Party. Ito ay naitatag noong 1927 na inorganisa batay sa Kuomintang o Nationalist Party ng China. Nilayon ng samahang ito ang pagtatatag ng pamahalaang republican democratic na hindi napanghihimasukan ng mga dayuhan. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tinulungan ng mga Hapones na mag-organisa ng pangkat ang mga Vietnamese Nationalist. Ang Viet Minh ay isang samahang komunista na pinamunuan ni Ho Chi Minh. Nang muling tangkaing sakupin ng France ang Vietnam, nagsanib- puwersa ang mga nasyonalista at komunistang Vietnamese upang labanan ang mga Pranses. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Noong 1960, ang hidwaan sa pagitan ng Hilaga at Timog Vietnam ay nilahukan ng Estados Unidos. Noong huling bahagi ng taong 1950, sinimulan ng mga Viet Cong, mga rebolusyonaryong komunista sa Timog Vietnam, ang pakikipaglaban sa mga puwersa na laban sa mga komunista sa Timog Vietnam. Hindi naglaon, ang mga Viet Cong ay sinuportahan ng hukbong militar mula sa Hilagang Vietnam. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Nagkaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng magkabilang panig at naibalik ang mga bilanggong Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris o Paris Peace Accords na nilagdaan ng Democratic Republic of Vietnam, Viet Cong, at Estados Unidos noong 1973. Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin ang labanan sa magkabilang panig hanggang sa masakop ng mga komunista ang Saigon, kabisera ng dating Timog Vietnam. PAGTATAMO NG KASARINLAN NG VIETNAM Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin ang labanan sa magkabilang panig hanggang sa masakop ng mga komunista ang Saigon, kabisera ng dating Timog Vietnam. Nagwakas ang digmaan nang magtagumpay ang mga komunistang Vietnamese na mapabagsak ang pamahalaan ng Timog Vietnam noong 1975. Muling naging isa ang Vietnam sa ilalim ng mga komunista.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser