Mga Teoryang Pampanitikan PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Bulacan State University

Emma Palma

Tags

Filipino Literature Literary Theories Literary Criticism Philippine Literature

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga teoryang pampanitikan, partikular ang mga talakayan sa mga teorya tulad ng pambansa, pampanitikan, humanismo, romantisismo, realismo, at pormalismo. Ipinapakita rin ang mga halimbawa ng mga akda para sa bawat teorya.

Full Transcript

1 4 5 Anong kultura ba ang nililikha natin ngayon, isang kulturang mapagpalaya o mapanupil? 6 Panitikan at Lipunan PAL 101 PANUNURING PAMPANITIKAN ihinanda ni Emma Palma Departamento n...

1 4 5 Anong kultura ba ang nililikha natin ngayon, isang kulturang mapagpalaya o mapanupil? 6 Panitikan at Lipunan PAL 101 PANUNURING PAMPANITIKAN ihinanda ni Emma Palma Departamento ng Wika, Panitikan, at Araling Pilipino Kolehiyo ng Arte at Literatura 7 PANITIKAN Nanggaling ang salitang ito mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping “pang” at hulaping “-an” sa salitang ugat na titik. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin littera- na nangangahulugang "titik" 8 Ang “Pambansa” at ang “Pampanitikan” sa Pambansang Panitikan ni Bienvenido Lumbera PAMBANSA May mga akdang matutukoy bilang mga akdang may “pambansang” tatak. Ang tatak ng “pambansa” ay maaaring kilalanin sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang “sinasabi” ng akda tungkol sa bansa, sa kasaysayan nito, sa buhay, sa politika, sa kultura at sa sosyo- ekonomikong kalagayan ng lipunan. PAMBANSA Kinakausap ng may akda- sambayanang bumubuo sa lipunan. Pambansang Tatak = Isinasaalang-alang din ang di-sinasadyang galaw at tuon ng imahinasyon na siyang madalas magpapakilala sa oryentasyong pambansa ng isang manunulat. Hindi lamang ibinabatay ang pamimili sa INTENSYON lamang ng may akda. PAMBANSA Ito ay katangiang itinatampok ng pamantayang pampolitika. PAMPANITIKAN- Pamantayang Pansining Kaiba sa pamantayang pampolitika, ang pamantayang pansining ay higit na unibersal; hindi ito gaanong nakalikaw sa mga partikularidad ng kasaysayan at politika.. Galing ng pagkakagawa ang sentral na batayan ng estetika ng alinmang likhang- sining, at ang galing na yan ay kusang sumisilay kapag sinuri ang likha, sa alinpamang kultura matagpuan ito. Politika-Paggawa ng desisyon, pag-uumpugan ng ideya. PAMPANITIKAN (May gumagabay kung paano ito dapat likhain at basahin.) Itinatakda ng mga institusyong panlipunan na nagpapalaganap nito. Panawagan sa kritika at kritisismo 14 PANUNURING PAMPANITIKAN Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. 15 PANUNURING PAMPANITIKAN Ang pamumuna ay pagsusuri at di pamimintas. Ito’y pagbibigay-puri sa kagandahan ng akda ng may-akda at pagbibigay-puna sa kahinaan nito upang lalo niyang mapaganda ang mga susunod na sulatin. Ito’y nagpapahalaga sa lalong ikauunlad ng manunulat at panitikan na rin sa kabuuan. 16 KRITISISMO Ang pagbasa na may layuning kilatisin ang akda o iba pa. 17 ILUSTRASYON 18 KRITIKA Ang kritika bilang panunuri at pag-aaral sa likhang-sining ay isang rasyonal at sistematikong pagtalakay sa iba’t ibang uri ng sining o likhang-isip, ang pagpapaliwanag o pagpapahalaga sa mga pamamaraan nito at produkto. 19 KRITIKA Ito ay aksyon ng diwang sumisira’t bumubuo, nagpapalit at nagbabago----- isang revolusyonaryong lakas ng tao. 20 KRITIKA Ito ay aksyon ng diwang sumisira’t bumubuo, nagpapalit at nagbabago----- isang revolusyonaryong lakas ng tao. 21 KRITIKA Ang kritika ay diskurso laban sa kapangyarihan, sa totalidad at herarkiya ng makapangyarihan. 22 “MAGKATALIK ANG KRISIS AT KRITIKA SA BAWAT PANGYAYARING NAGAGANAP SA LIPUNANG ITO.” 23 HAMON NA KINAKAHARAP NG KRITISISMO 24 HAMON 1.Hiram ang ating kritisismo/walang orihinalidad. -Paano kung ang sangkap ng isang akda ay katutubo at orihinalidad.? -Paano kung hindi ito makapasa sa kanlurang pamantayan.? 25 HAMON 2. Hindi tanggap ang kritiko. 26 27 28 29 TEORYA PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin na may may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa. 30 TEORYA Pormulasyon ng palilinawing simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito. 31 1. IMAHISMO Ang layunin ng panitikan ay gumagamit ng mga imahen na higit na naghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. 32 IMAHISMO 33 2. HISTORIKAL Ang layunin ng panitikan ipakita ang karanasan ng lipi ng tao na siyang salamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. 34 HISTORIKAL 35 36 3. KLASISMO Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-piling sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. 37 KATANGIAN NG AKDANG KLASIKO Pagkamalinaw Pagkamarangal Pagkapayak Pagkamtimpi Pagkakasunod-sunod Pagkakaroon ng hangganan 38 HALIMBAWA KLASISMO 39 4. HUMANISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo: ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya talino, talent atbp. Humanismo-Ang humuhubog at lumulinang sa tao. 40 HUMANISMO Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang mapagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. 41 HALIMBAWA HUMANISMO 42 5. ROMANTISISMO Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag- aaalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. 43 HALIMBAWA ROMANTISISMO 44 6. REALISMO Ang katotohanang ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay. Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. 45 HALIMBAWA REALISMO 46 7. PORMALISMO Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Kailangang masuri sa akda ang paksa ng akda ang sensibilidad at pag-uugnayan ng mga salita. Istruktura ng wika, metapora, imahen at iba pa. Iniiwasan dito ang pagtalakay ng labas sa teksto tulad ng histori, talambuhay at politika 47 HALIMBAWA PORMALISMO 48 8. FEMINISMO Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. 49 9. BAYOGRAPIKAL Ang layunin panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda. Ipinapahiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga pinaka na inaasahang magsisilbing katuwang na mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. 50 BAYOGRAPIKAL Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag udyo na magbago o mabuo ito. 51 HALIMBAWA BAYOGRAPIKAL 52 ARKITIPAL Nangangailangan ito ng isang masusing pag- aaral sa kabuuan ng akda, sapagkat binibigyang diin dito ang mga simbolong ginamit upang maipabatid ang pinakama mensahe ng akda 53 HALIMBAWA ARKITIPAL 54 PANAWAGAN SA BAGONG PAMANTAYAN Lagusan na ang mensahe ang pangunahing tungkulin ng wika, panitikan at kultura hindi na lamang palamuting pang-akit sa mambabasang naghahanap ng libangan. ANG KRITIKA AY ISANG AKSYON, NA NAGBIBIGAY DAAN SA PAGKILOS 56 SA PANAHON NG KRISIS, MAY PAG-ASA SA KRITIKA 57

Use Quizgecko on...
Browser
Browser