SOSLIT - Lesson 1 PDF
Document Details
Uploaded by SmartJadeite9804
Baliwag Polytechnic College
RENALYN R. BARNUEVO
Tags
Related
- Pre-Colonial Filipino Literature PDF
- Jose Rizal And The Invention Of A National Literature PDF
- GE Filipino 3: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT) PDF
- PANITIKAN-MIDTERM-KABANATA-1-7 PDF
- LIT 1 LECTURE 7-8: SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKAN
- NOLI ME TANGERE & INDOLENCE OF THE FILIPINOS PDF
Summary
This is a study guide for a subject called Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (Society and Literature/Social Literature). It covers important topics like the role of literature in society, social issues in the Philippines, and different literary theories. The guide also includes a grading system.
Full Transcript
Baliwag Polytechnic College Dalubhasaan Kong Mahal SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN Inihanda ni: RENALYN R. BARNUEVO Guro 1 GABAY SA PAG-AARAL Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat upang matug...
Baliwag Polytechnic College Dalubhasaan Kong Mahal SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN Inihanda ni: RENALYN R. BARNUEVO Guro 1 GABAY SA PAG-AARAL Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat upang matugunan ang iba’t-ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na may tumatak sa isipan at maunawaan ang mga paksa gamit ang mga istratehiyang iniisa-isa ng mga guro para sa mga mag-aaral. Ang saklaw ng aralin ay gagabay upang lalong maliwanagan sa mga panitikan na may kinalaman sa lipunan. Bilang mga bagong magiging sandigan ng bayan, kinakailangang maging bukas ang isipan ng bawat isa sa tunay na kalalagayan ng ating lipunan. Magsilbing huwaran sa pagsugpo ng mga suliranin at hindi hadlang sa pagkamit ng pangarap at mithiin. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang SUBUKIN bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mgkaroon ng suliranin sa pagsagot ng mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging bukas ang Facebook account ng inyong mga guro upang sagutin ang inyong mga katanungan. SISTEMA NG PAGMAMARKA 10% Attendance 30% Mga gawaing pang-akademiko (takdang-aralin, sanaysay at iba pa) 20% Maikling Pagsusulit 40% Individual Output/Major exams (Preliminary, Midterm, Pre Final, Final) 100% Kabuuang Marka 2 DESKRIPSYON NG KURSO Ang Sosyedad at Literatura (SOSLIT) ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklawnito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa. Sosyedad – Lipunan Panitikan – salamin ng lipunan Ang panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan. Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso. Hindi ito isang bagay lamang kundi ito ay isang buhay na kabahagi ng ating paumuhay. Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang damdamin at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng kanyang puso at isip. Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at pinasisigla rin nito ang damdaming pagpapahalaga sa minanang kultura na binuo ng mga henyo ng ating lahi. I. Layunin Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinalakay sa Sosyedad at Literatura. Pagkatapos pag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan. Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang panlipunan. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan. Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitika. Modyul 1 3 (1 hanggang 5 Linggo) Tungkol Saan ang Modyul Na Ito? Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang mga babasahin na sumasalamin at naglalarawan sa kulturang Pilipino. Sa modyul na ito, ipakikilala ang Panitikan na hindi lamang salamin o repleksyon ang panitikan kundi isang institusyon at kasangkapan na nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan ng mga mamamayan sa loob ng isang lipunan. Ang aralin sa bahagi ng modyul na ito ay naglalayon na makamit ang kaalamang: Nabibigyang kahalagahan ang katuturan ng panitikan. Natutukoy ang papel na ginagampanan ng panitikan tungo sa intelektwalisasyon ng Wikang Filipino Nalalaman ang iba’t ibang teorya na kaakibat ng panunuring pampanitikan. BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN ANG PANITIKAN AT ANG KAHALAGAHAN NITO Ang panitikan ay tumatalakay ng buhay, pamumuhay, pamahalaan, lipunan pananampalataya, at mga kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin ng tao katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pagkabigo, pagkapoot, paghihimagsik, sindak at pangamba. Mahalaga ang panitikan, katulad ito ng isang walang katapusang daloy ng tubig sa batis. Mabisang lakas ito na tumutulong sa pag-unlad ng sibilisasyon at lipunan ng bawat bansa. Magwawakas lamang ito kung ang mga nakalimbag na titik ay maglalaho na sa daigdig at kung ang mga tao ay mawawalan na ng kakayahang makapag-pahayag ng kaisipan, damdamin at karanasan. Nangyayaring mawala ang kaunlarang materyal gayundin ang diwa ng nasyonalismo ngunit kailanman ay hindi mawawala at mawawasak ang kaluwalhatian ng panitikan. MGA AKDANG NAGBIGAY NG IMPLUWENSIYANG PANDAIGDIG May malaking impluwensiyang pandaigdig ang panitikan sapagkat natatalakay nito ang kabihasnan, kaugalian, paniniwala at pamumuhay ng lahing pinanggalingan nito at dahil dito ang mga tao sa daigdig ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, nagkakatulungan at nagkakalapitan ang mga damdamin ay ang mga sumusunod: 1. Ang Biblia o Banal na Kasulatan (Holy Scriptures) na mula sa Palestina at Gresia at naging batayan ng sangkakristyanuhan. 2. Ang Koran na pinaka-Bibliya ng mga mahometano at galing sa Arabia o bibliya ng mga muslim. 3. Ang Iliad at Odyssey ni Homer, na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o palaalamatan ng Gresya. 4. Ang Mahabharata ng India, kasaysayan ng mga dating Indo at ang kanilang pananampalataya. 5. Ang Divina Comedia (Divine comedy) ni Dante ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad, at pag-uugali ng panahong kinauukulan. 6. Ang El Cid Campeador ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon. 7. Ang Awit ni Rolando na kinapapalooban ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransya, na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga Pranses. 4 8. Ang Aklat ng mga Araw ni Confucio, na naging batayan ng pananampalataya, kalinangan at karunungan ng mga Intsik (na malinaw na nakarating dito sa atin). 9. Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto, na kinapapalamnan ng kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipsyo. 10. Ang Sanlibo’t Isang Gabi ng Arabia at Persia na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga silanganin 11. Ang Canterbury Tales ni Chaucer ng Inglatera, na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. 12. Ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nakatawag pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulain ng demokrasya. DALAWANG PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. PANITIKAN Tuluyan/Prosa Patula Pagbuo ng pangungusap sa Maluwag na pagsasama- pamamagitan ng mga salitang sama ng mga salita sa loob binibilang na pantig sa taludtod at ng pangungusap. pinagtugma sa isang saknong. Kaugnay ng pag-aaral ng panitikan ay ang kaugnayan nito sa ating lipunan, ugnayan at ang kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Narito ang ilan sa kahulugan ng lipunan ayon sa ilang mga sosyologo. “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011). Ernile Durkheim “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay Karl Marx sa yaman at kapangyarihan.”( Sauco et al., 2007) 5 “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga Charles Cooley mamamayan.”(Coo 2011) 1. Patula – Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyo ng salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga sumusunod: Tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at tulang patnigan. 2. Tuluyan o Prosa – Nabubuo ito sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabila dito ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editorial. MGA URI NG TULA 1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin – Ito’y nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ang uring ito ng tula ay maikli at payak. MGA URI NG TULA LIRIKO a. Awit – Ang Karaniwang pinakapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. b. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing-apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda – Pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtud. d. Elehiya – Tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan. e. Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumukha at may kahalong pilosopiya sa buhay. 2. Tulang pasalaysay – Ito’y naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingin ng mga bayani sa pakikidigma. MGA URI NG TULANG PASALAYSAY a. Epiko – Nagsasalaysay ito ng kagitingin ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapani-paniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan. b. Awit at Kurido – Tungkol ito sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke, konde, at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristyanismo, Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Espanyol. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay. 6 3. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan nga lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga dayalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binigkas sa sarswela at komedya. 4. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. MGA URI NG TULUYAN a. Maikling Kwento – Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Pangunahing layunin nito ay manlibang. ( Si Edgar Allan Poe ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kwento” sapagkat siya ang kauna-unahang manunulat na nagpakilala ng maikling kwento bilang isang sining). b. Nobela – Isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon. Ang layunin ng nobela’y manlibang at bagama’t di tuwirang tinutukoy ay maaaring magbigay ng aral o mga halimbawang dapat pamarisan. c. Dula – Isang akdang pampanitikan na may layuning itanghal ang kaisipan ng mag-akda sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng mga tauhan. d. Alamat at Kwentong Bayan – Ang mga unang kwento ng mga Pilipino ay mga alamat at kwentong bayan. Bago pa dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang mga alamat at kwnetong bayan ang ating mga ninuno. Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay. Ang Kwentong bayan naman ay mga kwentong walang may akda at nagpapalit-palit lamang sa bibig ng mga tao. e. Parabula at Pabula – Ang parabola ay mga salaysay mula sa Banal na Kasulatan, nagtataglay ito ng katutuhanan at may layuning magbigay ng aral. Magkatulad ang parabola at pabula. Ang kaibihan ng pabula sa parabola ay mga hayop ang gumaganap na binibigyan ng mga katangian ng mga tao. f. Talambuhay – Akdang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao. g. Sanaysay – Isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at may layuning maglahad ng kuro-kuro o pananaw ng may-akda. h. Talumpati – Isang pagpapahayag sa harap ng mga taong handang makinig. Ang layunin nito ay magpabatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa upang makaakit o magpapaniwala. i. Balita – Paglalahad ng mga nangyayari sa loob at labas ng bansa. Ito’y nagbibigay ng mahalagang impormasyong nagpapabago sa takbo ng buhay. May mga balitang pampulitika, pangkabuhayan, pang- edukasyon, panlipunan, panrelihiyon, pang-agham, pangkalusugan at iba pa. BALIK-TANAW SA KATUTUBONG PANITIKAN Saligang Kasaysayan Bago pa dumating ang mga Espanyol sa ating bansa ay may panitikan na tayo. Ang ating mga ninuno ay mayroon nang mga salawikain, bugtong, palaisipan, alamat, kwentong bayan, awiting bayan at epiko. 7 Ang mga sumusunod ang mga pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol. A. Ang mga Ita o Negrito Ayon sa kaysayan, sila ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Tinatawag silang Negrito, Ita, Aetas o Baluga. Wala silang sariling kultura at wala rin silang nalalaman sa agham, sining, paghahanap-buhay, pagsulat at pamumuhay. Sila’y walang palagiang tirahan. May 25,000 taon na ang nakalilipas, sila’y nakarating sa mga pulong sakop ng Pilipinas at ang mga pulo sa Asya ay dating magkakadugtong. Matatagpuan sila sa mga kagubatan at kabundukan sa ating bansa katulad ng Bikol, Pangasinan at Pampanga. Ang mga sinaunang Ita ay gumamit ng mga busog at pana sa paghahanap ng kanilang pagkain. Wala silang kaalaman sa pamahalaan ngunit mahigpit ang bigkis ng kanilang pagsasamahan. B. Ang mga Indonesyo Nakarating sa Pilipinas ang mga Indonesyo may 8,000 taon na ang nakaraan. May sarili na silang Sistema ng pamahalaan, nagsusuot ng damit, marunong gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkikiskis ng dalawang patpat ng tuyong kahoy, at may mga alamat, pamahiin at mga epiko. May higit silang kabihasnan kaysa mga Ita. C. Ang mga Malay Tatlong pangkat ang mga Malay na dumayo sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay ang mga ninuno ng lahing Igorot, Tingiyanes at Bontoc sa Pilipinas. Ang ikalawang pangkat ay mga ninuno ng mga Tagalog, Kapampangan, Bikolanom Bisaya, Ilokano, Pangasinense, Ibanag at iba pa. May dala silang alpabeto na nakilala sa tawag na alibata, mga karunungang bayan, alamat at kwentong bayan. Nagdala sila sa Pilipinas ng Sistema ng pamahalaan na tinatawag ng Balangay na hinango sa sinakyan nilang balsa. Noong lumaon ay tinawag na Barangay. Ang ikatlong pangkat ay napadpad sa Mindanao, sila ang mga ninuno ng mga Muslim. May dala silang epiko, alamat, kwentong bayan gayundin dinala nila ang pananampalatayang Muslim. D. Ang mga Intsik na Manggugusi Nakarating dito ang mga Intsik mula sa taong 300 hanggang 800 A.D. Tinawag silang mangugusi sapagkat inilalagay nila sa gusi ang namatay na kaanak at ibinabaon sa kanilang bakuran. Nanggaling sa kanila ng mga salitang gusi, susi, kawali, talyasi, kawa, kuya, diko, sangko, ate, ditse, at iba pa. Nasakop ng mga Intsik ang Pilipinas noong taong 1405 hanggang 1417. Binigyan nila ng pangalang Luzon o Lusong ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. E. Ang mga Bumbay Nakarating sa Pilipinas ang unang pangkat ng mga Bumbay noong mga ikalabindalawang dantaon, A.D. sila’y may pananampalatayang Beda at sinasamba nila ang Araw at ang Kalikasan. Ang Ikalawang pangkat ay dumating noong ikalabintatlong dantaon. Sila’y may pananampalatayang Bramin. Nagdaan sila sa Java at Borneo sa panahon ng paghahari Madjapahit. 8 F. Mga Arabe at Persyano Sila’y mga biyaherong dumayo at nanirahan sa katimugan ng Pilipinas mula nang taong 890 A.D. hanggang ikalabindalawang dantaon. Ang mga misyonerong Arabe at Persiyanong nagsiparito upang ikalat ang Mohametanismo sa Malaysia at Pilipinas ay nandayuhan dito noong ikalabindalawang dantaon na. Sa Mindanao at Sulu sila nagsipanirahan. MGA DULOG SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN Teoryang Klasismo/Klasisismo Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Teoryang Humanismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Teoryang Imahismo Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Teoryang Realismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Teoryang Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. Teoryang Arkitaypal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may- akda sa mga mambabasa. Teoryang Formalismo/Formalistiko 9 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. Teoryang Eksistensyalismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Teoryang Romantisismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag- aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Teoryang Sosyolohikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Teoryang Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Teoryang Queer 10 Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer. Teoryang Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Teoryang Kultural Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi. Teoryang Feminismo-Markismo Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan. Teoryang Dekonstraksyon Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may- akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo. 11