KOMPAN-L4 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Precious Sumaong
Tags
Related
- Konseptong Pangwika PDF
- Language Programs and Policies in Multilingual Societies: Lesson 1 PDF
- KOMPAN-Aralin-3: Lingguwistikong Komunidad, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo PDF
- Mono-Bilingwalismo PDF
- IBA-PANG KONSEPTONG PANGWIKA (Tagalog) PDF
- Bilingualism & Multilingualism Relevance to Stuttering PDF
Summary
This document discusses monolingualism, bilingualism, and multilingualism in the Philippines and provides examples of countries with these language systems. It also elaborates on the implementation Bilingual Education, and its benefits. It includes a list of reasons behind bilingualism and multilingualism.
Full Transcript
PAGTALAKAY NI BB. PRECIOUS SUMAOANG Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral bilang...
PAGTALAKAY NI BB. PRECIOUS SUMAOANG Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay. Halimbawa: 1. Britanya 3. South Korea 2. Japan 4. France Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika (Leonard Bloomfield, 1935). Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika (John Macnamara, 1967) Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan. “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sapagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino,Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatilingwikang opisyal ng Pilipinas.” – Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7 na nagsasaad na ang “Ingles at Filipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.” Noong Hunyo 19, 1974, ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25 s. 1974. Ang ilang sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang: Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Filipino at Ingles. Mga Dahilan ng Bilingguwalismo Geographical Proximity Mga Dahilan ng Bilingguwalismo Relihiyon Mga Dahilan ng Bilingguwalismo Historical Factors Mga Dahilan ng Bilingguwalismo Migration Mga Dahilan ng Bilingguwalismo Public o International Relations Mas malikhain, magaling magplano at maglutas ng mga problema ang mga batang bilingguwal. Mas magagamit ng mga bata kapag lumaki sa iba’t ibang lugar. Kapag matanda ang bilingguwal, nababawasan ang panganib na magkaroon ng sakit na pang- utak. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag- unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral at guro. Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika. Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at sa pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa pagitan ng mga grupo sa lipunan. 1.India- 23 na wika 2. Morocco- 4 na wika 3. Belgium- 3 wika 4. Switzerland- 4 na wika PANGKATANG GAWAIN Panuto: Mula sa talahanayan sa ibaba ay ibigay ang mga hinihinging halimbawa sa bawat konseptong pangwika. HALIMBAWANG PAGPAPALIWANAG KUNG PAANO PELIKULA, TV SHOWS, GINAGAMIT ANG WIKA AT KUNG KONSEPTONG DOCUMENTARY, GAME, PAANO ITO NAKATULONG SA PALABAS PANGWIKA SHOWS ATBP. Monolingguwalismo Bilingguwalismo Multilingguwalismo HUWAG MUNANG GAWIN ANG PANGKATANG GAWAIN NGAYONG ASINGKRONIKONG KLASE. IPALILIWANAG KO ITO KAPAG NATAPOS NA NATIN ANG TALAKAYAN SA ARALIN. “We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”