Mono-Bilingwalismo PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Language Programs and Policies in Multilingual Societies: Lesson 1 PDF
- language (4).pdf
- Lecture 3 Language Development II: Second Language Acquisition PDF
- CM1 - 24-09 - Acquisition des sons d’une langue PDF
- 30 Language Teaching Methods - The Comparative Method PDF
- Bilingualism & Multilingualism Relevance to Stuttering PDF
Summary
This document discusses the concepts of monolingualism, bilingualism, and multilingualism in Tagalog. It explores different perspectives on the use of multiple languages in education and society. Key concepts and their relation to Filipino and English are analyzed in the document.
Full Transcript
UNANG WIKA PANGALAWANG WIKA LAYUNIN Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a.Nababatid ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; b.Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon; at c.Nakagagawa ng isang pananaliksi...
UNANG WIKA PANGALAWANG WIKA LAYUNIN Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a.Nababatid ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; b.Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon; at c.Nakagagawa ng isang pananaliksik tungkol sa konsepto ng wika gamit ang balangkas ng Online Treasure Hunt. LAYUNIN 1. Ano ang wikang inyong kinagisnan? 2. Ano-anong mga kahalagahan nito sa inyong pagkatuto ng mga wika? ANG UNANG WIKA Kinikilala ang unang wika sa mga iba't ibang literatura bilang katutubong wika o "mother tongue”. Ito ang wikang ating sinasalita mula pagkasilang. Ang pagtatamo ng unang wika ay dumadaan sa proseso na tinatawag sa Ingles na First Language Acquisition (FLA). ANG UNANG WIKA Ang Pagtatamo sa unang wika ay inilalarawan bilang: a. awotmatiko o natural b. natutuhan sa panahon ng pagkabata c. natutuhan nang may sapat na kasanayan ANG UNANG WIKA d. natutuhan nang may malalim na kaalaman sa : Idyomatikong pahayag kawastuhan sa porma ng wika tamang pagbigkas kontekstong kultural metapora sintaks mga di-berbal na kultural na katangian ng wika. ANG UNANG WIKA Ang Pagtatamo sa unang wika ay inilalarawan bilang: e. natutuhan nang may mayaman na bokabolaryo. ANG PANGALAWANG WIKA Ang pagkatuto sa pangalawang wika ay tinutukoy ng mga mananaliksik na Second Language Acquisition (SLA). Katulad ng pagkatuto ng unang wika, ito rin ay dumaraan sa proseso na mas kumplikado kaysa sa pagkatuto sa unang wika. ANG PANGALAWANG WIKA Maraming mga teorya ang nagpapaliwanag sa pagkatuto sa pangalawang wika pero ang karaniwang sinasabi sa mga teoryang ito ay ipinakikilala sa mga sumusunod: ANG PANGALAWANG WIKA a. Tumutukoy sa proseso ng pagtatamo ng kapasidad na matutuhan ang ibang wika pagkatapos na matutunan ang katutubong wika o mother-tongue ang pagkatuto ng pangalawang wika. ANG PANGALAWANG WIKA b. Kinakailangan ng pagsusumikap para matutuhan ang pangalawang wika. ANG PANGALAWANG WIKA c. Ang pagkatuto ng pangalawang wika ay hindi nangyayari sa panahon ng kasanggulan o infancy. Ito ay karaniwang nangyayari sa panahon ng kabaguntauhan o puberty. ANG PANGALAWANG WIKA d. Ayon sa teorya, ang pagtatamo ng pangalawang wika ay hanggang sa antas lamang ng kasanayan ng isang hindi katutubong tagapagsalita ng nasabing wika, ang tinatawag na non-native proficiency level. Samakatwid, pinaniniwalaang ang pagtatamo ng pangalawang wika ay hindi kailanman matatatapatan ang pagkakatamo ng unang wika. Gayunpaman, may mga natatamo ang pangalawang wika na malapit ang kasanayan sa mga nakapagtamo nito bilang kanilang unang wika. ANG PANGALAWANG WIKA e. Maaaring ang kasanayan sa paggamit ng unang wika at pangalawang wika ay bumaba dahil sa hindi paggamit nito (attrition), pero ang kasanayan sa paggamit ng pangalawang wika ang mas mabilis na bumaba kaysa sa katutubong wika. MONOLINGGWALISMO BILINGGWALISMO ANG KAALAMAN AT KASANAYAN NG MGA PILIPINO SA PAGGAMIT NANG HIGIT SA KANILANG SARILING WIKA AY ISANG MALAKING BENTAHE SA KANILA SA MARAMING BAGAY. ANG MGA BENTAHENG ITO AY: 1. NAKAPAGBUBUKAS NG MAS MARAMING OPORTUNIDAD SA TRABAHO ISA SA MGA KASANAYAN NA BINIBIGYAN NG KONSIDERASYON NG MGA EMPLOYER SA KANILANG MGA SINASALANG APLIKASYON SA TRABAHO ANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA WIKA NG MGA APLIKANTE. 2. NAKAPAGPAPAGANA NG UTAK NG TAO ANG MGA NAKATAGONG KAALAMAN AT KAISIPAN SA ISANG WIKA AY NAKATUTULONG SA ISANG TAONG NAKAPAGSASALITA NG MGA WIKA MALIBAN SA KANYANG SARILING WIKA. 3. NAKAPAGPAPATATAG NG MARAMING KONEKSYON MAHIRAP MAKIPAG- UGNAYAN AT MAGKAROON NG KONEKSYON SA IBANG TAO KUNG HINDI KAYO NAGKAKAINTINDIHAN DAHIL SA WIKA. ANG KAALAMAN AT KASANAYAN NG MGA PILIPINO SA PAGGAMIT NANG HIGIT SA KANILANG SARILING WIKA AY ISANG MALAKING BENTAHE SA KANILA SA MARAMING BAGAY. ANG MGA BENTAHENG ITO AY: 4. NAKATUTULONG PARA SA PAGPAPAKILALA NG KULTURA DAHIL NAKAPALOOB SA BAWAT KATAGA NG ISANG WIKA ANG KULTURA NG MGA MAMAMAYANG GUMAGAMIT NITO, NAPAPAUNLAD ANG KAALAMAN NG ISANG TAO SA KULTURA NG KANYANG KAPWA KUNG AARALIN NIYA ANG MGA WIKA NG MGA ITO. 5. NAKATUTULONG SA PAGKILALA SA IBANG TAO NAUUNAWAAN ANG KALAGAYAN, KAISIPAN, HINAING, AT IBA PANG IMPORMASYON TUNGKOL SA ISANG TAO GAMIT ANG WIKA. SAMAKATWID, HADLANG ANG KAWALAN NG KAALAMAN SA WIKA NG ISANG TAO SA PAGKILALA SA KANYA. ANG KAALAMAN AT KASANAYAN NG MGA PILIPINO SA PAGGAMIT NANG HIGIT SA KANILANG SARILING WIKA AY ISANG MALAKING BENTAHE SA KANILA SA MARAMING BAGAY. ANG MGA BENTAHENG ITO AY: 6. NAKATUTULONG SA TURISMO ISA SA MGA BINIBIGYANG KONSIDERASYON NG ISANG TURISTA SA PAGBISITA SA MGA PINUPUNTAHAN ANG KAKAYAHAN NG MGA TAO SA NASABING LUGAR SA PAGGAMIT SA KANILANG WIKA. 7. NAKATULONG SA PAGPAPAHALAGA SA SARILI "KNOWLEDGE IS POWER," ITO AY KARANIWANG NAPAKIKINGGAN KUNG ANG PAG- UUSAPAN AY TUNGKOL SA NAGAGAWA NG KAALAMAN. ITO AY NAGAGAWA RIN NG PAGKAKAROON NG KAALAMAN SA MARAMING WIKA. MONOLINGGWALISMO ANG PATAKARANG MONOLINGGWALISMO AY UMIIRAL SA SISTEMANG PANG-EDUKASYON NG ILANG MGA BANSA. ITO AY PAGPAPATUPAD NG PAGGAMIT NG IISANG WIKA BILANG PANTURO, WIKANG OPISYAL, WIKA NG KOMERSYO, AT WIKA NG PANG-ARAW-ARAW NA PAKIKIPAGTALASTASAN. MONOLINGGWALISMO ANG ILAN SA MGA BANSANG MONOLINGGWAL AY JAPAN, PRANSYA, THAILAND, HUNGARY, TURKEY, BRAZIL, ESTADOS UNIDOS AT IBA PA. ANG PAGKAKAROON NG MONOLINGGWAL NA PATAKARAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN SA PAARALAN, KOMERSYO, AT PULITIKA AY MAY MGA KABUTIHAN AT HINDI MABUTING EPEKTO. WIKANG OPISYAL AT PANTURO AY IISANG WIKA MONOLINGGWALISMO “DAPAT GUMAMIT NG KARANIWANG MGA SALITA UPANG MASABI ANG MGA KARANIWANG BAGAY.” -ARTHUR SCHOPENHAUER MONOLINGGWALISMO ITO AY PAGLALARAWAN NA NAGPAPAHIWATIG SA PAGIGING MABISA NG KOMUNIKASYON KUNG ANG MGA TAONG SANGKOT AY NAGKAKAUNAWAAN DAHIL SA IISANG WIKA ANG GINAGAMIT. PARA MATAMO ANG KALAKARANG ITO, MARAMING BANSA ANG KUMILOS PARA MATUKOY ANG ISANG WIKANG KANILANG GAGAMITIN BILANG WIKANG OPISYAL. MONOLINGGWALISMO AYON KAY GENTZLER (2006), ANG MONOLINGGWAL NA IDEOLOHIYA NG BANSANG ITO AY NAGPAPAHIWATIG NG ISANG LIPUNAN na nagpapakita ng maraming ng wika at kultura sa isang inklusibo at monolinggwal na lipunan. MONOLINGGWALISMO AYON KAY PINSKY (2012), ANG KALAKARAN PATUNGO SA MONOLINGGWALISMO AY MAAARING KAPAKI-PAKINABANG SA EDUKASYON DAHIL ANG PANGUNAHING WIKA AY HALOS GINAGAMIT NA SA BUONG MUNDO PARA MATURUAN ANG MGA TAO. SA KASALUKUYAN, ANG MUNDO AY LUMILIPAT MULA SA PAGGAMIT NG IBA-IBANG WIKA TUNGO SA PAGGAMIT NG IISANG WIKA O INTERNASYUNAL NA WIKA KATULAD NG WIKANG INGLES, TSINO AT ARABIC. BILINGGWALISMO ANG SALITANG BILINGGWALISMO AY GALING SA MGA SALITANG "BI" (DALAWA) "LINGUA" (WIKA) AT "ISMO" (PAG-AARAL). SAMAKATUWID, ANG BILINGGWALISMO AY TUMUTUKOY SA PAGAARAL NG DALAWANG WIKA. BILINGGWALISMO ANG MGA BILINGGWAL AY YAONG MGA INDIBIDWAL NA GUMAGAMIT NG DALAWA O HIGIT PANG LENGGWAHE (O MGA DIYALEKTO) SA KANILANG PANG-ARAW- ARAW NA PAMUMUHAY. BILINGGWALISMO SANGAYON SA MANDATO NG 1987 NA KONSTITUSYON AT NG PATAKARAN NG NATIONAL BOARD EDUCATION (NBE), NAGBIGAY NG PAHAYAG ANG DEPARTMENT OF EDUCATION, CULTURE, AND SPORTS (DECS) SA KANILANG PATAKARANG PANGWIKA. IPINATUPAD ANG NASABING PATAKARAN NOONG 1974 NANG INILABAS NG DECS ANG DEPT. ORDER NO. 25 S. 1974 NA PINAMAGATANG "IMPLEMENTING GUIDELINES FOR THE POLICY ON BILINGUAL EDUCATION." BILINGGWALISMO ANG IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGWAL AY TUMUTUKOY SA HIWALAY NA PAGGAMIT NG FILIPINO AT INGLES BILANG WILANG PANTURO SA MGA PARTIKULAR NA ASIGNATURA. BILINGGWALISMO ANG IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGWAL AY TUMUTUKOY SA HIWALAY NA PAGGAMIT NG FILIPINO AT INGLES BILANG WILANG PANTURO SA MGA PARTIKULAR NA ASIGNATURA. NILALAYON NG EDUKASYONG BILINGGWAL ANG PAGKAMIT NG PAREHONG KAKAYAHAN NA MAKIPAGTALASTASAN SA WIKANG INGLES AT FILIPINO SA PAMBANSANG ANTAS. MANGYAYARI LAMANG ITO KUNG MGA ITO AY PAREHONG GAGAMITIN SA PAGTUTURO NG MGA TIYAK NA ASIGNATURA SA LAHAT NG ANTAS NG PAG-AARAL. BILINGGWALISMO ANG MGA TIYAK NA LAYUNIN NG EDUKASYONG BILINGGWAL AY: A. MAPAHUSAY ANG PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG DALAWANG WIKA PARA SA PAGKAMIT NG KALIDAD NG EDUKASYON NA HINIHILING NG KONSTITUSYON NG 1987; B. MAPALAGANAP ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN; C. MAPAUNLAD ANG WIKANG FILIPINO BILANG SIMBOLO NG PAMBANSANG PAGKAKAISA AT PAGKAKAKILANLAN; AT D. MALINANG AT MAPALAGO ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK NA NANGANGAILANGAN NG INTELEKTUWALISASYON. BILINGGWALISMO SA SEKTOR NG PAMAHALAAN, NOON PANG 1969 SA PANAHON NG PANGULONG MARCOS, HINIKAYAT NA ANG PAGGAMIT NG WIKANG PAMBANSA SA MGA OPISYAL NA KOMUNIKASYON AT KORESPONDENSYA. SINUNDAN ITO NG E.O 335 NOONG 1988, NA NAG-AATAS SA LAHAT NG AHENSYA NG PAMAHALAAN NA MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG MAGAMIT ANG FILIPINO SA MGA OPISYAL NA KOMUNIKASYON AT KORESPONDENSYA. BILINGGWALISMO SUBALIT NOONG 2003, ANG PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO AY NAG-ATAS NA IBALIK ANG ENGLISH BILANG PANGUNAHING WIKANG PANTURO. ITO AY KAUGNAY PA RIN SA PAKIKILAHOK NG ATING BANSA SA PANDAIGDIGANG PAMILIHAN NA SA NGAYON AY ENGLISH ANG DOMINANTENG WIKA NG PANDAIGDIGANG EKONOMIYA AT KOMERSYO. BILINGGWALISMO BILANG PATAKARAN, AYON SA KAUTUSANG ITO, ITUTURO ANG ENGLISH SIMULA SA UNANG BAITANG AT GAGAMITIN ITONG WIKANG PANTURO SA ENGLISH, MATEMATIKA, AT AGHAM. ENGLISH ANG MAGIGING PANGUNAHING WIKA NG PAGTUTURO SA LAHAT NG MGA PAARALANG PUBLIKO AT PRIBADO SA MATAAS NA PAARALAN AT HINDI BABABA SA 70% NG KABUUANG PANAHONG INILAAN SA PAGTUTURO NG LAHAT NG ASIGNATURA ANG TIME ALLOTMENT PARA SA PAGGAMIT NITO. BILINGGWALISMO SA MGA INSTITUSYONG PANTERSYARYA MAN AY ENGLISH ANG GAGAMITING PANGUNAHING WIKANG PANTURO, AYON SA KAUTUSAN. BUNGA NITO, NALIMITAHAN ANG GAMIT NG FILIPINO AT ITINAKDA NA LAMANG ITO BILANG WIKANG PANTURO NG MGA ASIGNATURANG FILIPINO AT ARALING PANLIPUNAN. MULTILINGGWALISMO MULTILINGGWALISMO MAY IBA'T IBANG DIMENSYON ANG MULTILINGGWALISMO AT MAAARI ITONG MABIGYAN NG IBA’T IBANG KAHULUGAN. MULTILINGGWALISMO 1. KAKAYAHAN NG ISANG INDIBIDWAL O GRUPO NG MGA TAO NA MAKAPAGSALITA GAMIT ANG TATIO O HIGIT PANG BILANG NG MGA WIKA. 2. MASINING NA PAGBALANSE SA PAGGAMIT NG PANGANGAILANGANG PANGKOMUNIKATIBO SA MGA KAYAMANANG PANGWIKA - HERDINA AT JESSNER (2000) SA PAGBANGGIT NI NORDQUIST (2017) 3. PAGKAKAROON NG KAKAYAHANG GUMAMIT NG MARAMING WIKA NANG MAY PAREHONG KATATASAN SA MGA ITO. - FRANK CLINT (2003) MULTILINGGWALISMO VIDEO HERE MULTILINGGWALISMO ANG PILIPINAS AY KILALA BILANG ISA SA MA BANSANG MULTILINGGWAL. SA DAMI NG MGA WIKA SA BANSA, MARAMING MGA MANANALIKSIK SA LOOB AT LABAS NG BANSA ANG NAGBIGAY PANSIN SA PAGTUKLAS SA KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG MGA ITO. MULTILINGGWALISMO TO PINAGTIBAY NG MAKABAGONG KURIKULUM NA ITO ANG PANGANGAILANGAN NA MAGAMIT ANG IBA'T IBANG WIKA SA BANSA PARA SA PAGKATUTO NG MGA MAG- AARAL SA PAMAMAGITAN NG PROGRAMANG MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL LINGUAL EDUCATION (MTB-MLE). MULTILINGGWALISMO TO SA PROGRAMANG ITO, INAASAHAN NA MATUTUTUHAN NG MGA MAG-AARAL ANG KANILANG UNANG WIKA BILANG ISANG AKADEMIKONG ASIGNATURA KATULAD NG WIKANG FILIPINO AT INGLES. MALIBAN DITO, INAASAHAN DIN NA GAGAMITIN NG MGA GURO ANG UNANG WIKA NG MGA MAG-AARAL PARA SA PANG- UNAWA NG MGA ASIGNATURANG KATULAD NG MATEMATIKA, SIYENSYA, AT IBA PA. MULTILINGGWALISMO TO AYON SA DEPED ORDER NO. 28, S. 2013, ANG MTB-MLE AY NAGLALAYONG MAPABUTI ANG WIKA NG MGA MAG- AARAL AT MAPAUNLAD ANG KANILANG KAKAYAHANG KOGNITIBO AT KAMALAYANG SOSYO-KULTURAL. NILALAYON DIN NITO NA GAWING PANGUNAHING WIKA ANG WIKA NG MGA BATA PARA SA KANILANG PAGKATUTO. MUCHAS GRACIAS! TERIMA KASIH! ARIGATOU GOZAIMASU! GAMSAHABNIDA THANK YOU SO MUCH MARAMING SALAMAT! DAGHANG SALAMAT!