kompan-1.2-1.4_removed.pdf
Document Details
Uploaded by PurposefulPreRaphaelites
Mangatarem National High School
Tags
Full Transcript
REPUBLIKA NG PILIPINAS KAGAWARAN NG EDUKASYON MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL MANGATAREM, PANGASINAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO MGA KONSEPTONG PANGWIKA RAMILYN L. TUAZON, PhD...
REPUBLIKA NG PILIPINAS KAGAWARAN NG EDUKASYON MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL MANGATAREM, PANGASINAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO MGA KONSEPTONG PANGWIKA RAMILYN L. TUAZON, PhD Master Teacher II MGA KONSEPTONG PANGWIKA 1. Monolingguwalismo 2. Bilingguwalismo 3. Multilingguwalismo SESYON 2 MONOLINGGUWALISMO Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika sa komersiyo, negosyo, at pakikipagtalasan sa pang-araw-araw na buhay. BILINGGUWALISMO Tumutukoy sa dalawang wikang nililinang at ginagamit sa loob ng paaralan. Filipino at Ingles ang ginagamit bilang wikang panturo. Pinaniniwalaan na higit na nagkakaroon ng pagtitiwala sa sarili ang mga kabataan kapag maluwag ang paggamit ng katutubong wika para sa kanilang pang- araw-araw na pakikipagtalastasan. Ayon kay Christian George C. Francisco sa kanyang sinulat na pinamagatang ANO NGA BA ANG Bilingguwalismo? Narito ang ilan sa mga kuru-kuro at paliwanag kung bakit nagkakaroon ng mga lipunang bilingguwal. 1. Geographical Proximity Sa pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad na may magkakaibang wika. Dahil sa paglipat-lipat ng mga taong naninirahan dito ay maaaring bitbit din nila ang kanilang wikang sinasalita. 2. Salik Pangkasaysayan Tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing pananaliksik kaya napipilitan silang pag-aralan ang ibang wika. 3. Pandarayuhan Ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila. 4. Relihiyon Nagtataglay rin ito ng malaking salik tungo sa pagkatuto ng ibang wika gaya na lamang ng relihiyong Islam na mahigpit na pinapanatili ang gamit ng wika kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur. 5. Publiko/Pandaigdigang Kaugnayan Tumutukoy sa mga ugnayang panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba’t ibang konsepto na nasusulat sa wikang banyaga. MULTILINGGUWALISMO Tumutukoy sa kakayahang makapagsalita o makaunawa ng mahigit na dalawang wika. Nakatutulong ito sa pagkilala at pagpapahalaga sa mga sub-kultural na lugar upang matiyak ang pagkakapantay- pantay ng mga wika at hindi humihikayat ng makapangyarihang pagtingin sa mga kinilala at nangingibabaw na wika. MAHABANG PAGSUSULIT Mga Paksa: A. Kahulugan, Katangian, Antas, at Kahalagahan ng Wika B. Wikang Pambansa, Wikang Panturo, at Wikang Opisyal C. Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo A. Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng wika ang isinasaad ng mga sumusunod na bilang. 1. Ang wika ay binubuo ng antas ponolohiya, morpolohiya, at sintaktika. A. arbitraryo C. dinamiko B. masistemang balangkas D. malikhain 2. Ang salitang bana ay eksklusibong pagmamay-ari o nagagamit ng mga Ivatan. A. arbitraryo C. komunikasyon B. natatangi D. masistema 3. Ginagamit ang wika para maiparating ang mga pangarap, karanasan at kaalaman. A. komunikasyon C. kultura B. arbitraryo D. sinasalitang tunog 4. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura. A. sinasalitang tunog C. kultura B. komunikasyon D. dinamiko 5. Ang kahulugan ng salita ay nagbabago sa pagdaan ng panahon. A. kultura C. dinamiko B. komunikasyon D. sinasalitang tunog B. Panuto: Tukuyin kung anong konseptong pangwika ang bawat pahayag batay sa nakalahad na kahulugan. 1. Ang pambansang wika ng Pilipinas ayon sa Artikulo XIV, seksiyon 6 ng Konstitusyong 1987. 2. Batas na nagtatadhana na ang wikang Filipino at Ingles ay wikang opisyal na gagamitin bilang wikang panturo. 3. Iisang wika ang nauunawaan at ginagamit. 4. Tinatawag din itong medium of instruction. 5. Tumutukoy sa magkahiwalay paggamit ng Filipino at Ingles sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa kurikulum na ipinatupad simula pa noong 1974 6. Tumutukoy sa kakayahang makapagsalita o makaunawa ng mahigit sa dalawang wika. 7. Ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1973. 8. Wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan pandaigdig. 9. Wikang ginagamit bilang panturo mula kindergarten hanggang Grade 3. 10. Ang pambansang wika ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. SUSING-SAGOT: 1. Filipino 2. Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Saligang Batas 1987 3. Monolingguwalismo 4. Wikang Panturo 5. Edukasyong Bilingguwal 6. Multilingguwalismo 7 Filipino at Ingles 8. Ingles 9. Unang Wika 10. Tagalog REPUBLIKA NG PILIPINAS KAGAWARAN NG EDUKASYON MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL MANGATAREM, PANGASINAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO UNANG MARKAHAN - IKATL ONG LINGGO MGA KONSEPTONG PANGWIKA RAMILYN L. TUAZON, PhD Master Teacher II MGA KONSEPTONG PANGWIKA Barayti ng Wika 1.Dayalek 2.Sosyolek 3.Idyolek SESYON 3 BARAYTI NG WIKA BARAYTI NG WIKA Ito ay barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. BARAYTI NG WIKA Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono (Tagalog-Cebuano, Tagalog-Ilongo, Tagalog-Waray, Tagalog-Samarnon, Tagalog- Batangueno, atbp.) BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: I. “Kumain ka na?” “Magkain ka na?” “Nakain ka na?” “Kumaon ka na?” “Mengan naka?” BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: II.Tagalog- “Bakit?” Batangas- “Bakit ga?” Bataan- “Bakit ah?” Ilocos- “Bakit ngay?” Pangasinan- “Bakit ey?” BARAYTI NG WIKA BARAYTI NG WIKA Ito ay isang barayti ng wika kung saan ang bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. BARAYTI NG WIKA Ito ay ang pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: “Hoy Gising!” BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: “Ang buhay ay weather weather lang.” BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: “Ang buhay ay weather-weather lang.” BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: “To the highest level na talaga itoh!” BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: “To the highest level na talaga itoh!” BARAYTI NG WIKA BARAYTI NG WIKA Ito ay barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. BARAYTI NG WIKA Kabilang sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o gay lingo, pabebe, jejemon, conyospeak, atbp. BARAYTI NG WIKA HALIMBAWA: “Oh my Gosh! It’s so mainit naman here” BARAYTI NG WIKA (Jejemon) 3ow phowZ, mUsZtAh nA phOwZ kayOw? AqcKuHh iT2h ImiszqCkyUh BARAYTI NG WIKA (Conyo speak) What if conyo lahat the people here in Pinas: Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally! Mga Halimbawa ng Sosyolek kUmU$+a k@na? Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wka? 2. Ano ang dayalek,? ang idyolek? ang sosyolek? 3. Paano mo mailalarawan ang idyolek? Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo? 4. Sa anong sosyolek naman nabibilang ang pagsasalita mo? Ipaliwanag. 5. Saang lalawigang ka man nakatira ay tiyak na gumagamit at nakaiintindi ka at mga kababayan mo ng Tagalog. Sa paanong paraan naiiba ang pagsasalita ninyo ng Tagalog sa inyong lalawigan o rehiyon sa pagsasalita ng mga taga-Maynila o ng ibang pangkat na gumagamit din ng wikang Tagalog? PAGLALAHAT Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at igalang ng isang tao ang iba’t ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba’t ibang tao sa paligid? Sa paanong paraan maaaring makatulong ang ganitong pagtanggap? REPUBLIKA NG PILIPINAS KAGAWARAN NG EDUKASYON MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL MANGATAREM, PANGASINAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO MGA KONSEPTONG PANGWIKA RAMILYN L. TUAZON, PhD Master Teacher II MGA KONSEPTONG PANGWIKA Paksa: Homogeneous Heterogeneous Linggwistikong komunidad Unang Wika Pangalawang Wika SESYON 4 Ano ang HOMOGENEOUS na wika Ang Homogeneous ay nanggaling sa dalawang salitang-ugat. homo na “magkatulad” ang ibig sabihin at genos na tumutukoy sa “uri o lahi”. Tumutukoy sa pare-perehong pagbigkas ng mga salita ng mga taong gumagamit ng tiyak na wika. Sa heograpikong kaayusan ng wika ay nagtatakda ng pagiging kakaiba gaya ng punto, morpolohikal na kaayusan o kahulugan kaya nagkakaroon ng ibang pananaw. Ano ang HOMOGENEOUS na wika Ito ay hindi nahahaluan ng iba pang wika kaya itinuturing itong puro. Ang bawat kasapi sa lipunan ay may iisang wika na magkakapareho at tiyak ang pagpapakahulugan sa mga salitang ginagamit sa komunikasyon. Ano ang HETEROGENEOUS na wika? Ang Heterogeneous ay nangangahulugang “magkakaiba” ang salitang-ugat na hetero at genos na tumutukoy sa “uri o lahi”. Ibig sabihin, magkakaiba ang mga wikang sinasalita sa isang lugar. Pagkakaiba-iba ang gamit ng wika bunga ng heograpiko at kultural na kinabibilangan ng mga taong gumagamit nito. Lumilikha ito ng pagkakaiba-iba o barayti at baryasyon ng wika. Ayon kay Saussure (1916) sa pagbanggit ni Liwanag (2016), nakasalig ang paglikha ng pagkakaroon ng barayti kung saan hindi magakakatulad ang anumang wika. Bunga ng pagkakabuo ng mga grupo ng tao na mula sa iba’t ibang lugar nadadala o tinataglay nila ang iba’t ibang interes at gawain na humuhubog ng pagiging iba-iba ng kanilang kultura at wika. Ayon naman kay Constantino (2000) sa pagbanggit ni Liwanag (2016), ang mga pagakakaibang ito ng wika ay nagbunga ng iba’t ibang pagtingin, pananaw at asal kaugnay ng di pagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon. Mahalagang malaman at masuri ang mga sitwasyonal na pag-uusap ng mga tao mula sa lugar ng taong nagsasalita (heograpiko) at ayon sa pangkat nakinabibilangan (sosyolek) LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD Ang lingguwistikong komunidad ay pagkakaugnay ng wika at lipunan. Ang lipunan ay tumutukoy sa malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, at saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang sarili bilang isang yunit. (UP Diksyunaryong Filipino). Ang Wika, pasalita man o pasulat ay isang instrumenting ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunan sa pakikipag- ugnayan sa isa’t isa at relasyong panlipunan Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang isa’t isa. Nahahati ang lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad, hanapbuhay, interes, at iba pang panlipunang sukatan. Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksyon ng mga grupo ng taong sa iba pang mga grupo o komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita na naiiba sa mga miyembro ng ibang grupo. Nagbubunsod ito ng pagkakaroon ng iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita o speech community. Ayon kay Dell Hymes (1974) sa pagbanggit ni Arrogante (2009), isa sa mga kauna-unahang nagbigay ng depinisyon kung ano ang speech community, ito raw ay ang pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan kundi nababatid din nila ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika. UNANG WIKA Tumutukoy sa katutubong wika o wikang kinagisnan. Ito ay wika kung saan ginagamit ito ng indibiduwal: (a) unang natutuhan, (b) natutukoy o tinutukoy bilang katutubong tagapagsalita ng iba, © nakikilalang mahusay dahil sa tatas ng paghahatid ng konsepto o kaisipan. (d) madalas na ginagamit ito lalo na sa komunidad na kaniyang kinabibilangan. PANGALAWANG WIKA Alinmang wikang natututunan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika Natutunan mula sa media, tagapag-alaga, kalaro, mga kaklase, guro at iba pa Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Bakit walang buhay na wika ang maituturing na homogenous? 2. Sa paanong paraan naman nagiging heterogenous ang wika? 3. Ano ang lingguwistikong komunidad? Ipaliwanag. 4. Kung ikaw ang magiging magulang, papayag ka bang ang anak mong magsisimula pa lang mag-aral ay tuturuan gamit ang unang wikang kanyang kinagisnan sa inyong tahanan? Bakit oo o bakit hindi? 5. Sa iyong palagay, paano makaaapekto sa isang batang nagsisimula pa lamang mag-aral ang paggamit sa silid-aralan ng wikang nauunawaan at ginagamit din niya sa araw-araw niyang pamumuhay?