KOMKUL_Ikalawang-Hati.pdf
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
Tags
Full Transcript
MGA BABASAHIN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Hati - Unang Markahan Barayti ng Wika Heterogenous at Homogenous na Wika...
MGA BABASAHIN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Hati - Unang Markahan Barayti ng Wika Heterogenous at Homogenous na Wika Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika. (Paz, et al. 2003) Mga Salik sa Pagkakaiba ng Wika Ngunit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad na lamang ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat etniko o etnolingguwistikong komunidad. Ipinapakita ng iba’t ibang salik panlipunang ito ang pagiging heterogenous ng wika. Ang iba’t ibang salik na ito ay nag reresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika. BARAYTI NG WIKA DAYALEK Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaring gumagamit ang ibang tao ng isang wika katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang bokabularyo para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap. May pagkakaiba sa mga dayalekto ngunit nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng dayalek na ito. Kadalasang pinapalitan ang panlaping um ng mag. Ngunit nagkakaintindihan pa rin ang magka-usap. Ikalawang Hati │Unang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 “Magkain tayo sa mall.” “Kumain tayo sa mall.” IDYOLEK Ang idyolek ay ang pansariling paraan ng pagsasalita ng isang tao. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi sa taong nagsasalita. Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas dito nang magakaparehong-magkapareho. Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng pagsasalita o idyolek. SOSYOLEK Ang barayti na ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Ang tao ay napapangkat batay sa kanilang mga katangian: Kalagayang Panlipunan Kasarian Paniniwala Edad at iba pa Oportunidad Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kinabibilangan. Beki Language Kabilang sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o gay lingo. Ita’y isang halimbawa ng grupo na mapapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago ang kahulugan at ang salita. Conyospeak Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na nangyayari. Ito’y karaniwang maririnig sa mga kabataang maykaya at nag-aaral sa eksklusibong paaralan. Jejespeak o J3jemhon Ang jejemon ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa Ikalawang Hati │Unang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 tinatawag na jejetyping. Nagsimula ito sa kagustuhang mapaikli ang salitang itina-type sa cell phone. Jargons Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. ETNOLEK Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. REGISTER Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. PORMAL Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari ginagamit din ito sa pagsulat ng panitikan, ulat at iba pang uri ng promal na sanaysay. DI-PORMAL Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad, at ‘yung matatagal na kakilala. PIDGIN AT CREOLE Pidgin - “nobody’s native language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil ‘di nila alam ang wika ng isa’t isa. Ang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya’t nadebelop ito hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawag na creole, ang wika na nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Gamit at Tungkulin ng Wika sa Lipunan Pitong tungkulin ng wika na mababasa sa aklat na Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday Instrumental Ito ang tungkulin ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ikalawang Hati │Unang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Regulatoryo Ito ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao. Inter-aksiyonal Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Personal Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Heurestiko Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Impormatibo Ang impormatibo ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Pang-Imahinasyon Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Anim na paraan ng paggamit ng wika ayon kay Jakobson. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon. Panghihikayat (Conative) Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakiusap. Pagsisismula ng Ugnayan (Phatic) Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng ugnayan. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat na pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) Ito ang gamit na lumilitaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Patalinghaga (Poetic) Ikalawang Hati │Unang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,sanaysay, atbp. ANG PINAGMULAN NG WIKA Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon Sa Genesis 2:20 naisulat na “At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at mga ibon sa himpapawid, at ang bawatganid sa parang”. Ayon sa bersyong ito, ang tao ay nilalang na may kakayahang makipag-ugnayan gamit ang wika.Kasabay ng kanilang pagkalalang ay ang pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa Genesis 11:1-9 Ang Tore ng Babel “ Sa simulay iisa ang wika at magkakapareho ang salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig”. EBOLUSYON Teoryang Bow-wow Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop. Teoryang Pooh-pooh Nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa bibig ng sinaunang tao nang nakaramdamsila ng masisidhing damdamin. Teoryang Ding-Dong Nagmula raw ang ang wika mula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ngkalikasan. Teoryang Ta-Ta Batay sa teoryang ito, may koneksyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ngdila. Teoryang Yo-He-Ho Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ikalawang Hati │Unang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025