Mga Leksiyon ukol sa Pagsamba ng Kabataan (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
Bienvenido C. Santiago
Tags
Summary
Ang mga leksiyon ukol sa Pagsamba ng Kabataan ay naglalaman ng mga tanong at sagot tungkol sa mga pangako ng Diyos at ang buhay ni Cristo. Naglalayon itong bigyan ng kaalaman ang mga kabataan tungkol sa mga aral sa Bibliya.
Full Transcript
Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 7, 2024 Ang Ikapagtatamo Natin Ng Pagpapala Ng Diyos Sa Hinaharap Na Panahon 1. T. Ano ang dapat nating pagtiwalaan upang pagpalain tayo ng Diyos, hindi lamang sa panibagong taon na ito, kundi...
Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 7, 2024 Ang Ikapagtatamo Natin Ng Pagpapala Ng Diyos Sa Hinaharap Na Panahon 1. T. Ano ang dapat nating pagtiwalaan upang pagpalain tayo ng Diyos, hindi lamang sa panibagong taon na ito, kundi maging sa hinaharap na panahon? S. Ang pangako ng Diyos at hindi ang salapi.............................. Heb. 13:5 2. T. Bakit sa Diyos tayo dapat magtiwala at hindi sa salapi? S. May magagawa ang Diyos sa panahon ng kasamaan at maging sa panahon ng kagutom......................................... Awit 37:3, 19 3. T. Sino ang hindi pababayaan ng Diyos bagkus ay iingatan magpakailanman? S. Ang Kaniyang mga banal, ngunit ang masama ay mahihiwalay........................................................................ Awit 37:28 4. T. Ano ba ang kondisyon na ibinigay ng Diyos sa pagbibigay Niya ng pagpapala sa Kaniyang mga anak? S. Pagpapalain ng Diyos ang Kaniyang mga anak kung diringgin nilang masikap ang tinig ng Panginoon at isasagawa nila ang lahat Niyang utos................................. Deut. 28:1-5 5. T. Sa kabilang dako, sino ang binababalaan ng Diyos na Kaniyang susumpain at lilipulin? S. Ang tumalikod at naglingkod sa ibang diyos.......................... Deut. 30:17-18 MB 6. T. Alin ang inilagay ng Diyos sa harap ng tao at alin ang Kaniyang ipinapipili? S. Ang buhay at kamatayan—ipinapipili sa atin ang buhay upang tayo’y mabuhay.......................................... Deut. 30:19-20 7. T. Ano ang isa sa mga dapat iwasan ng mga lingkod ng Diyos upang hindi sila maghirap sa buhay? S. Dapat iwasan ang katamaran................................................. Kaw. 6:9-11 8. T. Bukod sa katamaran, ano pa ang dapat nating iwasan? S. Ang kalayawan, dahil ang umiibig sa kalayawan ay magiging dukha o mahirap................................................. Kaw. 21:17 9. T. Ano pa ang dapat nating iwasan upang hindi tayo maghirap? S. Iwasan natin ang sumama sa mga walang kabuluhang tao o masamang barkada.............................................................. Kaw. 28:19 10. T. Kahit ba pangkaraniwan lamang ang pamumuhay ng tao ay maaaring nasa kaniya ang pagpapala ng Diyos? S. Maaari—kung nasa katahimikan o katiwasayan.................... Kaw. 17:1 11. T. Alin ang higit na maigi ayon kay Haring Solomon? S. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon kaysa malaking kayamanan na may kabagabagan................. Kaw. 15:16 12. T. Alin ang kayamanan na pagpapala ng Diyos sa tao? S. Ang kayamanan na walang kasamang kabalisahan............... Kaw. 10:22 MB 13. T. Ano pa ang isang uri ng pagpapala ng Diyos sa tao? S. Pagpapalain ng kapayapaan.................................................... Awit 29:11 14. T. Sa pagdating ng Panginoong Jesucristo, sa ano Niya tayo dapat masumpungan? S. Dapat tayong masumpungan sa kapayapaan......................... II Ped. 3:13-14 15. T. Anong uri ng pagka-Iglesia Ni Cristo ang nais ng Diyos na makita sa atin? S. Matatag at masipag sa mga gawain ng Panginoon................ I Cor. 15:58 NPV BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 7, 2024 Ang Ikapagtatamo Natin Ng Pagpapala Ng Diyos Sa Hinaharap Na Panahon Halos lahat ng tao ay nagnanais na matamo ang pagpapala ng Diyos, hindi lamang sa bagong taon na ito, kundi maging sa hinaharap pang panahon. Upang matupad iyon, itinuturo sa atin ng Biblia na huwag tayong magtiwala sa salapi kundi sa pangako ng Diyos. Sa panahon man ng kasamaan o ng kagutom ay may magagawa Siya para sa ating kapakanan. Subalit, dapat muna nating tiyakin na kabilang tayo sa magtatamo ng pagpapala ng Diyos. Ayon sa Biblia, ang masama ay mahihiwalay o mapapahamak ngunit hindi pababayaan ng Diyos ang Kaniyang mga banal, bagkus ay iingatan Niya sila magpakailanman. Ang tinutukoy na banal ay ang mga nilinis ng dugo ng Panginoong Jesucristo o tayong mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Tayo ang itinuturing ng Diyos na Kaniyang mga anak. Gayunman, dapat pa rin nating matugunan ang kondisyong hinihingi ng Diyos sa pagbibigay Niya ng pagpapala sa Kaniyang mga anak. Pagpapalain Niya at mabubuhay ang Kaniyang mga anak kung diringgin nilang masikap ang tinig Niya at isasagawa nila ang lahat Niyang utos. Sa kabilang dako, nagbababala naman Siya na Kaniyang susumpain at lilipulin o mamamatay ang tumalikod sa Kaniya at naglingkod sa ibang diyos. Kaya, mayroon tayong dapat pagpilian—ang buhay at kamatayan. Dahil nais ng Diyos na pagpalain tayo, ipinapipili Niya sa atin ang buhay upang tayo’y mabuhay. Ang katumbas nito’y piliin natin ang pagdinig at pagsunod sa Kaniya. Bilang mga lingkod ng Diyos, itinuturo Niya rin sa atin ang mga dapat nating iwasan upang hindi tayo maghirap sa buhay. Ang isa sa mga iyon ay ang katamaran. Masama ang maging tamad. Maghihirap ang gayong uri ng tao. Dapat ding iwasan ng lingkod ng Diyos ang kalayawan. Tulad ng tamad, ang umiibig sa kalayawan ay magiging dukha o mahirap. Iwasan din nating sumama sa mga walang kabuluhang tao o masamang barkada. Huwag nating isipin na ang tanging sukatan ng pagpapala ng Diyos ay ang dami ng kayamanan. Kahit pangkaraniwan lamang ang pamumuhay ng tao ay maaaring nasa kaniya ang pagpapala ng Diyos kung tahimik o tiwasay siyang nakapamumuhay. Ayon kay Haring Solomon, mas maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon kaysa malaking kayamanan na may kabagabagan. Kung gayon, ang kayamanan na pagpapala ng Diyos sa tao ay ang kayamanan na walang kasamang kabalisahan. Bukod sa kayamanan, ang kapayapaan ay isa ring pagpapala ng Diyos sa tao. Ito’y hindi lamang sa kapayapaan ng pamumuhay araw-araw kundi maging sa kapayapaan natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagka-Iglesia Ni Cristo. Sa kapayapaang ito tayo dapat masumpungan ng Panginoong Jesucristo sa Kaniyang pagdating. Ito rin ang nais makita ng Diyos sa atin—ang tayo’y namamalaging matatag sa ating pagka-Iglesia Ni Cristo at masipag sa mga gawain ng Panginoon. Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 14, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Ang Pagdakip Kay Jesus At Ang Pagtatatwa Sa Kaniya Ni Apostol Pedro 1. T. Pagkatapos makapanalangin ng Panginoong Jesucristo sa Getsemani, sinu-sino ang nagsidating upang Siya’y dakpin? S. Si Judas, kasama ang maraming tao na may dalang tabak at pamalo—sila’y galing sa mga punong saserdote............................. Mat. 26:47 MB 2. T. Ano ang sinabi ni Judas sa kaniyang mga kasamahan? S. “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya.”....................................... Mat. 26:48 SND 3. T. Nang hagkan ni Judas si Jesus, ano ang nangyari? S. Nilapitan si Jesus ng mga tao at dinakip............................................. Mat. 26:50 MB 4. T. Nang bunutin ni Apostol Pedro ang kaniyang tabak at tagain ang alipin ng pinakapunong saserdote, ano ang iniutos sa kaniya ni Jesus? S. “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito; ang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay.”................................................ Juan 18:10 MB Mat. 26:51-52 BSP 5. T. Ayon kay Jesus, bakit hindi kailangang gamitin ni Pedro ang tabak? S. Kailangang matupad ang nasa Kasulatan na dapat mangyari.............. Mat. 26:54 MB Juan 18:11 MB 6. T. Ano naman ang sinabi ni Jesus sa mga taong dadakip sa Kaniya? S. “Ako ba’y tulisan at naparito kayong may mga tabak at pamalo upang Ako’y dakpin? Araw-araw Akong nasa templo at nagtuturo. Bakit hindi ninyo Ako dinakip?”........................................................... Mat. 26:55 BMB; SND 7. T. Nang madakip na si Jesus, ano ang ginawa ng Kaniyang mga alagad? S. Tumakas ang mga alagad at iniwan Siyang mag-isa............................ Mat. 26:56 MB 8. T. Kanino muna dinala si Jesus ng mga kawal na dumakip sa Kaniya? S. Kay Anas, ang biyenan ni Caifas na pinakapunong saserdote noon.... Juan 18:13 NPV 9. T. Nang sinundan sila roon ni Pedro, ano ang isinagot niya sa bantay-pinto na nagpapasok sa kaniya nang sabihin nitong hindi ba’t isa siya sa mga alagad ni Jesus? S. Nagkaila si Pedro. Ang sabi niya’y “Hindi.”........................................... Juan 18:15-17 MB 10. T. Samantala, nang si Jesus ay tinanong ng pinakapunong saserdote tungkol sa Kaniyang mga alagad at turo, ano ang Kaniyang isinagot? S. “Hayagan Akong nagsasalita sa mga tao. Lagi Akong nangangaral sa mga sambahan at sa templo... Tanungin nʼyo ang mga nakarinig sa Akin; alam nila kung ano ang mga sinabi Ko.”................................ Juan 18:20-21 SND 11. T. Nang sampalin Siya ng isa sa mga bantay dahil sa Kaniyang sagot, ano ang sinabi ni Jesus? S. “Kung may masama Akong sinabi, patunayan mo. Ngunit kung totoo ang sinabi Ko, bakit mo Ako sinampal?”........................... Juan 18:22-23 SND 12. T. Samantala, nang si Pedro, na noo’y nakihalo sa mga bantay na nagpapainit sa palibot ng isang siga sa labas, ay tanungin ng isa sa mga naroon kung siya’y isa sa mga alagad ni Jesus, ano ang kaniyang isinagot? S. Muling nagkaila si Pedro at sinabing, “Hindi.”..................................... Juan 18:25 NPV 13. T. Ano ang muling ginawa ni Pedro nang sabihin ng isa sa mga aliping naroon na hindi ba’t siya ang nakitang kasama ni Jesus sa halamanan? S. Nagkaila si Pedro sa ikatlong pagkakataon at pagdaka’y tumilaok ang manok—natupad ang ipinagpauna ng Panginoong Jesus na ikakaila Siya ni Apostol Pedro nang tatlong ulit.............................. Juan 18:26-27; Mat. 26:34 BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 14, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Ang Pagdakip Kay Jesus At Ang Pagtatatwa Sa Kaniya Ni Apostol Pedro (Batay sa Mateo 26:47-56; Juan 18:13-27) Pagkatapos makapanalangin ng Panginoong Jesucristo sa Getsemani ay dumating si Judas Iscariote, isa sa labindalawang apostol, kasama ang maraming tao na may mga dalang tabak at pamalo. Galing sila sa mga punong saserdote at sa matatanda ng bayan. Bago pa man sila dumating ay sinabihan na ni Judas ang kaniyang mga kasama na, “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya.” Pagkatapos, lumapit si Judas at hinagkan si Jesus. Sa hudyat na iyon ay hinuli na ng mga tao si Jesus. Bumunot ng tabak o espada si Apostol Pedro at tinaga ang tainga ng isa sa mga huhuli kay Jesus. Pero sinaway siya ni Jesus na sinasabi, “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito; ang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay.” Sinabi pa Niya na hindi na kailangang gumamit pa ng tabak dahil kailangang matupad ang nasa Kasulatan na dapat mangyari sa Kaniya. Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga tao. Sinabi Niya, “Ako ba’y tulisan at naparito kayong may mga tabak at pamalo upang Ako’y dakpin? Araw-araw Akong nasa templo at nagtuturo. Bakit hindi ninyo Ako dinakip?” Gayunman, hinuli rin si Jesus at Siya’y iniwang mag-isa ng mga alagad na pawang nagsitakas. Dinala muna si Jesus sa bahay ni Anas na biyenan ni Caifas, ang pinakapunong saserdote. Sinundan sila roon ni Pedro at ng isa pang alagad. Nakiusap ang alagad na iyon sa bantay-pinto kaya pinapasok si Pedro. Ngunit tinanong ng bantay-pinto si Pedro: “Hindi ba’t isa ka sa mga alagad ng taong iyon?” “Hindi,” sagot ni Pedro. Ito ang unang pagkakataong ikinaila niya si Jesus. Samantala, sa loob ay tinatanong ng punong saserdote si Jesus tungkol sa Kaniyang mga alagad at mga turo. Sumagot si Jesus at sinabing “Hayagan Akong nagsasalita sa mga tao. Lagi Akong nangangaral sa mga sambahan at sa templo... Tanungin nʼyo ang mga nakarinig sa Akin; alam nila kung ano ang mga sinabi Ko.” Nang marinig ito ay sinampal si Jesus ng isa sa mga bantay. Kaya, sinabi ni Jesus, “Kung may masama Akong sinabi, patunayan mo. Ngunit kung totoo ang sinabi Ko, bakit mo Ako sinampal?” Sa labas naman, habang nagpapainit si Pedro sa palibot ng isang siga, kahalo ng mga bantay at alipin, ay tinanong uli siya ng isa sa mga naroon kung alagad siya ni Jesus. Muling nagkaila si Pedro at sinabing, “Hindi.” Ang isa pa sa mga naroon ay kamag-anak ng lalaking tinagpasan ni Pedro ng tainga. Tinanong din niya si Pedro, “Hindi ba nakita kitang kasama ni Jesus sa halamanan?” Sa ikatlong pagkakataon ay nagkaila si Pedro. Pagkatapos nito ay tumilaok ang manok. Nangyari ang ipinagpauna ng Panginoong Jesus na sa gabi ring iyon, bago tumilaok ang manok, ay tatlong ulit Siyang ikakaila ni Apostol Pedro. Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 28, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay ni Cristo Ang Kamatayan Ni Jesus At Ang Paglilibing Sa Kaniya 1. T. Ano ang ginawa ng mga tao kay Jesus nang Siya’y ibigay sa kanila ni Pilato? S. Pinagpasan nila si Jesus ng krus papunta sa lugar na kung tawagin ay Golgota o “Dako ng Bungo.” Doon ay pinakuan nila si Jesus sa krus kasama ng dalawa pa—isa sa gawing kanan Niya at isa sa kaliwa.............. Juan 19:17-18 MB 2. T. Ano ang sinabi ni Jesus pagkapako sa Kaniya sa krus? S. “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa”.................................................. Lucas 23:34 3. T. Ano ang sinabi ng mga punong saserdote nang ipalagay ni Pilato sa krus ang karatula na: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio”? S. Ang dapat daw isulat ay, “Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Judio.” Ngunit sinabi ni Pilato, “Ang naisulat ko’y naisulat ko na”.... Juan 19:19-22 SND; BMB 4. T. Ano ang ginawa ng mga tao kay Jesus nang makitang Siya’y nakapako sa krus? S. Kinutya nila si Jesus at sinabing kung Siya ang Anak ng Diyos ay iligtas Niya ang Kaniyang sarili....................................... Mat. 27:39-40 BMB 5. T. Ano ang sinabi kay Jesus ng dalawang kasama Niya na pinakuan din sa krus? S. Nilait Siya ng isa, ngunit sinaway ito ng isa pa at sinabing, “Jesus, alalahanin Mo ako pagdating Mo sa Iyong kaharian.” Sinabi naman ni Jesus na isasama Niya ito sa paraiso...................... Lucas 23:39-43 FSV 6. T. Ano naman ang ginawa ng mga kawal na naroon? S. Kinuha nila ang damit ni Jesus at pinaghati-hati sa apat; kinuha rin nila ang Kaniyang balabal at nagpalabunutan kung kanino iyon mapupunta............................................................. Juan 19:23-24 Bib. Intl. 7. T. Ano ang isinigaw ni Jesus sa Kaniyang paghihirap sa krus? S. “Diyos Ko! Diyos Ko! Bakit Mo Ako pinabayaan?”........................... Mar. 15:34 MB 8. T. Nang sinabi ni Jesus na nauuhaw Siya, ano ang ginawa ng mga kawal? S. Isinawsaw nila sa suka ang isang espongha, ikinabit sa isang sanga, at idinampi sa labi ni Jesus. Pagkatapos, nalagutan Siya ng hininga... Juan 19:28-30 NPV; MB 9. T. Nang ipabali ng mga Judio ang mga binti ng mga ipinako sa krus, para huwag abutan ng araw ng Sabbath ang mga bangkay sa krus, ginawa pa ba iyon kay Jesus? S. Hindi na, sapagkat nakita nilang patay na Siya. Subalit sinibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus........................... Juan 19:31-34 SND; MB 10. T. Ano ang natupad nang ito’y mangyari? S. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan na, “Walang mababali isa man sa Kaniyang mga buto” at “Pagmamasdan nila ang kanilang inulos”. Juan 19:36-37 MB 11. T. Pagkatapos, ano ang ginawa ni Jose na taga-Arimatea na alagad ni Jesus? S. Hiniling ni Jose kay Pilato na makuha ang bangkay ni Jesus at siya’y pinahintulutan. Kasama ni Jose si Nicodemo.................... Juan 19:38-39 NPV 12. T. Ano ang ginawa nila sa bangkay ni Jesus? S. Binalot nila ng telang lino na may pabango at inilibing.................... Juan 19:40-42 BMB 13. T. Ano ang napatunayan ni Jesus sa pagpayag Niyang mamatay sa krus? S. Ang Kaniyang kapakumbabaan at pagkamasunurin sa Diyos......... Filip. 2:8 14. T. Ano ang ibinunga ng kamatayan ni Cristo sa mga taong nasakop ng Kaniyang dugo? S. Nailapit sila sa Diyos, napatawad sa kasalanan, at tatanggap ng biyayang kaligtasan................................................. Efe. 2:13; 1:7; 2:1-8 Aawitin: “Ako’y Iglesia Ni Cristo” BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 28, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Ang Kamatayan Ni Jesus At Ang Paglilibing Sa Kaniya (Batay sa Juan 19:17-42; Lucas 23:34-43) Nang maibigay na ni Pilato ang Panginoong Jesucristo sa mga tao, Siya’y pinagpasan nila ng krus papunta sa lugar na kung tawagin ay Golgota o “Dako ng Bungo.” Doon ay pinakuan nila si Jesus sa krus kasama ng dalawa pa—isa sa gawing kanan Niya at isa sa kaliwa. Sinabi ni Jesus: “Ama, patawarin Mo sila; sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Samantala, sa krus na pinagpakuan kay Jesus ay ipinasulat ni Pilato ang pangungusap na: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” Ngunit sinabi ng mga punong saserdote na ang dapat daw na isulat ay, “Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Judio.” Pero sinabi ni Pilato, “Ang naisulat ko’y naisulat ko na.” Nang makita ng mga tao na nakapako na sa krus si Jesus, Siya’y patuloy nilang kinutya o pinagsabihan ng masama. Sinabi nilang kung Siya ang Anak ng Diyos ay iligtas Niya ang Kaniyang sarili. Nilait din si Jesus ng isa sa nakapako rin sa krus, pero sinaway ito ng isa pa at sinabing si Jesus ay walang ginawang masama. Sinabi pa niya: “Jesus, alalahanin Mo ako, pagdating Mo sa Iyong kaharian.” Sumagot si Jesus at sinabing isasama Niya ito sa paraiso. Samantala, kinuha ng mga kawal ang damit ni Jesus at pinaghati-hati sa apat. Kinuha rin nila ang Kaniyang balabal at nagpalabunutan kung kanino iyon mapupunta. At dahil sa matinding hirap ni Jesus sa pagkakapako sa krus ay sumigaw Siya na sinasabi, “Diyos Ko! Diyos Ko! Bakit Mo Ako pinabayaan?” Sa mga huling sandali ng Kaniyang buhay, sinabi ni Jesus, “Nauuhaw Ako!” Kaya, isinawsaw ng mga kawal sa suka ang isang espongha, ikinabit sa isang sanga, at idinampi sa labi ni Jesus. Pagkatapos nito ay sinabi ni Jesus, “Naganap na!” At itinungo Niya ang Kaniyang ulo at nalagutan Siya ng hininga. Dahil ayaw ng mga Judio na abutan ng araw ng Sabbath ang mga bangkay sa krus, ipinabali nila ang mga binti ng mga nakapako sa krus. At iyon nga ang ginawa sa dalawang kasama ni Jesus. Pero, hindi na ginawa iyon sa Kaniya dahil nakita nilang patay na Siya. Pero, sinibat ng isa sa mga kawal ang Kaniyang tagiliran. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan na “Walang mababali isa man sa Kaniyang mga buto” at “Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.” Pagkatapos, hiniling kay Pilato ni Jose na taga-Arimatea, isa sa mga alagad ni Jesus, na makuha ang bangkay ni Jesus. Pinayagan siya ni Pilato. Kaya, kasama si Nicodemo, ay binalot nila ang bangkay ni Jesus ng telang lino na may pabango at kanilang inilibing, ayon sa kaugalian ng mga Judio. Kaya, sa Iglesia Ni Cristo ay ganito rin ang ginagawa natin sa namatay— inililibing, hindi sinusunog. Sa pagpayag ng Panginoong Jesucristo na mamatay sa krus ay napatunayan Niya ang Kaniyang kapakumbabaan at pagkamasunurin sa Diyos. Dahil sa kamatayan ni Cristo, tayo na mga nasakop o natubos ng Kaniyang dugo ay nailapit sa Diyos, napatawad sa kasalanan, at nagkaroon ng pag-asa sa biyayang kaligtasan. Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 21, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay ni Cristo Ang Paglilitis Kay Jesus 1. T. May natagpuan bang mga saksi na magsisinungaling laban sa Panginoong Jesus nang Siya’y dalhin sa bahay ni Caifas na pinakapunong saserdote? S. Wala, ngunit may dalawang nagsaysay na sinabi raw ni Jesus na gigibain Niya ang templo ng Diyos at itatayo sa ikatlong araw..... Mat. 26:57-61 at MB 2. T. Sumagot ba si Jesus sa paratang na ito sa Kaniya? S. Hindi umimik si Jesus....................................................................... Mat. 26:62-63 NPV 3. T. Ano ang isinagot ni Jesus sa pinakapunong saserdote nang tanungin Siya nito kung Siya ba ang Cristo, ang Anak ng Diyos? S. Sinabi ni Jesus, “Kayo na ang nagsabi.”.......................................... Mat. 26:63-64 NPV 4. T. Nang sabihin Niya iyon, ano ang ginawa ng pinakapunong saserdote? S. Sa galit ay pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang damit at sinabing nilalapastangan daw ni Jesus ang Diyos........................ Mat. 26:65 SND 5. T. Ano naman ang ginawa kay Jesus ng mga nakasaksi sa pangyayaring iyon? S. Sinabi ng mga tao na dapat Siyang mamatay at Siya’y dinuraan nila, pinagsusuntok, pinagsasampal, at kinutya............... Mat. 26:66-68 BMB 6. T. Noong dalhin si Jesus kay Pilato, isang gobernador na Romano, may nakita ba itong dahilan para isakdal si Jesus? S. Wala, at nang malaman niyang taga-Galilea si Jesus, Siya’y ipinadala niya kay Herodes.................................................... Lucas 23:1-7 NPV 7. T. Ano ang ginawa ni Herodes kay Jesus? S. Tinanong niya nang tinanong si Jesus sa pag-asang gagawa Siya ng himala, ngunit hindi sumagot si Jesus kaunti man................... Lucas 23:8-9 MB 8. T. Habang walang tigil ang mga pagpaparatang kay Jesus, paano Siya hinamak at tinuya nina Herodes at ng kaniyang mga kawal? S. Siya’y sinuotan nila ng magarang damit at ipinabalik kay Pilato.... Lucas 23:10-11 MB 9. T. Dahil si Pilato ay walang makitang kasalanan ni Jesus, ano ang naisip niyang gawin para mapalaya si Jesus? S. Ang kaugalian ng gobernador na magpalaya ng isang bilanggo tuwing Pista ng Paskuwa—at noon ay may isang bilanggo na nagngangalang Barabas................................................................ Mat. 27:15-16 NPV 10. T. Nang tanungin ni Pilato ang mga tao kung sino kina Barabas at Jesus ang gusto nilang palayain, ano ang ipinasabi kay Pilato ng kaniyang asawa? S. “Huwag kang makialam sa taong ‘yan na walang kasalanan”.......... Mat. 27:17, 19 NPV 11. T. Matapos sulsulan ng mga punong saserdote at ng matatanda sa bayan, sino ang pinili ng mga tao na palayain nang sila’y muling tanungin ni Pilato? S. Si Barabas, at isinigaw nilang si Jesus ay “Ipako sa krus!”.............. Mat. 27:21-22 NPV 12. T. Ano ang nangyari nang makita ni Pilato na wala na siyang magagawa? S. Naghugas ng kamay si Pilato upang ipakitang ayaw niyang panagutan ang kamatayan ng isang taong walang kasalanan. Pagkatapos, pinalaya niya si Barabas, ngunit si Jesus ay ipinahagupit saka ibinigay sa mga tao upang ipako sa krus................................. Mat. 27:24-26 NPV at MB 13. T. Ipinagpauna ba ng Kasulatan ang mga nangyaring ito sa Panginoong Jesucristo? S. Ipinagpauna. Katuparan ito ng nasusulat upang tayo’y Kaniyang matubos...................................................... Isa. 50:6; 53:3-7 BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Enero 21, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Ang Paglilitis Kay Jesus (Batay sa Mateo 26:57-68; 27:15-26; Lucas 23:1-11) Dinala ang Panginoong Jesus sa bahay ni Caifas na pinakapunong saserdote. Nang maghanap ang mga lilitis ng mga saksing magsisinungaling laban kay Jesus ay wala silang matagpuan. Hanggang sa may dalawang humarap at nagsaysay na sinabi raw ni Jesus na gigibain Niya ang templo at muling itatayo sa loob ng tatlong araw. Nang tanungin si Jesus tungkol sa paratang na ito ay hindi Siya umimik. “Sabihin Mo sa amin, Ikaw ba ang Cristo, ang Anak ng Diyos?” tanong ng pinakapunong saserdote. “Kayo na ang nagsabi,” sagot ni Jesus. Nang marinig ito, pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang damit sa kaniyang galit. Lumalapastangan daw si Jesus sa Diyos. Gayon din ang inisip ng mga tao at sinabi nilang dapat mamatay si Jesus. Siya’y dinuraan nila sa mukha, pinagsusuntok, pinagsasampal, at kinutya. Pagkatapos, dinala nila si Jesus kay Pilato, isang gobernador na Romano. Pero, sinabi ni Pilato na wala siyang makitang dahilan para isakdal o hatulan si Jesus. Kaya nang malaman ni Pilato na taga-Galilea si Jesus, Siya’y ipinadala niya kay Herodes. Doon ay tinanong nang tinanong ni Herodes si Jesus dahil gusto niyang makitang gumawa si Jesus ng kababalaghan. Pero hindi sumagot si Jesus kaunti man. At habang walang tigil sa kapaparatang kay Jesus ang mga punong saserdote at eskriba, ay hinamak at tinuya naman Siya nina Herodes at ng kaniyang mga kawal. Siya’y sinuotan nila ng magarang damit at ipinabalik kay Pilato. Sa ikalawang pagkakataon, muling sinabi ni Pilato sa mga Judio na wala siyang makitang kasalanan ni Jesus. Kaya para mapawalan si Jesus, naisip ni Pilato na gawin ang kaugalian ng mga gobernador na magpalaya ng isang bilanggo tuwing Pista ng Paskuwa. May isang bilanggo noon na nagngangalang Barabas. Tinanong ni Pilato ang mga tao kung sino kina Barabas at Jesus ang gusto nilang palayain niya. Samantala, ipinasabi naman kay Pilato ng kaniyang asawa na, “Huwag kang makialam sa taong iyan (kay Jesus) na walang kasalanan.” Gayunman, sinulsulan ng mga punong saserdote at ng matatanda sa bayan ang mga tao. Kaya, ang pinili ng mga tao na palayain ay si Barabas. Tungkol naman kay Jesus ay isinigaw nila na Siya’y “Ipako sa krus!” Nakita ni Pilato na wala na siyang magagawa. Kaya, naghugas siya ng kamay sa harap ng mga tao para ipakita na ayaw niyang panagutan ang kamatayan ni Cristo dahil wala itong kasalanan. Pagkatapos ay pinalaya nga niya si Barabas, ngunit si Jesus ay ipinahagupit saka ibinigay sa mga tao upang ipako sa krus. Dapat nating maunawaan na ang lahat ng dinanas ng ating Panginoong Jesucristo ay katuparan ng ipinagpauna ng Banal na Kasulatan. Lahat ng ito ay nangyari upang tayo’y Kaniyang matubos. Leksiyon ukol sa Pagsamba ng Kabataan Abril 7, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Kapag May Suliranin, Pumanatag At Magtiwala Tayo Sa Diyos 1. T. Hindi na ba nakakaranas ng mga suliranin ang mga hinirang ng Diyos? S. Nakararanas din ng mga problema, tulad ng nangyari kay David, na naging hari ng Israel............................................... Awit 116:3 2. T. Ano ang naging suliranin ni Haring David? S. Maraming pagkakataon na nabingit sa kamatayan ang buhay niya, kaya, nakadama rin siya ng matinding takot at pangamba........ Awit 116:3 3. T. Kapag ang mga lingkod ng Diyos ay may mabibigat na suliranin, nawawalan na ba sila ng pag-asa? S. Hindi sila nawawalan ng pag-asa bagkus, nagtitiwala sa Diyos..... Awit 116:4 4. T. Ano ang pagkilala ni Haring David sa Diyos kaya siya nagtiwala sa Kaniya? S. Ang Diyos ay mahabagin, mayaman sa awa, at Siya ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo........................... Awit 116:5-6 5. T. Paano pinatunayan ni David ang kaniyang pagtitiwala sa Diyos? S. Hindi niya pinabayaan ang pagsamba sa Diyos dahil umaasa siyang matatamo niya roon ang patnubay at pag-iingat ng Diyos......... Awit 27:1-5 MB 6. T. Ano pa ang katunayan na lubos na nagtiwala si David sa Diyos? S. Sumasangguni at sumusunod si David sa Diyos.......................... I Kron. 14:8-17 7. T. Nabigo ba si David sa kaniyang pagtitiwala sa Diyos? S. Si David ay iniligtas ng Diyos mula sa bingit ng kamatayan....... Awit 116:8 8. T. Kaya, kanino rin tayo dapat magtiwala anuman ang ating suliranin? S. Magtiwala tayo sa Diyos sa lahat ng oras..................................... Awit 62:8 9. T. Kapag dumating ang mga problema, nagugulo ba ang isip at damdamin ng mga nagtitiwala sa Diyos? S. Ang nagtitiwala sa Diyos ay panatag, kaya hindi gagawa ng masama laban sa kapuwa at maging sa sarili niya mismo........ Kaw. 29:25 MB 10. T. Gaano kasama ang mawalan ng pagtitiwala sa Diyos? S. Ang hindi nagtitiwala sa Diyos ay nanlulupaypay....................... Panag. 3:18, 20 BSP 11. T. Ano ang maling naiisip ng iba kapag may mabigat silang suliranin? S. Nawawalan sila ng ganang mabuhay at may nakakaisip pang wakasan na ang kanilang buhay........................ Job 7:15-16 MB 12. T. Bakit masama at kasalanan ang magpakamatay? S. Bawal ang pumatay—ang pagpatay at pagpapakamatay ay tahasang paglabag sa batas ng Diyos....................................... Exo. 20:13 13. T. Sino lamang ang maaaring bumawi sa buhay ng tao? S. Ang Diyos lamang ang may kapangyarihang bumawi ng buhay ng tao............................................................... I Sam 2:6 MB; Awit 31:15 14. T. Bilang mga hinirang ng Diyos, ano ang dapat nating maging pananalig kapag may dumating na mga suliranin? S. May Diyos tayo na handang tumulong at magligtas sa atin....... Isa. 30:18, 20 MB 15. T. Sa anong pagkakataon tayo lalong dapat na manalangin sa Diyos para hingin ang Kaniyang tulong? S. Sa panahon ng ating mga pagsamba ay dinirinig ng Diyos ang ating mga panalangin............................................................. Awit 116:18-19(a) at 2-7 MB BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Abril 21, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Hindi Dapat Mahulog Ang Mga Kaanib Sa Iglesia Ni Cristo Sa Pagkasugapa O Adiksiyon Sa Alinmang Bisyo 1. T. Ano ang kahulugan ng pagkasugapa o adiksiyon? S. Ito ang paulit-ulit na pakikisangkot sa isang bagay o aktibidad sa kabila ng pinsala na idinudulot niyon.......... mentalhelp.net 2. T. Sa anu-anong mapaminsalang bagay nagkakaroon ng adiksiyon ang iba? S. May nagiging sugapa sa droga, alak, at paninigarilyo...... addictioncenter.com 3. T. Ano ang isa pang uri ng adiksiyon na nakapipinsala rin? S. Ang adiksiyon sa paglalaro ng computer at video games.... abc.net.au 4. T. Ano ang ilan sa mga pinsalang dulot ng adiksiyon sa paglalaro ng computer at video games? S. Napipinsala ang pakikipag-ugnayan sa tunay na buhay, ang kalusugan, at ang kakayahan sa paaralan.................. When Gaming Becomes An Obsession, pp. 18-19 5. T. Nangangahulugan bang masama ang paggamit ng mga gadget at ng Internet? S. Hindi, sapagkat kapaki-pakinabang ang mga ito sa maraming bagay. Ang masama ay ang pagkagumon sa paggamit ng mga bagay sa mundong ito...................... I Cor. 7:31 NIRV 6. T. Ayon sa mga apostol, ano ang magiging wakas ng mga nagumon o naging sugapa sa anumang uri ng bisyo? S. Hindi sila magmamana ng kaharian ng Diyos.................. Gal. 5:19(a), 21(b) MSG 7. T. Ano ang tawag ng Biblia sa taong hindi makontrol ang paulit-ulit na paggawa o paggamit ng isang bagay na nakapipinsala na? S. Alipin ng mga mapaminsalang bisyo—ito ay kasalanan..... II Ped. 2:19 GNB 8. T. Ano ang dapat gawin upang huwag mahulog sa adiksiyon? S. Disiplinahin ang sarili tulad ng isang atleta...................... I Cor. 9:25-26 AMP2015 9. T. Ano rin ang ginagawa ng ating mga magulang upang mailayo tayo sa adiksiyon sa mga mapaminsalang bisyo at mga kasalanan? S. Pinalalaki ang mga anak sa maka-Cristianong pagdisiplina at pagtuturo................................................... Efe. 6:4 GNB 10. T. Dapat ba tayong mainis kapag nagtatakda ang ating mga magulang ng mga tuntunin at oras sa paggamit ng mga gadget at ng Internet? S. Hindi, sapagkat tinutupad lamang nila ang aral ng Biblia na subaybayan nilang mabuti ang kanilang sambahayan... Kaw. 31:26-27 TLB 11. T. Ano naman ang pananagutan ng mga kabataang Cristiano? S. Igalang at sundin ang mga magulang................................ Efe. 6:1-3 GNB 12. T. Ano ang isa sa mga itinuturo ng ating mga magulang at ng Pamamahala na dapat nating sundin para sa ating ikabubuti? S. Magpakasipag sa gawain ng Panginoon—hindi mawawalan ng kabuluhan ang pagpapagal para sa Kaniya.................. I Cor. 15:58 NPV 13. T. Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, ano ang dapat nating gawin upang huwag tayong madaig ng tukso at kasalanan? S. Magpuyat o bantayan ang sarili at manalangin................ Mat. 26:41 14. T. Ano ang dapat nating hilingin sa Diyos sa ating panalangin? S. Sagipin at palayain nawa Niya tayo sa kamay ng masama... Awit 71:1-5 GW BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Abril 28, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Ang Pangunahin At Pinakadakilang Utos Ayon Kay Cristo At Sa Mga Apostol 1. T. Alin ang pinakadakila at pangunahing utos ayon kay Cristo? S. Ibigin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip.................................................................... Mat. 22:35-38 2. T. Alin ang pinakadakila: pananampalataya, pag-asa, o pag-ibig? S. Ang pinakadakila ay ang pag-ibig.......................................... I Cor. 13:13 3. T. Bakit ang pag-ibig ang pinakadakila? S. Ang may kabuluhang pagtupad sa utos ay yaong may kalakip na pag-ibig.......................................................... I Cor. 13:1-3 4. T. Ang pag-ibig ba ay sa bibig o sa salita lamang? S. Hindi—dapat ay sumusunod sa utos ng Diyos...................... Ezek. 33:31 I Juan 5:3 NPV 5. T. Ano ang katunayan ng dalisay na pag-ibig sa Diyos? S. Dapat ay nakahihigit kaninoman ang pag-ibig sa Diyos....... Mat. 10:37 6. T. Anu-ano ang ilan sa mga katangian ng may tunay na pag-ibig? S. Matiyaga, may magandang-loob, at hindi nagmamataas..... I Cor. 13:4 MB 7. T. Anu-ano ang hindi masusumpungan sa tunay na umiibig? S. Hindi magaspang ang ugali, hindi makasarili, at hindi magagalitin................................................................. I Cor. 13:5 MB 8. T. Anu-ano pang mga kaugalian ang taglay ng tunay na umiibig? S. Mapagbata at mapagtiwala..................................................... I Cor. 13:7 MB 9. T. Gaano kabuti kapag tayong mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay nag-iibigan sa isa’t isa? S. Magiging sakdal o lubos na matutupad ang pag-ibig ng Diyos sa atin.................................................. I Juan 4:12 at SND 10. T. Kaya ano ang ipinag-uutos sa atin? S. Mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig.......... I Juan 4:7 11. T. Ano ang napatutunayan ng umiibig sa kaniyang kapatid? S. Napatutunayan niya na umiibig siya sa Diyos....................... I Juan 4:20 12. T. Ano ang pangako sa mga umiibig sa Diyos? S. Magtatamo ng buhay.............................................................. Deut. 30:19-20 13. T. Ano ang kapalaran ng mga tunay na umiibig sa Diyos? S. Si Cristo at ang Ama ay sasakanila at mananahan sa kanila.......................................................... Juan 14:21, 23 Aawitin: “Ako’y Iglesia Ni Cristo” BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 25, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Iglesia Sa Panahon Ng Mga Apostol 1. T. Paano nagsimula ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo? S. Itinayo ni Cristo ang Iglesia noong Siya’y nasa lupa pa at nagsimula ito bilang isang munting kawan................................ Mat. 16:18; Lucas 12:32 Gawa 20:28 Lamsa 2. T. Ilan ang naiwang alagad ni Jesus nang umakyat Siya sa langit? S. May limandaan (500) ang pinagpakitaan ni Jesus noong Siya’y nabuhay na muli at may sandaan at dalawampu (120) namang nagkatipon sa Jerusalem nang umakyat Siya sa langit................... Gawa 1:12-15; I Cor. 15:4-6 3. T. Ano ang katangian ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo noon? S. Nanatili silang matibay sa turo at sa pagkakatipon o pagsamba..... Gawa 2:42, 44, 46 I Cor. 14:26 at 15 4. T. Namalagi bang munting kawan ang Iglesia noong unang siglo? S. Umabot sa limang libo ang mga lalaking sumampalataya at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad............ Gawa 4:4; 6:7 5. T. Ano ang ginawa ng mga kapatid nang magkaroon ng isang malaking pag-uusig laban sa Iglesia noon? S. Nagsipangalat ang mga kapatid sa iba’t ibang dako........................ Gawa 8:1-3; 12:1-5 6. T. Bakit pinag-usig noon ang Iglesia at ang mga apostol? S. Labis na nainggit ang mga pinuno ng ibang relihiyon na anupa’t dinakip at ipinakulong pa ang mga apostol ngunit iniligtas din sila ng anghel ng Panginoong Diyos............................. Gawa 5:17-19 SND 7. T. Gayunman, ano ang patuloy na ginawa ng mga kapatid? S. Sila’y nagmisyon o ipinangaral ang salita ng Diyos sa mga tao.... Gawa 8:4 8. T. Ano pa ang nahayag sa Iglesia sa panahon ng mga apostol? S. Nahayag ang mga kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol at maraming tao pa ang naragdag sa Iglesia......... Gawa 2:43; 5:12, 14-16 9. T. Ano ang kalagayan ng mga kapatid sa panahon ng mga apostol? S. Lumakas sila sa pananampalataya, patuloy na lumago ang Iglesia... Gawa 16:4-5 10. T. Subalit, ano ang ipinagpaunang sinabi ni Cristo tungkol sa Kaniyang mga alagad o sa mga kaanib sa Iglesia? S. Ililigaw ang marami, itatalikod sa pananampalataya, at ang iba ay papatayin.................................................................... Mat. 24:11, 10, 9 NPV 11. T. Ipinahayag din ba ng mga apostol ang hulang ito ni Cristo na pagtalikod sa unang Iglesia Ni Cristo? S. Ibinabala rin ng mga apostol ang paglitaw ng mga bulaang propeta at pagpasok ng hidwang pananampalataya sa Iglesia....... Gawa 20:29-30; II Ped. 2:1-3 12. T. Ipinagpauna rin ba ng Diyos ang mangyayari sa Iglesia noon? S. Ipinagpauna—mahihiwalay at mamamatay ang dalawang bahagi subalit malalabi ang ikatlong bahagi.................................. Zak. 13:7-8 13. T. Sinu-sino ang tinutukoy na dalawang bahagi na mahihiwalay at mamamatay? S. Ang mga Judio at mga Gentil na natawag sa Iglesia sa panahon ng mga apostol............................................................. Gawa 2:39; Roma 9:24 14. T. Sino naman ang ikatlong bahagi na maiiwan o malalabi? S. Ang mga nasa malayo na hindi pa natawag sa Iglesia noon........... Gawa 2:39 15. T. Saan ang malayo na pagmumulan ng ikatlong grupo ng mga taong kay Cristo? S. Malayong Silangan—ang kinatuparan ay ang Iglesia Ni Cristo na bumangon sa Pilipinas..................................... Isa. 43:5 Moffatt W. Hist., p. 445 Aawitin: “Ako’y Iglesia Ni Cristo” BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 25, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Iglesia Sa Panahon Ng Mga Apostol Noong panahong narito pa sa lupa ang Panginoong Jesucristo ay itinayo Niya ang Kaniyang Iglesia. Nagsimula ito na isang munting kawan o Iglesia. Noong nabuhay na mag-uli si Cristo ay napakita Siya sa may limandaang (500) alagad at nang umakyat Siya sa langit ay may sandaan at dalawampung (120) alagad na nagkatipon sa Jerusalem. Sa panahong pinangangasiwaan na ng mga apostol ang Iglesia ay nanatiling matibay sa turo at sa pagkakatipon o pagsamba ang mga unang Cristiano. Ang noo’y nagsimulang munting Iglesia ay lumaki at lumago. Umabot sa limang libo (5,000) ang bilang ng mga lalaking kaanib at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad. Bunga nito ay labis na nainggit ang mga pinuno noon ng ibang relihiyon. Ang mga kaanib na nasa Jerusalem ay dumanas ng malaking pag-uusig na naging dahilan para sila ay magsipangalat sa iba’t ibang dako. Dinakip at ipinakulong ang mga apostol, ngunit sila’y iniligtas ng anghel ng Panginoong Diyos. Sa kabila ng matinding pag-uusig, patuloy pa ring nagmisyon ang mga kapatid kahit na sila’y nasa pangangalat. Ipinangaral nila sa mga tao ang salita ng Diyos. Nahayag din ang mga kababalaghan at tanda sa pangangaral ng mga apostol. Nagbunga ito ng marami pang tao na naragdag bilang kaanib sa Iglesia. Lalo namang lumakas ang pananampalataya ng mga kapatid at patuloy pang lumago ang Iglesia. Subalit, noon pa ay may ipinagpauna na si Cristo na mangyayari sa Iglesiang Kaniyang itinayo. Sinabi Niyang marami sa Kaniyang mga alagad ay ililigaw o itatalikod sa pananampalataya at ang iba naman ay papatayin. Ipinahayag din ito ng mga apostol nang ipagpauna rin nila na lilitaw ang mga bulaang propeta at papasok ang hidwa o maling pananampalataya sa Iglesia. Sa paunang pahayag o hula ng ating Panginoong Diyos ay ipinagpauna na rin Niya noon pa ang magaganap sa Iglesia. Mahihiwalay at mamamatay ang dalawang bahagi nito subalit ang ikatlong bahagi ay malalabi o maiiwan. Sa katuparan, ang tinutukoy sa hula na dalawang bahagi na mahihiwalay at mamamatay ay ang mga Judio at mga Gentil na natawag sa Iglesia sa panahon ng mga apostol. Dumating ang panahon na sila’y naitalikod sa pananampalataya at ang iba naman ay ipinapatay. Samantala, ang ikatlong bahagi naman na maiiwan o malalabi ay tumutukoy sa mga nasa malayo na hindi pa natawag sa Iglesia noong unang siglo. Ang kinatuparan nito ay ang Iglesia Ni Cristo na bumangon sa Malayong Silangan o sa Pilipinas. Kaya, tayong mga kabilang sa Iglesiang ito ang ikatlong grupo ng mga taong sa Diyos at kay Cristo. Hindi tayo dapat matulad sa Iglesia noong unang siglo na natalikod, kundi dapat nating itaguyod ang tapat na paglilingkod sa Diyos anuman ang mangyari. Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Abril 14, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Walang Magagawang Kabanalan Ang Nasa Labas Ng Iglesia Ni Cristo 1. T. Ano ang hindi magagawa ng mga taong hiwalay kay Cristo? S. Hindi sila makapagbubunga ng kabanalan sa harap ng Diyos..................................................................... Juan 15:5, 4 Filip. 1:11 2. T. Bakit kailangang gawin ng tao ang pagpapakabanal? S. Sapagkat hindi makikita ang Panginoon kung hindi magpapakabanal................................................... Heb. 12:14 BMB 3. T. Magagawa ba ng tao na maging matuwid o magpakabanal sa ganang kaniyang sarili lamang? S. Hindi—walang matuwid, wala kahit isa................................. Roma 3:10-12 4. T. Bakit hindi magagawa ng tao na magpakabanal sa ganang kaniyang sarili lamang? S. Sapagkat hindi niya magawa ang mabuti na nais niya............ Roma 7:18 MB 5. T. Sa halip, ano ang nagagawa ng tao? S. Ang masama na hindi niya ibig ang nagagawa niya.............. Roma 7:19 MB 6. T. Bakit walang taong matuwid? S. Sapagkat ang lahat ng tao ay nagkasala maliban sa ating Panginoong Jesucristo............................................... Roma 5:12 I Ped. 2:21-22 7. T. Ano ang kabayaran ng kasalanan, ayon sa pasiya ng Diyos? S. Kamatayan sa dagat-dagatang apoy........................................ Roma 6:23 Apoc. 20:14 8. T. Paano mababanal ang tao ayon sa turo ng mga apostol? S. Sa pamamagitan ng pagtubos ng dugo ni Cristo.................... Roma 3:24-25 9. T. Alin ang pinatutunayan ng Biblia na tinubos ng dugo ni Cristo? S. Ang Iglesia Ni Cristo................................................................. Gawa 20:28 Lamsa 10. T. Ano ang hindi na marapat ibuhay ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo upang manatili sa kabanalan? S. Huwag nang masumpungan pa sa kasalanan......................... Gal. 2:17 11. T. Ano ang tawag sa kaanib sa Iglesia na nagbabalik sa kasalanan? S. Suwail—muling itinatayo ang mga bagay na sinira............... Gal. 2:18 12. T. Alin ba ang sinira o giniba na ng isang kaanib sa Iglesia? S. Ang dating pagkatao................................................................ Roma 6:6 13. T. Alin ang dating pagkatao? S. Ang masamang paraan ng pamumuhay................................. Efe. 4:22 14. T. Ano ang dapat nating gawin kapag tayo’y nagkasala? S. Huwag paghariin sa buhay ang kasalanan.............................. Roma 6:12-13 15. T. Kanino natin dapat ikumpisal ang ating nagawang kasalanan? S. Sa ating Diyos na handang magpatawad................................ I Juan 1:9 BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 18, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay ni Cristo Ang Pagsusugo Sa Mga Apostol At Ang Pag-Akyat Ni Jesus Sa Langit 1. T. Pagkatapos na mabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus, saan nagpunta ang labing-isang alagad? S. Nagpunta sila sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus...................................................... Mat. 28:16 MB 2. T. Nang makita nila roon si Jesus, ano ang ginawa nila? S. Siya’y sinamba nila................................................................... Mat. 28:17 MB 3. T. Lahat ba ay sumamba kay Jesus? S. May ilang nag-alinlangan......................................................... Mat. 28:17 MB 4. T. Ano ang sinabi ni Jesus sa mga apostol? S. “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin”............................................... Mat. 28:18 5. T. Ano ang ipinag-utos ni Jesus sa labing-isa? S. “Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa”.............................................. Mat. 28:19 6. T. Ayon kay Jesus, paano magagawang alagad Niya ang mga tao? S. Sa paraang sila’y bautismuhan sa Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.............................................. Mat. 28:19 7. T. Ano pa ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng mga sinugo Niya? S. “Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo”.............................................................. Mat. 28:20 NPV 8. T. Ano ang pangako ni Jesus sa mga alagad kung susundin nila ang Kaniyang iniutos? S. Si Jesus ay sasakanilang palagi, hanggang sa katapusan ng sanlibutan...................................................... Mat. 28:20 NPV 9. T. Pagkatapos, ano ang ginawa ni Jesus sa Kaniyang mga alagad? S. Isinama sila ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Betania, itinaas Niya ang Kaniyang mga kamay at sila’y binasbasan................................................................... Lucas 24:50 at MB 10. T. Ano ang nangyari samantalang sila’y binabasbasan ni Jesus? S. Sila’y iniwan Niya at dinala Siya sa itaas sa langit.................. Lucas 24:51 11. T. Ano ang ginawa ng mga alagad? S. Sinamba nila si Jesus; pagkatapos, sila’y nagbalik sa Jerusalem na taglay ang malaking kagalakan.................... Lucas 24:52 MB 12. T. Naging Diyos ba si Jesus nang umakyat Siya sa langit, gaya ng inaakala ng iba? S. Hindi, sapagkat ang Diyos na nasa langit ay ang Ama........... Juan 20:17 13. T. Hindi ba maaari na maging dalawa ang Diyos? S. Hindi, sapagkat ang Ama lamang ang kaisa-isang tunay na Diyos, ayon na rin kay Jesus...................................... Juan 17:1 at 3 SNB 14. T. Bakit sinamba ng mga alagad ang Panginoong Jesucristo? S. Sapagkat utos ng Diyos na sambahin si Cristo......................... Filip. 2:9-11 BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 18, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Ang Pagsusugo Sa Mga Apostol At Ang Pag-Akyat Ni Jesus Sa Langit (Batay sa Mateo 28:16-20; Lucas 24:50-53) Ang labing-isang apostol ng Panginoong Jesucristo ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus. Doon ay nakita nila si Jesus at sila’y sumamba sa Kaniya, bagaman may ilang nag-alinlangan o nagduda. Lumapit si Jesus sa mga apostol at sila’y Kaniyang kinausap. Sinabi Niya, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.” Pagkatapos ay isinugo Niya ang Kaniyang mga apostol. Iniutos ni Jesus sa labing-isa, “Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa Pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Sinabi pa ni Jesus sa mga sinugo Niya, “Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo.” Tiniyak naman sa kanila ni Jesus na kung susundin nila ang Kaniyang iniutos, Siya ay sasakanilang palagi hanggang sa katapusan ng sanlibutan o ng daigdig. Pagkatapos, isinama sila ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Betania, itinaas Niya ang Kaniyang mga kamay sa kanila at sila’y binasbasan. Samantalang tinatanggap ng mga alagad ang basbas, sila’y iniwan ni Jesus at Siya’y umakyat na sa langit. Sinamba ng mga alagad si Jesus. Pagkatapos nito ay nagbalik sila sa Jerusalem na taglay ang malaking kagalakan. Palagi silang nasa templo na nagpupuri sa Panginoong Diyos. Dapat nating maunawaan na mali ang inaakala ng iba na naging Diyos na raw si Jesus pag-akyat Niya sa langit. Tiniyak ni Jesus na Siya’y aakyat sa ating Ama, na Siyang Diyos na nasa langit. Hindi maaaring mangyari na maging dalawa na Silang Diyos doon sapagkat ang Ama lamang ang kaisa-isang tunay na Diyos, ayon na rin sa pahayag ni Jesus mismo. Hindi rin nangangahulugan na Diyos ang Panginoong Jesucristo kaya sinamba Siya ng Kaniyang mga alagad. Ginawa nila iyon sapagkat utos ng Diyos na sambahin si Cristo. Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 4, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay ni Cristo Ang Pagkabuhay Na Muli Ni Jesus 1. T. Ano ang nakita ni Maria Magdalena nang magpunta siya sa libingan ng Panginoong Jesucristo nang unang araw ng sanlinggo? S. Nakita niya na ang takip na bato ay naalis sa libingan....................... Juan 20:1 2. T. Ano ang sinabi ni Maria nang ibalita niya ito kina Apostol Pedro at sa isa pang alagad? S. Kinuha raw sa libingan ang Panginoon................................................ Juan 20:2 3. T. Nang puntahan nina Pedro ang libingan, ano ang nakita nila roon? S. Naiwan doon ang telang lino at panyong ibinalot sa ulo ni Jesus....... Juan 20:3-8 4. T. Nang makauwi na ang mga alagad, sino ang naiwan sa libingan? S. Si Maria na nakatayo sa labas at nakayukong umiiyak........................ Juan 20:10-11 5. T. Nang tumingin si Maria sa loob ng libingan, ano ang kaniyang nakita? S. May dalawang anghel na nakaupo, ang isa’y sa ulunan at ang isa’y sa paanan ng pinaglagyan ng bangkay ni Jesus.......................... Juan 20:11-12 6. T. Ano ang isinagot ni Maria nang tanungin ng mga anghel kung bakit siya umiiyak? S. “Kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan dinala”................................................................................. Juan 20:13 MB 7. T. Nang lumingon si Maria at nakita niya si Jesus, na inakala niyang isang hardinero roon, ano ang sinabi niya sa Panginoon? S. “Kung Kayo po ang kumuha sa Kaniya, ituro N’yo sa akin kung saan N’yo Siya dinala, at kukunin ko Siya”................................ Juan 20:15 SND 8. T. Nang tawagin ni Jesus si Maria Magdalena sa pangalan nito, at napagtanto ni Maria na si Jesus ang kaniyang kausap, ano ang kaniyang ginawa? S. Nagpunta si Maria sa mga alagad at sinabing nakita niya ang Panginoon na nabuhay na muli............................................. Juan 20:16-18 Mat. 28:7 9. T. Nang araw ring iyon, nang ang dalawa sa mga alagad ni Jesus ay papunta sa nayon ng Emaus, ano ang ginawa ni Jesus? S. Nakisabay Siya sa paglakad nila, ngunit hindi nila Siya nakilala......... Lucas 24:13-16 at MB 10. T. Ano ang isinagot nila nang tanungin ni Jesus kung ano ang pinag-uusapan nila? S. Ang sabi ng isa, na nagngangalang Cleopas: “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon”.............................................. Lucas 24:17-18 MB 11. T. Alin ang tinutukoy ni Cleopas na nangyari sa Jerusalem? S. Ang tungkol sa pagkakasakdal at kamatayan ni Jesus sa krus............ Lucas 24:19-20 MB 12. T. Ano pa ang sinabi ng mga alagad kay Jesus, na noon ay hindi pa rin nila nakikilala? S. “Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel”.......... Lucas 24:21 MB 13. T. Ano ang sinabi sa kanila ni Jesus? S. Sinabi Niyang sila’y mga hangal dahil hindi nila pinaniwalaan ang sinabi ng mga propeta na kailangan munang Siya’y magbata bago Niya kamtan ang marangal na katayuan.................................... Lucas 24:25-26 MB 14. T. Ano pa ang sinabi sa kanila ni Jesus? S. Ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa Kaniya............................................................. Lucas 24:27 MB 15. T. Nang ang labing-isang apostol at ang iba pang alagad ay magkatipun- tipon sa Jerusalem, ano ang sinabi nila tungkol kay Jesus? S. “Muli ngang nabuhay ang Panginoon!”................................................. Lucas 24:33-34 MB BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 4, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Ang Pagkabuhay Na Muli Ni Jesus (Batay sa Juan 20:1-18; Lucas 24:13-34) Nang unang araw ng sanlinggo, matapos mamatay at mailibing ang Panginoong Jesucristo, ang Kaniyang libingan ay pinuntahan ni Maria Magdalena. Madilim pa noon pero nakita niya na ang takip na bato ay naalis sa libingan. Patakbong nagpunta si Maria kay Apostol Pedro at sa isa pang alagad at sinabi sa kanila na kinuha sa libingan ang Panginoon. Dahil dito, agad na nagpunta sina Pedro sa libingan. Pagdating doon, nakita nilang naiwan doon ang telang lino na ipinambalot sa bangkay ni Jesus. Nagsiuwi na ang mga alagad, pero naiwan si Maria na nakatayo sa labas ng libingan at umiiyak. Tumingin siya sa loob ng libingan at nakita ang dalawang anghel na nakaupo, ang isa’y sa ulunan at ang isa’y sa paanan ng pinaglagyan ng bangkay ni Jesus. Tinanong ng mga anghel si Maria, “Babae, bakit ka umiiyak?” Sumagot si Maria, “Sapagkat kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan dinala.” Pagkasabi nito, lumingon si Maria at naroon si Jesus. Pero hindi Siya nakilala ni Maria. Sinabi Niya kay Maria, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap?” Sa pag-aakalang si Jesus ay isang hardinero roon ay sinabi ni Maria, “Kung Kayo po ang kumuha sa Kaniya, ituro N’yo sa akin kung saan N’yo Siya dinala, at kukunin ko Siya.” Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria.” Muling lumingon si Maria at nakilala na niya na si Jesus ang kaniyang kausap. Kaya, nagpunta si Maria sa mga alagad at sinabi sa kanila na nakita niya ang Panginoon na nabuhay na muli. Samantala, nang araw ring iyon ay naglalakad papunta sa nayon ng Emaus ang dalawa sa mga alagad ni Jesus. Lumapit Siya sa kanila at nakisabay sa paglakad pero Siya’y hindi nila agad nakilala. Tinanong sila ni Jesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tumigil silang nalulungkot. Sumagot ang isa, na ang pangalan ay Cleopas: “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong ni Jesus. “Tungkol kay Jesus na taga- Nazaret,” sagot nila. “Isinakdal Siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at Siya’y ipinako sa krus.” Sinabi pa nila na “Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel.” Pagkarinig nito, sinabi sa kanila ni Jesus na sila’y hangal dahil hindi nila pinaniwalaan ang sinabi ng mga propeta na kailangan munang Siya’y magbata o magtiis ng hirap bago Niya kamtan ang marangal na katayuan. Ipinaliwanag din sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa Kaniya. Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, muling nagkatipun-tipon ang mga alagad sa Jerusalem. Doon, ang labing-isang apostol at ang iba pang kasama nila ay nag-usap-usap na sinasabi, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon!” Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 11, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay ni Cristo Nag-Alinlangan Si Apostol Tomas 1. T. Kinagabihan ng araw na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus, sino ang dumating sa kinaroroonan ng mga alagad? S. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi nito ay ipinakita Niya ang Kaniyang mga kamay at ang Kaniyang tagiliran..................... Juan 20:19-20 MB 2. T. Ano ang naging damdamin ng mga alagad? S. Tuwang-tuwa sila nang makita ang Panginoon....................... Juan 20:20 MB 3. T. Ano ang sinabing muli ni Jesus sa mga alagad? S. “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo Ako ng Ama, gayon din naman sinusugo Ko kayo”........................ Juan 20:21 MB 4. T. Pagkatapos, ano ang ipinagkaloob ni Jesus sa mga alagad? S. Sinabi ni Jesus, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo”.......... Juan 20:22 MB 5. T. Ano ang karapatang ibinigay ni Jesus sa mga apostol? S. Binigyan sila ng karapatang magpatawad ng kasalanan......... Juan 20:23 MB 6. T. Sino sa mga apostol ang wala roon nang dumating si Jesus? S. Si Tomas, na tinatawag na Kambal, isa sa labindalawang apostol..................................................... Juan 20:24 BMB 7. T. Ano ang sinabi kay Apostol Tomas ng ibang mga alagad? S. “Nakita namin ang Panginoon”................................................ Juan 20:25 8. T. Ano ang isinagot ni Apostol Tomas? S. Nag-alinlangan si Tomas. Sinabi niya: “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita ang mga sugat ng pagkakapako sa mga kamay Niya”..................................... Juan 20:25 SND 9. T. Makalipas ang walong araw, saan muling nagkatipon ang mga alagad? S. Sila ay nasa loob muli ng isang bahay, at kasama na nila si Tomas...................................................... Juan 20:26 MB 10. T. Sino ang dumating habang nakasara ang mga pinto? S. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!”.................................................... Juan 20:26 MB 11. T. Ano ang sinabi ni Jesus kay Apostol Tomas? S. “Tingnan mo ang mga kamay Ko. Hipuin mo, pati na rin ang Aking tagiliran”................................................ Juan 20:27 SND 12. T. Ano pa ang idinugtong ni Jesus? S. “Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na”................. Juan 20:27 MB 13. T. Pagsagot ni Tomas, ano ang kaniyang nasabi? S. “Panginoon ko at Diyos ko!”..................................................... Juan 20:28 MB 14. T. Pumapayag ba si Jesus na akalain o isipin man lang ng tao na Siya ay Diyos? S. Hindi, kundi itinuwid Niya at sinabi sa kanila na iba Siya sa isang espiritu o iba Siya sa Diyos...................... Lucas 24:37-39 Juan 4:24 15. T. Ano ba ang likas na kalagayan ni Jesus ayon mismo sa Kaniya? S. Siya’y taong nagsasaysay ng katotohanan............................... Juan 8:40 BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO (Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.) Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Pebrero 11, 2024 KASAYSAYAN NG BIBLIA Ang Buhay Ni Cristo Nag-Alinlangan Si Tomas (Batay sa Juan 20:19-28) Kinagabihan ng araw na mabuhay na muli ang Panginoong Jesucristo, ay nagkatipon ang mga alagad sa isang bahay. Dumating doon si Jesus, tumayo sa gitna nila, at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi nito ay ipinakita ni Jesus sa kanila ang Kaniyang mga kamay at ang Kaniyang tagiliran. Tuwang- tuwa ang mga alagad na makita ang Panginoon. “Sumainyo ang kapayapaan!” muling sinabi sa kanila ni Jesus. “Kung paanong sinugo Ako ng Ama, gayon din naman sinusugo Ko kayo.” Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.” Ngunit si Apostol Tomas, na tinatawag na Kambal at isa sa labindalawang apostol, ay wala roon nang dumating si Jesus. Nang makasama ng mga alagad si Tomas ay sinabi nila sa kaniya, “Nakita namin ang Panginoon.” Sa halip na maniwala ay nag-alinlangan si Tomas sa ibinalita sa kaniya ng kaniyang mga kasama. “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita ang mga sugat ng pagkakapako sa mga kamay Niya,” ang sabi ni Tomas. Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon ang mga alagad ni Jesus sa loob ng isang bahay. Sa pagkakataong ito ay kasama na nila si Tomas. Nang maisara na ang mga pinto, dumating si Jesus, tumayo sa gitna nila, at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkatapos ay sinabi Niya kay Tomas, “Tingnan mo ang mga kamay Ko. Hipuin mo pati na rin ang Aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Pagsagot ni Tomas ay nasabi niya, “Panginoon ko at Diyos ko!” Dahil sa nasabing ito ni Tomas, inaakala ng iba na tinawag niyang Diyos si Cristo. Subalit ito ay maling akala lamang. Sa katotohanan, hindi pumapayag ang Panginoong Jesus na akalain o isipin man lamang ng tao na Siya ay Diyos. Sa katunayan, itinuwid ni Jesus ang mga nag-akalang Siya ay isang espiritu o Siya ay Diyos. Sinabi Niya sa kanila: “Tingnan ninyo ang Aking mga kamay at ang Aking mga paa, Ako rin nga: hipuin ninyo Ako at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa Akin.” Ang pagkabuhay na muli ni Jesus ay lalo pa ngang nagpapatunay na Siya ay hindi Diyos. Ang Diyos ay hindi namamatay kaya hindi rin kailangang buhaying mag-uli. Itinuro ng Panginoong Jesucristo mismo ang Kaniyang likas na kalagayan. Sinabi Niya na Siya ay taong nagsasaysay ng katotohanan. Hindi Niya kailanman itinuro na Siya ay Diyos. Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Hunyo 2, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Ipinagbabawal Ng Diyos Ang Paninirang-puri Sa Kapatid 1. T. Ano ang isa sa ipinagbabawal ng Diyos sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo? S. Huwag maghatulan sa isa’t isa o maglagay ng katitisuran sa iba.. Roma 14:13 2. T. Bakit ayaw ng Diyos na tayong magkakapatid sa Iglesia ay maghatulan sa isa’t isa? S. Ang humahatol sa kapatid ay lumalapastangan sa kautusan at pinangungunahan ang Hukom............................ Sant. 4:11 MB 3. T. Sino ang Hukom na Siyang may kapangyarihang humatol sa atin? S. Ang Diyos––Siya ang hahatol o maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman...................................... I Cor. 4:5 4. T. Paano pinangungunahan ng iba ang Diyos sa pagiging Hukom? S. Naghahatid-dumapit o ipinagkakalat ang kasiraan ng iba.......... Kaw. 11:13 5. T. Ano ang kasamaan kapag pinangunahan natin ang Diyos sa paghatol at paghahayag ng mga lihim ng ating kapuwa? S. Mapapahamak ang madaldal o may matabil na dila.................. Kaw. 13:3 BMB, MB 6. T. Sino ang karaniwang nahuhulog sa ganitong kasalanan? S. Ang mga tamad na nag-aaksaya ng panahon sa pangangapit-bahay.................................................................... I Tim. 5:13 MB 7. T. Dapat ba tayong makiayon sa mga mapanirang-puri, kahit pa kapatid natin sila sa Iglesia? S. Hindi, bagkus, dapat hiwalayan ang sinumang kapatid na lumalakad nang walang kaayusan........................................... II Tes. 3:6 8. T. Sino ang lumalakad nang walang kaayusan? S. Sila ang ayaw magsigawa kundi mapakialam sa buhay ng iba.. II Tes. 3:11, SND 9. T. Bakit dapat hiwalayan ang mga mapaghatid-dumapit at naninirang-puri? S. Kasuklam-suklam sa Diyos ang ginagawa nila............................ Kaw. 6:16-19 10. T. Ano ang masamang mangyayari sa mga mapaghatid-dumapit? S. Mawawalan ng karapatang sumamba at maglingkod sa Diyos.. Awit 15:1-3 11. T. Kaya, sa halip na ipagkalat sa iba, kanino natin dapat ilapit ang anumang usapin tungkol sa ating kapatid sa Iglesia? S. Sa may halaga o kinikilala sa Iglesia............................................ I Cor. 6:4, MB 12. T. Sino ang kinikilala sa Iglesia na may karapatang magpasiya sa alinmang usapin ng mga magkakapatid? S. Ang Tagapamahala sa Iglesia........................................................ Gawa 15:13, 19 13. T. Ano ang karapatan ng Pamamahala sa Iglesia na mag-ayos ng usapin sa pagitan ng magkakapatid? S. Ang Pamamahala ay ibinigay ng Diyos sa ikatitibay natin.......... II Cor. 10:8 14. T. Ano ang itinagubilin sa atin ng Pamamahala kung sakaling ginawan tayo ng masama ng ating kapatid? S. Huwag gantihin ng masama ang masama.................................... I Ped. 3:9-10 15. T. Ano ang magiging kapalaran natin kung namumuhay tayo sa pag-iibigan at sa paggalang sa mga utos ng Diyos? S. Nalulugod ang Panginoon sa mga matuwid, subalit namumuhi Siya sa gumagawa ng masama.................................. I Ped. 3:12 NPV BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Hunyo 9, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Huwag Nating Bayaang Magkasala Tayo Kapag Tayo’y Nakadarama Ng Gálit 1. T. Masama ba na makadama ang tao ng gálit? S. Hindi—ito’y natural na nadarama ng tao, ngunit kung magagalit man ay iwasang magkasala............................. Efe. 4:26 MB 2. T. Gaano kasama na pumayag tayong magkasala dahil lamang sa gálit? S. Iyon ay pagbibigay ng pagkakataon sa diablo........................... Efe. 4:27 MB 3. T. Kaya, ano ang ginagawa ng Pamamahala para maipagmalasakit tayo na huwag magkasala at maligaw ng landas? S. Tinutulungan tayong maging malakas at tinuturuan ng dalisay na mensahe ng Diyos................................................ I Tes. 2:12 EE, 8 CEV 4. T. Ano ang dapat nating gawin sa mga itinuro sa atin upang huwag tayong magkasala dahil sa ating gálit o anumang damdamin o emosyon? S. Isapuso at sundin ang mga salita ng Diyos na itinuro sa atin.. Awit 119:11 EXP 5. T. Sino ang dapat nating tularan na patuloy na sumampalataya sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na itinuro ng Pamamahala? S. Si Timoteo—sumampalataya siyang totoo ang itinuro sa kaniya at nanalig siya sa karapatan ng nagturo sa kaniya.................... II Tim. 3:14-16 TLB 6. T. Bakit mahalaga na patuloy din nating sampalatayanan ang mga salita ng Diyos na itinuro sa atin? S. Sapagkat ang mga taga-sanlibutan ay nagnanais ng mga kamalian at babaling sila palayo sa katotohanan............. II Tim. 4:3-4 AMP2015 7. T. Ano ang dapat nating gawin upang huwag tayong matulad sa kanila? S. Maging maingat tayo sa mga bagay na ating iniisip................. Kaw. 4:23 ETRV 8. T. Ano pa ang dapat nating ingatan para hindi tayo magkasala? S. Hindi man natin makontrol ang mga nangyayari sa mundo, gayunma’y bantayan at kontrolin natin ang ating damdamin... Kaw. 4:23 TLB 9. T. Tama bang isipin na walang nakauunawa sa ating damdamin? S. Hindi, sapagkat nauunawaan tayo ng Panginoong Jesucristo... Heb. 4:15 AMP2015 10. T. Ano ang dapat nating iukol kay Cristo kung dumaraan tayo sa mga karanasang nagdudulot sa atin ng gálit? S. Kumapit tayo sa lubos na pagtitiwala sa Kaniya....................... Heb. 4:14 AMP2015 11. T. Paano natin maihahayag ang lubos na pagtitiwala kay Cristo? S. Lagi nating sundan ang Kaniyang halimbawa—tinanggap Niya ang kahihiyan ng krus at tiniis ang malupit na pananalita..... Heb. 12:2 ETRV at 3 BSSBNK 12. T. Paano pa natin maipakikita ang pagtitiwala kay Cristo? S. Lapitan natin Siya na luklukan ng biyaya—sa pamamagitan Niya ay manalangin tayo sa Diyos at isumbong natin ang anumang bumabagabag sa atin.......................................... Heb. 4:16 AMP2015 13. T. Ano ang maaasahan natin sa Diyos kung iningatan natin sa ating puso ang Kaniyang mga batas at tagubilin? S. Aaliwin Niya tayo kaya hindi tayo dapat mangamba............... Isa. 51:7-8, 12 AMP 14. T. Ano ang dapat nating ipagmakaawa sa Panginoong Diyos? S. Ibsan nawa Niya ang ating kabalisahan at iligtas tayo sa lahat nating ligalig........................................... Awit 25:17-18 GNB BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Hunyo 16, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Ang Katungkulan Ng Mga Anak Sa Kanilang Mga Magulang 1. T. Ano ang tungkulin natin sa ating mga magulang? S. Sundin natin ang ating mga magulang...................................... Efe. 6:1 MB 2. T. Anong uring pagsunod ang dapat masumpungan sa mga anak at bakit? S. Sundin nating lagi ang ating mga magulang sapagkat ikinalulugod iyon ng Panginoon................................. Col. 3:20 MB 3. T. Ano pa ang iniutos ng Diyos sa atin tungkol sa ating ama’t ina? S. Igalang natin ang ating ama’t ina— ito ang unang utos na may kalakip na pangako........................ Efe. 6:2 MB 4. T. Ano ang pangako sa mga anak na gumagalang sa mga magulang? S. Sila’y giginhawa at lalawig ang kanilang buhay sa lupa........... Efe. 6:3 MB 5. T. Ano naman ang babala sa mga lapastangan sa kanilang ama’t ina? S. Ang magsalita ng masama sa ama o sa ina ay mapapahamak... Mat. 15:4 MB 6. T. Ano ang naidudulot sa magulang ng masuwaying anak? S. Sila’y problema at pabigat sa damdamin ng magulang............ Kaw. 17:25 MB 7. T. Ano ang utos ng Diyos sa mga anak upang maipakita nila ang pagsunod at paggalang sa kanilang mga magulang? S. Dinggin at huwag ipagwalang-bahala ang turo at pangaral ng magulang............................................................ Kaw. 1:8 MB 8. T. Paano natin dapat pahalagahan ang pangaral ng ating mga magulang? S. Itanim natin sa ating puso at isip............................................... Kaw. 6:21 MB 9. T. Ano ang isa sa pangaral ng mga magulang para sa ating ikabubuti? S. Kung akitin ng masama, huwag paaakay.................................. Kaw. 1:10 MB 10. T. Sa halip na paakay sa masama, ano ang dapat gawin ng mga anak? S. Iwasang makisama sa masama, umiba tayo ng landas papalayo sa kanila...................................................... Kaw. 1:10, 15 MB 11. T. Ano ang gagawin ng Diyos sa mga anak na masunurin? S. Ituturo Niya sa kanila ang daan ng karunungan at katuwiran................................................................................ Kaw. 4:11 12. T. Paano pa pagpapalain ng Diyos ang mga anak na masunurin? S. Hindi magigipit ang kanilang mga hakbang at hindi sila matitisod................................................................. Kaw. 4:12 13. T. Kaya, dapat ba tayong magdamdam kung tayo’y dinidisiplina ng ating mga magulang kapag tayo’y nagkakasala? S. Hindi, sapagkat ito’y sa ikabubuti natin.................................... Kaw. 29:15 MB 14. T. Ano ang kahulugan ng pagdidisiplina ng magulang sa anak na nagkasala? S. Ito ay tanda ng pagmamahal ng magulang sa anak–– nais nilang ituwid ang ating landas........................................... Kaw. 13:24 MB BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Hunyo 23, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Ang Sinasabi Ng Biblia Tungkol Sa Pang-aapi Sa Kapuwa At Pagtatangi Ng Lahi 1. T. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa anumang uri ng pang-aapi sa kapuwa? S. Huwag aapihin ng sinuman ang kaniyang kapuwa—kaya ang Iglesia Ni Cristo ay hindi sang-ayon sa anumang uri ng pang-aapi sa kapuwa, maging dahil sa katayuan sa lipunan, kasarian, at iba pa........ Lev. 25:17 ABAB 2. T. Ano rin ang aral ng Biblia tungkol sa pagtatangi o diskriminasyon dahil sa lahi, na isang uri ng pang-aapi sa kapuwa dahil sa lahi o kulay ng balat o bansang pinagmulan? S. Pareho lang sa Diyos ang Judio at hindi Judio na nilinis nang sila’y sumampalataya—hindi nagtatangi ang Diyos........ Gawa 15:9 at SND 3. T. Paano ipinakikita ng Iglesia Ni Cristo ang pagtutol natin sa pang-aapi sa kapuwa at pagtatangi ng lahi? S. Ayon sa inaasahan ng Diyos—inaasahan Niyang mamumuhay tayo na nagpapakitang tayo talaga ang tinawag at hinirang Niya..................................................... II Ped. 1:10 ETRV 4. T. Bilang mga hinirang, ano ba ang kaukulan natin sa sanlibutan? S. Ginawa tayong ilaw ng sanlibutan............................................ Mat. 5:14(a) NPV 5. T. Paano tayo magliliwanag bilang ilaw ng sanlibutan? S. Dapat makita sa atin ang mabubuting gawa—bukod sa ating Lingap sa Mamamayan, ang pinakamabuting magagawa natin para sa ating kapuwa ay akayin sila sa tunay na Iglesia.......... Mat. 5:16 NPV 6. T. Paano pa tayo magliliwanag sa sanlibutan? S. Mamuhay tayo nang naaayon sa ebanghelyo.......................... Filip. 1:27 GNB 7. T. Ano ang hindi natin dapat gawin bilang mga hinirang? S. Huwag makiayon sa masamang takbo ng sanlibutan kundi gawin natin kung ano ang tama...................................... Roma 13:12-13 UDB-T 8. T. Paano natin magagawa kung ano ang tama? S. Huwag tayong pakokontrol sa kasalanan................................ Roma 6:12-13 NLT 9. T. Sino ang mabuting halimbawa ng hindi napakontrol sa kasalanan? S. Tularan natin si Apostol Pablo—lagi rin nating isaalang-alang ang ating pagka-Iglesia Ni Cristo, maging sa ating mga sinasabi na ipino-post natin sa Internet............................ I Cor. 6:12 at 17 ETRB 10. T. Ano ang dapat nating gawin kung pulaan o laitin tayo ng mga taga-sanlibutan dahil sa matuwid nating pamumuhay? S. Huwag tayong matakot o mangamba dahil may Diyos tayo na makapangyarihan sa lahat.................................. Isa. 51:7-8 AMP 11. T. Paano tayo dapat manindigan sa harap ng mga pag-uusig? S. Patunayan natin ang pagiging lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng dalisay na pamumuhay.............................. II Cor. 6:4 at 6 TPT 12. T. Masasayang ba ang ating mga pagpapagal at pagtitiis? S. Hindi, sapagkat may tatanggapin tayong dakilang pamana.... I Ped. 1:13 LDB 13. T. Ano ang dapat nating hilingin ngayon sa Panginoong Diyos? S. Hilingin nating protektahan tayo ng Diyos sa gitna ng mapanganib na daigdig........................................... Awit 23:3-4 at 6 UDB BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Hunyo 30, 2024 MGA PAGTUTURO UKOL SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN AT PANGMORAL Ang Tunay Na Karunungang Maghahatid Sa Mabuting Kapalaran 1. T. Sino ang tanging makapagtuturo ng tunay na karunungan? S. Ang Diyos, sapagkat Siya ang tanging nakaaalam nito............ Job 28:23 MB 2. T. Bakit ang Diyos ang tanging nakaaalam ng tunay na karunungan? S. Sapagkat Siya ang pinagmulan nito......................................... Job 28:24-27 MB 3. T. Alin ang tunay na karunungan? S. Ang pagkatakot sa Panginoon.................................................. Job 28:28 NPV 4. T. Sino ang may takot sa Diyos? S. Ang sumusunod sa lahat ng Kaniyang mga utos..................... Awit 111:10 5. T. Noong una, kanino inihayag ng Diyos ang Kaniyang karunungan? S. Sa Bayang Israel—noo’y iningatan nila at isinagawa ang mga utos ng Diyos......................................... Deut. 4:5-8 6. T. Sa panahong Cristiano, sino ang pinagkaloobang makaalam ng karunungan ng Diyos? S. Ang Iglesia Ni Cristo.................................................................. Efe. 3:10 Roma 16:16 NPV 7. T. Ano ang pagtuturing ng Diyos sa humahamak sa Kaniyang karunungan? S. Ang gayon ay mangmang o hindi marunong............................ Kaw. 1:7 8. T. Tunay na marunong ba ang taong may mataas na pinag-aralan ngunit ayaw namang kumilala sa Diyos? S. Ang gayon ay nagmamarunong lamang ngunit lumilitaw na mangmang................................................ Roma 1:22-23, 21 MB 9. T. Ano ang mangyayari sa mga mangmang sa karunungan ng Diyos? S. Kapag sila’y tumawag sa Diyos ay hindi sila diringgin............ Kaw. 1:24-30 NPV 10. T. Bilang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, paano natin maipakikita na tayo’y marunong at nakauunawa? S. Sa pamamagitan ng wastong pamumuhay.............................. Sant. 3:13 MB 11. T. Ano ang katangian ng may wastong pamumuhay? S. Hindi namumuhay sa pagkainggit at makasariling hangarin... Sant. 3:13-16 NPV 12. T. Papaano pa namumuhay ang tunay na nakaunawa? S. Sinasamantala niya ang bawat pagkakataon na makagawa ng mabuti........................................................... Efe. 5:15-17 MB 13. T. Ano ang kapalaran ng nagtataglay ng karunungan ng Diyos? S. Mapalad pa kaysa sa nakatagpo ng lantay na ginto................ Kaw. 3:13-18 NPV 14. T. Ano ang kapalarang idudulot ng pagkaunawa sa karunungan ng Diyos o sa ebanghelyong ipinangaral sa atin ng sugo? S. Ito ang karunungan sa ikaliligtas.............................................. I Cor. 1:21 NPV Roma 10:15 15. T. Sa buhay pa lamang na ito, ano na ang tatamuhin ng mga napasasakop sa turo ng Diyos? S. Uunlad at papatnubayan saanman sila pumunta.................... Isa. 48:17-18 MB Aawitin: “Ako’y Iglesia Ni Cristo” BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO