Document Details

ImprovingCloisonnism

Uploaded by ImprovingCloisonnism

Tags

Tagalog Writing Academic Writing Argumentative Writing Filipino Writing Instruction

Summary

Ang dokumentong ito ay isang reviewer para sa FPL na nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pagsulat. Sinasaklaw ng reviewer ang iba't ibang aspeto ng pagsulat, simula sa kahulugan nito hanggang sa mga uri at kahalagahan nito. Ang mga detalye sa pagsulat at ang mga layunin ay ipinapaliwanag nang detalyado.

Full Transcript

Pagsulat 1. Kahulugan ​ Pagsulat ay isang mahalagang makro-kasanayan na dapat mahubog sa mga mag-aaral. ​ Ayon kay Cecilia Austera at iba pa (2009), ang pagsulat ay isang kasanayan na naglulundo ng kaisipan at damdamin nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghah...

Pagsulat 1. Kahulugan ​ Pagsulat ay isang mahalagang makro-kasanayan na dapat mahubog sa mga mag-aaral. ​ Ayon kay Cecilia Austera at iba pa (2009), ang pagsulat ay isang kasanayan na naglulundo ng kaisipan at damdamin nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. ​ Ayon kay Edwin Mabilin at iba pa, ang pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. ​ Sa pamamagitan ng pagsulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin. 2. Dahilan ng Tao sa Pagsusulat ​ Ito ang nagsisilbing libangan. ​ Ito ang paraan ng kanilang pagpapahayag. ​ Matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo sa kasanayan. ​ Ito ay bahagi ng pagtugon sa kanilang bokasyon o trabahong kanilang ginagampanan sa lipunan. 3. Layunin ng Pagsusulat ​ Ayon kay Royo (2001): ○​ Ipahayag ang ating damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. ○​ Makilala ng tao ang kanyang kaisipan, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan at naaabotng kanyang kamalayan. ○​ Ang pangunahinglayunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. ​ Ayon kay Mabilin (2012): ○​ Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: ○​ Personal o Ekspresibo: Layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. ○​ Panlipunan o Sosyal: Tinatawag din itong transaksiyonal na kung saan layunin ng pagsulat na makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. 4. Kahalagahan ng Pagsusulat ​ Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. ​ Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. ​ Mahuhubog ang kaisipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. ​ Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. ​ Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. ​ Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. ​ Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. 5. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat ​ Wika ​ Kasanayang Pampag-iisip ​ Paksa ​ Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat ​ Layunin ​ Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin ​ Pamamaraan ng Pagsulat 6. Uri ng Pagsulat ​ Malikhaing Pagsulat ​ Dyornalistik na Pagsulat ​ Teknikal na Pagsulat ​ Reperensiyal na Pagsulat ​ Propesyonal na Pagsulat ​ Akademikong Pagsulat Akademikong Pagsulat 1. Kahulugan ​ Ito ay isang intelektwal na pagsulat. ​ Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan. ​ Layunin nito na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik. ​ Lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. (Edwin Mabilin, et.al 2012) 2. Katangian ​ Obhetibo ​ May paninindigan ​ Pormal ​ May pananagutan ​ Maliwanag at organisado 3. Uri 1. Abstrak: Ito ay isang maikling buod ng isang mas malaking gawa, tulad ng isang tesis o artikulo, na nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng paksa, layunin, metodolohiya, at pangunahing konklusyon. 2. Buod/Sinopsis: Katulad ng abstrak, ito ay isang maikling bersiyon ng isang mas malaking gawa, ngunit maaaring mas detalyado kaysa sa abstrak. 3. Bionote: Ito ay isang maikling talambuhay ng isang tao, kadalasang ginagamit sa mga akademikong publikasyon. 4. Adyenda: Ito ay isang listahan ng mga paksa na tatalakayin sa isang pulong o kumperensya. 5. Katitikan ng Pulong: Ito ay isang dokumento na nagtatala ng mga pangyayari at desisyon na ginawa sa isang pulong. 6. Panukalang Proyekto: Ito ay isang dokumento na naglalaman ng isang plano para sa isang proyekto, kabilang ang mga layunin, metodolohiya, at inaasahang resulta. 7. Memorandum: Ito ay isang pormal na sulat na ginagamit para sa komunikasyon sa loob ng isang organisasyon. 8. Posisyong Papel: Ito ay isang dokumento na nagpapahayag ng isang partikular na pananaw o argumento tungkol sa isang paksa. 9. Talumpati: Ito ay isang pormal na pagsasalita na ibinibigay sa publiko. 10. Picto-Sanaysay: Ito ay isang sanaysay na gumagamit ng mga larawan o ilustrasyon upang suportahan ang teksto. 11. Replektibong Sanaysay: Ito ay isang sanaysay na naglalaman ng mga personal na saloobin at pagninilay-nilay ng may-akda. 12. Lakbay-Sanaysay: Ito ay isang sanaysay na nagkukuwento ng karanasan ng isang tao sa isang paglalakbay. Uri ng Paglalagom 1. Abstrak ​ Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. ​ Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. ​ Naglalaman din ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. ​ Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon. ​ Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin. ​ Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalayadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. ​ Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak. ​ Dapat ito ay naka dobleng espasyo. ​ Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. ​ Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. ​ Gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatan. ​ Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak: ○​ Basahin muli ang buong papel. ○​ Isulat ang unang draft ng papel. ○​ Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan. ○​ I-proofread ang pinal na kopya. 2. Buod/Sintesis ​ Ang sintesis o buod ay isang bersyon ng pinaikling teksto o babasahin. ​ Ang buod ay isang paglalagom na kung saan ang kabuoang detalye ay pinapasimple. Ang mga 'di masyado importanteng impormasyon ay hindi na sinasali rito. ​ Ang sintesis naman ay ang pagbubuo at pagkokolekta ng iba't ibang detalye galing sa iba't ibang resources na kung saan nagdedetalye ng isang paksa. ​ Pinagsama-samang mga pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap. ​ Ito ay mga ideya na kadalasang hindi ipinipresenta sa paraang tulad sa orihinal. ​ Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod/Sintesis: ○​ Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan. ○​ Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan. ○​ Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang madaling maunawaan ng babasa. ○​ Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod. ○​ Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye. ○​ Ilista ang pangunahing ideya, detalye at paliwanag sa bawat ideya. ○​ Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa lohikal na paraan. ○​ Gumamit ng siya, apelyido ng awtor o manunulat. ○​ Isulat ang buod. 3. Bionote ​ Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mgapatimpalak at / o sa gig). ​ Kadalasan na may makikitang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor o ng may-akda. ​ Kapag inilalarawan ang taong paksa ng bionote ay kadalasang nasa dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang. ​ Nagbibigay ito ng mga karagdagang impormasyon may kinalaman sa paksa at kaganapang tatalakayin. ​ Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyonal. ​ Kailangang batid ng lahat na magkaiba ang talambuhay o autobiography sa bionote. Napakalaki ng agwat nito dahil ang bionote ay nararapat lang na maikli at siksik, samantalang dapat ay mas detalyado at mas mahaba ang pagsusulat ng talambuhay at / o ng autobiography. ​ Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae, resume, at biodata. Ang mga personal na impormasyon kagaya ng ngalan, timbang, tangkad, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, edad at kasarian ay karaniwan ng hinihingi sa mga resume, at biodata. Posisyong Papel 1. Layunin ​ Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. ​ Nakapagbabahagi ng kahalagahan ng pangangatwiran sa pagsulat ng posisyong papel. 2. Pangangatwiran ​ Ayon kay Jocson at iba pa (2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na mga paliwanag: ○​ Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami. ○​ Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan. ○​ Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba. 3. Posisyong Papel ​ Ang posisyong papel ay isang paraan ng pagpapakita ng isang masining na pagpapahayag ng mga katwiran. ​ Ang layunin nito ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong ipinaglalaban gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan. ​ Ayon kay Grace Fleming, sumulat ng artikulong "How to Write an Argumentative Essay," ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon. ​ Ayon pa sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel, mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu, maaaring ang paksa ay maging simple o komplikado ngunit ang iyong gagawing argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at lohikal. ​ Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao. 4. Mga Dapat Isaalang-alang para sa Isang Mabisang Pangangatwiran: ​ Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid. ​ Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid. ​ Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay. ​ Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat. ​ Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad. ​ Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran. 5. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel: ​ Pumili ng paksang malapit sa iyong puso. ○​ Makatutulong nang malaki kung ang paksang tatalakayin ay malapit sa iyong puso at lubos na nakaaantig ng iyong interes at maging ng maraming makababasa nito. ​ Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa. ○​ Ito ay naglalayong malaman kung may sapat na ebidensyang makakalap hinggil sa napiling paksa. ○​ aklat sa silid-aklatan ○​ mapagkakatiwalaang pook-sapot ​ Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis. ○​ Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (1997) sa kanilang aklat na Kasanayan sa Komunikasyon II, ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahing o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin. ​ Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon. ○​ Ito ay napakahalagang bahagi sa pagsulat ng posisyong papel. Kailangang mabatid ang mga posibleng hamong maaaring harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o posisyon hinggil sa isyu. ​ Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya. ○​ Kapag ganap nang napatunayan na ang napiling posisyon ay may matibay at malakas na laban sa pinasusubaliang posisyon ay maaari nang magsagawa nang mas malalim na pananaliksik. ○​ Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran: ○​ Mga katunayan (facts) - ideyang tinatanggap na totoo ○​ Mga opinyon - pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo. ​ Buoin ang balangkas ng posisyong papel. ○​ Bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong papel ay gumawa ng balangkas para dito. ​ Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis. ​ Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu. 6. Tandaan ​ Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang may kakayahan kang manindigan sa isang desisyong ginawa o pinanghahawakang katotohanan o prinsipyo upang maipangtanggol mo ang napili mong paksa at mapanindigan mo ang iyong pinanghahawakang prinsipyo.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser