Tagalog 2nd Quarter Past Paper PDF

Document Details

SmarterPoincare9162

Uploaded by SmarterPoincare9162

Fiat Lux Academe

Rosalie Corpuz

Tags

Tagalog writing professional communication workplace writing education

Summary

This document contains learning objectives and examples of academic writing styles in the workplace, suitable for 2nd quarter secondary studies. It covers principles and examples of professional writing and communication. The document also includes questions related to the concepts discussed.

Full Transcript

Mga Layunin: 1.Natutukoy ang mga halimbawa nga mga sulating ginagamit sa pagtatrabaho;. 2.Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating ginagamit sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga bianasang halimbawa; 3.Nakasusulat ng organisado,malikhain at kapani-paniwalang dokumentongpagtatrabah...

Mga Layunin: 1.Natutukoy ang mga halimbawa nga mga sulating ginagamit sa pagtatrabaho;. 2.Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating ginagamit sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga bianasang halimbawa; 3.Nakasusulat ng organisado,malikhain at kapani-paniwalang dokumentongpagtatrabaho. Magbigay ng mga halimbawa ng akademikong sulatin at ibigay ang katangian ng mga ito. Blk.48#33 Vergara St. Tumana Marikina City ika-30 ng Hunyo 2011 Zeus Plastic,Inc. 271,East Street San Francisco,CA 95214 Bb/Ginoo/ginang: Nabasa ko po sa Philippine Daily Inquirer na ngangailangan kayo ng isang chemical Engineer. Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang hinahanap para sa nasabing trabaho kaya’t gusto ko sanang mag-aplay. Ako po ay isang dalaga,dalawampu’t anim na taong gulang,nagtapos ng kolehiyo sa Arisona State University,Phoenix noong Marso 2006.Ako po’y masipag,matiyaga,mayron din po akong malusog na pangangatawan,maabilidad po ako at matalino.Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Bilang Magna cumlaude. Kalakip ng liham na ito ang aking resume.Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam,sa oras at petsang naisin ninyo. Lubos na gumagalang, Rosalie Corpuz 1.Bakit tinatawag na propesyonal na komunikasyon ang pagsulat para sa pagtatrabaho? Ginagawa ito kapag magpapahayag ka ng mensahe sa mga tao sa loob ng organisasyon o kaya sa iba pang organisasyon,mga kliyente karaniwang sa ingles nakasulat ang mga sulating pangtrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan.ito ay sa kabila ng pagpapairal ng executive order no.335 s.1988 na naglalayong palaganapin ang wikang Filipino sa opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. Mga pangunahing layunin ng pagsulat para sa pagtatrabaho: A.Ipaliwanag o ipagtanggol ang mga isinagawa o isasagawang aksiyon. B.Magbahagi ng impormasyon,katulad ng sa report ng isinasagawang pananaliksik,o pormulasyon ng mga bagong posisyon sa kompanya. C.Maimpluwensiyahan ang sinumang tatanggap ng mensahe na gagawa ng aksiyon. D.Ang pag-uutos sa tumatanggap ng mensahe. E.Maghatid ng magaganda o masasamang balita. Batay sa mga tinalakay na layunin,ano ang nabuo mong ideya sa uri ng pagsulat na ito? Layunin ng pagsulat para sa pagtatrabaho ang magpaliwanag,magbahagi ng impormasyon,mag-impluwensiya o mag-utos at magbalita.Kailangang maiparating dito nang malinaw ang mga mensahe. Prinsipyo Ang pagsulat sa konteksto ng pagtatrabaho ay isang sopistikadong gawain. Mga gabay sa pagsulat ng mga dokumentong pantrabaho: 1.Alamin kung bakit ka magsusulat at kung ano ang inaasahang resulta. 2.Pagpapahayag ng malinaw na mensahe ang pangunahingn layunin ng lahat ng komunikasyon,at sa pagsulat para sa pagtatrabaho,ito ang magiging batayan kung nagtagumpay o hindi sa layunin. 3.Gumamit ng mga simple at karaniwang salita. 4.Gumamit ng maikli at deklaradong pahayag. 5.Kailangang panatilihin ang propesyonal na tono sa lahat ng isusulat. 1.Ano sa tingin mo ang kaibahan ng pagsulat para sa pagtatrabaho sa pagsulat na ang layunin ay personal? 2.Paano nagiging sopistikado at komplikado ang pagsulat ng mga dokumentong may kinalaman sa pagtatrabaho? Mahalagang Ideya Nagsusulat ka hindi lamang bilang ikaw,kundi bilang bahagi o kinatawan ng organisasyon o kompanyang iyong kinabibilangan. Ang Ebolusyon ng Pagsulat para sa Pagtatrabaho Dahil sa pag-usbong ng internet,nagkaroon ng malaking transpormasyon sa paraan ng komunikasyon,particular sa mga organisasyon o Nagbabago na rin ang gamit ng mga salita.Ang pormal na lengguwahe ngayon na ginagamit sa e-mail,blog, cell phone,at maging sa mga pormal na web site ng mga organisasyon ay iba sa pormal na lengguwaheng ginamit noon. Ngayon mas maikli at madaling maunawaan ang mensahe dahil sa paggamit ng mga simpleng salita at hindi komplikadong pangungusap.Dahil sa pagbabagong ito,naging isang mahalagang kasanayan ang pagsulat para sa pagtatrabaho.Masasabing mas 1.Ano-anong mga pagbabago sa teknolohiya sa komunikasyon ang naapektuhan nang Malaki sa komunikasyon sa mga organisasyon o kompanya? 2.Nakatulong ba ang mga pagbabagong ito sa pagpapabuti ng komunikasyon sa organisasyon o kompanya? Ipaliwanag Kahulugan ng SOPISTIKADO Nagpapakita ng mataas na antas ng kaalaman at kultura,marangya at elegante,may komplekadong disenyo o Sistema na maayos at epektibong gumagana.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser