Mga Uri ng Panukalang Proyekto (PDF)

Document Details

GodlikeCerberus9071

Uploaded by GodlikeCerberus9071

Ben Mulholland

Tags

panukalang proyekto pagpaplano ng proyekto pagbuo ng panukala

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng iba't ibang uri ng panukalang proyekto, kabilang ang pormal at impormal na panukala, hindi hinihinging panukala, at panukala sa pagpapatuloy ng isang proyekto.

Full Transcript

Ben Mulholland (2021) - ang mga panukala ng proyekto ay nakatuon sa kung paano mapapakilos ang pamamahala ng isang ideya. Ito ay nangangailangan ng gabay o template na maaaring sundan sa maagang pagsisimula upang hindi maging mahirap ang pagsasagawa ng proyekto. Uri ng panukalang gagawin. Ayon kay...

Ben Mulholland (2021) - ang mga panukala ng proyekto ay nakatuon sa kung paano mapapakilos ang pamamahala ng isang ideya. Ito ay nangangailangan ng gabay o template na maaaring sundan sa maagang pagsisimula upang hindi maging mahirap ang pagsasagawa ng proyekto. Uri ng panukalang gagawin. Ayon kay Pavel, isang Content Marketing Manager sa Hygger.io at Welldoneby.com (2020), mayroong anim na uri ito: 1. Ang pormal na hinihinging panukala ng proyekto (solicited proposal), ay nilikha bilang tugon sa anumang opisyal na kahilingan para sa isang bagong panukala. Ito ay isang nakabalangkas at tiyak na tugon. 2. Ang impormal na hinihinging panukala (unsolicited proposal) ay parang isang "malamig na tawag" — walang humiling o inaasahang makatanggap nito, gayunpaman, maaari itong patunayan na lubhang mahalaga para sa madla. Karaniwan itong nabuo mula sa mas maraming ad-hoc na aktibidad (halimbawa nito ang isang "aha" na sandali o isang nakakapagpapaliwanag na pag-uusap sa isang kliyente). 3. Ang hindi hinihinging panukala ay hindi nangangailangan ng kahilingan para sa panukala. Nangangahulugan ito na walang partikular na dokumento na kinakailangan upang ibalangkas ang mga kahilingan ng customer o madla. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng isang pormal at impormal na panukala ay ang bilang ng mga detalyeng kasangkot sa pagpaplano. KARAGDANG KAALAMAN: Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited, at prospecting ang unsolicited (Lesikar, Pettit, & Flatley, 2000). 4. Ang mga panukala sa pagpapatuloy ng proyekto ay nangangahulugang isang paalala para sa mga nagpapatuloy at naaprubahan nang mga proyekto. Ito ay pagpapatuloy ng mayroon nang dokumentasyon, kaya madali itong buuin. 5. Ang panukala sa pag-renew ay tila kapaki-pakinabang kapag ang isang kasalukuyang proyekto ay natapos na o ang mga mapagkukunan ay hindi na magagamit. Ito ay tungkol sa pagpapatunay na ang return on investment ay mas malaki kaysa sa perang ginagastos sa mga mapagkukunan. Kaya naman maaaring magsimula muli ang proyekto. 6. Makakatulong ang pandagdag na panukala kapag mas maraming mapagkukunan ang kinakailangan upang makumpleto ang isang proyekto kaysa sa orihinal na iminungkahi. Ang panukalang ito ay naglalayong patunayan ang halaga ng pagdaragdag ng mga mapagkukunan. Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsiyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema: (1) detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project justification), (2) panahon sa pagsasagsawa ng proyekto (activities and implementation timeline), at (3) kakailanganing resorses (human material, and financial resources required) Maikling proyekto ay mayroon lamang dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang. Mahabang bersyon - ay naglalaman ng mahigit sa sampung pahina. Magkapareho lamang ang nilalaman ng dalawang uri ng proposal; nagiging elaborated lamang at sumusunod sa isang structured format ang mahabang bersyon. Besim Nebiu sa kanyang aklat na Developing Skills of NGO’s Project Proposal Writing (2002) ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang panukalang proyekto. 1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo. 2. Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto. 3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon sa proyekto. 4. Pag-organisa ng mga focus group 5. Pagtingin sa mga datos estadistika. 6. Pagkonsulta sa mga eksperto. 7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa. 8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad. Mga dapat gawin bago ang pagsulat ng panukalang proyekto, ayon sa American Red Cross (2006), 1. Magplano nang maagap. 2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan. 3. Maging realistiko sa gagawing panukala. 4. Matuto bilang organisasyon. 5. Maging makatotohanan at tiyak. 6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon. 7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin. 8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal. 9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto. Narito ang mga elementong ibinahagi ni Nebiu (2002) na kasama sa proseso: I. Titulo ng proyekto -kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina -kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala. -tuwiran, at dapat na tumutukoy sa pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto. II. Nilalaman -idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 o higit pang pahina. -madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal. -naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito. III. Abstrak -huling ginagawa na bahagi ng panukala. -makikita sa abstrak ang pagtakalay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsable sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet. -ginagawa ang abstrak upang magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito -maikli lamang ang abstrak na ihahanda. IV. Konteksto -naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko, politikal at kultural ng panukalang proyekto. -naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos na nakakolekta mula sa iba’t ibang mga sors. V. KATWIRAN NG PROYEKTO Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon. 1. Pagpapahayag ng Suliranin. tiyak na suliraning pinagtutuunang solusyonan ng panukala. Binibigyang empasis sa bahaging ito kung papaanong ang isang isyu o sitwasyon ay nagiging suliranin. Kaugnay nito, pinatutunayan din sa bahaging ito kung ano ang pangangailangan ng mga benepisyo batay sa nakitang suliranin. 2. Prayoridad na pangangailangan. ang pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa pagkakataon ng suliranin. Ipinaliliwanag din sa bahaging ito kung paano napagdesisyunan ang mga isasaad ng pangangailangan. 3. Interbensyon. estratehiyang napili kung papaano sosolusyonan ang suliranin at gayon din tatalakayin kung paanong magdadala ng pagbabago ang gagawing hakbang. 4. Mag-iimplementang Organisasyon. kapabilidad ng nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliranin inilahad. Isinasama sa seksyong ito ang mga nakaraang record ng kapasidad sa pagresolba ng mga suliranin. Ihahayag dito kung bakit sila ang pinakakarapat-dapat upang pagkatiwalaang solusyonan ang suliranin. Binibigyang empasis din nito ang eksperto ng organisasyon o ng indibidwal na magsasagawa sa proyekto. VI. Layunin -Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Kaugnay ng layong ito, iisaisahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala. Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera ang mga sumusunod: 1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala. 2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin na bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti; at 3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon. VII. Target na Benepisyaryo -ipinakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito. VIII. Implementasyon ng Proyekto -Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses. 1. Iskedyul. Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat maipakita. Magagamit ang mga talahanayan at Gantt Chart na nagpapakita ng mga ito. 2. Alokasyon. Ipakikita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul. 3. Badget. Ito ang buod ng mga gastusin at kikitain ng panukalang proyekto. 4. Pagmonitor at Ebalwasyon. Nakabatay ang ebalwasyon at pagmonitor sa panukalang proyekto sa kung paano at kailan isasagawa ang mga aktibidad para sa mamonitor ang pag-unlad ng proyekto; anong metodo ang gagamitin sa pagmonitor at pag-evaluate; at sino ang magsasagawa ng pagmomonitor at ebalwasyon. 5. Pangasiwaan at tauhan. Naglalaman ito ng maikling deskripsiyon ng bawat myembro ng grupo na gumawa ng panukalang proposal. 6. Mga Lakip. Ito ang mga karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong mapagtibay ang panukalang proyekto. PAGSULAT NG AGENDA AT KATITIKAN NG PULONG pagpupulong -komunikasyon sa pagitan ng mga myembro ng isang grupo o organisasyon upang matagumpay na makamtan ang kanilang kolektibong layunin. At sa pagsasagawa ng pagpupulong, may tatlong mahalagang proseso (1) Preparasyon ng Agenda (2) Pagpupulong (3) Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Agenda - pandiwang Latin na “agere” na nangangahulugang gagawin. - isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong. Sa artikulong How to Begin an Agenda for an Effective Meeting, nagpanukala si Swartz (2015) ng mga konsiderasyong dapat tandaan sa pagdidisenyo ng isang agenda. 1. Saloobin ng mga kasamahan 2. Paksang mahalaga sa buong grupo 3. Estrukturang patanong ng mga paksa. 4. Layunin ng bawat paksa. 5. Oras ng ilalaan sa bawat paksa. Hakbang sa pagsulat ng agenda para sa isang pagpupulong. 1. Alamin ang layunin ng pagpupulong. 2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong. 3. Simulan sa mga simpleng detalye. 4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda. 5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa. 6. Isama ang ibang kailanganing impormasyon para sa pagpupulong Para masabing balido ang isang pulong, dapat na matupad ang mga sumusunod na kondisyon. 1. Ang nagpapatawag ng pulong ay may awtoridad para gawin ito. 2. Ang pabatid na magkakaroon ng pulong ay nakuha ng mga inaasahang kalahok. 3. Ang quorum ay nakadalo. 4. Ang alituntunin o regulasyon ng organisasyon ay nasunod. Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang pulong ayon kay Walsh (1995) batay sa kanyang aklat na The Meeting Manual: 1. Pagbubukas ng pulong (Opening the meeting). Opisyal na idedeklara ng chairperson ang pagsisimula ng pagpupulong. 2. Paumanhin (Apologies). Bago pa man ang pagsisimula ng pulong, kinukuha ng kalihim ang listahan ng mga nakadalo at hindi. Inihayag ng chairperson ang pangalan ng mga opisyal na pinadalhan ng pabatid ngunit hindi nakadalo sa pulong. 3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong (Adoption of the previous minutes). Dito binabasa ng kalihim ang katitikan ng nakaraang pulong o binibigyan ang mga dumalo ng kopya ng naturang katitikan. 4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong (Business arising from previous minutes). Kung may mga paksang nais pang pag-usapan na hango sa katitikan ng nakaraang pagpupulong. Isinasama ito sa agenda. Nagkakaroon ng deliberasyon ukol dito. 5. Pagtalakay sa mga liham (Correspondence). Kung mayroong ipinadalang mga liham para sa pagpupulong tulad ng liham sa koreo, e-mail o fax mail at kailangang talakayin at pagdebatehan sa pulong, ito’y dapat isagawa. 6. Pagtalakay sa mga ulat (Reports). Sa bahaging ito tinalakay ang mga ulat, kung mayroon nang inihanda para sa pagpupulong. Sa bahaging ito, tinalakay at pinagdedebatehan ang nilalaman, interpretasyon at rekomendasyon ng ulat. 7. Pagtalakay sa agenda (General business). Ang mga nakalistang pangunahing paksa sa agenda ay tinalakay sa bahaging ito. Ito ang pinakasentro ng isinasagawang pulong. 8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda (Other business). Kapag natapos na ang pagtalakay sa agenda, itinatanong ng chairperson kung may mga isyung nais pang pag-usapan ang mga kalahok. 9. Pagtatapos ng pulong (Closing the meeting o adjournment). Dito na isinasara ng chairperson ang pagpupulong. Ilang mga bagay na hindi na kailangan pang isama sa katitikan ng pulong ang sumusunod: 1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusugan 2. Ang mosyon para sa pagbabago na sinusugan, ngunit hindi sinang-ayunan. 3. Ang mosyon para sa pagbabago ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala. 4. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di-sumang-ayon sa isang mosyon. 5. Ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang kalahok na itala ang paraan ng kanyang pagboto. Ayon kay Sylvester (2015), kung hindi gagawin ang katitikan ng pulong, makikitang hindi pare-pereho ang rekoleksyon ng nga kalahok sa mga naganap. Maaari ring magkaiba-iba na sila ng ideya sa mga napagkasunduan. Sa pagtatalang ito, mahalagang tandaan na (1) dapat isulat ang katitikan sa loob ng 48 na oras upang maipabatid sa mga may nakatalang tungkulin ang kanilang mga gagawin, at upang malaman ng mga di-nakadalo ang mga naganap, (2) dapat gumamit ng mga positibong salita, (3) huwag nang isama ang anomang impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sino mang kalahok (halimbawa: Nagsigawan sina Akio at Karlo dahil sa di-pagkakaunawa sa isyu). IBA’T IBANG URI NG SANAYSAY Replektibong sanaysay - Ito ay pumapatungkol sa mga pangkaraniwang karanasan, pangyayari ng isang manunulat na maari niyang ibahagi sa mga mambabasa nang hindi kinakailanganan ng mahaba at malalimang pagsusuri. Ito ay tinatawag ding Contemplative o reflective paper - Ito’y isang pasalaysay na presentasyon ng ginawang repleksiyon patungkol sa isang paksa ngunit naiiba sa isang dayari o dyornal. Kadalasan, naglalaman ito ng pagsusuri, reaksiyon o damdamin ng manunulat (Bernales at Bernardino, 2013). Kadalasang ginagamit dito ay ang mga panghalip na nasa unang panauhan tulad ng ako, tayo at kami dahil ito ay isang personal na sulatin ngunit maari din namang gumagamit ng in- text references kung galing sa ibang tao ang pahayag. Mga Bahagi: 1. Introduksiyon o Panimula - Inilalahad ang paksa ng sulatin. Maaring simulan ito sa pagpapakilala ng mga mahahalagang pangyayari, pahayag ng isang kilalang tao sa lipunan, pagsisipi at marami pang iba. 2. Katawan - Sinasabi ring “kaluluwa ng isang sulatin” sapagkat narito lahat ng kaisipan at impormasyong patungkol sa paksa. 3. Wakas o Kongklusyon - Dito sa bahaging ito tinatapos ng manunulat ang kanyang sulatin. Maaring wakasan niya ang sulatin sa pagbibigay ng sagot sa katanungan o palaisipan na binigay sa mga mambabasa o kaya’y mag-iwan ng inspirasyon at maaari din namang isang pahayag mula sa isang sikat na personalidad sa lipunan. Sa pagbuo ng replektibong sanaysay, narito ang mga dapat na isaalang-alang: 1. Maglaan ng oras upang unawain ang paksa. 2. Ihanay ang mga nakuhang impormasyon at bumuo ng matibay na konsepto mula sa pagsusuri. 3. Mula sa nabuong konsepto ay ilatag ang tiyak na layunin. Ito ay dapat na maglalaman ng iba’t ibang aspeto ng natamasang kaalaman o mga karanasan. 4. Siguraduhin na nakakukuha ng pansin ang mga bahagi ng sulatin, lalo na ang paglalahad ng personal na interpretasyon. 5. Ang paglalahad ay dapat na tumpak, at hindi paligoy ligoy. 6. Tiyakin na mailalahad ang mga punto sa pinakamadali at pinakamainam na paraan (mula sa mga salitang gagamitin hanggang sa estilo ng pagkakabuo ng sanaysay) upang mas maintindihan ng mambabasa. 7. Ang repleksyon ay isa hanggang dalawang pahina lamang. Maari namang umabot ng tatlo ngunit kalalabisan na kung hihigit pa dito. KATANGIAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY Ang replektibong sanaysay ay ginagawa upang tayain at suriin ang sarili nating pag-iisip. Kaya isa sa mga katangian nito ang pagiging (1) personal. Bagaman personal at subhetibo, ito ay may sinusunod pa ring direksiyon; hindi maaaring isulat lahat ng pumapasok sa isipan, at kailangan na (2) humahamon sa mapanuring pag-iisip. (3) hindi ito limitado ng kumbensyon; ito ay maaaring higit pa sa mga paglalarawan o paglalahad ng kuwento. KAHALAGAHAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. Nagkakaroon ng layang maipahayag ang sariling opinyon at ideya na may natutuklasan na bago sa sarili. 2. Nakapagpapalawak ng pag iisip. Ito ay mula sa nababahagian ng ibang ideya hanggang sa kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip ukol dito. 3. Natutukoy ang mga kalakasan at kahinaan at nakakaisip ng solusyon sa mga problemang kinakaharap. 4. Nakapanghihikayat mula sa mga perspektibo o pinupunto na nakakaimpluwensya sa iba. LAKBAY SANAYSAY Lakbay sanaysay ay isang sanaysay na nakasulat mula sa personal na pananaw ng may-akda, at naglalarawan (tinatalakay at pinag-aaralan ang paksa) patungkol sa karanasan at natuklasan sa paglalakbay at lugar. Madalas ito na ipinapahayag gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig. Ang pagsulat ng lakbay sanaysay ay hindi lamang naglalayon na ibahagi ang karanasan, ito rin ay isinusulat upang: 1. maipakilala ang isang lugar; 2. kumita sa pagsusulat (hal. pagbuo ng travel blog); 3. makatulong at makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay (halimbawa nito pagbibigay impormasyon sa daan at mga modo ng transportasyon); 4. makapagtala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya'y pagtuklas sa sarili (sa pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary); at 5. maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng mga lugar sa malikhaing paraan (halimbawa nito ang mga tala ni Marco Polo, isang mangangalakal na Venetian na sumulat ng librong pinamagatang "The Travels of Marco”). Hakbangin at dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isasagawang paglalakbay at pagsulat ng lakbay sanaysay: 1. Bago magtungo sa lugar na nais tampukin sa isusulat na lakbay-sanaysay ay dapat magsaliksik o magbasa patungkol dito: a. Alamin ang pagpunta sa naturang lugar (daan at modo ng transportasyon); b. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. c. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. d. Pag-aralan din ang Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon. 2. Tandaan na magkaiba ang turista at naglalakbay na manunulat. Ang turista ay nagbabakasyon, at ang naglalakbay na manunulat ay may dapat na matamo (Dinty W. Moore). Kaya, maaaring magkaroon ng listahan ng mga nais na matamo sa paglalakbay na ito din ay makakatulong sa pagpapaplano o organisasyon ng gagawing paglalakbay at pagsusulat. 3. Ihanda ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay: ang panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. 4. Mahalaga ring matukoy kung ano ang magiging pokus ng lakbay-sanaysay batay sa human interest bago ang paglalakbay. HABANG NASA PAGLALAKBAY 5. Kung wala pang tiyak na pokus ang sulatin, at nais na magkaroon ng napakaraming datos, maging bukas ang isipan sa lahat ng mga makikita at madadama o mararanasan sa napuntahang lugar upang magkaroon pa ng napakaraming datos. 6. Itala ang anumang mahahalagang impormasyon at mga detalyeng natuklasan at naranasan (karanasan, lugar, kalye, restoran, gusali atbp.) 7. Maging interesado at panatilihin ang pananabik sa paglalakbay at pagtuklas ng mga mahahalagang detalye at impormasyon upang maging episyente ang gagawing sulatin. PAGBUO/PAGSULAT NG LAKBAY SANAYSAY 8. Kung uumpisahan na ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay, gumawa ng balangkas batay sa mga bahagi ng teksto/sanaysay na may una (introduksyon), gitna (katawan) at wakas: a. Introduksyon/Simula/Panimula – ang pinakamahalagang bahagi dahil dito dapat na makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa, at ito inaasahan upang maipagpatuloy ng mambabasa ang sulatin; b. Gitna/Katawan – ang bahaging naglalaman ng mga mahahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito ay dapat na ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinaguusapan o binibigyang pansin; at ang c. Wakas – kung saan isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat, at dito din naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang layunin ng sulatin. 9. Ipangkat ang mga mahahalagang impormasyon at detalye na ilalahad sa bawat bahagi ng sanaysay. 10. Magsulat lamang ng mga katotohanan ukol sa lugar, kultura, sistemang politika at iba pa. na madaling ipaliwanag at ipaunawa sa mga mambabasa. 11. Iwasan ang mabababaw na obserbasyon. (Dinty W. Moore) 12. Isulat ang naramdaman at natutunan ukol sa naranasan ngunit iwasan din ang sobrang pangingibabaw ng damdamin. 13. Gumamit ng unang panauhang punto de vista at gawing palakaibigan ang tono ng pagkakasulat upang magkaroon ng kawilihan ang mga mambabasa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser