KAHULUGAN NG DALUMAT PDF
Document Details
Uploaded by SelfSufficientErudition3311
Tags
Related
- Buwan ng Wika 2023: Filipino at Mga Katutubong Wika (PDF)
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- Unang-Paksa-Wika-Wikang-Filipino-Bilang-Konsepto PDF - Tagalog
- FILIPINO-G11_Week3 Tungkulin ng Wika PDF
- Mga Katangian ng Wika - Filipino 11 Reviewer PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa kahulugan ng dalumat, pagdadalumat, kahalagahan nito, kahulugan ng wika, katangian ng wika, teorya ng wika, antas ng wika at gamit ng wika. May iba't ibang talakayan tungkol sa wika sa iba't ibang sitwasyon.
Full Transcript
KAHULUGAN NG DALUMAT - Kakayahang mag-isip g malalim - Pagsasaad ng ibang kahulugan sa simpleng salita, paksa o particular na sitwasyon ng tao - Kinakailangan ng matindi, malalim na pag-iisip at imahinasyon upang maintindihan ang salitang dalumat - Paglilirip o pag-iisip...
KAHULUGAN NG DALUMAT - Kakayahang mag-isip g malalim - Pagsasaad ng ibang kahulugan sa simpleng salita, paksa o particular na sitwasyon ng tao - Kinakailangan ng matindi, malalim na pag-iisip at imahinasyon upang maintindihan ang salitang dalumat - Paglilirip o pag-iisip ng malalim - Tumutukoy sap ag-aaral upang makabuo ng isang konsepto o teorya PAGDADALUMAT - Pagti-teorya at pagbubuo ng konsepto o kaisipan sa malalimang pag-uuri’t pagvavaryasyon ng pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan - Batay sa kritikal at masusi na paggamit ng salita na umaayon sa ideya o konsepto na malalim na kadahilanan o uri ng paggamit nito - Nagsisimula sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita at nagbubunga sa iba’t- ibang sangay na kahulugan ng salita. - Kailangan ng sapat na panahon at oras upang mag-isip kung paano mo maisasaad ang salitang dalumat - Saklaw ang tekstwal at Biswal KAHALAGAHAN NG DALUMAT - Nakatuon ang dalumat sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang makabuluhang pananaliksik sa wikang filipino - Ito ay lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng studyante na malikhain at mapanuring akapagdalumato “makapag teorya” sa wikang Filipino, batay sa piling local at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto ng komunidad at bansa. - Sa pagmamagitan ng pagdadalumat-salita napatuyan na mabisa ang Filipino sa pagteteorya - Napapalawak ang bokabularyo sa sariling wika - Nagbibigay interpretasyon ang bawat salita gamit sa masusing pag-iisip - Binibigyang kaalaman kung gaano kalawak ang wikang Pilipino at hindi lamang iisa ang kahulugan ng bawat salita KAHULUGAN NG WIKA - Isang Sistema ng mga simbolo, tunog at tuntuning ginagamit ng mga tao upang mapahayag ang damdamin, kaisipan ay ideya - Pangunahing paraan ng kominikasyon sa pagitan ng tao at mahalaga sa pagbuo ng kultura, identitdad at kaalaman - Maaaring pasalita, pasulat o sa anyo ng iba pang paraan ng pagpapahyag tulad ng SENYAS KATANGIAN NG WIKA - MASISTEMANG BALANGKAS – May tuntunin at kaayusan sa pagbuo ng salita, parirala at pangungusap - SINASALITANG TUNOG – Nakabatay sa tunog na binibigkas - ARBITRARYO – Kahulugan ng salita ay napagkasunduan - KOMUNIKASYON – Pangunahing gamit ng wika ay ang pagpapahayag at pakikipag- ugnayan - PANTAO – Tao lamang ang gumagamit ng wika sa masalimuot na paraan - GINAGAMIT – ang wika ay nabubuhay sa pamamagitan ng patuloy na paggamit - NATATANGI – Bawat wika ay may sariling katangian - DINAMIKO – Nagbabago at umuunlad - MALIKHAIN – kayang bumuo ng salita TEORYA NG WIKA - BOW-WOW – nanggaling ang wika sa paggaya ng mga tunog ng kalikasan - DING-DONG – Nilikha ang eika mula sa tunog na liksa ng mga bagay sa kapaligiran - POOH-POOH – ang wika ay bunga ng mga damdamin at emosyonal na reaksyon - YO-HE-HO – Ang wika ay nabuo mula sa pisikal na Gawain - TA-TA – kaugnay ng kilos o galaw ng katawan - LA-LA – Bunnga ng ritwal o paglalaro - TA-RA-RA-BOOM-DE-AY – nagpapaliwang na ang wika ay mula sa ritwal at seremonya na sinamahan ng pag-awit at sayaw. ANTAS NG WIKA PORMAL- maingat na ginagamit sa pormal na talakayan - PAMBANSA – opisyal na ginagamit sa paaralan at pamahalaan - PAMPANITIKAN – masinig at malalim - PANLALAWIGAN – rehiyonal na salita IMPORMAL – karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. - KOLOKYAL – karaniwang pinaikling salita - BALBAL – slang o salitang kanto GAMIT NG WIKA AYON SA SITWASYON - INSTRUMENTAL – Pagtuon sa pangangailangan sa isang gawain, (pag-uutos) - REGULATORI – may pag-pupuna sa mga pag-uugali ng iba, tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol o gumagabay sa ugali o asal ng ibang tao halimbawa ay pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala. - INTERAKSYUNAL – pagkukunekta sa mga relasyon sa Lipunan: pakikipagbiruan, pangangamusta, pagbati. - PAMPERSONAL- pagbabahagi ng sariling damdamin, opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. - PANG-IMAHINASYON - paglikha ng imahe, nagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan. - HEURISTIKO-pagkalap ng impormasyon, ginagamit sa sarbey - INFORMATIBO- pagbibigay ng impormasyon o datos WIKANG PAMBANSA AT ANG MGA KAUGAY NA BATAS NITO SALIGANG BATAS 1935, ARTIKULO 13 - Naipatupad 11/13/1936, sa administrasyong QUEZON - Unang hakbang sa pag-unlad at mapatibay pa ang wikang ng bansa - Nabuo ang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA - WALONG PANGUMAHING WIKA; (Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebuano, Tagalog, Waray - Tungkulin ng SWP; 1) Pag-aralan ang pangunahing wikang sinasalita ng Pilipino at bigyan ng pagdadalumat ang bokabularyo nito 2) Patibayin at paunlarin ang wikang Pambansa 3) Tiyakin ang wikang Pambansa na may mayamang panitikan at ginagamit sa pakikipagkalakalan ng maraming pilipino BALANGKAS ORGANISASYO NG SWP: Jaime C. De vera (TAGAPANGULO) Ceceilio Lopez (KALIHIM) Santiago Fonacier (KAGAWAD) Casmiro Perfecto (KAGAWAD) Hadji Butu (KAGAWAD) Filemon Sotto (KAGAWAD) Felix Salas- Rodriguez (KAGAWAD) Lope Santos (KAGAWAD) KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP 134 - tagalog ang opisyal na wikang Pambansa, dahil mayaman sa panitikan, nauunawan at maunlad - natatag noong 1937 BATAS KOMONWELT 570 -natatag noong July 4, 1946 -Ang wikang opisyal ay “WIKANG PAMBANSANG PILIPINO” -Nakapaloob ang tagalog at ingles sa Wikang Pambansang Pilipino PROKLAMA 12 -naitatag noong March 26, 1954 -nilagdaan ni Ramon Magsaysay ang paggunita ng Linggo ng wika mula march 29- April 4 _idineklara ag “non-working holiday” sa Bulacan ang balagtas day tuwing Abril 2 PROKLAMA 186 -naitatag noong September 23, 1955 -nilipat ni Ramon Magsaysay ang paggunita ng lingo ng wika sa August 13- 19 upang magbigay galang sa kaarawan ni Manuel Quezon na ama ng wikang pambansa KAUTUSANG PANGKAGAWARAN 7 -naitatag noong 1959 -napalitan ang wikang Pambansa bilang PILIPINO sa pamamahala ng kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero KAUTUSANG PANGKAGAWARAN 24 -Naitatag noong November 14 1962 -Pinatupad na lahat ng magtatapos ay makakatanggap ng sertipiko at diplomang nakalimbag sa wikang Pilipino KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP 96 -Naitatag noong October 24, 1967 -nilagdaan ni Ferdinand Marcos Sr. na ang gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay naka pangalan sa wikang Pilipino. MEMORANDUM SIRKULAR 172 -naitatag noong March 27, 1968 -isulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto ng ingles ang letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan -sa Pilipino gagawin ang panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan SALIGANG BATAS NG 1973 ARTIKULO 14 SAKSYON 3 -pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang Pambansa ay FILIPINO KAUTUSANG PANGKAGAWARAN 25 -Naitatag noong July 10, 1974 - panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyon bilinggwal sa paraalan -magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at ingles bilang midyum ng pagtuturo sa primarya, intermedia at sekundarya -noong 1987, tuwirang binanggit sa artikulo 14 seksyon 6 ang wikang Pambansa ay FILIPINO -samantala, itinadhana sa sekyon 7 ang tungkol sa wikang opisyal -wikang opisyal ay ang wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan at midyum sa pagtuturo KAUTUSANG PANGKAGAWARAN 52 -naitatag noong 1987 - “ang patakarang bilinggwal ay naglalayon makapagtamo ng kahusayan sa FILIPINO AT INGLES sa antas ng pambansa, sa pamamagitan ng pagturo ng dalawang wikang ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat g antas KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP 117 -naitatag noong January 1987 -Linangan ng mga wika sa Pilipinas(LWP) bilang pamalit sa SWP -patuloy a pagsasaliksik at pagpapa-unlad sa wikang pambansa BATAS REPUBLIKA 7104 -naitatag noong August 14, 1991 -Komosyon sa Wikang Filipino (KWF) alinsunod sa saligang batas 1987 -Seksyon 9, pamalit sa dating SWP at LWP PROKLAMASYON 1041 -naitatag noong July 15, 1997 -taunang oagdiriwang tuwing August 1-31 sa buwan ng wikang Pambansa MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAGBASA Ayon kay Aban et al. - ang daigdig ngayon ay ang daigdig ng iba’t ibang limbag o printed words. - Ito ay mula sa mga siyentipiko, eksplorers, teknokrats at matagumpay na lider ng bansa - Nagsisilbing salamin upang makita at masuri ng tao ang sarili batay sa buhay ng ibang tao na nabasa na Ayong kay Tumangan et al - Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. - Nababatid ng mambabasa dahil natutukoy nito ang simbolong ginamit ng manunulat upang bigyan sariling pagpapakahulugan - “WALANG MANUNULAT ANG GUMAGAMIT NG SIMBOLONG HINDI NABABATID NG TAONG PAG-AALAYAN ANG KANYANG LIKHA” Ayon kay Goodman, mula sa aklat ni Badayos - Ang pagbsa ay isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa. IBA PANG KAHULUGAN SA PAGBASA - Lundayan ng pag-iisip ng mambabasa - Nagsisilbing tuntungang ng kanyang pananaw, pagkatuto at pagpapahalaga sa mga bagay-bagay sa paligid. - Naihahambing ang kaalamang dati na niyang alam at muling sinusuri upang mas lalo itong pagyamanin sa isipan - Habang upang matuto, makialam at makibahagi sa Lipunan - Gawaing hindi biro, dahil ito ay nangangailangan ng seryoso at puspusang pag- unawa upang matukoy ang nilalaman ng pagpapakahulugan ng teksto KAHALAGAHAN NG PAGBABASA 1. Upang makakalap ng impromasyon na magagamit sa araw-araw 2. Nalalaman ang pangyayari sa paligid upang maging handa sa anumang kaganapan 3. Natututo 4. Napapalawak ang kaisipan at nagagamit ito sa mabuting paraan 5. Naaaliw sa pagpapalipas ng oras o kapag walang magawa SALIK NG PAGBASA Ayon kay Aban, ang pagbasa ay isang kompleks na Gawain, mahirap ngunit kailangan ng tiyaga at determinasyon 1. URI NG BOKABULARYO O TALASALITAAN – maaaring gumamit ng diksyunaryo upang maunawaan ang salitang hindi pamilyar at gamitin sa sariling pangungusap. -maaaring gumamit ng context clue upang maunawaan kaagad ang salitang may malalim na kahulugan 2. BALANGKAS AT ISTIO NG PAGPAPAHAYAG -- Ang akdang pampanitikan ay kinakailangan ng kasiningan sa pagbuo hindi tulad sa karaniwang babasahin 3. NILALAMAN O PAKSA NG BINASA -ang kawilihan o interes sa nilalaman ng isang babasahin. MGA BAHAGDAN SA PAGBASA 1. PAGKILALA (PERCEPTION) – mahalagang nababasa, nabibigkas at nauunawaan ang salitang nakasulat dahil nalalaman ng tao ang isang salita kapag alam nito ang anyo, estruktura at kahulugan. 2. PAG-UNAWA (COMPREHENSION)- pagkilala sa pagkakaugnay ng salita kapwa sa salita, ng mga salita sa isang pangungusap, ng mga pangungusap sa talata. -Ang pakilala ng salita ay ang pagkakabuo at porma ng pahayag ay maaaring sabay na maganap upang matuloy ang inihahatid na mensahe 3. REAKSYON (REACTION) - may dalawang paraan ang reaksyon; intelektuwal at emosyonal -intelektuwal – ang mambabasa ang nagpapasiya sa kawastuhan at lohikal na binasa. Nalalaman ng bumasa kung tama o mali ang ipinahahayag ng manunulat. Natutukoy din kung makabuluhan ang binabasa batay sa ideya at pananaw nito. - Emosyonal- ang mambabasa ay humahanga sa estilo at nilalaman ng nabasa. Ang husay sa pagkabuo ay nagdudulot ng kasiyahan sa mambabasa at pagpapahalaga sa natamong kaalaman. 4. ASIMILASYON TUNGOO SA PAGGAMIT (APPLICATION) – ang nakuhang kaalaman at iniuugnay at naisasama sa Katipunan ng mga kaisipang inimbak para sa paggamit. 5. KABILISAN/KABAGALAN SA PAGBASA (SPEED) – pagkakaroon ng makailang ulit na binabasa ang teksto dulot sa panahon at oras na inilaan sa pagbabasa batay sa dahilan, layunon, material na babasagin, kahirapan o kadalian ng babasahin at lawak ng kaalaman ng mambabasa. 6. KASANAYAN AT KAUGALIAN SA PAG-AARAL – nalilinang ng mambabasa ang kaniyang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral dahil nauunwaan ang teksto. Kung madalas itong ginagawa ay nadaragdagan ang kaalaman at nagiging Magandang pundasyon ng katalinuhan. IBA’T IBANG ESTILO O PATERN NG PAGBASA 1. ISKANING – nakatuon sa mga mahahalagang kaisipan o detalye ng teskto 2. ISKIMING – pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya. Madalas tinitignan ang abstrak ng sulatin para makita ang mahalagang detalye ng teksto. 3. INTERPRETING – sa tulong ng mga salita kasama ang dating kaalaman ng mambabasa ay nabibigyan niya ng sariling pagpapakahulugan ang ipinahihiwatig ng teksto 4. PREDIKTING – pagbibigay kahulugan mula sa binsang teksto kahit hindi pa ito tapos basahin ay nakapagbibigay hinuha ang mambabasa. Ito ay mula sa nakaimbak na kaisipan ay dating kaalaman na napagtagpi-tagpi upang makihuha ang kalalabasan ng binabasa. 5. PREVIEWING- sinusuri muna ang kabuuan, estilo at register ng wika ng sumulat. Iba’t ibang bahagdan ang previewing; a) PAGTINGIN SA PAMAGAT b)PAGBASA NG HEADING NA NAKASULAT c)PAGBASA SA UNA AT HULING TALATA d)PAGBASA SA UNA AT HULING PANGUNGUSAP NG TALATA e)BINIBIGYANG SURI ANG INTRODUKSYON, BUOD, LARAWAN, GRAPS AT TSART f) PAGTINGIN SA TABLE OF CONTENTS 6. KASWAL- pansamantala lamang at di-palagian. Magaang ang estilong ito dahil layunin lang maglibang at magpalipas ng oras 7. PAGBASANG PANG-INFORMATIV- pamamaraan upag mas mapataas ang kaalaman sa pangngalap ng impormasyon. Hangarin nito madagdagan ang ideya, impormasyon at kalinawan tungkol sa paksa. 8. MASUSING PAGBASA – nangangailangan ng maingat na pagbasa at may layuning maunawaang ganap ang binabasa 9. MULING PAGBASA – pag-ulit sa pagbasa ang binasa ay mahirap unawain. Sa muling pagbasa, sinisiyasat at sinusuri ang mga salita at ideya sa kabuuan ng teksto. 10. PAGTATALA- pagtatala sa mga mahahalagang kaisipan o ideya bulang pag-iimbak ng impormasyon. Kasama ang paggamit ng marker or highlighter para mabigyan pansin ang mahalagang bahagi na binasa.