Filipino 10 RUQA Quarter 3 PDF
Document Details

Uploaded by FastestGrowingIdiom
2024
Tags
Summary
This document is a Filipino 10 past paper for the third quarter of school year 2024-2025, containing questions and sample answers related to Philippine mythology.
Full Transcript
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit – Filipino 10 Pangalan Petsa Seksiyon Sangay Paaralan PA...
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit – Filipino 10 Pangalan Petsa Seksiyon Sangay Paaralan PANGKALAHATANG PANUTO. Basahing Mabuti ang bawat teksto/pahayag/tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang pangunahing tema ng mitolohiya ng Africa? A. Ang kapalaran ng tao B. Ang paglikha ng mundo C. Ang pagdating ng mga diyos mula sa langit D. Ang pakikipaglaban ng mga diyos sa halimaw 2. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia? A. Nagtatampok ng mga kuwento ng mga diyos ng apoy. B. Gumagamit ng mga diyos upang ipaliwanag ang likas na kalamidad. C. Nagsasalaysay tungkol sa pagkakaroon ng buhay pagkatapos ng kamatayan. D. Gumagamit ng mga hayop bilang pangunahing karakter sa kanilang mga kuwento. 3. Paano nagkakaiba ang pagtingin ng mitolohiya ng Africa at Persia sa mga nilalang na tagapaglikha ng mundo? A. Gumagamit ng mga hayop bilang tagapaglikha ng mundo. B. May isa lamang diyos ng paglikha sa parehong mitolohiya. C. Sa mitolohiya ng Africa, maraming diyos ang lumilikha ng mundo, samantalang sa Persia ay iisa lamang ang Diyos ng paglikha. D. Sa mitolohiya ng Persia, maraming diyos ang lumilikha ng mundo, samantalang sa Africa ay iisa lamang ang Diyos ng paglikha. 4. Paano makatutulong ang pagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia sa pag-unawa sa papel ng mitolohiya sa paghubog ng kultura ng isang rehiyon? A. Ipinapakita nito na ang mitolohiya ay pantasya lamang ng sinaunang tao. B. Ipinapakita nito na ang mga mitolohiya ay palaging ukol sa mga supernatural na nilalang. C. Ipinapakita nito na ang bawat mitolohiya ay walang epekto sa kasalukuyang lipunan. D. Ipinapakita nito kung paano nagsisilbing salamin ng mga tao ang kanilang pananaw sa moralidad. 2 Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha Ang mitolohiyang Mashya at Mashayana ay bahagi ng sinaunang relihiyong Zoroastrianismo, na nagmula sa Persia (Iran). Sa mitolohiyang ito, ang diyos na si Ahura Mazda ang lumikha ng lahat ng bagay, kabilang ang mga unang tao. Ayon sa kuwento, pagkatapos patayin ng masamang espiritu na si Angra Mainyu ang unang nilalang na hayop (ang primordial na toro), ginamit ni Ahura Mazda ang mga labi nito upang lumikha ng buhay, kabilang ang mga unang tao, sina Mashya (lalaki) at Mashayana (babae). Nang magising sina Mashya at Mashayana, una silang nagkaroon ng pagkalito at nalinlang ni Angra Mainyu, na nag-udyok sa kanila na magsalita laban sa mabuting Diyos, si Ahura Mazda. Subalit, sa kalaunan, bumalik ang kanilang pananampalataya at sumunod sila sa utos ng Diyos. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay magparam i at magpalaganap ng lahi ng tao sa mundo, na siyang naging misyon nila. Ang mito ay nagpapakita ng pakikibaka ng sangkatauhan sa pagitan ng mabuti at masama, pati na rin ang kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng mga diyos upang mapanatili ang kaayusan sa mundo. Ipinapakita rin nito ang simula ng sangkatauhan at ang tungkuling ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga pagsubok at tukso mula sa masamang puwersa. Hango sa Department of Education. Filipino Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS, Pasig. FirstEdition, 2015, Mashya at Mashayana mula sa orihinal na aklat na Elements of Literature nina Holt et. al Maaaring panoorin ang buod ng kwento sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=mJP--8vMB0w 5. Ano ang pangunahing suliraning hinarap nina Mashya at Mashayana sa mito? A. Ninais nilang maging mga diyos. B. Ninais nilang palitan ang mga diyos. C. Wala silang sapat na pagkain sa mundo. D. Kinailangan nilang lumikha ng mga inapo upang palaganapin ang lahi ng tao. 6. Paano ipinakita ng kilos at gawi nina Mashya at Mashayana ang kanilang pananaw sa kanilang responsibilidad bilang mga unang tao sa mundo? A. Ninais nilang magtayo ng mga templo upang maglingkod sa mga diyos. B. Nilabanan nila ang kalooban ng mga diyos at tinangkang lumikha ng sariling daan. C. Sila ay sumunod sa mga utos ng mga diyos at sinikap nilang paramihin ang kanilang lahi. D. Hindi sila kumilos ayon sa mga utos ng mga diyos, kaya’t hindi naging matagumpay ang kanilang mga inapo. 7. Ano ang ipinapakita ng desisyon nina Mashya at Mashayana na sumunod sa mga diyos sa kabila ng kanilang kalayaan? A. Pinili nilang sundin ang utos ng mga diyos dahil takot sila sa kaparusahan. B. Ipinakita nila na mahalaga ang pagtitiwala sa mga diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. C. Ipinakita nila na walang kalayaan ang tao, kaya’t kinakailangang sundin ang bawat utos ng mga diyos. D. Ang kanilang desisyon ay nagpapakita ng balanse sa pagitan ng kalayaan at pananagutan, kung saan sila ay may kalayaang pumili ngunit nanatili silang sumusunod sa mga diyos. 8. Paano makatutulong ang desisyon nina Mashya at Mashayana sa modernong konsepto ng responsibilidad at kalayaan sa lipunan? A. Ang kanilang kwento ay nagpapakita na ang tao ay walang kontrol sa kanyang sariling buhay. B. Ang kanilang desisyon ay nagpapakita na ang tao ay dapat laging sumunod sa mas 3 mataas na kapangyarihan upang maiwasan ang kaguluhan. C. Ang kanilang pagsunod sa mga diyos ay maaaring gamitin bilang aral na ang kalayaan ay hindi mahalaga kung wala ang responsibilidad. D. Ang kuwento nina Mashya at Mashayana ay maaaring magsilbing halimbawa kung paano ang balanse ng kalayaan at responsibilidad ay mahalaga sa pagbuo ng isang maayos na lipunan, na may pagkilala sa mga awtoridad ngunit may sariling pagpapasya. 9. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasaling-wika? A. Mag-imbento ng bagong wika. B. Baguhin ang kahulugan ng teksto. C. Baguhin ang tono ng orihinal na teksto. D. Mailipat ang kahulugan ng isang wika sa ibang wika nang may katumpakan. 10. Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng isang akdang pampanitikan? A. Tiyakin lamang na may tamang gramatika ang salin. B. Palitan ang mga detalye ng kuwento ayon sa kagustuhan ng tagasalin. C. Baguhin ang salin upang ito ay mas kaaya-ayang basahin ng mga mambabasa. D. Isaalang-alang ang orihinal na konteksto, kultura ng pinagmulan, at target na wika habang tinitiyak ang wastong gamit ng wika. 11. Paano makaaapekto ang di-wastong pagsasalin sa layunin ng isang teksto? A. Ang estilo ng orihinal na teksto ay magbabago. B. Mas magiging magulo ang presentasyon ng teksto. C. Magkakaroon ng pagbabago sa istruktura ng mga pangungusap. D. Ang kahulugan ng teksto ay maaaring magbago o mawala, na maaaring makaapekto sa damdamin o ideya na nais iparating ng orihinal na awtor. 12. Paano maaaring maging instrumento ang pagsasaling-wika sa pagpapalaganap ng kultura at kaalaman sa ibang bansa? A. Ang pagsasaling-wika ay makatutulong lamang sa mga tao na gustong matuto ng ibang wika. B. Ang pagsasaling-wika ay makatutulong upang ang ibang bansa ay makabasa ng mga kuwento mula sa ibang kultura. C. Makatutulong ito upang mapalaganap ang mga ideya ng isang partikular na wika at bigyan ang iba ng pagkakataong maunawaan ito sa kanilang sariling wika. D. Ang pagsasaling-wika ay mahalaga sapagkat nagbibigay-daan ito sa iba't ibang bansa na magkaroon ng akses sa panitikan at kaalaman ng ibang mga lipunan, na nagpapatibay sa pagkakaintindihan, pagpapalawak ng pananaw, at pagsasama- sama ng mga kultura. “Tumayo ka, ikaw maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo. Mula sa “Maaring Lumipad ang Tao” salin ni Roderic P. Urgelles 13. Aling kataga sa loob ng kahon ang nagpapakita ng salitang rasismo? A. maitim na baka C. sako niyang damit ay basahan B. hinampas ng latigo D. paghihiwalay ng mga tao sa mundo 14. Ano ang masamang epekto ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa sangkatauhan? A. may pagkakaisa C. magkakaroon ng pag-unlad B. malapit tayo sa isa’t isa D. paghihiwalay ng mga tao sa mundo 4 15. Paano ba malalabanan ni Sarah ang panghuhusga sa buhay niya? A. Ipaglaban ang karapatan upang hindi ka maaapakan. B. Matutong tumayo sa sarili dahil sarili mo lang ang iyong maaasahan. C. Tanggapin na lamang niya ito upang maging tahimik ang kanyang buhay. D. Kahit sa anumang pagsubok na dumating sa buhay ay manatiling matatag para sa pagkamit ng pangarap. “Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal 16. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito? A. Ito ay napapanahon. B. Mahusay ang sumulat. C. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat. D. Pagsasalaysay ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag. 17. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito? A. Katapatan sa bayan C. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba B. Pagpapahalaga sa kapwa D. Mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan 18. Batay sa pagsusuri sa binasa, paano ba inihahalintulad ang tsinelas sa buhay ng tao? A. Mas masaya kapag nagkakasama para sa buhay na masagana. B. Kaygandang magkaroon ng kapares dahil magiging madali ang buhay. C. Kailangan mo lang magpatangay sa ahon ng buhay para madala ka sa nais mong marating. D. Naisin mo mang mapag-isa ngunit magiging mas malakas ka kapag mayroon kang kasama. Noong bata pa ako, mahilig akong pumunta sa dagat kasama ang aking ama. Lagi kong soot - soot ang tsinelas na bigay ni ina. Ang tsinelas na ito ay napakahalaga sa akin sapagkat ito ay galing pa ng Brazil. Alam niyo ba kung ano ito? Ito ay Havaianas! Ang Havaianas daw ay pwedeng suotin sa loob ng Starbucks. Marami rin ang nagsasabing kapag sapin mo ito sa iyong paa ay magmumukha kang artistahin. Halata naman sa akin di ba? Isang araw, malakas ang alon ng tubig-dagat habang kami ay namamangka. Mas mataas na nga ito sa akin halos nainom ko na ang tubig-dagat. Ganoon pala ang lasa niya parang toyo lamang. Sobrang alat. Kumuha ako ng tubig-dagat para makatipid si inay ng toyo. Sigurado akong matutuwa ang inay sa aking ginawa. Sa ganoon, hindi na kailangan pang pumunta sa tindahan upang bumili. Sayang naman ang 20 Pesos di ba? Nang kami ay pauwi na, biglang inalon ng dagat ang aking tsinelas. Sobrang ikinalungkot ko ang nangyari dahil nag-iisa na lang ang kabiyak nitong tsinelas. Kaya’t dali-dali kong itinapon ang kapares nito. Nabigla ang kasama naming mangingisda sa ginawa ko at nagtanong sa akin. “Bakit mo itinapon ang kabiyak ng naalon mong tsinelas?’ Sinagot ko siya, “Manong, kaya ko po itinapon upang di na ito malungkot at mag-isa. Umaasa akong mahahabol pa nito ang kaniyang kabiyak at magkakasama pa silang muli”. Sobrang tawa ni Manong sa tinuran ko. Siguro tuwang-tuwang siya sa taglay kong kabaitan at lubos niya akong naunawaan. 5 19. Ano ang tinuran ni Manong sa sinabi ni Melai na, “umaasa akong mahahabol pa at magkakasama pa sila ng kapares na tsinelas”? A. naiyak B. nalungkot C. natakot D. natuwa 20. Bakit itinapon ni Melai ang kapares ng naaalon niyang tsinelas ayon sa kuwento? Itinapon niya ito upang: A. mawala na ito C. hindi ito malungkot at mag-isa B. magmukhang artistahin D. magtawanan ang mga kasama niya 21. Ano ang mensahe ng tauhan sa kaniyang sinabi kay Manong tungkol sa pagtapon ng kapares ng tsinelas? A. Nagbibiro lang siya. B. Wala siyang pakialam. C. Umaasa siyang makahahanap ng bago. D. Nagpapakita siya ng pag-asa at pagmamahal sa kapares ng tsinelas. 22. Paano naapektuhan ang pananaw ng tauhan tungkol sa pagtapon ng mga bagay na mahalaga sa kaniya? A. Napagtanto niya na hindi lahat ng bagay ay walang hangganan at mahalaga. B. Nabago ang paniniwala niya na ang pagtapon ng bagay ay hindi importante. C. Natutunan niyang maging mas mapagbigay sa pagpapahalaga ng mga bagay. D. Nagkaroon siya ng pananaw na ang pagtapon ay hindi hadlang sa pagmamahal. “Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal 23. Ano ang gamit ng tsinelas sa anekdota na inyong nabasa? A. pagpasok at pagpunta sa lugar C. paghahanap ng kapares B. pagtapak sa matinik na daan D. pagpapaganda sa sarili 24. “Dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.” Ano ang nais ipinahiwatig ng kanyang dasal? A. mahabol ang kapares C. mawala ang kanyang tsinelas B. mahanap ang kapares D. mapakinabangan ang kanyang tsinelas 25. Paano binigyan ng halaga ang tsinelas sa buhay ng tao? A. nagpapaliwanag na may hangganan ang buhay B. nagbabala ng may masamang mangyari sa buhay C. nagpapahiwatig ng pagtigil sa pagtupad ng pangarap D. nagbibigay inspirasyon na magpapatuloy sa hamon ng buhay 6 MullahNassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin - salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan. Isinalin sa Filipino ni Urgelles, Roderic P., Mullah Nassreddin, Department of Education. Filipino Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS, Pasig.First Edition, 2015. 26. Ano ang panlaping ikinakabit sa salitang katatawanan? A. panlaping ta- at -an C. panlaping -an B. panlaping ka- at -an D. panlaping ka- 27. “Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan.” Suriin ang salitang sinalungguhitan sa pangungusap, ibigay ang kahulugan nito ayon sa pagkagamit sa pangungusap. A. dalawang taong nasisiyahan B. mga nakapagbibigay saya sa tao C. isang bagay na nararamdaman ng isang tao D. reaksiyon mo sa isang bagay na ayaw mong problemahin 28. Alin sa mga pangungusap ang naglalahad ng angkop na salita sa pagbuo ng diwa? A. Inanyayahan siyang muli upang nagsalita kinabukasan. B. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. C. Inanyayahan siyang muli upang nagsasalita kinabukasan. D. Inanyayahan siyang muli upang magsasalita kinabukasan 7 Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami ang tao’y sa salapi silaw? Kaya kung ikaw isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa Lipunan (Panambitan ni Myrna Prado) 29. Ano ang pangunahing mensahe ng tula tungkol sa yaman at lipunan? A. Ang yaman ay hindi mahalaga. B. Ang yaman ay nagdudulot ng kapangyarihan. C. Ang yaman ay isang bagay na dapat ipagmalaki. B. Ang yaman ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng tao. 30. Paano nakatutulong ang imahen sa pagpapahayag ng tema at tono ng tula? A. Nagpapalakas ito ng damdamin na nais iparating ng tula. B. Nagpapalalim ito sa kahulugan ng mga salitang ginamit sa tula. C. Nagbibigay ito ng tunay na karanasan na maiintindihan ng mambabasa. D. Nagbibigay ito ng biswal na larawan na sumusuporta sa pangunahing ideya ng tula. 31. Ano ang implikasyon ng pagiging “silaw” sa salapi sa pang-araw-araw na buhay ayon sa tula? A. Nagdudulot ito ng kagustuhang magtagumpay sa anumang paraan. B. Nagbubunga ito ng kasakiman at kawalan ng pagkakapantay-pantay. C. Nagpapakita ito ng kahalagahan ng pagpapahalaga sa material na bagay. D. Nagpapahayag ito ng katapangan at determinasyon sa kabila ng hamon sa buhay. Isang panyong puti ang ikinakaway, Siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako, siya’y nalulumbay (Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus) 32. Ano ang kahulugan ng panyo na puti na ikinakaway sa tula? A. simbolo ng pag-asa C. sagisag ng kalungkutan B. tanda ng pamamaalam D. palatandaan ng pagbabalik 33. Bakit iniwan ang panyong puti sa tabi ng hagdan sa tula? Ito’y dahil sa: A. kalungkutan B. kasal C. kasawian D. paghihiwalay 34. Paano naipapahayag ng tula ang tema ng pag-ibig at paghihiwalay sa pamamagitan ng mga matatalinghagang pahayag? Sa pamamagitan ng: A. pagbibigay-diin sa kasayahan C. paglalarawan ng pangungulila at sakit B. pagpapahayag ng galak at kalayaan D.pagpapahayag ng kawalan ng pag-asa 35. Paano naipapahayag ng tula ang kabiguan at sakit ng pag-ibig sa pamamagitan ng panyong puti? Sa pamamagitan ng: A. pagpapahayag ng galak at kasiyahan C. pagpapakita ng kagandahan ng pag-ibig B. pagpapakita ng tagumpay sa pag-ibig D. paglalarawan ng lungkot at pangungulila 8 Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. “Sipi mula sa Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora 36. Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong na nasa itaas? A. labis sa pagmamahal C. nangulila sa pagmamahal B. takot sa pagmamahal D. nanglilimos sa pagmamahal Ang Kalupi (buod) Abala si Aling Martha sa paghahanda para sa pagtatapos ng kaniyang anak. Dahil nais niyang maghanda pa rito, napagpasiyahan niyang pumunta sa palengke at mamili. Papasok sa palengke ay nakabangga niya ang isang batang madungis. Dahil sa hitsura at anyo ng bata ay agad siyang nahusgahan ng ale. Sa isip- isip nito, walang modo at hindi gagawa nang mabuti ang bata. Nang makarating sa loob ng palengke at akmang babayaran na ang pinamili, napansin ni Aling Martha na wala na ang kaniyang kalupi. Inisip maigi ng ale kung saan maaaring naroon ang kaniyang kalupi. Naalala niya ang nakabanggang bata. Sigurado siyang ito ang kumuha ng kaniyang lagayan ng pera. Hinanap niya ang bata sa palengke at agad naman niyang nakita. Tinanong niya ang bata ngunit tumatanggi ito. Nagsisigaw na ang ale at tumawag na ng pulis. Pagdating ng mga awtoridad at akmang lalagyan na ng posas at dadalhin sa presinto, tumakbo ang bata at hindi inaasahang nabangga ng jeep. Hanggang sa huling hininga ng bata ay itinatanggi nito ang krimen. Pag-uwi ni Aling Martha, nagtataka ang asawa nito kung saan galing ang pinamili niya gayung naiwan naman daw ng ginang sa kanilang bahay ang kaniyang kalupi. Hindi kinaya ng ale ang nalaman at nawalan ng malay. 37. Ano ang nangyari sa palengke nang makita ni Aling Martha na nawawala ang kaniyang kalupi? A. Nakita niya ang nawawalang aso. B. Nakatagpo niya ang isang kaibigan. C. Nakatanggap siya ng tawag sa telepono. D. Nakabangga niya ang isang batang madungis. 38. Paano nakaaapekto ang pangyayari sa batang madungis sa pagpapakita ng kawalang-katarungan sa lipunan? I. Nakabangga ang batang madungis at naiwan sa palengke. II. Nahusgahan agad siya ng ibang tao dahil sa hitsura. III. Tumakbo ang bata at nadisgrasya. IV. Walang nagsilbing saksi sa kaniyang pagkaligaw. A. II & III B. I & II C. II & IV D. I & IV 9 Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Berete ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho sa pangalawang asawa ng hari na si Sogolon at anak na si Mari Djata kaya ipinatapon ni Sassouma ang mag-ina sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka. Sipi- Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali 39. Batay sa pahayag na nasa loob ng kahon, ano ang mahihinuhang damdamin ng unang asawa ng hari sa pagkamatay ng hari? A. Malungkot, dahil balo na siya. B. Nabigla, dahil hindi niya inaasahan ang pagkamatay ng hari. C. Nagulumihanan, dahil hindi pa handa ang papalit sa trono ng hari. D. Masaya, dahil makagaganti na siya sa mag-inang Sogolon at Mari Djata. Nang Makita ni Sogolon ang anak na himalang nakatayo, siya’y saglit na naumid, pagkatapos ay agad-agad humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak Sipi- Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali 40.Batay sa tagpong nasa loob ng kahon, mahihinuhang ang damdaming namamayani sa puso ni Sogolon ay… A. Labis na pagkamuhi, dahil ayaw niyang makalakad ang anak. B. Labis na pagkamangha, dahil hindi siya naniniwala sa himala. C. Labis na kalungkutan, dahil baka pupunta sa malayo ang anak. D. Labis na kasiyahan, dahil magwawakas na ang pang-aalipusta ni Sossauma. “Tingnan mo ang iyong sarili,” Wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahoon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan. Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sipi- Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali 41.Batay sa tagpo ng binasang bahagi ng akda na nasa loob ng kahon, ang pagpapahalagang pansarili na masasalamin ay… A. maging matapang at makipaglaban B. matutong gumanti sa mga mapanghamak C. huwag hayaang apihin at hamakin ang sarili D. manatiling mahinahon sa pagharap ng mga hamon sa buhay “Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking kaharian. Kung hangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-pinsala sa aking mga kapanalig at umuwi sa Sosso kung saan ika’y hari”. Sipi: Ang Pakikipagsapalaran ni Sundiata 10 42. Kung susuriing mabuti ang pahayag sa binasang bahagi ng akda na nasa loob ng kahon, ang pagpapahalagang panlipunang masasalamin ay… A. pagmamahal sa bayan C. pagiging marahas sa pakikipaglaban B. paniningil ng bayad-pinsala D. maghari-harian sa nasakop na bayan Ang epiko ay isang mahaba at patulang pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tauhang lubos na malakas at makapangyarihan at kinikilalang bayani ng lugar o bansang kaniyang pinagmulan. Masasalamin sa kabuoan ng akda ang tradisyon, kultura at iba’t ibang paniniwala ng lahi, bansa o maging relihiyon kung saan ito nagmula. (Batayang aklat: Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1) 43. Batay sa binasang teksto na nasa loob ng kahon, bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko? A. dahil ang mga epiko ay nakaaaliw basahin B. dahil maraming mga bayani ang sumikat at iniidolo C. dahil masasalamin dito ang tradisyon, kultura at paniniwala ng bawat lahi D. dahil masaya at nakakikilig basahin ang kwento ng kabayanihan ng mga tauhan “Oh! Anak ng kasawiang-palad, hindi kaba makalalakad? Dahil sa iyong pagkukulang, ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?” Sipi- Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali 44. Alin sa sumusunod na damdamin ang sabay-sabay na naipahayag sa tula, na nagpapakita ng karanasan ng nagsasalita? A. takot at galit B. pagkabalisa at pagkainggit B. kaligayahan at pag-asa D. kalungkutan at kawalang-kapangyarihan 45. Paano nag-uugnay ang damdaming ipinahayag ng nagsasalita sa kaniyang karanasan sa lipunan at sa kaniyang pananaw sa buhay? A. Ang kaniyang pagkabigo ay nagtutulak sa kaniya na humingi ng tulong sa mga tao. B. Ang kaniyang kalungkutan ay nagiging inspirasyon para sa iba na maging mas positibo. C. Ang kaniyang pag-asa sa mga pagkakataon ay nagpapalakas sa kaniyang pakikilahok sa lipunan. D. Ang kaniyang takot sa hinaharap ay nagiging dahilan ng kaniyang pag-aalala sa mga tao sa paligid niya. 46. Paano mo maihahambing ang sanaysay at tula batay sa kanilang layunin at estilo ng pagsulat? A. Pareho silang naglalaman ng kuwento ng buhay. B. Pareho silang naglalaman ng impormasyon at saloobin. C. Ang parehong anyo ay gumagamit ng tauhan at tagpuan. D. Ang sanaysay ay mas nakatuon sa pagpapahayag ng opinion habang ang tula ay gumagamit ng matatalinghagang salita upang maghatid ng emosyon. 11 ANALOHIYA Panuto: Pansinin ang pagkakabuo ng unang dalawang salita at ibigay ang katumbas ng ikatlong salita. 47. Leron-Leron Sinta: awiting-bayan; Ang Alaga:_________ A. epiko B. dula C. maikling kuwento D. nobela 48. magretiro: magpatuloy; tinanggihan: __________________ A. tinaasan B. tinakasan C. tinamaan D. tinanggap 49. walang pakialam: binigyang-pansin; nagdalawang-isip: _________ A. nag-alinlangan B. nag-atubili C. naguluhan D. nasigurado 50. Ang sumusunod na pahayag ay mula sa talumpati ni Pangulong Nelson Mandela, aling pahayag ang tuwiran? A. “Sana ay magbago ang ating lipunan.” B. “Ang pagkakaisa ay susi sa ating tagumpay.” C. “Kailangan nating ipaglaban ang ating Karapatan.” D. “May mga nagsasabi na ang pagkakapantay-pantay ay mahirap makamit.” ____________________________________________________________________________ Binabati kita! Natapos mo ang pasulit! ______________________________________________________________________________