Filipino 8 RUQA Quarter 3 PDF
Document Details

Uploaded by FastestGrowingIdiom
2024
Tags
Summary
This document is a Filipino 8 RUQA past paper for the third quarter of 2024. It contains multiple-choice questions assessing learning in Filipino language and culture.
Full Transcript
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit – Filipino 8 Pangalan:______________________________________ Seksiyon: _____________________ Paaralan:___________________________...
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit – Filipino 8 Pangalan:______________________________________ Seksiyon: _____________________ Paaralan:______________________________________ Sangay: _______________________ PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat teksto/ tanong at piliin ang titik na katumbas sa iyong sagot. Trending ngayon sa Twitter ang hashtag na #FOMO! Maraming netizens ang nag-post ng kanilang mga selfies sa kanilang latest travel experiences. Ayon sa isang influencer, ang content niya tungkol sa travel hacks ay nag-viral matapos itong share ng isang sikat na vlogger. Ang mga followers naman ay nagbigay ng kanilang feedback sa pamamagitan ng comments at reactions. Samantala, ilang users ang nag-post ng memes bilang reply sa mga posts, habang ang iba ay gumamit ng GIFs para ipakita ang kanilang mga feels. 1.Alin sa mga nakatalang salita ang ginagamit upang maiugnay ang mga post sa isang partikular na tema o paksa? A. Hashtag B. Meme C. Influencer D. GIF 2. Paano nakakatulong ang mga terminolohiya tulad ng "trending" at "viral" sa pagbuo ng content na nagiging popular sa social media? Piliin ang tamang sagot na naglalarawan ng relasyon ng bawat isa sa pagiging popular ng isang post o content. A. Ang "trending" at "viral" ay parehong tumutukoy sa mga post na walang engagement. B. Ang "trending" ay mga post na mabilis na kumakalat, habang ang "viral" ay mga paksa o hashtags na sikat. C. Ang "trending" ay tumutukoy sa mga post na mabilis na kumakalat, habang ang "viral" ay tumutukoy sa mga paksa na pinaguusapan ng marami. D. Ang "trending" ay mga paksa o hashtags na sikat, na nagpapataas ng visibility ng mga post, habang ang "viral" ay mga post na mabilis na kumakalat, na nagreresulta sa mas mataas na engagement. 3. Paano nag-iinteract ang mga terminolohiya tulad ng "feedback," "comments," at "reactions" upang lumikha ng isang feedback loop sa social media? Piliin ang tamang sagot na naglalarawan ng epekto nito sa relasyon sa pagitan ng mga users at content creators. A. Ang "feedback," "comments," at "reactions" ay hindi nakakatulong sa pagbuo ng relasyon sa social media. B. Ang "feedback," "comments," at "reactions" ay nagbibigay ng opinyon sa content creators, ngunit walang epekto sa kanilang content. C. Ang "feedback," "comments," at "reactions" ay bumubuo ng feedback loop, na nag- uudyok sa content creators na ayusin ang content ayon sa reaksyon ng users, upang lumakas ang ugnayan sa pagitan nila. D. Ang "feedback," "comments," at "reactions" ay nagpapataas lamang ng visibility ng mga posts nang walang epekto sa engagement. 2 Ang sumusunod ay mga nalikom na datos sa pananaliksik. Basahin at sagutin ang mga kaugnay na tanong. Pamagat: Pag-aaral sa Epekto ng Online Learning sa Academic Performance ng mga Mag-aaral Mga Resulta: 1. Average na Grado: Online Learning Group: Bago: 85% Pagkatapos: 88% Tradisyunal na Pag-aaral Group: Bago: 86% Pagkatapos: 87% 2. Pakikilahok sa Klase: Online Learning Group: 78% ng mga mag-aaral ang mataas ang pakikilahok sa online discussions. Tradisyunal na Pag-aaral Group: 82% ng mga mag-aaral ang mataas ang pakikilahok sa face-to-face na klase. 3. Pang-akademikong Pagkatuto: Online Learning Group: 70% ng mga mag-aaral ang nag-improve ang pag-unawa sa aralin. Tradisyunal na Pag-aaral Group: 65% ng mga mag-aaral ang nag-improve ang pag-unawa sa aralin. 4. Ano ang average na marka ng mga mag-aaral sa Online Learning Group pagkatapos ng online learning? A. 85% C. 87% B. 86% D. 88% 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng average na grado bago at pagkatapos ng online learning? A. Average na grado bago: 85%, Pagkatapos: 88% B. Average na grado bago at pagkatapos ng face-to-face na klase C. Pag-improve sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa online learning D. Bilang ng mga mag-aaral na mataas ang pakikilahok sa online discussions 6. Paano nakaaapekto ang pagkakaibang average na grado sa pagitan ng Online Learning Group at Tradisyunal na Pag-aaral Group pagkatapos ng isang semestre? A. Ang pagkakaibang average na grado ay hindi nagpapakita ng anumang epekto sa academic performance. B. Ang pagkakaibang average na grado ay nagpapakita ng mas mataas na pagganap n g Tradisyunal na Pag-aaral Group. C. Ang pagkakaibang average na grado ay nagpapakita ng bahagyang pagpapabuti sa academic performance ng Online Learning Group. D. Ang pagkakaibang average na grado ay nagpapakita ng bahagyang pagpapabuti sa academic performance ng Tradisyunal na Pag-aaral Group. Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya sa Pagsulat ng Balita at Komentaryo Teksto: Sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pang anyo ng journalism, mahalaga ang maayos at sistematikong pangangalap ng ideya upang makabuo ng makabuluhan at kapani-paniwala na mga artikulo. Narito ang ilang estratehiya na maaaring gamitin sa pangangalap ng mga ideya: 1. Pananaliksik sa Internet: Gumamit ng mga search engine at online databases upang maghanap ng mga balita, artikulo, at iba pang mga sanggunian na maaaring maging inspirasyon sa pagsulat. 2. Pakikipanayam sa mga Eksperto: Makipag-ugnayan sa mga eksperto sa isang partikular na larangan upang makakuha ng malalim na pananaw at opinyon na makakatulong sa pagbuo ng isang balita o komentaryo. 3. Pagmamasid sa Kaganapan: Dumalo sa mga kaganapan tulad ng press conferences, meetings, at iba pang mga okasyon upang makuha ang mga pinakabagong impormasyon at trend. 4. Pagtatanong sa Publiko: Gumamit ng surveys o social media polls upang malaman ang opinyon ng publiko at makuha ang kanilang mga pananaw tungkol sa mga paksa na maaaring maging mahalaga para sa pagsulat. 3 Mga Hakbang sa Paggamit ng Estratehiya: a. Piliin ang Estratehiya: Tukuyin kung aling estratehiya ang pinaka-angkop sa paksa ng iyong balita o komentaryo. b. Kolektahin ang Impormasyon: Gumamit ng napiling estratehiya upang mangalap ng mga ideya at impormasyon. c. I-analyze ang Datos: Suriin ang mga nakalap na impormasyon upang tukuyin ang mga pangunahing ideya at temang maaari mong isama sa iyong pagsulat. d. I-synthesize ang mga Ideya: Pagsamahin ang mga ideya mula sa iba't ibang estratehiya upang makabuo ng isang balanseng at komprehensibong artikulo. 7. Alin sa mga sumusunod ang isang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya na gumagamit ng mga search engine at online databases? A. Pagtatanong sa Publiko B. Pananaliksik sa Internet C. Pagmamasid sa Kaganapan D. Pakikipanayam sa mga Eksperto 8.Paano nakatutulong ang mga hakbang sa pagiging epektibo ng pagsulat ng balita? A. Ang pagkakasunod-sunod ng hakbang ay hindi gaanong mahalaga sa proseso ng pagsulat. B. Ang pagkakasunod-sunod ng hakbang ay nagiging sanhi ng pagka-abala sa pagsulat ng balita. C. Ang pagkakasunod-sunod ay nagreresulta lamang sa mas maraming ideya, ngunit hindi ito nakakatulong sa kalidad ng balita. D. Ang tamang pagkakasunod-sunod ay tumutulong upang sistematikong maipon at maanalisa ang impormasyon bago isulat ang balita. 9. Paano mo maiaangkop ang mga estratehiya sa pangangalap ng mga ideya upang mas mapabuti ang kalidad ng komentaryo sa isang isyu na kinasasangkutan ng mga eksperto at opinyon ng publiko? A. Magdagdag ng higit pang mga estratehiya sa pangangalap ng ideya kahit hindi ito kailangan para sa isyu. B. Pumili lamang ng isang estratehiya at hindi alamin ang iba pang aspeto ng isyu upang makasulat ng komentaryo. C. Gumamit ng mga estratehiyang pakikipanayam at survey upang makakuha ng komprehensibong pananaw at impormasyon. D. Magpokus lamang sa pakikipanayam sa mga eksperto at huwag magtanong sa publiko upang mapadali ang proseso ngunit dagdagan ng iyong kaalaman. Sa isang araw ng sabado, sina Ana at Lito ay nagkita sa isang kainan. "Uy, tsong, kumusta na? Grabe, ang tagal na nating hindi nagkikita!" bati ni Lito. "Ayos lang naman, medyo stress lang sa work," sagot ni Ana. "Pahinga ka muna. Chill lang, baka mapagod ka masyado," payo ni Lito. "Oo nga eh, pero kailangan talagang mag-hustle," tugon ni Ana. Habang nagkukuwentuhan, napansin nilang madami nang banyagang salita ang kanilang nagagamit. "Dati, puro Tagalog lang usapan natin, ngayon halo-halo na," napaisip si Lito. "Oo nga, sa dami ng exposure sa internet, parang natural na maghalo ng English at Filipino," sabi ni Ana. 10. Ano ang ibig sabihin ng "tsong" sa talata? A. Boss B. Kapatid C. Kaibigan D. Magulang 11. Ano ang salitang banyaga na ginamit sa talata na nangangahulugang relaks o magpahinga? A. Chill B. Tsong C. Ayos D. Grabe 4 12. Paano nakakaapekto ang paghahalo ng banyaga at balbal na salita sa impormal na komunikasyon? A. Nakakabawas ito ng kahusayan sa paggamit ng wika. B. Pinapatibay nito ang pagka-Filipino ng mga kabataan. C. Pinalalawak ang bokabularyo at pag-unawa ng mensahe sa konteksto ng globalisasyon. D. Nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan ng mga mas nakatatandang henerasyon. 13. Bakit mahalaga ang paggamit ng balbal na salita sa impormal na komunikasyon? A. Nagiging mas pormal ang usapan. B. Komportable at simple ang pakikipag-usap. C. Napipilitan ang mga tao na gumamit ng banyagang wika. D. Nagiging mas malalim ang pag-unawa ng mensahe lalo na sa mga may alam ng mga salitang balbal at kolokyal. 14. Paano nakaaapekto ang paghahalo ng banyaga at balbal na salita sa impormal na komunikasyon? A. Pinapatibay nito ang pagka-Filipino ng mga kabataan. B. Nakababawas ito ng kahusayan sa paggamit ng sariling wika. C. Nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan ng nakatatandang henerasyon D. Pinalalawak nito ang bokabularyo at pag-unawa ng mensahe sa konteksto ng globalisasyon. Sa isang talakayan, nagbigay si Maria ng opinyon tungkol sa epekto ng teknolohiya sa kabataan. Sabi niya, "Ayon sa aking obserbasyon, maraming kabataan ang nagiging tamad dahil sa labis na paggamit ng gadgets." Ang kanyang kaibigan, si Juan, ay tumugon, "Hindi totoo iyan. Ang teknolohiya ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa edukasyon." 15. Ano ang ipinahayag ni Maria tungkol sa epekto ng teknolohiya sa kabataan? A. Nagpapabuti sa edukasyon. B. Walang epekto sa kabataan. C. Nagiging sanhi ng katamaran sa mga kabataan. D. Ginagawang mas produktibo ang mga kabataan. 16. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ni Juan sa kanyang tugon? A. Ang teknolohiya ay nakakasira sa kalusugan. B. Ang teknolohiya ay hindi nakakatulong sa edukasyon. C. Ang teknolohiya ay nagbigay pagkakataon para sa edukasyon. D. Ang teknolohiya ay nagiging sanhi ng katamaran sa kabataan. 17. Paano nagkakaiba ang hinuha mula sa katotohanan sa konteksto ng pagtalakay na ito? A. Ang hinuha ay palaging tama, samantalang ang katotohanan ay nagbabago. B. Ang hinuha ay hindi maaasahan habang ang katotohanan ay hindi nagbabago. C. Ang hinuha ay laging naka-base sa mga sapantaha lamang, samantalang ang katotohanan ay subhetibo. D. Ang hinuha ay personal na opinyon batay sa obserbasyon, samantalang ang katotohanan ay batay sa tiyak na datos. 18. Paano magagamit ang kaalaman sa pagkakaiba ng katotohanan, hinuha, opinyon, at personal na interpretasyon sa paggawa ng matalinong desisyon? A. Makatulong sa pagpili ng mga opinyong tugma sa personal na paniniwala. B. Makatulong sa pag-alis ng lahat ng hinuha at sapantaha sa pagdidesisyon. C. Makatulong na magkaroon ng tiyak na impormasyon upang makabuo ng matalinong 5 desisyon. D. Makatulong ito sa pamamagitan ng pagpapasya nang hindi isinasaalang-alang ang lahat ng ebidensya. Narito ang halimbawa ng isang teksto na gumagamit ng positibo at negatibong pahayag: Sa araw-araw na buhay ng mga mag-aaral, mahalaga ang disiplina at tamang paggamit ng oras. Ang pagiging masipag at masinop sa mga gawain ay nagdudulot ng tagumpay. Kung ang isang mag-aaral ay nagpapakita ng interes sa kanyang pag- aaral, mas malaki ang tsansang makamit niya ang kanyang mga layunin. Ang pagiging maaga sa klase ay nagpapakita ng respeto sa oras ng iba. Gayunpaman, kung ang isang mag-aaral ay laging huli sa klase, maaapektuhan ang kanyang pagkatuto at maaaring hindi niya magampanan nang maayos ang kanyang mga takdang aralin. Ang kawalan ng disiplina sa pag-aaral ay nagiging sanhi ng kabiguan sa mga pagsusulit at proyekto. Bukod dito, ang hindi pakikinig sa guro ay nagpapahirap sa pag-unawa ng mga aralin. 19. Ano ang positibong epekto ng pagiging maaga sa klase ayon sa teksto? A. Nagpapakita ito ng respeto sa oras ng iba. B. Nagsasanhi ito ng stress sa mga mag-aaral. C. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng maayos na pagtulog. D. Nagbibigay ito ng pagkakataon na mag-aral ng dagdag na aralin. 20. Alin sa mga sumusunod ang mga positibong pahayag na binanggit sa teksto? A. Pagiging huli sa klase, kawalan ng disiplina. B. Pagkakaroon ng disiplina, pag-iwas sa mga pagsusulit. C. Pagiging masipag at masinop, pagiging maaga sa klase. D. Kawalan ng interes sa pag-aaral, hindi pakikinig sa guro. 21.Paano nauugnay ang pagiging masipag at masinop sa tagumpay ng mag-aaral ayon sa teksto? A. Nagiging sanhi ito ng mas mataas na stress level. B. Nagiging sanhi ito ng pagkabigo sa mga pagsusulit C. Malaki ang pagkakataong makamit ng mag-aaral ang kanyang layunin. D. Nakakatulong ito sa mas maayos na oras ng pagtulog at pamamahinga. 22.Paano nakakaapekto ang hindi pakikinig sa guro at kawalan ng disiplina sa pangmatagalang tagumpay ng isang mag-aaral? A. Walang direktang epekto sa pangmatagalang tagumpay ang mga ito. B. Nagpapataas ito ng tsansang magtagumpay dahil sa mga natutunan sa labas ng klase. C. Nagiging dahilan ito ng stress sa mga guro kaya lumalaki ang tsansa ng mag- aaralna pumasa. D. Nagdudulot ito ng kahinaan sa mga pagsusulit na makakaapekto sa kanilang pang-akademikong hinaharap. Announcer: Magandang umaga, Pilipinas! Ako si Ana Santos mula sa DZBB. Narito ang headline ngayong araw, alas-otso ng umaga. Ayon kay Secretary Juan dela Cruz, tumaas ang presyo ng bilihin ngayong Setyembre dahil sa limitadong suplay ng pagkain, lalo na ang bigas at asukal. Inaasahan na ang mga ahensya ng gobyerno ay magpupulong upang pag-usapan ang mga hakbang na gagawin upang maibsan ang epekto nito. Susunod, ang ating traffic report. Manatiling nakatutok sa DZBB! 23. Ano ang ibig sabihin ng “headline” sa nabasang teksto? A. Balita C. Ulong linya 6 B. Ulo ng Balita D. Balitang nauuna 24. Ano ang ipinapakahulugan ng linyang “traffic report” sa teksto? A. Trapiko C. Kaganapan sa kalsada B. Balita/ ulat D. Pagbibigay-alam sa ulat ng trapiko sa kalsada 25. Anong uri ng balita ang iyong nabasa? A. Lokal C. Nasyunal B. Kalusugan D. Internasyunal Ayon sa mga eksperto, patuloy na tumataas ang bilang ng mga kabataang gumagamit ng social media araw-araw. Ayon kay Dr. Reyes, isang psychologist, ang social media ay may malaking epekto sa kanilang emosyonal at mental na kalusugan. Sa akala ng ilan, ang madalas na paggamit nito ay paraan upang makisalamuha at mapanatili ang koneksyon sa mga kaibigan. Gayunpaman, may ibang pananaw na nagsasabing nagdudulot din ito ng pagkabahala at depresyon, lalo na kapag ito ay sobra-sobra na. Bukod dito, ayon sa isang pag-aaral mula sa University of the Philippines, mas mataas ang stress level ng mga kabataan na madalas gumamit ng social media kaysa sa mga hindi gaanong gumagamit nito. Sa tingin ng mga mananaliksik, dapat maglaan ng oras ang mga magulang at guro upang gabayan ang kabataan sa tamang paggamit ng teknolohiya. 26. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong ginagamit sa teksto upang ipahayag ang opinyon ng mga eksperto? A. Sa tingin ng B. Ayon sa C. Sa akala D. Bukod dito 27. Alin sa mga sumusunod ang mga ekspresyong ginamit sa teksto upang ipahayag ang iba't ibang pananaw tungkol sa epekto ng social media? A. Sa akala, ayon sa, bukod dito B. Ayon kay, sa tingin ng, sa akala C. Ayon sa, gayunpaman, bukod dito D. Ayon sa, sa tingin ng, gayunpaman 28. Paano nagagamit ang ekspresyong "sa akala" sa teksto upang ipahayag ang pananaw ng ilan? A. Upang ipahayag ang opinyon ng mga eksperto B. Upang ipahayag ang opinyon ng mga mananaliksik C. Upang ipahayag ang tunay na epekto ng social media D. Upang ipahayag ang isang opinyon na maaaring hindi totoo 29. Paano makakatulong ang paggamit ng mga ekspresyong tulad ng "ayon sa" at "sa tingin ng" sa pagpapahayag ng iba’t ibang pananaw sa isang teksto? A. Nagpapalabo ito ng mga konsepto sa teksto. B. Nagbibigay ito ng mga tiyak na solusyon sa mga isyu. C. Pinapalitan nito ang opinyon ng lahat ng tao sa isang paksa. D. Nagbibigay ito ng pagkakataon upang ilahad ang iba't ibang pananaw at opinyon na may basehan Basahin ang akda at sagutin ang mga kaugnay na tanong: "Sa pag-unlad ng teknolohiya, marami sa atin ang nagtataka kung paano ito makakaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Ayon sa mga eksperto, ang mga makabagong teknolohiya tulad ng artificial intelligence (AI) at automation ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa iba't ibang industriya. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga potensyal na benepisyo at panganib na dulot ng mga teknolohiyang ito. Ang tono ng pag-aaral ay nagsasalaysay ng parehong positibo at negatibong epekto upang magbigay ng balanseng pananaw." 30. Ano ang layon ng pag-aaral na binanggit sa akda? A. Upang tukuyin kung paano nagbago ang teknolohiya. B. Upang makita ang epekto ng teknolohiya sa Kabataan. 7 C. Upang suriin ang mga benepisyo at panganib ng teknolohiya. D. Upang alamin kung paano gumagana ang artificial intelligence. 31. Ayon sa akda, alin sa mga sumusunod na teknolohiya ang binanggit na may malaking epekto sa industriya? A. Internet at automation B. Virtual reality at blockchain C. Quantum computing at robotics D. Artificial Intelligence at automation 32. Paano inilarawan ang tono ng akda sa pagsusuri ng mga teknolohiya? A. Neutral ang tono dahil walang opinyon ang may-akda B. Balanseng tono na isinasaalang-alang ang benepisyo at panganib C. Negatibo ang tono dahil sa mga panganib na dala ng teknolohiya D. Puro positibo ang tono dahil sa mga benepisyong dala ng teknolohiya 33. Paano makakaapekto ang balanseng pananaw sa pagtanggap ng mga tao sa mga bagong teknolohiya, batay sa tono ng akda? A. Mas magdudulot ito ng takot at alinlangan sa mga tao b. Magiging dahilan ito upang tanggihan ng mga tao ang mga teknolohiya C. Hahantong ito sa mas mabilis na pagtanggap ng teknolohiya sa lipunan D. Magdudulot ng mas malalim na pag-unawa sa benepisyo at panganib ng teknolohiya Ang Epekto ng Online Learning sa Kabataan Dahil sa pandemya, naging mahalaga ang online learning bilang alternatibo sa pisikal na klase. May nagsasabing nakatutulong ito sa paglinang ng kasanayan sa self-discipline at time management ng mga mag-aaral. Sa kabila nito, maraming kabataan ang nahihirapan dahil sa kakulangan ng pisikal na interaksyon at limitadong access sa internet at gadgets. Upang maging episyente ang online learning, kailangang tugunan ang mga hamong ito at balansehin ang mga positibo at negatibong aspeto nito. 34. Ano ang pangunahing katwirang binanggit ng teksto tungkol sa online learning? A. Talakayin ang social media sa pagkatuto ng mag-aaral B. Ipakita ang mga benepisyo at hamon ng online learning C. Ipakita ang kahalagahan nito bilang alternatibo sa pisikal na klase. D. Ipakita ang kabutihan ng online learning sa pagkatuto ng mag-aaral 35. Alin sa mga sumusunod na lohikal na katuwiran ang ginamit upang suportahan ang benepisyo ng online learning? A. Hindi lahat ay may access sa internet B. Nagdudulot ng stress sa mga mag-aaral C. Ito ay hadlang sa pisikal na interaksyon D. Nakatutulong sa self-discipline at time management 36. Paano nagagamit ng teksto ang mga positibong at negatibong aspeto ng online learning upang makabuo ng balanseng pananaw? A. Ipinakita lamang ang negatibong epekto ng online learning B. Nilimitahan ang talakayan sa mga teknikal na problema lamang C. Inilahad ang benepisyo at hamon upang magpakita ng patas na pagsusuri. D. Tinalakay ang mga benepisyo ng online learning at itinanggi ang mga hamon 37.Batay sa lohikal na argumento sa teksto, paano masasabing makakatulong ang pagbabalanse ng mga benepisyo at hamon ng online learning sa pagbuo ng mas mahusay na sistema ng edukasyon? A. Sa pagtuon lamang sa mga benepisyo ng online learning B. Sa pamamagitan ng paglimita ng paggamit ng online learning C. Sa pag-aalis ng pisikal na interaksyon bilang mahalagang aspeto D. Sa pagsusuri ng benepisyo at hamon na matugunan ang mga kakulangan. 8 Ang Pag-ibig sa Kalikasan Si Liza ay laging nagsasagawa ng mga proyekto para mapangalagaan ang kalikasan sa kanilang barangay. Tuwing Sabado, naglulunsad siya ng mga tree-planting activities kasama ang iba pang kabataan. Nais ni Liza na ipakita sa kanilang komunidad ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Dahil sa kanyang pagsusumikap, bumuti ang kalidad ng hangin sa kanilang lugar, at napansin ng mga residente na mas naging malinis at maaliwalas ang kapaligiran. 38. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong nagpapakita ng ugnayang lohikal ng dahilan at bunga? A. Si Liza ay laging abala tuwing Sabado. B. Bumuti ang kalidad ng hangin dahil sa kanyang pagsusumikap. C. Tuwing Sabado, naglulunsad siya ng mga tree-planting activities. D. Nagiging malinis ang kapaligiran kapag may disiplina ang mga tao. 39. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng tamang ugnayan ng paraan at resulta? A. Dahil sa kanyang sipag, naging maganda ang buhay ni Liza. B. Bumaba ang bilang ng mga puno dahil sa sunod-sunod na bagyo. C. Si Liza ay masipag magtanim ng puno, ngunit walang pagbabago sa kanilang lugar. D. Naglunsad ng tree-planting si Liza, kaya’t bumuti ang kalidad ng hangin sa kanilang lugar. 40. Bakit bumuti ang kalidad ng hangin sa kanilang lugar ayon sa teksto? A. Dahil mahangin sa kanilang lugar. B. Dahil sa nagsumikap ni Liza na maglunsad ng tree-planting. C. Dahil walang sasakyan ang palaging dumadaan kanilang lugar. D. Dahil sa pagdating ng tag-ulan tumubo ang maraming halaman. 41.Paano pa kaya mapapabuti ni Liza ang kalagayan ng kanilang kapaligiran gamit ang ugnayang lohikal ng paraan at resulta? A. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga parke at malls. B. Sa pamamagitan ng pagbisita sa mga lugar na may polusyon. C. Sa pamamagitan ng pagsagawa ng regular na paglilinis sa ilog at dagat. D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga tradisyon ng bawat lalawigan ng bansa. Sa aking pananaw, ang child labor ay isang malubhang isyu na dapat agad na matugunan. Bilang isang magulang, labis akong nababahala sa sitwasyon ng mga batang nagtatrabaho sa ilalim ng hindi makatawid na kondisyon. Nakikita ko ito bilang isang paglabag sa karapatan ng bawat bata na makapag-aral at magkaroon ng maayos na kinabukasan. Naniniwala akong ang pagbibigay ng edukasyon at proteksyon sa mga bata ay mahalaga upang masiguro ang kanilang magandang kinabukasan. Ang child labor ay nagdudulot ng hindi pantay na pagkakataon para sa mga bata at naglalagay sa kanila sa panganib ng pisikal at emosyonal na pinsala. 42. Ano ang pangunahing bayas ng nagsasalita tungkol sa child labor? A. Dapat suportahan ang child labor. B. Dapat suriin ang sanhi ng child labor. C. Dapat agad na matugunan ang child labor. D. Dapat bigyan ng pagkakataon ang mga magulang sa child labor. 43. Alin sa mga sumusunod ang mga isyung binanggit ng nagsasalita tungkol sa child labor? A. Pagtaas ng kita ng pamilya B. Pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon C. Pagkakaroon ng sapat na oras para sa paglalaro D. Paglabag sa karapatan ng bata at panganib sa kalusugan 9 44. Paano ipinakita ng nagsasalita ang kanyang pagkiling tungkol sa child labor? A. Sa pagtalakay lamang sa mga positibong aspeto B. Sa pag-highlight sa negatibong epekto ng child labor C. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng indifference sa isyu D. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng solusyon na hindi praktikal 45. Ano ang maaaring gawin upang mapabuti ang kalagayan ng mga bata na naapektuhan ng child labor ayon sa pananaw ng nagsasalita? A. Ipatupad ang mas mahigpit na batas para sa child labor B. Magbigay ng mas maraming oportunidad para sa trabaho C. Tumulong sa mga magulang ng mga batang nagtatrabaho D. Palakasin ang mga programa para sa edukasyon at proteksyon Ang Proseso ng Paglikha ng Pelikula Ang paggawa ng pelikula ay may ilang pangunahing hakbang. Una, ang scriptwriting kung saan ang screenwriter ay gumagawa ng script na naglalaman ng mga dialogue at stage directions. Ang susunod na hakbang ay pre-production, kung saan pinipili ang casting at location para sa pelikula. Ang director ay namamahala sa artistic vision, habang ang producer ang nag-aasikaso ng budget at schedule. Pagkatapos ng shooting, pumapasok ang pelikula sa post-production. Ang editor ang nag-eedit ng mga footage, at idinadagdag ang soundtrack at special effects. Sa huli, ang pelikula ay dumadaan sa marketing at distribution, kung saan inilalabas ang trailer upang makuha ang atensyon ng mga manonood. 46. Ano ang proseso na kinabibilangan ng paggawa ng script at mga direksyon para sa mga aktor? A. Casting B. Post-production C. Distribution D. Scriptwriting 47. Alin sa mga sumusunod ang mga hakbang sa pre-production? A. Scriptwriting at shooting C. Casting at location scouting B. Editing at sound effects D. Trailer at marketing 48. Paano nakakatulong ang director at producer sa paggawa ng pelikula? A. Ang direktor at producer ay parehong responsable sa editing at distribution B. Ang direktor ay nagpaplano ng budget, at ang producer ang pumipili ng mga aktor C. Ang direktor ay nag-eedit ng footage, at ang producer ang nagmamarka ng pelikula D. Ang direktor ay namamahala sa artistic vision, at ang producer sa budget at schedule 49. Paano nakatutulong ang soundtrack at special effects sa pagpapahusay ng pelikula mula sa scriptwriting hanggang sa distribution? A. Ang soundtrack at special effects ay nagpapataas ng emosyonal na epekto ng pelikula B. Ang soundtrack ay hindi mahalaga, at ang distribution ay nangyayari bago ang shooting C. Ang special effects ay tinatanggal sa post-production, at ang marketing ay hindi mahalaga sa distribution. D. Ang soundtrack at special effects ay hindi konektado sa scriptwriting, at ang pre-production ay walang papel Pagbuo ng Social Awareness Campaign gamit ang Komunikatibong Pahayag Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagkakaroon ng social awareness campaign upang maipaalam at maipahayag ang mga isyung panlipunan na may epekto sa ating komunidad. Upang maging epektibo ang isang kampanya, kinakailangan ang paggamit ng angkop na komunikatibong pahayag. Ang mga pahayag na ito ay nagsisilbing tulay upang maiparating ang mensahe at makuha ang atensyon ng target audience. Sa pamamagitan ng mga komunikatibong pahayag, tulad ng paghanga, pasasalamat,10at panghihikayat, mas nagiging makabuluhan ang kampanya at mas madali itong maiintindihan ng publiko. Sa pagbuo ng isang social awareness campaign, mahalagang isaalang-alang ang tono at estilo ng mga pahayag. Ang mga pahayag ay dapat na malinaw, diretso, at madaling maunawaan upang makuha ang simpatiya ng mga tao. Halimbawa, ang paggamit ng mga pahayag ng pasasalamat ay maaaring magbigay ng positibong impresyon sa mga tagasuporta, habang ang panghihikayat ay nagtutulak sa mga tao na makilahok sa mga aktibidad ng kampanya. Ang maayos na pagbuo at paggamit ng mga komunikatibong pahayag ay nagbibigay -daan sa mas malalim na pag-unawa at mas epektibong pakikilahok ng komunidad sa mga isyung kanilang kinakaharap. 50. Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng komunikatibong pahayag sa social awareness campaign? A. Magsagawa ng survey tungkol sa isyu ng kampanya. B. Magbigay ng kasiyahan sa mga tagasuporta at sa madla. C. Makakuha ng pondo para sa kampanya mula sa mga suporters D. Maiparating ang mensahe at makuha ang atensyon ng target audience ____________________________________________________________________________ Binabati kita! Natapos mo ang pasulit! ______________________________________________________________________________