Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan Modyul 5 PDF
Document Details
Uploaded by CheapestNewton6517
null
null
Tags
Summary
This document is a sample of a Filipino past paper. It contains the first few pages of a secondary school Edukasyon sa Pagpapakatao exam. It introduces various learning activities and questions focused on the concepts of moral decision-making and responsibility, and features diverse scenarios.
Full Transcript
# Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikalawang Markahan ## Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya ### A. Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? - Inaasahang masasagot mo ang mga mahahalagang katanungan: - Bakit ma...
# Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikalawang Markahan ## Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya ### A. Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? - Inaasahang masasagot mo ang mga mahahalagang katanungan: - Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan (kabutihan o kasamaan) ng makataong kilos? - Bakit nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot,karahasan, at gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang mga kilos? ### B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman - Gawain 1: Think, Pair, and Share - Suriin ang mga sitwasyon at sagutin ang mga katanungan: - Sitwasyon 1: **Tanong**: Dapat ka bang magpakita ng galit dahil sa iyong pagkapahiya? Bakit? - Sitwasyon 2: **Tanong**: Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit? - Sitwasyon 3: **Tanong**: May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan dahil hindi mo nasabi ang ipinagbilin sa iyo? Bakit? - Gawain 2: - Bumuo ng anim na pangkat at suriin ang sitwasyon : - Pangkat 1: Si Fatima ay laging nahuhuli sa klase dahil tumatawid pa siya sa main highway sa kanilang lugar papunta sa paaralan. - Pangkat 2: Nakasanayan ni Edgardo ang mag-inat at humikab. Isang araw, nagalit ang kanilang guro dahil napalakas ang paghikab niya habang nagtuturo ito. - Pangkat 3: Pinatawag si Omar ng kaniyang guro ng dahil hindi siya nakilahok sa ginawang fire drill ng paaralan. - Pangkat 4: Papauwi na si Princess nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha ang kaniyang pera. Sa sobrang nerbiyos ay naibigay din niya ang perang nasingil mula sa kontribusyon nila para sa proyekto. - Pangkat 5: Isang fitness instructress ang naglalakad pauwi. Tinangkang kunin ng snatcher ang bag niya. Hindi niya ito binigay at siya'y nanlaban. Bigla niyang naisip na sumigaw upang humingi ng saklolo habang nakikipag-agawan ng bag sa snatcher. - Pangkat 6: Nagsauli ng mga proyekto ang guro ni Abdullah sa kanilang klase. Nang makita niya ang kaniyang mataas na marka ay bigla siyang napayakap ng hindi sinasadya sa kaniyang kaklaseng babae. - Sagutin ang mga tanong: - Ano ang iyong masasabi sa mga sitwasyong sinuri ng inyong pangkat? Bakit ito ang naging salik na nakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya? - Paano nakahahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili at pagpapasiya? Ipaliwanag. - Ano ang pananagutan ng bawat tauhan sa kaniyang kilos na makapagpasiya ng mabuting opsiyon tungo sa makataong kilos? ### C. Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa - Gawain 3: - Suriin ang bawat sitwasyon: - Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kaniyang matandang pasahero na inatake sa puso - Pagsauli ng sobrang sukli sa tindera sa palengke - Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang bibig - Pagsasalita habang natutulog - Pagtanggi sa isang alok ng barkada na magpunta sa comedy bar dahil sa maaga pa ang pasok bukas at may report sa trabaho kinabukasan na dapat tapusin - Paghimas sa tiyan dahil sa gutom - Pagsisikap na bumuo ng mga tanong na may mapanuring pag-iisip sa ginagawang investigatory project - Pagkurap ng mata - Pagtuturo ng guro sa kaniyang klase nang handa at may pagnanais na magbahagi ng kaniyang kakayahan sa learning competency ng kaniyang aralin. - Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok - Sagutin ang mga tanong: - Aling kilos ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos-loob? Ipaliwanag. - Aling kilos ang nagpapakita ng hindi paggamit ng isip at kilos-loob? Bakit? - Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa? - Paano magiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos? - Bilang mag-aaral sa Baitang 10, ano-ano ang iyong mga gingawa sa araw-araw na nagpapakita ng makatao at mapanagutang kilos? Ipaliwanag. - Gawain 4: - Bumuo ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay may diyaryo o anumang artikulo o balita na tungkol sa mga pangyayaring naganap. Pumili ng lider at tagasulat ng ulat. - Pumili ng artikulo o balita at suriin ito kung ang mga kilos na ipinakita ng tauhan ay mapanagutan o hindi. Tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. - Sagutin ang mga tanong: - Ano ang ipinakitang sitwasyon? - Dapat ba talagang managot ang may gawa ng kilos? Bakit? - Batay sa pangyayari o sitwasyon na inilahad, ano ang maaaring ipataw, pabuya, o kaparusahan? Ipaliwanag. ### D. Pagpapalalim - Basahin ang sanaysay: **Ang Makataong Kilos** ## Modyul 6: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos ### A. Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? - Inaasahang masasagot mo ang mga katanungan: - Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: -Naipaliliwanag ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos - Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito - Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin - Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may suliranin (dilemma) sa layunin, paraan (kilos) at sirkumstansiya nito ### B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman - Gawain 1: - Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. - Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. - Pasya - Kilos - Kakayahan - Damdamin - Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino? - Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos. - Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran. - Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. - Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama. - Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya't mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy? - Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan. - Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong. - Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos. - Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos. - Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob? - Umunawa at magsuri ng impormasyon. - Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. - Tumulong sa kilos ng isang tao. - Gumabay sa pagsasagawa ng kilos. - Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya? - Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan. - Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. - Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. - Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos. - Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin? - Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos. - Ito ang pinakatunguhin ng kilos. - Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos. - Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. - Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil - kinuha niya ito nang walang paalam - kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang - ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang - ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto - May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon? - Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. - Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. - Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama. - Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. - Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? - Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama. - Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. - Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama. - And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos. - Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? - Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. - Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos. - Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama. - Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. - Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa - Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan. - Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito. - Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa. - Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang. - Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene? - Layunin - Kilos - Sirkumstansiya - Kahihinatnan - Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. - Layunin - Kilos - Sirkumstansiya - Kahihinatnan - Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito? - Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita. - Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya. - Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit. - Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit. - Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos? - Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. - Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos. - Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos. - Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos. - Gawain 2: - Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. - Sitwasyon 1: May markahang pagsusulit si Erick. Siya ay pumasok sa kaniyang silid at nagbasa ng kaniyang mga napag-aralan. - Sitwasyon 2: Magaling sa asignaturang Matematika si Glenda. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga kompetisyon at palagi siyang nananalo. Siya ay nagtuturo sa kapuwa niya kamag-aral na mahina sa asignaturang Matematika tuwing hapon bago siya umuwi. - Sitwasyon 3: Si Jomar ay malungkot dahil naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan siya ng kaniyang barkada at niyayang mag-inuman sila ng alak sa bahay ng isa pa nilang barkada. Dahil nag-iisa si Jomar at nalulungkot, siya ay nakipa - Sitwasyon 4: Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni Kim at itinago. - Sagutin ang mga tanong: - Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon? - May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 4? Ipaliwanag. - Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o sitwasyon 3 at 4? Patunayan. - Gawain 3: - Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung mabuti o masama ang ginawang pasiya o kilos ng tauhan: - Nanalo si Mang Philip bilang baranggay captain sa kanilang lugar. Wala siyang inaksayang oras upang ibigay ang sarili sa kaniyang paglilingkod nang buong katapatan. - Nais ni Jaymee matulungan ang kaniyang kamag-aral na pumasa kaya't pinakopya niya ito sa kanilang pagsusulit. - Habang nasa loob ng simbahan si Pol at Andrew ay pinag-uusapan nila ang kanilang kamag-aral na di umano'y nakikipagrelasyon sa kanilang guro. - Si Mang Gerry ay matulungin sa kaniyang mga kapitbahay. Ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay galing sa pagbebenta niya ng ipinagbabawal na gamot. - Sagutin ang mga tanong: - Sino-sino sa tauhan ang nagpakita ng mabuting kilos? Sino-sino ang hindi? - Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatwiranan. - Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa ng mga tauhan sa bawat sitwasyon? ### C. Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa - Gawain 4: - Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagpapakita ng iyong kilos. Isulat ito sa loob ng kahon. - Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ng iyong pasiya o kilos sa sitwasyon. - Gawain 5: - Maglaan ng 15 minuto kung kailan maaari mong gunitain ang mga isinagawa mong kilos. Gawin mo ito nang dalawang beses sa loob ng isang araw, sa tanghali pagkatapos kumain at sa gabi bago matulog . - Pagnilayan ang sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang iyong sagot: - Ano ang layunin ko sa aking isinagawang kilos? Paano ko ito isinagawa? - Ano ang paninindigan at mga pagpapahalagang ipinakita ko sa aking kilos? - Ano ang naramdaman ko sa aking isinagawang kilos? - Ano ang maaari kong gawin sakaling bigo akong maipakita ang mabuting paninindigan at mataas na pagpapahalaga? - Paano ko maisasabuhay ang mabuting paninindigan at mataas na pagpapahalaga? ### Pagsasabuhay - Gawain 6: - Mula sa mga aral na nakuha mo sa modyul na ito, maaari kang gumawa ng isang pocket reminder na naglalahad ng mga paraan kung paano makabubuo ng mabuting paninindigan at makapipili ng mas mataas ng pagpapahalaga sa bawat kilos. - Maaari mong hingin ang opinyon ng iyong mga magulang, guro, at iba pang nakatatanda upang higit na maging makabuluhan at makatotohanan ang mga paraang itatala mo. Maaaring tanungin ang magulang, kapatid, kaibigan, o kapitbahay sa pagpili ng paninindigan at mas mataas na halaga sa mga gagawin. - Ipakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng pocket reminder. ## Modyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga ### A. Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? - Inaasahang masasagot mo ang mga katanungan: - Ano-anong turo o pananaw ang maaaring gamiting batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos? - Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: - Natutukoy ang batayan ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga - Nakapagsusuri kung paano paiiralin ang mas mataas na pagpapahalaga sa isang sitwasyon na may conflict - Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin - Naitatama ang isang maling kilos sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na hakbang gamit ang paninindigan, gintong aral, at mas mataas na pagpapahalaga ### B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman - Gawain 1: - Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel. - Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant? - ang mabuting bunga ng kilos - ang layunin ng isang mabuting tao - ang makita ang kilos bilang isang tungkulin - ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos - Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi, at kilos? - Isip - Damdamin - Kilos-loob - Saloobin - Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin? - Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon. - Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit. - Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan. - Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon. - Anong paninindigan ang ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral? - Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan. - Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman. - Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan. - Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan. - Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin? - Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong tangkilikin - Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda. - Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa panahon ng halalan. - Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda. - Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa: - Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti. - Hindi ito katangap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin. - Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas na marka. - Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay. - Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Max Scheler? - nakalilikha ng iba pang halaga - nagbbabago sa pagdaan ng panahon - mahirap o di-mabawasan ang kalidad - malaya sa organismong dumaranas nito - Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler, ang pangongopya ay - Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa. - Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumagawa. - Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan. - Mali, dahil maaari kang mapagalitan ng guro. - Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos? - Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya. - Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo. - Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo. - Lahat ng nabanggit - Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga? - Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila. - Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili. - Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod. - Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama. ### B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman - Gawain 2: - Panoorin ang palabas na "The Unsung Hero" sa Youtube. (https://www.youtube.com/watch?v=cZGghmwUcbQ) - Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: - Batay sa palabas, ano ang kahulugan ng tungkulin? - Sa iyong palagay, maaari bang gamiting batayan ang tungkulin sa paghusga ng kabutihan at kasamaan ng kilos? Ipaliwanag. - Bakit itinuturing na mataas na pagpapahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa? ### C. Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa - Gawain 3: - Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Tuklasin mo ang iyong gagawing pagkilos kung ikaw ang maharap sa ganitong pangyayari. - Suriin mabuti ang iyong kilos. Tukuyin ang mga pagpapahalaga na ipakikita mo sa bawat kilos na isasagawa mo. - Tayahin kung nagpapakita ang iyong kilos ng pag-iral ng mataas na pagpapahalaga. - Isulat ang mga hakbang kung paano mo matitiyak ang pag-iral ng mataas na pagpapahalaga sa bawat sitwasyon. - Gamiting gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. - Sitwasyon A: Inanyayahan si Kyle ng kaniyang mga kaibigan na maglaro ng basketbol pagkatapos ng klase. Matagal na rin mula ng huli siyang sumama sa lakad ng mga kaibigan at nami-miss na rin niya ang paglalaro. Alam niya na mahigpit na ipinagbabawal ng kaniyang ama ang pamamalagi sa labas, lalo na kung gabi na. Ngunit naisip ni Kyle na kung tatanggihan niya ang kaniyang mga kaibigan, maaaring magtampo sa kaniya ang mga ito at hindi na siya iimbitahan pa sa alinmang lakad. Ano ang gagawin mo kung ikaw si Kyle? - Sitwasyon B: Isa ka sa mga sumisikat na batang aktor sa inyong henerasyon at mapalad na napiling gumanap sa isang palabas sa telebisyon. Nang mabasa mo ang script, naisip mong may ilang eksenang hindi ka komportableng gawin. Ngunit ayon sa director, kung nais mong magpatuloy ang iyong pagsikat, dapat mong sundin ang script at gawin ang papel mo, mabuti o masama man ito sa paningin ng iba. Ipinaalala niya na marami ang naghihintay ng pagkakataong sumikat at gampanan ang papel na ibinigay sa iyo. Ano ang gagawin mo? - Sitwasyon C: Paborito mong tiyuhin si Bert, kahit may isyu siya sa alkoholismo. Habang naglalakad ka pauwi mula sa paaralan, napadaan siya dala ang kaniyang sasakyan at inanyayahan kang ihatid sa inyong bahay. Napansin mong nakainom siya at maaaring maaksidente kayo kung sasakay ka. Ngunit naisip mong madilim na at wala ka na ring kasabay sa paglalakad pauwi. Tulad ng nauna mong naisip, nakabangga siya ng isang puno ngunit mapalad pa ring walang malubhang nasaktan sa inyong dalawa maliban sa ilang gasgas sa iyong braso. Nakiusap ang Tito Bert mo na huwag nang sabihin sa mga magulang mo ang nangyari. Napansin ng iyong ina ang mga gasgas mo sa braso pagkarating mo sa bahay. Ano ang gagawin mo? ### C. Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa - Gawain 4: - Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat sa Gawain Bilang 1. Suriin kung ang bawat isa ay kung naging mapanagutan ba sa iyong piniling pasiya at ito ba ay nagpakita ng makataong kilos. - Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. ### D. Pagpapalalim - Basahin ang sanaysay: **Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang Moral na Pagpapasiya** ## Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya ### A. Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? - Inaasahang masasagot mo ang mga katanungan: - Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: - Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya - Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos - Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto - Nakapagsusuri ng sariling mga kilos at pasiya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang mga kilos o pasiya ### B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman - Gawain 1: - Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. - Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino? - Isip at Kilos-loob - Intensiyon at Layunin - Paghuhusga at Pagpili - Sanhi at Bunga - Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose? - Intensiyon ng layunin - Nais ng layunin - Pagkaunawa sa lay - Praktikal na paghuhusga sa pagpili - Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba't ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose? - Intensiyon ng layunin - Pagkaunawa sa layunin - Paghuhusga sa nais makamtan - Masusing pagsusuri ng paraan - Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya? - Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay. - Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos. - Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan. - Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili. - Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? - Upang magsilbing gabay sa buhay. - Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. - Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin. - Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. - Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya? - Tingnan ang kalooban - Magkalap ng patunay - Isaisip ang posibilidad - Maghanap ng ibang kaalaman