Filipino 7 RUQA Quarter 3 PDF
Document Details
![FastestGrowingIdiom](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-16.webp)
Uploaded by FastestGrowingIdiom
2024
Tags
Related
Summary
This document contains a Filipino 7 RUQA past paper, covering questions about Philippine literature and culture during the Spanish colonial period. The exam is for the third quarter, and the questions are designed to test comprehension of topics like literary forms and cultural influences.
Full Transcript
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit – Filipino 7 Pangalan:_____________________________ Seksiyon: _________________ Paaralan:_______________________________ Sangay: ________________ PANGKA...
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit – Filipino 7 Pangalan:_____________________________ Seksiyon: _________________ Paaralan:_______________________________ Sangay: ________________ PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag/ tanong at piliin ang titik na katumbas sa iyong sagot. 1. Anong paksa ang lumutang sa panitikan sa panahon ng Espanyol? a. paghihimagsik at pag-ibig b. pag-ibig at pananampalataya c. pananampalataya at paghihimagsik d. wala sa nabanggit 2. Ang akdang Pasyon ay nasa anyong __________ ng panitikan. a. dula b. tula c. awit d. korido 3. Ang nagbigay-daan sa malalim at makulay na bahagi ng panitikan ng Pilipinas noong ika-16 na siglo. a. ugnayang Espanyol at Pilipino b. ugnayang Amerikano at Pilipino c. ugnayang Hapon at Pilipino d. ugnayang Espanyol at Hapon 4. Pagsapit ng ika-17 na siglo tuluyang napalitan ang Baybayin ng alpabeto ng mga Kastila na Abecedario, ano ang naging isa sa mga epekto nito? a.Ang mga panitikan sa panahong ito ay nakasulat pa rin sa Baybayin b. Ang iba’t ibang wika sa Pilipinas ay isinulat gamit ang Abecedario c. Nawala ang pagkakilanlan ng mga Kastila d. wala sa nabanggit 5. Paano naging mahalagang bahagi ng misyon ng mga Espanyol ang dulang "Moros y Cristianos" ni Juan de la Concepcion sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas, at alin sa mga sumusunod na aspeto ang pinaka-maimpluwensya sa pagtanggap ng mga tao sa dulang ito? a. Ang makulay at nakakaaliw na pagsasayaw ng mga prinsesa at kabalyero b. Ang pagkakaroon ng moral na mensahe na nagsusulong ng Kristiyanismo c. Ang aktibong partisipasyon ng mga lokal na tao sa mga dula d. Ang pagkakaroon ng matibay na suporta mula sa simbahan at mga misyonary 6. Kailan naisulat ni Gaspar Aquino de Belen ang akdang Pasyon? a. 1704 b. 1814 c. 1856 d. 1750 7. Bakit sinasabing karamihan ng mga akda noong panahon ng pananakop ng Espanyol ay may tunggalian sa pagitan ng Kasamaan at Kabutihan? a. Ayon sa mga Espanyol bago sila dumating ay puro kasamaan ang bansa at sa kanilang panahon ay ang panahon ng kabutihan. b. Walang diyos ang mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. c. Mangmang ang mga Pilipino noon. 2 d. Lahat ng nabanggit. 8. Ano ang malaking ambag ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas? a. panitikan b. relihiyon c. edukasyon d. alpabetong Alibata o Baybayin 9. Ito ay tumutukoy sa responsibilidad ng isang tao o organisasyon na kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo ng moralidad, integridad, at pagiging makatarungan. a. Pagtuturo ng moralidad sa paaralan b. Pagsunod lamang sa batas ng lipunan c. Pagiging palaging tama sa lahat ng panahon d. Pagkilos na naaayon sa prinsipyo ng moralidad at integridad 10. Ano ang tekstong biswal? a. Isang anyo ng teksto na nakabatay sa salita lamang b. Isang uri ng teksto na pawang gumagamit ng mga tunog c. Isang uri ng teksto na nakabatay sa tradisyunal na panitikan d. Isang uri ng teksto na gumagamit ng mga larawan at iba pang elemento. 11. Ano ang story board? a. Isang software application na ginagamit sa pag-edit ng video at pelikula. b. Isang pahayag na naglalarawan sa pangyayari sa kuwento. c. Isang uri ng musical score na ginagamit sa pelikula upang magbigay emosyon sa mga eksena. d. Isang tool na ginagamit sa pagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga eksena at kaganapan gamit ang mga dibuho o sketches. 12. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit naging mahalaga ang Pasyon sa konteksto ng panitikan sa Pilipinas noong panahon ng mga mananakop? a. Upang itaguyod ang mga lokal na tradisyon at kultura b. Upang ipalaganap ang bokabularyong panrelihiyon sa mga tao c. Upang magsilbing libangan sa mga tao tuwing Mahal na Araw d. Upang ituro ang mga aral sa moralidad at etika 13. Ano ang mga pangunahing kontribusyon ng Pasyon sa pag-unlad ng panitikan at bokabularyong panrelihiyon sa Pilipinas noong panahon ng mga mananakop? a. Nagbigay ito ng pagkakataon para sa mga tao na maunawaan ang mga aral ng Kristiyanismo b. Nagsilbing inspirasyon para sa mga makabagong akda sa panitikan c. Nagpalawak ito ng bokabularyong panrelihiyon sa lokal na wika d. Nagsulong ito ng mga tradisyunal na kwento at alamat ng mga Pilipino 14. Paano nagbigay ng mas malalim na kahulugan ang Pasyon sa mga Pilipino sa konteksto ng kanilang pananampalataya at kultura, at anong mga elemento ng anyong ito—tulad ng estruktura, tema, at paraan ng pag- awit—ang tumulong upang maging mahalaga ito sa mga ritwal tuwing Mahal na Araw? a. ang pagkakaroon ng naratibong porma na nagpapakita ng buhay ni Kristo b. Ang estruktura ng mga saknong na may limang linya at walang hang pantig c. Ang paraan ng pag-awit na nagdadala ng emosyon at koneksyon sa mga tao d. Ang paggamit ng lokal na wika na nagpapalapit sa mensahe sa mga Pilipino 15. Ano ang logo? a. Isang simbolo c. Isang gawain b. Isang pangitain d. Isang takdang-aralin 16. Ano ang tawag sa mga tula na isinulat ng mga Pilipino upang ipahayag ang kanilang damdamin sa panahon ng kolonyalismo? 3 a. Awit c. Balagtasan b. Korido d. Tulang Makabayan 17. Bakit sinasabing karamihan ng mga akda noong panahon ng pananakop ng Espanyol ay may tunggalian sa pagitan ng Kasamaan at Kabutihan? a. Ayon sa mga Espanyol bago sila dumating ay puro kasamaan ang bansa at sa kanilang panahon ay ang panahon ng kabutihan. b. Walang diyos ang mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. c. Mangmang ang mga Pilipino noon. d. Lahat ng nabanggit. 18. Paano naging kasangkapan ang panitikan ng diwang Makabayan sa panahon ng Espanyol? a. Nagawa ng mga Pilipino na ipahayag ang kanilang damdamin,mithiin,at pagnanais para sa Kalayaan. b.Nakikita ang kanilang pagmamahal sa bayan c. Nagawa ng mga mamamayan na isadula ang mga pangyayari sa kanilang buhay d. Naging k asangkapan ito sa pag -angat ng mga Pilipino 19. Ano ang papel ng mga akdang panrelihiyon sa pagpapalaganap ng mga aral at paniniwala ng isang relihiyon? a. Pagpapakita ng mga kwento ng mga banal na tao b. Pagpapalaganap ng mga ritwal at seremonya c. Pagbibigay-diin sa pagiging banal ng mga lider relihiyoso d. Pagpapahayag ng mga katuruan at prinsipyo ng pananampalataya 20. Sino ang may-akda ng akdang Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza? a.Jose Rizal b. Andress Bonifacio c. Presbitero D. Modesto de Castro d. Jose de la Cruz 21. Ano ang pangunahing layunin ng mga dula tulad ng Senakulo at Moro- moro sa konteksto ng pananampalataya sa Pilipinas? a. Upang ipakita ang kasaysayan ng mga lokal na tradisyon at kaugalian b. Upang ipalaganap ang mensahe ng Kristiyanismo at ipakita ang tagumpay nito c. Upang magbigay ng aliw at libangan sa mga tao tuwing kapistahan d. Upang itaguyod ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa ilalim ng iisang relihiyon 22. Ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na isinasagawa ang mga tradisyon tulad ng Flores de Mayo at Santacruzan sa Pilipinas, at alin sa mga sumusunod na aspeto ang pinaka-nakikita mong mahalaga sa pag-unawa sa kanilang kahulugan? a. Ang paggalang at pagdakila sa Birheng Maria at sa Kristiyanismo b. Ang pagbuo ng komunidad at pakikilahok ng mga tao sa mga aktibidad c. Ang pag-usbong ng mga lokal na talento at mga magagandang dalaga d. Ang paglinang ng kultura at tradisyon sa mga pagdiriwang 23. Paano nakatulong ang estruktura at tema ng Korido sa pagbuo ng isang natatanging anyo ng panitikan sa Pilipinas? a. Ang pagkakaroon ng tunog at ritmo na nagpapadali sa pagbigkas at pag-alala b. Ang paglikha ng mga kwentong makabuluhan na tumatalakay sa mga halaga ng kagitingan at kabayanihan c. Ang pagsasalin ng mga impluwensyang Mehikano at Kastila sa lokal na panitikan d. Ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga lokal na alamat at kababalaghan 4 24. Sa Sanaysay ni Andress Bonifacio na “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog “ ano ang pinapaksa nito? a. Ang konteksto ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas b. Ang Pagkakaroon ng Kalayaan sa Pilipinas c. Ang pagdating ng mga Amerikano sa bansa d. Ang Kristiyanismo 25. Paano maiaangkop ang mga prinsipyo ng wastong asal at mga pamantayan sa pakikipag-ugnayan sa lipunan na matatagpuan sa akdang pangkagandahang-asal sa mga kontemporaryong pakikipag-ugnayan sa lipunan? a. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tradisyonal na panuntunan anuman ang konteksto b. Sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga pangunahing halaga ng paggalang,pakikiramay at pagsaalang-alang sa mga modernong sitwasyon c. Sa Pamamagitan ng pagtanggi sa lahat ng tradisyunal na pamantayan d. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga akda bilang gabay upang manipulahon ang mga sitwasyon sa Lipunan 26. Paano naiiba ang dulang panrelihiyon sa mga dula na may ibang paksa? a. Sa pagpapakita ng mga mitolohiya at kuwento ng mga banal na tao b. Sa pagtuturo ng mga prinsipyo at tuntunin ng moralidad c. Sa pagpapakita ng mga kwento ng pag-ibig at pakikipagsapalaran d. Sa pagpapahayag ng mga pangyayari at aral mula sa banal na kasulatan 27. Bakit mahalaga ang pagsasaliksik ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang batis bago magsulat ng dokumentaryong panradyo? a. Upang makahanap ng mga impormasyon na hindi totoo. b. Upang mas madaling makagawa ng dokumentaryo kahit na walang batayan. c. Upang matiyak na ang impormasyon ay wasto at maaasahan, na nagbibigay ng kredibilidad sa iyong sinulat. d. Upang hindi na kailangang banggitin ang mga personalidad sa mga detalye. 28. Anong akda ang nagtatanghal o nagpapakita ng labanan ng mga Kristiyano at Moro? a.Senakulo b.Pasyon c. Moromoro d.Tibag 29. Ano ang relihiyong itinatag ng mga Kastila sa Pilipinas? a. Kristiyanismo b. Paganismo c. Budhismo d. Wala sa nabanggit 30. Ano ang hinahanap ni Sta. Elena sa dulang panrelihiyon na tinatawag na Tibag ? a. Ang panyo ni Santa Maria b. Ang Libingan ng Panginoong Hesus c. Ang mahal na krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Kristo d. Ang mga taong may banal na puso 31. Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o impormasyon. a.survey b.panayam c.pagbabalita d.internet 32. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa katangian ng balita na kinakailangang naglalaman ng katotohanan? a. Ang mga impormasyon ay maaaring maglaman ng opinyon at haka- haka. b. Ang mga datos ay dapat na maayos na inilahad at walang labis o kulang. 5 c. Ang balita ay dapat magbigay ng patas na pagtingin sa lahat ng panig. d. Ang mga impormasyon ay dapat na totoong nangyari at batay sa mga ebidensyang makikita. 33. Paano magkakaugnay ang katotohanan at kawastuhan sa mga katangian ng balita? a. Ang katotohanan ay mas mahalaga kaysa sa kawastuhan dahil ito ay nag-uugnay sa mga opinyon. b. Ang katotohanan at kawastuhan ay parehong naglalayong tiyakin na ang impormasyon ay tumpak at maaasahan. c. Ang kawastuhan ay maaaring balewalain kung ang impormasyon ay totoo. d. Ang katotohanan at kawastuhan ay walang kaugnayan sa isa’t isa. 34. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-mahusay na nagpapakita ng ugnayan ng lahat ng katangian ng balita (katotohanan, kawastuhan, katimbangan, at kaiklian) sa pagbuo ng isang maaasahang balita? a. Ang lahat ng katangian ng balita ay mahalaga, ngunit ang katotohanan lamang ang dapat bigyang-diin upang masigurong ang mga impormasyon ay totoong nangyari. b. Ang kawastuhan at katotohanan ay nakasalalay sa pagsisiyasat ng mga datos, habang ang katimbangan at kaiklian ay nag-aambag sa pagbibigay ng malinaw na impormasyon sa mga mambabasa. c. Ang katimbangan ay hindi gaanong mahalaga, basta’t ang mga datos ay totoo at maikli, sapat na ito para sa isang balita. d. Ang kaiklian ay nagiging pangunahing katangian sa lahat ng pagkakataon, kaya’t hindi na kailangan ang kawastuhan at katotohanan. 35. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga tauhan sa dulang panrelihiyon? a. Makamit ang kanilang personal na ambisyon b. Ipaglaban ang kanilang relihiyosong paniniwala c. Magkaroon ng kapangyarihan at yaman d. Mapanatili ang kanilang posisyon sa Lipunan 36. Bakit dapat bigyang pansin ang dulang panrelihiyon sa larangan ng sining? a. Upang maunawaan ang kasaysayan ng relihiyon b. Upang maipakita ang galing ng nga manunulat c. Upang magbigay -aral ng kultura at tradisyon d. Upang higit na maunawaan ang moral na aral ng pananampalataya 37. Bakit kailangang isama ang pananampalataya bilang bahagi ng pag- aaral sa sining at kultura? a. Dahil ang pananampalataya ay hindi importante sa pag -unlad ng kultura b. Dahil hindi maaaring magbigay inspirasyon ang pananampalataya sa mga manunulat c. Dahil ang pananampalataya ay mahalaga sa paghubog ng pagkakilanlan ng isang lipunan d. Dahil hindi maaaring magkaroon ng magandang musika sa dulang panrelihiyon. 38. Bakit mahalaga ang mga elemento ng tekstong biswal tulad ng kulay, hugis, anyo, at pattern sa pagbibigay ng kahulugan at mensahe sa isang larawan? a. Dahil nagbibigay ito ng aesthetic appeal na hindi mahalaga sa mensahe. b. Dahil ang mga elementong ito ay tumutulong sa mga mambabasa na maunawaan ang konteksto at damdamin ng nilalaman. c. Dahil ang mga ito ay ginagawang mas mahirap intindihin ang mensahe ng larawan. 6 d. Dahil walang kinalaman ang mga elementong ito sa pagbibigay ng impormasyon. 39. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa mga elemento ng tekstong biswal at kanilang papel sa pagbibigay ng kahulugan sa larawan? a. Ang kulay at hugis ay maaaring magpahayag ng emosyon at tema ng larawan. b. Ang kapal o nipis ng guhit ay hindi mahalaga sa kabuuang mensahe ng tekstong biswal. c. Ang dami at pattern ng guhit ay nakakaapekto sa pagiging kumplikado ng mensahe, ngunit hindi sa kahulugan. d. Ang anyo ng larawan ay hindi kailanman nakakaapekto sa pag-unawa ng mambabasa. 40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-mahusay na naglalarawan kung paano nakakatulong ang mga elemento ng tekstong biswal sa pagpapahayag ng mensahe at kahulugan sa isang larawan? a. Ang mga elemento ng tekstong biswal ay maaaring gamitin nang hiwalay at hindi kailangang isaalang-alang ang kanilang interaksyon upang maipahayag ang mensahe. b. Ang pagkakaayos at paggamit ng kulay, hugis, anyo, at iba pang elemento ay nagtutulungan upang lumikha ng isang coherent na mensahe na nagbibigay-diin sa tema at damdamin ng larawan. c. Ang mga elemento ng tekstong biswal ay hindi nakakaapekto sa pag- unawa ng mambabasa, kaya’t ang mga ito ay maaaring balewalain. d. Ang anumang elemento sa tekstong biswal ay sapat na upang makabuo ng isang kumplikadong mensahe nang hindi kailangan ng iba pang bahagi. 41. Ang mga sumusunod na kasanayan ay dapat paunlarin sa pagsusuri ng tekstong ekspositori maliban sa isa. a. Pag-unawa sa pamagat b. Kakayahang magbasa nang may pag-unawa c. Kakayahang magpapalawak ng ideya d. kakayahang gumuhit 42. Bakit mahalaga ang kasanayang pang-akademik sa pagsusuri ng tekstong ekspositori? a. Makakatulong ito sa pagpapalawak ng kaalaman at sap ag-unawa sa mga konsepto b. Mapapabilis nito ang paglalahad sa mga konsepto c. Makakatulong ito sa pagpapalalim ng argumento d. Lahat ng nabanggit 43. Bakit may mahalagang bahaging ginagampanan ang pagbasa sa paghahasa ng talino ng tao.? a. Kailangan ang mauunawaang pagbasa tungo sa ganap na pag-unawa ng ano mang disiplinang saklaw ng kaalaman ng tao. b. Ang pagbasa ay isang makrong kasanayang binubuo ng mga kaugnay na kasanayan. c. May mga kasanayang kailangan linangin upang maging epektibo na mambabasa. d. Lahat ng nabanggit 44. Paano maaaring paunlarin ang kasanayang pang-akademik sa pagsusuri ng tekstong ekspositori? a. Pagbabasa at pag-unawa ng tekstong ekspositori b. Pagsasanay sa pagbuo ng balangkas o banghay c. Pagsasanay sa pagsulat ng buod o pagsusuri d. Lahat ng nabanggit 45. Ano ang layunin ng isang balita sa larangan ng midya? a. Magbigay ng impormasyon at balita sa publiko b. Maglahad ng personal na opinyon at damdamin c. Magpakita ng imahinasyon at kathang- d. Magpahayag ng emosyon at damdamin ng manunulat 7 46. Bakit magiging makabuluhan ang isang comic book brochure kapag ito ay naipapakita at naibabahagi sa napiling platform? a. Dahil ang mga mambabasa ay mas interesado sa mga visual kaysa sa teksto. b. Dahil ito ay nagbibigay-daan sa mas malawak na pag-unawa at koneksyon sa mga tema at tauhan. c. Dahil ang mga platform ay hindi mahalaga sa nilalaman ng brochure. d. Dahil mas madaling gumawa ng brochure kung hindi ito ibabahagi. 47. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang pangunahing layunin sa pagbuo ng storyboard para sa comic book brochure? a. Pagsasaayos ng mga ilustrasyon upang maging kaakit-akit ang disenyo. b. Pag-aaral ng epiko upang makilala ang pangunahing tauhan at ang kanyang mga karanasan. c. Pagbuo ng outline ng sanaysay na hindi nakatuon sa tauhan. d. Pagsasama ng mga personal na opinyon tungkol sa epiko. 48. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang mahalaga upang masiguro na ang mga eksena ay nagpapakita ng pag-unlad ng kwento? a. Pagpili ng mga pangyayari na pinakamahalaga at nagbibigay-diin sa mga yugtong nais ipakita. b. Pagguhit ng thumbnail o sketches na hindi tumutukoy sa mga eksena. c. Pagsasaayos ng mga ilustrasyon nang walang pagkakaayos ng kwento. d. Pagbuo ng outline na hindi isinasama ang mga tauhan. 49. Bakit mahalaga ang pag-aayos ng mga eksena sa storyboard? a. Upang magkaroon ng mas komplikadong daloy ng kwento. b. Upang matukoy ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at tiyaking malinaw ang daloy ng kuwento. c. Upang makagawa ng mas maraming sketches na walang kinalaman sa kwento. d. Upang ipakita ang lahat ng ideya kahit hindi ito nauugnay sa tema 50. Ano ang katangian ng isang responsableng pamamahayag? a. Ang sistematiko at mahusay na pagkuha ng impormasyon b. Ang paglalahad ng impormasyon c. Ang Pagsusuri ng mga datos o detalye d. Ang pagkalat ng mga pangyayaring naganap ____________________________________________________________________________ Binabati kita! Natapos mo ang pasulit! ______________________________________________________________________________