Filipino - Unang Markahan - Aralin 4 - Epiko ng Iraq

Document Details

Uploaded by Deleted User

Cristina S. Chioco

Tags

Filipino Literature Epiko ni Gilgamesh Mesopotamian Epics Philippine Literature

Summary

This document is a summary of the Filipino translation of the Epic of Gilgamesh. It details the story of Gilgamesh, the king, and his relationship with Enkido. The story includes their adventures and reflections on life and death.

Full Transcript

Filipino Unang Markahan – Aralin 4: Epiko ng Iraq / Sinaunang Mesopotamia (Panitikang Mediterranean) 1 Aralin Epiko mula sa Iraq / 4 Sinaunang Mesopotamia Panitikan: Epiko ni Gi...

Filipino Unang Markahan – Aralin 4: Epiko ng Iraq / Sinaunang Mesopotamia (Panitikang Mediterranean) 1 Aralin Epiko mula sa Iraq / 4 Sinaunang Mesopotamia Panitikan: Epiko ni Gilgamesh Epiko ni Gilgamesh Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao.Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso,patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlaki ni Gilgamesh, si Enkido na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang- amok ang dalawa nang sila’y magkita. Nanalo si Gilgamesh, ngunit sa bandang huli naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon, naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalang paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na mamamatay sa matinding karamdaman. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa puno ng Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba at ngayon, tignan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan,nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng mga kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang kaniyang mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na kung sinoman ang mapunta roon ay hindi na makababalik pa”. Sa bahay, kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luwad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon, sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo at naroon si Etana, ang 2 hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang reyna ng kalaliman at si Belit- Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagpadala sa iyo rito” Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag- iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit at pinunasan ang luha ng kaniyang kaibigan. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino ang makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-panani- paniwalang mga pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan ay maaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya at ang kaniyang mga mata’y halos ‘di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. 3) Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala. Kahulugan ng Epiko Epiko ang tawag sa tulang pasalaysay na naglalahad ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhang nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao? Ang karaniwang paksa nito ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma. Ang salitang epiko ay galing sa salitang Greek na “epos” na nangangahulugang “salawikain o awit” ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihang isinasalaysay. Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit. 3 Kasaysayan ng Epiko Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna- unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk. Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BCE. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odyssey. Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Imperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din si Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland. Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ika-19 siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang “The Nibelungenlid”. Ang huli ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German. Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Ito ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng mga Ilocono, Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba. Kahalagahan ng Epiko Ang mga epiko ay mayroon pa ring lugar sa buhay ng mga katutubong minorya at kinakanta sa panahon ng pagtitipon, tulad ng kasalan at lamayan. Umaaliw sa komunidad ng kapuri-puring gawain ng kanilang mga ninuno. Naghahatid sa mga kaugalian at paniniwala ng mga nakaraang henerasyon, madalas ay nagbibigay ng halimbawa para sa mga susunod na henerasyon. Ang mga epikong Pilipino ay binibigyan ng diin ang tema katulad ng matibay na bigkis sa relasyon, palitan at pagtutulungan, isang malalim na kahulugan ng komunidad, etnikong pagpapahalaga, at pagmamahal sa kalayaan. Sa pamamagitan ng epiko, ang sambayanan ay naghahatid ng alaala ng mga ninuno, isang lubos at malayang daigdig at ang tunay na anyo nito sa mundo. Mga Elemento ng Epiko 1. Sukat at Indayog – Tumutukoy ang sukat sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong samantalang ang indayog ay ang diwa ng tula. 2. Tugma – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasingtunog. 3. Saknong – Ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod ng isang tula. Tinatawag din itong taludturan. 4. Matatalinghagang salita – ito ay tinatawag ring idyomang may kahulugan taglay na naiiba sa karaniwan. Di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga ito. 5. Banghay – Ito ay ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayaring maaaring maging payak o komplikado. Binubuo ito ng simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas. 6. Tagpuan – lugar o panahong kung kailan ginanap ang mga pangyayari. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng linaw sa paksa, banghay at mga tauhan. 4 Kadalasang sa sinaunang kapanahunan ito naganap at puno ng misteryo. 7. Tauhan – Ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng desisyong nagpapatakbo ng epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng pambihira o di-pangkaraniwang kapangyarihan. Aralin Wika at Gramatika: Mga Panandang Pandiskurso bilang 4.1 Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari Panandang Pandiskurso ang tawag sa mga salita o lipon ng mga salitang nag- uugnay sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. Ito ay nagbibigay-linaw at nag- uugnay ng mga kaisipang inilahad sa isang teksto o diskurso. Ito ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay, panghalip at iba pang bahagi ng pananalita. Uri ng Panandang Pandiskurso 1. Mga Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari Mga Halimbawa: a. Sa pagsisimula – Una, sa umpisa, noong una, unang-una b. Sa gitna – ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos c. Sa pagwawakas – sa dakong huli, sa huli, sa wakas 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso Mga Halimbawa: a. Pagbabagong-lahad – sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag, kung iisipin Sa kabilang dako, pinatay nila si Humbaba, pinatag nila ang kagubatan pati ang pagtangkang siraan ang diyosang si Ishtar ay kanilang ginawa. b. Pagtitiyak o Pagpapasidhi – siyang tunay, tulad ng, sumusunod, sa kanila, walang duda Walang dudang naging matalik na magkaibigan sina Gilgamesh at Enkido. c. Paghahalimbawa – halimbawa, nailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito ay, gaya ng, tulad ng Iba’t ibang pakikipagsapalaran ang ginawa nina Gilgamesh at Enkido gaya ng pagpatag sa kagubatan, pagpaslang sa halimaw at paggapi sa toro ng diyosa. d. Paglalahat – bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa kabuoan, sa lahat ng mga ito Sa kabuoan, lubos na naghinagpis si Gilgamesh sa sinapit ng buhay ni Enkido k aya naman ipinagluksa niya ito nang husto. e. Pagbibigay-pokus – bigyang-pansin ang, pansinin ang, tungkol sa Hindi sana siya maparurusahan kung hindi niya inako ang tungkol sa kasalanang hindi naman niya ginawa. 5 f. Pagpupuno o Pagdaragdag – muli, kasunod, din/rin, at, saka, pati Sina Gilgamesh at Enkido ay magkaibigan. g. Pagbubukod o Paghihiwalay – maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa Lahat na yata ng katangian ay taglay ni Gilgamesh maliban sa pagiging abusado sa kapangyarihan. h. Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan – tuloy, bunga nito, kaya naman, kung kaya, kaya nga Hindi kasi siya nag-ingat, tuloy nahuli siya. i. Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali - kapag, sakali, kung Sasang-ayon ako sa pakiusap niya kapag napatunayan kong tapat siya 6

Use Quizgecko on...
Browser
Browser