2024 FSPL-PPT-WEEK1-AKADEMIK PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Lawrence F. Cobrador
Tags
Summary
This presentation discusses reading comprehension strategies, including skimming, brainstorming, and summarizing. It also looks at different theoretical approaches to understanding reading. There is also a discussion regarding metacognitive reading approaches.
Full Transcript
UNANG LINGGO Mapanuring pagbasa Mga estratehiya sa pagbasa Metakognitibong pagbasa Proseso ng metakognitibong pagbasa Think, Pair and Share Humanap ng kapareha pagkatapos sa loob ng limang minuto ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng mga hindi malilimutang akda na kanilang nabasa. Pipili lamang ng p...
UNANG LINGGO Mapanuring pagbasa Mga estratehiya sa pagbasa Metakognitibong pagbasa Proseso ng metakognitibong pagbasa Think, Pair and Share Humanap ng kapareha pagkatapos sa loob ng limang minuto ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng mga hindi malilimutang akda na kanilang nabasa. Pipili lamang ng pahayag na tumatak sa kanila at ipapaliwanag ito kung bakit 2 MAPANURING PAGBASA + Ang Tekstong Akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo at mapamaraang pagbasa. 3 MAPANURING PAGBASA + Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang. 4 MAPANURING PAGBASA + Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinahayag ng teksto. 5 MAPANURING PAGBASA + Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalaman ng mambabasa. 6 MAPANURING PAGBASA + Maparaan dahil maaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto. 7 Mga Estratehiya + Skimming + Brainstorming + Previewing, Contextualizing,Questioning, Outlining, Summarizing, Evaluating, Comparing and Contrasting + Questioning + Summarizing 8 Mga Estratehiya + Skimming - Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa. Nararapat na tandaan na ang mag estratehiyang nabanggit ay para sa pagsisimula pa lamang ng pagbabasa upang magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto. 9 Mga Estratehiya + Brainstorming - Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na grupo. Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw ang isyu,sitwasyon,suliranin. Malayang nakukuha ng guro ang mga mungkahi, damdamin, ideya o consensus ng mga kasapi sa talakayan. 10 Mga Estratehiya + Previewing, Contextualizing,Questioning, Outlining, Summarizing, Evaluating, Comparing and Contrasting - Paunang kaalaman tungkol sa teksto bago ito basahin. Hinahayaan nito ang mga mambabasa na magka-ideya kung tungkol saan at gaano ka organisado ang babasahing teksto. 11 Mga Estratehiya + Questioning - Naglalaan ng mga katanungan para sa mas malalimang pagkakaintindi sa teksto. Ito ay ang pagsasaad ng tanong tungkol sa nilalaman ng teksto. Ang iyong mga nabasa sa klase ay maaring makaimpluwensiya sa iyong ugali, pinanghahawakang prinsipyo at ang pinaninindigang posisyon sa buhay. 12 Mga Estratehiya + Summarizing - nag- uumpisa sa nabuong outline kung saan ito ay ang buod ng buong argumento ng teksto sa pinaikling babasahin. Ito ay sinusuri ang pagiging lohikal ng teksto at ang kredibilidad at ang epektong pang- emosyonal nito. 13 Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa Ni Lawrence F. Cobrador + Tatlong teorya, pananaw o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto kaugnay sa pagbasa: 14 Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa Ni Lawrence F. Cobrador + Tatlong teorya, pananaw o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto kaugnay sa pagbasa: + Tradisyunal na pananaw + Pananaw na kognitibo + Metakognitibong Pananaw 15 Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa Ni Lawrence F. Cobrador + Tatlong teorya, pananaw o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto kaugnay sa pagbasa: + Tradisyunal na pananaw - kung saan matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya, impormasyon at kahulugan para sa mambabasa. 16 Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa Ni Lawrence F. Cobrador + Tatlong teorya, pananaw o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto kaugnay sa pagbasa: + Pananaw na kognitibo - kung saan may interaksiyon ang mambabasa sa teksto. Bumubuo rin siya ng hipotesis o haka-haka, tinatanggap o hindi tinatanggap ang mga ideya o pahayag sa teksto, nagbibigay interpretasyon sa mga datos, kumukuha ng impormasyong kaugnay ng datos sa teksto mula sa mga dating kaalaman, nabasa, nakita, napanood at narinig. 17 Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa Ni Lawrence F. Cobrador + Tatlong teorya, pananaw o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto kaugnay sa pagbasa: + Metakognitibong Pananaw - Pangunahing katangian nito ang pag-iisip kung ano ang ginagawa habang nagbabasa. estratehiya at teksto ang gabay ng pananaw na ito. 18 Proseso ng Metakognitibong Pagbasa 1. Estratehiya 2. Hanapin at tukuyin ang paksang pangungusap 3. Linawin, bigyang-tuon at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang binabasa ang teksto 4. Piliin, busisiin at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya 5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat 6. Alamin ang gamit na wika 7. Gumawa ng tuloy-tuloy na prediksiyon 8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto 9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon batay sa mga tinukoy sa teksto 19