FIL 061: ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO Module 2 PDF

Summary

This document discusses Tagalog phonology/phonetics. It explores the key components of speech, such as the source of energy, articulators, and resonators. It also details aspects of consonants and vowels, as well as diptonggo and klaster in Tagalog.

Full Transcript

**FIL 061: ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO** **Module \#2: PONOLOJI/PONOLOHIYA** Ang ponoloji/ponolohiya ay pag-aaral sa mga makabuluhang tunog Mauunawaan lamang natin ang tungkol sa ponoloji kung alam natin ang mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng mga tunog. Mga Prinsipal na mga Sangkap sa Pana...

**FIL 061: ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO** **Module \#2: PONOLOJI/PONOLOHIYA** Ang ponoloji/ponolohiya ay pag-aaral sa mga makabuluhang tunog Mauunawaan lamang natin ang tungkol sa ponoloji kung alam natin ang mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng mga tunog. Mga Prinsipal na mga Sangkap sa Pananalita Sa pagsasalita kailangan ang tatlong salik: 1. Ang pinagbubuhatan ng enerhiya 2. Ang artikulador 3. Ang resonador Ang interaksyon ng tatlong salik na ito ang lumikha ng alon ng mga tunog. Ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga alon ng mga tunog upang marinig ang mga ito. Ang presyon o puwersang nilikha ng papalabas na hiningang galing sa baga ang enerhiyang buhat sa babagtingang pantinig na nagpapagalaw sa artikulador. Nababago naman ang tunog dahil sa bibig na siyang resonador. Nasa bibig ang apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog: 1. Dila at panga 2. Ngipin at labi 3. Matigas na ngalangala 4. Malambot na ngalangala Nagkakaroon ng pagbabago-bago ng hugis at laki ang mga guwang sa loob ng bibig dahil sa malayang iginagalaw ang panga at dila. Maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad, mapapalag ang dila na maitutukod sa ngipin o sa ngalangala, maaari ring iarko ayon sa gustong bigkasin. Nabibigkas ang mga patinig sa pagtaas at pagbaba ng harap, sentral o likod na bahagi ng dila kasama ng pagbabago-bago ng hugis ng bibig, kasama na ang mga labi na dinaraanan ng tinig. Naiiba naman ang mga tunog ng mga katinig batay sa; 1. Punto ng artikulasyon 2. Paraan ng artikulasyon 3. Pagkakaroon o di pagkakaroon ng tinig Tinatawag na punto ng artikulasyon ang bahaging pinakamaliit na guwang para makalusot ang hangin o di makalabas ang hangin. Ang Punto ng Artikulasyon 1. Panlabi o Labial -- paglalapat ng mga labi. Halimbawa ; /p/ , /m/, at /b/ 2. Pangipin o Dental -- pagdidikit ng dulo ng dila at likod ng ngipin. Halimbawa; /t/, /d/, at /m/ 3. Pangalangala o Palatal -- pagdidikit ng gitnang bahagi ng dila at ng ngalangala. 4. Velar o pagdidikit ng likod ng dila at ng velum. 5. Glottal o impit na pagdidikit ng mga babagtingan. 6. Panlalamunan o Larindyal/laryngeal. Pamamaraan ng Artikulasyon- ang tawag sa paraan ng paglabas ng hangin. 1. Pasara o Istap -- pagbuga ang paglabas ng hangin kapag nasasarhan o napipigilan ang panlabas na hangin. - Ang daanan ng hangin ay harang na harang. Halimbawa; /p/, /t/, /k/, /b/, /d/ at /gg/ 2. Pailong o Nasal -- kapag lumalabas sa ilong ang hangin. Halimbawa; /m/ at /n/ 3. Pasutsot o Fricative -- kapag lumalabas ang hangin sa makitid na daan sa pagitan ng artikulador at punto ng artikulasyon. Halimbawa; /s/ at /h/ 4. Pagilid o Lateral -- kapag lumalabas ang hangin sa magkabilang tabi ng dila tungo sa sentro ng dila na siyang pumipigil dito. Halimbawa; /L/ 5. Pangatal o Tril -- buhat sa sunod-sunod na galaw ng dila. Halimbawa; /R/ **Module \#3: Ang mga Diptonggo at Klaster** Ang mga Diptonggo Bunga ng kombinasyon ng mga katinig na sinusundan ng malapatinig ang diptonggo. Kabilang dito ang iw, iy, ey, ay, aw, oy, at uy. **TSART NG DIPTONGGO** Harap Sentral Likod -------- -------- --------- ------- Mataas Iw, iy Uy Gitna Ey Oy Mababa Ay, aw Halimbawa: Iw iy uy ey oy ay aw Aliw labi\'y aruy eywan totoy aray sabaw Giliw puti\'y kasuy eyto batsoy taray bataw KLASTER Ang klaster (kambal-katinig) ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Matatagpuan ito ngayon sa lahat ng posisyon ng pantig: sa unahan at sa hulihan. - Ang mga klaster sa posisyong unahan ng pantig ay limitado lamang sa dalawang ponemang katinig; na ang ikalawa ay laging alinman sa mga sumusunod na limang ponemang katinig: /w, y, r, l, s/. - Kung ang ikalawang ponemang katinig ay /w/ o /yl, ang una ay maaaring alinman sa mga sumusunod na ponemang katinig: /p, t, k, b, d, g, m, n, I, r, s, h/. - Kung ang ikalawang ponemang katinig ay /r/, ang unang ponemang katinig ay maaaring alinman sa mga sumusunod: /p, t, k, b, d, g/. - Kung ang pangalawang ponemang katinig ay //, ang una ay maaaring alinman sa /p, k, b, g/. - At kung ang pangalawang ponemang katinig ay /s/, isa lamang ang maaaring itambal dito - ang /t/. Sa klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, may ibang baybay ito sa pamamagitan ng paglalagay g isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig: kweba\~kuweba, swerte-suwerte, umpya-lumpiya. - Kapag ang isang klaster ay nagkakaroon ng singit na patinig, hindi na ito maituturing na klaster dahil mayroon nang dalawang pantig. /w/ /y/ /r/ /I/ /s/ ----- ---------- ---------- --------- -------- --------- /p/ Pwersa Pyano Premyo Plato /t/ Katwiran Batya Litrato Kutsara /k/ Kweba Kyosko Krisis Klase /b/ Bwelta Gobyerno Libro Blusa /d/ Dwende Dyalogo Droga /g/ Gwantes Gyera Grasya Glorya /m/ Mwebles Myembro /n/ Nwebe Banyo /I/ Lwalhati Iyab /r/ Rweda Dyaryo /s/ Swerte Syampu /h/ Hwes Relihyon - Patuloy ang pagpasok ng mga salitang-hiram(Ingles) na karamihan ay may klaster sa posisyong Julian ng pantig ( iskwat, desk, kard, nars, beysbol, relaks, atbp.) - Ito ang proseso ng pagsasama ng dalawang katinig sa Isang pantig. **MODULE 4: ANG PAGPAPANTIG O SILABIKEYSYON** Sa larangan ng pantig, mahahati sa dalawang uri ang pantig KP (Katinig-Patinig), KPK (Katinig- Patinig-Katinig) na di-pinal at PK na pinal na pantig. Sa pagkakaroon ng klaster ang pagpapantig ay magiging KKP, PKK, at KKPK 0 KPKK. Halimbawa: KP + KPK Ba-hay KKP + KPK Bla-ter PK + KPK Ak-yat Sa pagbigkas ng may dalawang magkasunod na patinig tulad ng naroon at ganoon nagiging mabilis ang pagbigkas nito kaya nagiging naron at ganon kaya KPKPK pa rin. Sa magkasunod naman na patinig sa saitang tao ang pagbigkas nito'y /ta-oh/ kaya KPKPK pa rin. **Paraan ng Pagpapantig** a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang pantig sa posisyong inisyal, midyal at pinal na salita, ito ay hiwalay na mga patinig. Halimbawa: Aalis = a-a-lis Maaga = ma-a-ga totoo = to-to-o b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Buksan = buk-san Pinto = Pin-to Sobre = Sob-re Kopya = kop-ya c. Kapag may tatlo o higit pang magkaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang huli ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Ekspiremento = Eks-pe-ri-men-to Transkripsyon = trans-krip-syon d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay mo n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, pl, tr ang unang katinig (m o n) sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay susunod sa patinig. Halimbawa: Asembleya = a-sem-ble-ya Alambre = a-lam-bre balandra = ba-lan-dra e. Kapag may apat na magkakasunod-sunod na katiinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod: Halimbawa: Ekstradisyon = Esk-tra-dis-yon Eksklusibo = eks-klu-si-bo **MODULE 5: NOTASYONG PONEMIK** **Notasyong ponemik** ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas. Muling inuulit rito na walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa a,e,I,o,u, kaya kung hindi sa katinig nagsisimula ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Nangangahulugan ng paghahaba ng patinig ang /./. Halimbawa: Buhay /bu.hay/ 'life' /buhay/ 'alive Aso /?a.soh/ 'dog' /?asoh/ 'smoke' Tubo /tu.boh/ 'pipe' /tuboh/ 'sugarcane' Baga /ba.gah/ 'ember' /ba.ga?/'lungs' Gabi /ga.bih/ 'yam' /gabih/ 'night' Paso /pa.so?/ 'sear' /pasoh/ 'overdue' Pako /pa.ko?/ 'nail' /pako?/ 'fern' Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /?/ sa pagitan ng mga ito. Halimbawa: Kaibigan /ka?ibi.gan/ 'friends /ka?.i.bigan/ 'sweetheart' Kalayaan /kalayaan?an/ 'freedom Pagtitiis pagtiti?is/ 'suffering/ Ang ginagamit na pantulong sa mga salita ay mga pahilis na guhit o virgules //. Ang tuldik na paiwa /'/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga pusisyong midyal at pinal na isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema. Ang /h/ ay nagpapahag ng impit na pahinga na salita o glottal na pasutsot. Kadalasan itong nilalagay sa hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig. Ang /n/ ay katumbas ng "ng". Ang "ng" ay isang digrapo o dalawang simbolo na kumakatawan sa isang ponema. Ang tuldok // ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na palaging inilalagay pagkatapos ng mahabang patinig. **MODULE 6: ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL (ANG STRESS O DIIN)** **ANG STRES O DIIN** - Antas ng lakas ng bigkas ng salita o bahagi ng salita Tuldik- nagpapakita ng higit na gamit ng diin. (')- paiwa (\^)- pakupya (')-pahilis **MALUMAY** - Binibigkas ito ng may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. - Ang mga salitang malumay ay hindi tinutuldikan - Ang ito ay maaring magtapos sa katinig o patinig. Halimbawa: Tao, silangan, sarili, nanay **MALUMI** - Tulad ito ng malumay na may diin sa ikalawa sa hulihang pantig ngunit nagtatapos sa impit na tunog. - Laging nagtatapos sa patinig - Ang huling letra ay may tuldik na paiwa (\`) Halimbawa: lahì, balità **MABILIS** - Binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa dulo - Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tuldik na pahilis. (') Halimbawa: bulaklák, bumilí **MARAGSA** - Ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit. - Ito ay lagging nagtatapos sa patinig - Ito ay tinutuldikan ng pakupya (\^) na itinatapat sa huling patinig ng salita. Ito rin ay may impit sa dulo. Halimbawa: kaliwâ, dukhâ, panibughô **MODULE 7: ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL (PAGLILIPAT-DIIN/TONO AT INTONASYON** **ANG PAGLILIPAT DIIN** Karaniwan sa mga salitang-ugat ang pagkakaroon ng diin sa ikalawang pantig buhat sa huli. Kapag ang mga salitang-ugat na ito'y nahulapian ng -in/hin at an/ lumilipat ang diin sa susunod na pantig. Kung minsan nagkakaroon pa ng kaltas ang salita. Aliw + in = alíwin Dáya + in = dayáin pintá + han= pintahán bása + han= basáhan putól + in = putlin' bukás + an = buksán **TONO AT INTONASYON** Bawat tao'y may kanya-kanyang paraan ng pagbigkas ngunit may horm sa pagsasalita upang higit na magkaunawaan ang nag-uusap. Ang wikang tinatawag na tone language ay kinabibilangan ng wikang Thai, Mandarin at Vietnamese. - May mga ponema namang nagtataglay ng mga likas na katangiang tinatawag na prosodic. Tinatawag itong mga ponemang suprasegmental tulad ng tono intonasyon, haba at diin, at hinto o antala. **MODULE 8: ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL (ANG PAGHAHABA NG PANTIG)** - Ang paghahaba nang bahagya sa pagbigkas ng pantig - Ang paghahaba na nakikita na nating kasama ng diin. Kahoy /ka:hoy/ Bahay /ba:hay/ Kabundukan /kabundu:kan/ Kaibigan /ka?i:bi:gan/ Mahal sa buhay /ka?ibi:gan/ Hindi kaaway Kailangan /ka?ila:?ngan (pansinin na laging may /?/ ang magkasunod na patinig) - Kapag sa pagsulat ay may gitling (-) ang salitang kinakatawan ng/?/ ang gitling. Ito ang glottal. Halimbawa: Pag-asa /pag?a:sah/ mag-alis /mag?alis/ tag-ulan /tag?ulan/ - Simbolong ( n) ang ginagamit sa titik na ng Halimbawa: Kailangan /ka?ila:ŋan/ Manggagamot /manga:gamót/ 'to cure' - Kapag diptonggo naman, ang paghahaba ay nasa patinig. Halimbawa: Reyna /re:ynah/ Icebox /?ay:sbaks/ - Karaniwang ginagamit ang simbolong /:/ sa paglalagay ng haba. - Kapag sa pagsulat ay may gitling (-) ang salita, kinakatawan ng (?) ang gitling. - Kapag sa diptonggo, ang paghahaba ay nasa patinig. **MODULE 9: ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL (LEBEL NG PAGSASALITA)** **LEBEL NG PAGSASALITA** ![](media/image2.jpeg) - Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang mga pangungusap, sa normal na pananalita, umaabot sa lebel 3 kapag nagtatanong o lebel 1 kung pahayag lamang. - Ganito ang magiging lebel ng mga pangungusap. **LEBEL NG PANGUNGUSAP** - Paturol/pahayag/ deklaratib **Tapos na si Leo.** - Patanong/interogatib **Malinis na ba ang ating kapaligiran?** - Padulong tanong/(tag question) **Kailangan nating magtulungan, di ba?** - Patanong/interogatib **Paano matutulungan ang mga nilindol?** - Pakiusap **Pakigawa na ninyo ang mga daan.** - Pautos **Magbigay ka dahil mahal mo sila.** - Padamdam **Kay hirap!** - Amenidad **Magandang umaga sa iyo**. - Panagot na tanong **Oo, malinis na ang ating kapaligiran.** **MODULE 10: ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL ( ANG HINTO/JUNCTURE)** **HINTO ANTALA** Isang saglit na katahimikan ang hinto. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. Nagkakaroon ng hinto pagkatapos ng pangungusap upang maging malinaw ang pagpapahayag ng kaisipang nais na iparating sa kausap o sa babasa, na kinakatawan naman ng tuldok(.). Mapapansin sa pangungusap na may /// na siya namang kumakatawan sa kuwit (,). Ito ang hinto sa loob ng pangungusap kung kinakailangang ihiwalay ang isang bagay. Halimbawa: \#Hindi siya si Leo\# Nasa huli ang hinto na ang kaisipang ibinigay ay ang pagpapahayag na ang taong pinag- uusapan ay hindi si Leo. \#Hindi/ siya si Leo\# Kabaligtaran naman ang kaisipang ito dahil ipinapahayag nito na siya si Leo. \#Hindi siya/si Leo\# Nagpapahiwatig naman ito na ibinibintang sa isang tao ang isang bagay na hindi nito ginawa, kundi si Leo ang gumawa. Naipakitang ang iisang pangungusap ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan batay sa hinto sa pangungusap.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser