Summary

Ang dokumentong ito ay isang panimula sa Ekonomiks. Nalalaman dito ang mga pangunahing konsepto at prinsipyo na may kaugnayan sa mga desisyon at kilos ng mga tao sa larangang pangkabuhayan.

Full Transcript

# Ekonomiks Saturday, 5 August 2023 8:27 pm ## Kahulugan ng Ekonomiks Ekonomiks - tumutukoy sa kilos ng isang tao tungkol sa pagpapasiya para sa pangkabuhayan kabila ng mga limitasyon. - Galing sa salitang Griyego na "oikonomos" na nangangahulugang "tagapamahala ng sambahayan" - Ito rin ay may k...

# Ekonomiks Saturday, 5 August 2023 8:27 pm ## Kahulugan ng Ekonomiks Ekonomiks - tumutukoy sa kilos ng isang tao tungkol sa pagpapasiya para sa pangkabuhayan kabila ng mga limitasyon. - Galing sa salitang Griyego na "oikonomos" na nangangahulugang "tagapamahala ng sambahayan" - Ito rin ay may kaugnayan sa pamamahala, paglikha, pakikipagpalitan, paggawa, produkto, konsumo, paglikha, at pangkabuhayan. - Agham ng pagpapasiya. ## Mga Prinsipyo ng Pagpapasyang Pangkabuhayan ### Prinsipyo 1: Trade Off - Lahat ng bagay ay may kapalit o kabayaran. - Upang makamit ng isang tao ang isang bagay, may ilang bagay siya na hindi makakamit. - Ipinagpapaliban ang isang kagustuhan kapalit sa bagay na higit pa na mas mahalaga. ### Prinsipyo 2: Opportunity Cost - Bunga ng pagtimbang ng kapakinabangan at kabayaran o kapalit. - Halaga ng isang bagay batay sa kung ano ang isinakripisyo upang makamit ito. - Lahat ng bagay ay may halaga, ngunit hindi lahat ay may katumbas na presyo. - Kabayaran sa bawat kilos o hakbang na isasagawa ng isang tao. **Halimbawa:** Gusto ng isang lalake na kamapasok o makapagtapos ng koliheyo ngunit nangangailangan ito ng malaki-laking kabayaran. Tuition, baon, requirements, renta sa boarding house, at pagkain para sa pang araw-raw. Hindi lang gastusin sa pag-aaral ang maaring maging kapalit o kabayaran nito. Magiging kabayaran rin ang panahong igugugol sa pag-aaral, panahong maaring magamit upang kumita kung mag trabaho kaagad. ### Prinsipyo 3: Marginalism/Marginal Change - Nababago ang pagpapasiya batay sa dagdag na kapakinabangan. - Pagbabago sa mga desisyong nakaplano na bunga ng dagdag benepisyo sa pagtatamo. - "Hanggang doon lang ang kaya ng isang tao o hanggang doon lang ito puwede." **Halimbawa:** Sa trabaho magpapasiya ang isang tao kung mag-o-overtime ba, uuwi ng maaga, o uuwi sa takdang oras. Kung ano ang kaniyang piliin, siya pa rin ang magtatakda ng kaniyang hangganan o punto kung saan sagad o sobra na para sa kaniya ang isang bagay. Nakahandang magbayad ang isang tao ng mas malaking halaga magkaroon lamang ng diyamante at hindi magababayad ng malaki para sa tubig. Ito ay kilalang "paradox of value" o "diamond-water-paradox." Usaping seat sale sa mga airline company. Puno man o hindi ang eroplano, ang gastos sa pagpapalipad nito ay hindi magbabago. ### Prinsipyo 4: Insentibo - Naguudyok sa isang tao na kumilos (maaaring sa anyong pabuya). - Kaugalian ng mga mamimili na bawasan ang pagbili ng isang produkto sa sandaling tumaas ang presyo nito. Ang mababang presyo ang nagsisilbing insentibo sa mga mamimili. Positibo naman ang pagtaas ng presyo para sa mga produsyer. - Kapag mataas ang presyo, mataas din ang posibleng tubo. - Pabuya, gantimpala, reward - Ang mga dagdag sahod o sweldo ang nagbubunsod sa tao upang pag-ibayuhin pa ang pagtratrabaho. ## Mga Sangay ng Ekonomiks: ### Microeconomics - Sumusuri sa kilos at gawi ng maliliit na yunit ng ekonomiya. - Mamimili, prodyuser, pamilihan - Kumkatawan sa konsepto ng demand, supply, at pagnenegosyo ### Macroeconomics - Sumusuri sa ekonomiya sa kabuuan nito - Pag-eempleyo, galaw ng presyo, at patakarang ipinapatupad ng pamahalaan. - Lahat ng may kinalaman sa pambansang ekonomiya - Pagsususuri sa pagpapatakbo ng pamahaalan sa pagpapatakbo ng ekonomiya bilang economic planner ng buong bansa. ## Pagdulog sa Pagsusuring Pang Ekonomiya: ### Positive Economics - Sumasagot sa tanong na "kung ano?" - Hindi nagbibigay ng mungkahi o naglalahad ng panghuhusga o kritismo - Katanungang pang ekonomiko na ang sagot ay nasa padulog positibo * **A. Descriptive Economics** - Pangangalap ng mga datos. - Philippine Statistics Authority (PSA) ay isang kawanihan sa ilalim ng National Economic Development Authority (NEDA) na nanganagalap ng datos na naglalarawan ng ekonomiya ng bansa. * **B. Economic Theory** - Bumubuo ng paglalahat (generalization) o interpretasyon sa datos na nakalap. - Pahayag tungkol sa sanhi at bunga, aksiyon at reaksiyon sa ekonomiya. ### Normative Economics - Pagsusuri sa epekto at kalalabasan o kinalabasan ng anumang gawi o kilos ng ekonomiya. - Upang mataya kung ang epekto o kinalabasan ng ekonomiya ay tama o mali. - Sumasagot sa tanong na "ano ang nararapat?" - Katanungang pang ekonomiko na ang sagot ay nasa padulog normatibo. - Ang padulog na ito ay tinatawag ding policy economics. ## Pakinabang sa Pag-aaral ng Ekonomiks: - Pag-aaral kung paano mabuhay - Agham ng pagpapasiya - Produksyon, pamamahagi, at pagkonsumo - Mas malawak na pagunawa, walang kinikilingan na pagtingin, at mapanuring pagiisip - Maingat sa pagbuo ng pagpapasiya - Pagpapahalaga, at wastong paggamit ng likas na pinagkukunang yaman - Paglinang ng kakayahan - Pagiging responsible - Pagiging matalinong mamimili - Makatulong sa iba - Kahalagahan ng pag-impok at tamang paggastos - Hangaring mapaunlad ang bansa - Pagiging mabuting manggagawa ## Mga Ekonomista at Ang Kanilang Kontribusyon sa Ekonomiks: - **Adam Smith (1723-1790)** - Galing sa Scotland - Ama ng Klasikong Ekonomiks - Tinawag bilang political economist - May akdang *The Theory of Moral Sentiments* (1759) at *The Wealth of Nations* (1776) at *An Inquiry Into the Nature and Causes of the Wealth of Nations* - **John Maynard Keynes (1883-1946)** - Ama ng Macroeconomics - Nagsaliksik upang maipaliwanag ang sanhi at solusyon sa depresyong pang-ekonomikal (1930) - Ang kaniyang pag-aaral ang naglatag sa pundasyon ng pagsilang ng tinatawag na Keynesian Economics - **David Ricardo (1772-1823)** - Nag-aral ng kahalagahan ng lupa bilang salik ng produksyon kasama ang isang ekonomista na si James Mill. - Ang kaniyang pinakamahalagang kontribusyon ay tinatawag na *Theory of Comparative Advantage* - **Milton Friedman (1912-2006)** - Pinarangalan ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1976 - **Karl Marx (1818-1883)** - Nagpapahalaga sa uring manggagawa - Ang kaniyang akdang *Das Kapital* ay nagsasaad ng kaniyang hindi pagkagusto sa kapitalismo. - **David Hume (1711-1776)** - Tinutukan ang kahalagahan ng panlabas sa pakikipagkalakalan. - Ang kaniyang teoryang *Hume's Fork* ay ginagamit sa pag-aaral ng ethics o etika. - **Irving Fisher (1886-1947)** - Kilala sa mga konseptong *Fisher equation* at *Fisher separation theorem*. - Ang kaniyang *Quantity theory of money* ang naging batayan ng konsepto ng monetarismo ni Friedman. - **Thomas Robert Malthus (1766-1834)** - Isang demograpo at political economist. - Pagsusuri o pag-aaral ng epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon na tinatawag na *Malthusian growth model.* - **Ludwig von Mises (1881-1973)** - Kilala sa konseptong tinawag niyang *praxeology*. - May akda ng *The Theory of Money and Credit, Socialism: An Economic and Sociological Analysis, Human Action*, at *The Theory and History*. - Si Friedrich Hayek ang kaniyang mag-aaral na ginawang pundasyon at pinaunlad ang kaniyang mga teorya sa business cycles. - **Friedrich Hayek (1899-1992)** - Ekonomistang Austrian na umayon sa liberalism. - Tumanggap ng Nobel Economic Prize in Economic Sciences (1974) kasama ang isang ekonomistang galing Sweden na si Gunnar Myrdal. - **Jean Baptiste Say (1767-1832)** - Kilalala sa teorya na *Say's law* na nagsasaad na ang supply and lumilikha ng demand na taliwas sa ibang teorya na demand muna bago supply. - May akda ng *Treatise on Political Economy*. - **Joan Robinson (1930-1983)** - Sumusog sa neo-klasikal na pananaw at naging taga suporta ng post-Keynesian economics. - Ang kaniyang kontribusyon ay tinawag na *Cambridge growth theory* at *Amoroso-Robinson relation*. - **James Tobin (1918-2002)** - Miyembro *School of Thought* - Kilala sa kaniyang *Tobit model*. - **Amartya Sen (1933-kasalukuyan)** - Kilala sa kaniyang *Human Development Theory* na kombinasyon ng mga konseptong *ecological economics, sustainable development, welfare economics, at feminist economics* - Pinarangalan ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences (1988). - Napabilang sa 100 most influential persons ng *Time Magazine* (2010). - **Paul Krugman (1953-kasalukuyan)** - Kilala sa pagtutok sa *international economics*. - Nag-aral tungkol sa *international trade theory, new trade theory, at new economic geography*. - Nakatanggap ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences (2008). ## Ebolusyon ng Mga Gawaing Pang-Ekonomikal ### Yugtong Pre-Industriyal - Bago naganap ang industriyalisasyon. - Hindi pa gumagamit ng makina. - Karamihan sa gawaing pangkabuhayan ay nabibilang sa *subsistence level*. ### Yugtong Industriyal - Ang mga pamayanang rural ay unti-unting nagpanibago ng anyo. - Nagsimula ang galaw ng *ubarnisasyon*. - Umuusad tungo sa gawaing *pagmamanupaktura*. - Nagsimulang mandayuhan ang mga tao sa mga lungsod. . Umuusad ang *lungsod* sa pamamagitan ng industriyalisasyon. - Umuusad ang *pook rural* sa pamamagitan ng *komersiyalisasyon*. ### Yugtong Post-Industriyal - Panahon sa kasalukuyan. - Hindi na gaanong umasa sa *pagmamanupaktura* o *heavy industries*. - Pagbibigay ng *serbisyo* o *paglilingkod* at hindi gumagamit ng paraang pampabrika (pagbabangko, negosyong kainan, call center, at iba pa). - *Intangible* o *produktong napapakinabangan* nang hindi nahahawakan o madaling mabilang. Ekonomiya - kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan, at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, pagpapalitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. **Oportunity Cost** - halaga ng isang bagay batay sa kung ano ang isinakripisyo upang magawa ito. **Marginal Change** - maliit na pagbabago sa mga desisyong nakaplano na bunga ng dagdag benepisyo o kapalit sa pagtatamo nito. **Sunk Cost** - kabayarang hindi na mababago, tumaas man o hindi ang benta sa produksyon. **Overtime Pay** - dagdag sahod na ibinibigay kapag ang manggagawa ay nagtratrabaho lagpas sa walong oras kada araw. **Hazard Pay** - dagdag sahod ng mga manggagawang and trabaho ay mapanganib. **Deffirential Pay** - dagdag sahod sa dagdag na paggawa maliban pa sa kaniyang regular na gawain. **Estadistiko (statistician)** - ekperto sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa, pagbibigay-kahulugan o interpretasyon, at paglalahad ng iba't ibang datos o data. **Nobel Prize** - pagpaparangal sa mga natatanging indibidwal sa buong mundo na nakapag-ambag ng mahahalagang tuklas kaalaman sa kultura, siyensya at akademiko. **Ethics o etika** - moralidad ng tao at ang kaniyang kakayahang maglimi kung ano ang tama o mali. **Praxeology** - teoryang tungkol sa dahilan sa pagkilos ng tao batay sa pagpapalagay na siya ay may layunin o hangarin sa bawat gagawin niyang aksiyon. **Laureate** - salitang Griyego na tumutukoy sa parangal ng laurel wreath. **Industriyang pantahanan (cottage industry)** - gawaing unang natutuhan ng kababaihan tulad ng paghahabi at pagpapalayok. **Urbanisasyon** - paglaki ng populasyon sa pook urban dahil sa pagbabago ng isang lugar. **Komersiyalisasyon** - paggamit o paglikha ng isang pagkakataon para kumita.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser