Diskriminasyon PDF
Document Details
![PlushAsh](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-5.webp)
Uploaded by PlushAsh
Tags
Related
- القوى و الحركة PDF - علوم 3 إعدادي
- Hindi PDF 1-31 dQÀfa¶fSXX, 2023
- Tugon ng Pamahalaan Tungkol sa Karahasan at Diskriminasyon PDF
- Araling Panlipunan Modyul 6: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon LGBTQ+ PDF
- Modyul 3: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan, Diskriminasyon at Karahasan (Araling Panlipunan) PDF
- Kasarian Pantay-pantay: Isyu at Hamon sa Pilipinas PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa diskriminasyon batay sa kasarian sa loob ng lipunan Pilipino, na tinatalakay ang mga argumento laban sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQIA+ na mga tao.
Full Transcript
Diskriminasyon tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan UN Declaration on the Elimination of Violence Again...
Diskriminasyon tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan UN Declaration on the Elimination of Violence Against Women (DEVAW) “Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan”, at “isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.” Idineklara ni Kofi Annan, ang Kalihim- Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa isang ulat noong 2006 “Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Ayon pa kay Annan isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik, at pagmamaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.” Diskriminasyon sa Kalalakihan Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan. Diskriminasyon sa Kalalakihan Sa katunayan, maraming kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal abuse) ng kanilang maybahay. Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na pananalita ng kanilang mga misis Diskriminasyon sa Kalalakihan Sa katunayan, maraming kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal abuse) ng kanilang maybahay. Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na pananalita ng kanilang mga misis Diskriminasyon sa Kababaihan Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan: diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho Diskriminasyon sa Kababaihan limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing pang- ekonomiya Ang Labor Force Participation Rate ng mga kababaihan ay halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas mababa sa 29% kaysa sa mga kalalakihan. Diskriminasyon sa LGBTQIA+ Ayon sa United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Diskriminasyon sa LGBTQIA+ Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT, sapagkat ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan. Ilan sa mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice Pempengco. TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Bago mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa computers. CHARO SANTOS-CONCIO (babae) Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa longest-running Philippine TV drama anthology program Maalaala Mo Kaya, simula noong 1991. Siya ay nagging presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation noong 2008-2015. DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT. MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang pananatili sa kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika. CHARICE PEMPENGCO (transgender) Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid. ANDERSON COOPER (gay) Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN. PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may sangay sa ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan. GERALDINE ROMAN (transgender) Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing taga- pagsulong ng Anti- Discrimation bill sa Kongreso. PABLO ‘Chef Boy’ LOGRO (Lalaki) Siya ay isang Filipino Celebrity Chef na nakilala sa kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa Kusina at Chef Boy Logro: Kusina Master. Maraming kalalakihan na rin sa kasalukuyan ang nalilinya sa larangan ng pagluluto. DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay) Isang aktor at komedyante na nahalal bilang Vice-Mayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging Board Member ng 1st District ng Bataan. Siya ay isang halimbawa na sa kasalukuyang panahon, may puwang na ang LGBTQIA+ sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.