Modyul 3: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan, Diskriminasyon at Karahasan (Araling Panlipunan) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Mandaue City
Tags
Summary
This self-learning module (SLM) focuses on social issues, gender equality and discrimination in Filipino society. It presents questions about the issues with expected answers in various Filipino social contexts.
Full Transcript
**10** ![](media/image15.png)***Alamin*** 1. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga Karapatan at Kalayaan. A. Pang-aabuso C. Pagsasamantala B....
**10** ![](media/image15.png)***Alamin*** 1. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga Karapatan at Kalayaan. A. Pang-aabuso C. Pagsasamantala B. Diskriminasyon D. Pananakit 2. Anong bansa ang nagpasa ng batas na " Anti-Homosexuality Act of 2014" na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo? C. South Africa C. Uganda D. Pakistan D. United Arab Emirates 3. Marami sa mga kalalakihan ang nananatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay. Ano ang mahihinuha tungkol dito? E. Ang mga lalaki na ang gumagawa sa mga gawaing-bahay F. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan G. May pantay na Karapatan na ang mga babae at lalaki H. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay 4. May mga babae , lalaki at mga LGBT na tanyag na mang-aawit, artista, CEO sa mga kompanya, manunulat, guro, kinatawan ng mga bayan, host , inhenyero at iba pa. Ano ang pinapatunayan nito? I. Marami sa mga babae, lalaki at mga LGBT na may mga trabaho J. May mga babae, lalaki at mga LGBT na hindi nakisali sa ibang gawain K. May mga babae, lalaki at mga LGBT na tinutukoy ang maaring gawin ayon sa gusto ng ibang tao o pamilya L. May mga babae , lalaki at mga LGBT ang sumabak sa ibat ibang larangan na gawain o trabaho 5. Sa larangan ng politika, ayon sa pagsusuri, sino ang nabibigyan kadalasan ng pagkakataon na makasali, makibahagi at may pinakalamaking kapangyarihan? M. Lalaki C. LGBT N. Babae D. Lahat 6. Lahat ay may kinalaman sa anyo ng diskriminasyon, maliban sa O. Pagpasok sa paaralan C. Pang-iinsulto o pangungutya P. Hindi pagtanggap sa trabaho D. Pambubugbog o pagpatay 7. Ang di-pagtanggap ng mga LGBT sa tanggapan o pagtatrabaho ay sa anong larangan ng diskriminasyon? Q. Politika C. Ekonomiya R. Pamilya D. Relihiyon 8. Saan makikita ang diskriminasyon sa lipunan? S. Pamilya C. Panghanapbuhay T. Politika D. Lahat na binanggit 9. Ang mga sumusunod ay mga isyu ukol sa diskriminasyon maliban sa U. Hindi kinikilala ang mga Karapatan ng mga kababaihan, kalalakihan at Homosexual V. Mga Relasyong Homosexual W. Pagtanggap sa trabaho X. Pambubugbog o pagpatay ng mga kababaihan , kalalakihan at LGBT **10.** Sa anong bansa nakatira ang tanyag na si Malala Yousafzai? A. United States of America (USA) C. Myanmar 11. Sino ang itinuturing na 'Invisible Minority" ayon ni Hillary Clinton (2011)? A. LGBT C. Lalaki B. Babae D. Manggagawa 12. Sa anong larangan o aspekto na nakaranas ng diskriminasyon ang mga kababaihan at LGBT? C. Politika C. Media at Akademya D. Negosyo D. lahat ng nabanggit 13. Ang pagsunog ng mga Taliban paaralan sa panahon ng mga karanasan ni Malala Yousafsai ay sa anong diskriminasyon? E. Pamilya C. Ekonomiya F. Edukasyon D. Poltika 14. Anu-ano ang mga salik na nakaimpluwensya sa diskriminasyon? G. Paaralan C. Media H. Pamilya D. Lahat na binggit 15. Ang pagbubugbog sa mga babae at mga LGBT ay nakaapekto sa I. Pisikal C. Sosyal J. Emosyonal at Mental D. Lahat na binanggi ANO ANG DAPAT MALAMAN? ====================== +-----------------------------------------------------------------------+ | Ellen Degeneres (Lesbian) | | | | Isang artista, manunulat, stand-uo, comedian, at host ng isa sa | | pinakamatagumpay na talk-show sa Amerika, ang "The Ellen Degeneres | | Show". Binibigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang-aawit | | na gaya ni Charice Pempengco. | +=======================================================================+ | Tim Cook(Gay) | | | | Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng Iphone ,Ipad, at iba pang Apple | | products. Bago mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa | | Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa computers. | +-----------------------------------------------------------------------+ | Charo Santos-Concio (Babae) | | | | Matagumpay na artista sa pelikula at telibisyon, nakilala siya sa | | longest | +-----------------------------------------------------------------------+ | | +-----------------------------------------------------------------------+ | | +-----------------------------------------------------------------------+ | | +-----------------------------------------------------------------------+ | | +-----------------------------------------------------------------------+ | | +-----------------------------------------------------------------------+ | | +-----------------------------------------------------------------------+ | Geraldine Roman (Transgender) | | | | Kauna-unahang transgender na miyembro ng kongreso. Siya ang kinatawan | | ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing taga- pagsulong ng | | Anti-Discrimination bill Sa kongreso. | +-----------------------------------------------------------------------+ Hindi pantay-pantay ang pagtingin ng ating lipunan sa iba't ibang kasarian. Ito ay nakikita sa aspektong political, panghanapbuhay, at maging sa tahanan.May pagkakataon na ang lalaki ay may pinakamalaking kapangyarihan sa lipunan. May iilang limita sa serbisyo, sa kalusugan, edukasyon, trabaho, suweldo sa mga babae at sa homoseksuwal sa iba't ibang sitwasyon. Ganun rin sa pagkakaiba sa kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pangekonomiyang pangangailangan, sa mga desisyon sa tahanan, mababang sahod at temporaryong trabaho. Pati ang media ay nagpapalala sa diskriminasyon sa kasarian sapagkat ipinakikita nito ang kababaihan bilang mga sexual object para sa kalalakihan. ( Dallo and others) Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga Karapatan o kalayaan. Ang ilan sa mga anyo ng diskriminasyong nararanasan ng mga LGBT ay 1.) hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho, 2.) mga pang-iinsulto at pangungutya , 3.) hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos,4.) karahasan tulad ng pambubugbog o pagpatay, 5.) at bullying. (Dallo and others) Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong "Being LGBT in Asia : The Philippines Country Report", ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medical, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga Lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008-2012. Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na " Anti-Homosexuality Act of 2014" na nagsasaad na ang same -sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Itinuturing na pangha-harass sa iba't ibang kasarian ang sumusunod: pagbabanta at paninigaw; panghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito; panunukso o pagsasabi ng mga komentong nakaiinsulto, pagkakalat ng mga usap- usapan tungkol sa kasarian ng isang tao (verbal o sa mga pamamagitan ng social media); panghihiya at panghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian.(Dallao and others) Inuuri ang ilang anyo ng diskriminasyon ng ibat ibang kasarian ng Human Rights Violations on the basis of Sexual Orientation , Gender Identity and Homosexuality in the Philippines na ipinasa para sa ginanap na "Consideration at the 106^th^ Session of the Human Rights Committee for the Fourth Periodic Review of the Phillippines." noong October 2012. Narito ang mga pag-uuri: 1. Di-tuwirang Diskriminasyon Maaring mangyari ang diskriminasyon sa di-tuwirang paraan kung ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang Karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay, hanapbuhay, o serbisyo, binabawas ang benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang isang lehitimong dahilan. Halimbawa : 2. Diskriminasyon sa Pagkakakilanlan Nakararanas din ng diskriminasyon ang LGBT ayon sa estado ng kanilang pamumuhay tulad ng lahi at katayuan ng pamilya. Batay sa pag-aaral, nagaganap ang diskriminasyon sa trabaho. Ang isang LGBT na naghahanapbuhay nang may mababang sahod ay nakakaapekto rin upang makaranas siya ng pang-aapi sa iba. Halimbawa: Ang isang gay ay nakatanggap ng masasamang salita at pagbabanta mula sa iba niyang kasamahan. Binabansagan siya ng ibat ibang pangalan. 3. Relasyon sa iba May ilang taong nahaharap din ng diskriminasyon dahil sa kanilang kaugnayan sa LGBT: Halimbawa: Ang nangungupahang babae ay nakaririnig ng mga masasakit na komento mula sa may-ari dahil sa ang kanilang bagong kasama sa kuwarto ay isang transgender.(Dallao and others) Si Malala Yousafsai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan Nakilala si Malala Yousafsai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong Ika-9 ng Oktobre 2012 bahagi ng Pakistan dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa Karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala. Bumuhos ang tulong pinansiyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo. Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Minguro, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitory at paaralan para sa mga babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap na makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos niyang maoperahan, iba't ibang mga pagkilala at parangal ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na magkapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga batang babae sa iba't ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba't ibang bahagi ng daigdig at pinuno ng mga organisasyong sibil at non-government organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Pangkat A : (Babae) | | +===================================+===================================+ | Pangalan: | | | | | | Pangkat B: (Lalaki) | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Pangalan: | | | | | | Pangkat C: (LGBT) | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Pangalan: | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ 1. Ano ang masasabi mo sa kani-kanilang mga trabaho ng bawat pangkat? Naging akma ba sa kanila ang kani-kanilang trabaho? 2. Batay sa mga naibabahagi ng babasahin, ang kasarian ba ay batayan Sa trabahong papasukan? Ipaliwanag. 1. Anu-ano ang mga masasabi mo tungkol sa mga gawain at trabaho ng mga LGBT ngayon? Sang-ayon ka ba sa kanilang mga ginagawa o hindi ? Bakit? 2. Ginamit ba nang husto ang kanilang mga talino at kakayahan ? Bakit mo ito nasabi? 3. May mga LGBT ngayon na nakaranas ng.karahasan ( gaya ng Pananakit, pagpatay at iba pa), sang-ayon ka ba sa ganitong sitwasyon nila? Bakit? 1. Sang-ayon ka ba sa ginagawa ni Caloy kay Tess? Bakit? 2. Sa iyong palagay, ano ang isyu o problema na ipinakita dito? 3. Anu-ano ang mga nilabag na Karapatan sa mga kababaihan at mga kabataan? 4. May mga lalaki ngayon na gumagawa ng mga gawaing-bahay at ang kanilang mga asawa ang nagtatrabaho. Ano ang masasabi mo tungkol dito? Sang-ayon ka sa ganitong sitwasyon? Bakit? 1. Ang mga pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay sa pagtrato Sa mga kasarian ay nakikita sa politikal,sa hanapbuhay at sa tahanan. 2. Ang pagbabanta at paninigaw ay hindi isang pagkakaroon ng pananakit. 3. Ang pagbubugbog og pagbully sa mga LGBT ay natural at katuwaan lamang. 4. Ang paaralan, pamilya, komunidad at social media ay mga salik na nakaimpluwensya sa diskriminasyon. 5. Ang di -- pagtanggap nga tamang sahod at mga benepisyo sa trabaho sa mga kababaihan at sa mga LGBT ay isang diskriminasyon. 6. Ang panunukso o pagsasabi ng komentong nakakainsulto ay hindi isang paraan ng diskriminasyon o karahasan 7. Ang pagsusunog ng mga Taliban sa mga paaralan ng mga kababaihan ay isang paglabag sa karapatan ng mga kababaihan sa edukasyon. 8. Kasama rin ang mga lalaki sa mga nagaganap na diskriminasyon at karahasan sa mga pangyayari ngayon sa lipunan. 9. Ang mga LGBT ay itinuturing na " Invisible Minority " dahil sa tinatago nila ang kanilang totoong sarili. 10. Hindi nakatanggap ng suporta sa mga tao sa iba't ibang parte sa mundo si Malala Yousafsai. 11. Nakatulong ang ginawa ni Malala Yousafsai ang pakikipag-usap At sa pakikipagkita sa mga pinuno ng mga bansa at mga NGOs Tungkol sa tunay na kalagayan ng mga kababaihan. 12. Ang di- pagkilala at pagtamasa ng paggalang sa mga kasarian, Babae, lalaki at LGBT ay hindi pagbigay ng kanilang karapatan at kalayaan. 1. Anu-ano ang mga salik na nakaimpluwensya sa diskriminasyon? A. Paaralan C. Media B. Pamilya D. Lahat na binanggit 2. Ang pagbubugbog sa mga babae at mga LGBT ay nakaapekto sa A. Pisikal C. Sosyal B. Emosyonal at Mental D. Lahat na binanggit 3..Ano ang pinaglaban ni Malala Yousafsai? A. Ekonomiya C. Relihiyon B. Edukasyon D. Politikal 4. Ano ang uri ng diskriminasyon na hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang Indibidwal na LGBT kagaya ng pabahay, hanapbuhay o serbisyo? C. Diskriminasyon ng Pagkakakilanlan C. Pangekonomiya D. Relasyon ng iba D.Di-Tuwirang Diskriminasyon A. NPA C. MILF B. Taliban D. Abu Sayyaf A. Politika C. Relihiyon B. Pamilya D. Edukasyon 7. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga Karapatan at Kalayaan. A. Pang-aabuso C. Pagsasamantala B. Diskriminasyon D. Pananakit 8. Ang tawag sa diskriminasyon naaayon sa estado ng pamumuhay kagaya ng lahi at katayuan ng Pamilya. A. Diskriminasyon ng Pagkakakilanlan C. Pangekonomiya B. Relasyon ng iba D. Di-Tuwirang Diskriminasyon 9. Ang di pagbibigay ng suportang pinansyal ng lalaki sa kanyang pamilya kahit ito ay may kakayahan ay isang bagay na nagpapakita ng karahasan/diskriminasyon at di pagkilala sa karapatan ng kanyang asawa at mga anak sa larangan o aspeto ng C. Ekonomiya C. Politika D. Sosyal D. Relihiyon 10. Anong bansa ang nagpasa ng batas na "Anti-Homosexuality Act of 2014" na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo? A. South Africa C. Uganda B. Pakistan D. United Arab Emirates 11. Sino ang itinuturing na 'Invisible Minority" ayon ni Hillary Clinton (2011)? E. LGBT C. Lalaki F. Babae D. Manggagawa 12. Ayon sa pag-aaral ng UNDP sa Asya, sino sa mga sumusunod ang may kaunting pagkakataon na mabigyan ng oportunidad sa hanapbuhay, edukasyon, medical at iba pang larangan? G. Babae C.LGBT H. Lalaki D. Lahat ng nabanggit 13. May mga babae, lalaki at mga LGBT na tanyag na mang-aawit, artista, CEO sa mga kompanya, manunulat, guro, kinatawan ng mga bayan, host , inhenyero at iba pa. Ano ang pinapatunayan nito? A. Marami sa mga babae, lalaki at mga LGBT na may mga trabaho B. May mga Babae, lalaki at mga LGBT na hindi nakisali sa ibang gawain C. May mga babae, lalaki at mga LGBT na tinutukoy ang maaring gawin ayon sa gusto ng ibang tao o pamilya D. May mga babae , lalaki at mga LGBT ang sumabak sa ibat ibang larangan na gawain o trabaho 14. Saan maaaring makikita ang diskriminasyon sa lipunan? I. Pamilya C. Panghanapbuhay B. Politika D. Lahat na binanggit 15. Ano ang hindi maituturing na karahasan at diskriminasyon? J. Pantay na sahod C.Pagbubugbog K. Paninigaw D. Pagbubully Sanggunian: AP10 Kontemporaryong Isyu Learner's Manual Kayamanan: Kontemporaryong Isyu Gawain 1 ![](media/image22.png) Pangkat A (babae) \- artista, presidente ng kompanya -------------------------------------- ------------------------------------ Marillyn A. Hewson Pangkat B(lalaki) \- CEO ng isang kompanya Parker Gundersen Pangkat C(LGBT) mamamahayag Gawain 2,3-Naaayon sa paliwanag ng mag-aaral Gawain 4 1. / 2. X 3. X 4. / 5. / 6. X 7. / 8. / 9\. / 10.X 11./ **SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY** **Cherilyn A. Bate** Writer **EVELYN B. MAH** Editor Education Program Supervisor in Araling Panlipunan Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisor in LRMDS **ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESO VI** Assistant Schools Division Superintendent