Critique Paper: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Elynia Ruth S. Mabanglo
Tags
Summary
This document appears to be a critique paper example or a piece of Filipino literature. It is likely a student's work guiding them through the critical analysis of a poem, possible for an assignment. It may incorporate the 'LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI' poem in its analysis.
Full Transcript
Instructions: Read and analyze the text, then write a critique paper using the most appropriate critical approach. Use A4 size bond paper in doing the activity. You can do it individually, by pair, by three or even by four. Please be guided by the following: Introduction Basic details about t...
Instructions: Read and analyze the text, then write a critique paper using the most appropriate critical approach. Use A4 size bond paper in doing the activity. You can do it individually, by pair, by three or even by four. Please be guided by the following: Introduction Basic details about the material (title, author) Thesis statement Body Summary of the work Discussion or analysis of the work using the most appropriate critical approach Conclusion Reinforcement of main assessment Comparison to a similar work Recommendations/suggestions _____________________________________________________________________________________ LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI Elynia Ruth S. Mabanglo Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda, Kaulayaw ng batya, kaldero at kama. Napagod yata ako’t nanghinawa, Nagsikap mangibang-lupa. Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera, Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga. Naghihintay siya ng kape At naninigarilyo, Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro, Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo. Hindi siya nag-aangat ng mukha Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata. Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo, Inaaliw kung mainit ang ulo. Wala siyang paliwanag Kung bakit hindi siya umuwi magdamag, Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo Kapag umalis ako ng lingo. Ayaw niya ng galunggong at saluyot, Kahit pipis ang sobreng inabot, Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam Kahit ang pangrenta’y laging kulang. Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae—napapagal sa pagiging babae. Itinakda ng kabahaging Masumpa sa walis, labada’t oyayi Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi. Iyo’t iyong din ang ruta ng araw-araw— Kabagutang nakalatag sa kahabaan Ng bahay at paaralan, Ng kusina’t higaan. May karapatan ba akong magmukmok? Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot? May beerhouse at massage parlor na tambayan Ang kabiyak kong nag-aasam, Nasa bintana ako’t naghihintay. Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap, May krus ang dila ko’t di makapangusap. Humihingi ng tinapay ang mga anak ko, Itinotodo ko ang bolyum ng radio. Napagod yata ako’t nanghinawa, Nagsikap mangibang-lupa. Noon ako nanaginip na nakapantalon, Nagpapadala ng dolyar at pasalubong. Nakahihinga na ako ngayon ng maluwag, Walang susi ang bibig ang isip ay bukas. Aaminin kong ako’y nangungulila Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla. Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto Sa telepono nabubusog ang puso. Umiiyak ako nung una, Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa. Ito lamang ang sagot, Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.