FILIPINO REVIEWER PDF
Document Details
![SparklingSard1817](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-7.webp)
Uploaded by SparklingSard1817
Moreh Academy
Tags
Summary
This document is a Filipino reviewer. It provides explanations of Tagalog language concepts including literary genres. It includes topics such as parabula and salaysay. The content focuses on grammar and literature.
Full Transcript
PARABULA - isang uri ng maikling kwento at kadalasan ito ay galing sa kwento ng Bibliya na matatagpuan natin sa tatlong synoptic na ebanghelyo ANG PARABULA NG ALIBUGHANG ANAK - ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 15 talata 11 hanggang 32 ( Lucas 15:11-32 ). SALAYSAY - ay na...
PARABULA - isang uri ng maikling kwento at kadalasan ito ay galing sa kwento ng Bibliya na matatagpuan natin sa tatlong synoptic na ebanghelyo ANG PARABULA NG ALIBUGHANG ANAK - ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 15 talata 11 hanggang 32 ( Lucas 15:11-32 ). SALAYSAY - ay nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan at may hulwarang balangkas ang salaysay. PAYAK ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal, at hindi inuulit. Binubuo ito ng salitang-ugat lamang. Halimbawa: anak, kapatid, bahay MAYLAPI - ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi UNLAPI - panlaping kinakabit sa unahan ng salita Halimbawa: maginhawa, umasa, nagsisi GITLAPI - panlaping nasa gitna ng salita Halimbawa: tumawa, tinapos HULAPI - panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita Halimbawa: usapan, mithiin KABILAAN PANLAPING - ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita Halimbawa: kabaitan, patawarin LAGUHAN - panlaping ikinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salita Halimbawa: pinagsumikapan, magdinuguan MAY IBA'T IBANG URI NG PAG-UULIT. INUULIT NA GANAP-BUONG SALITANG-UGAT ANG INUULIT Halimbawa: gabi-gabi INUULIT NA PARSIYAL-ISANG PANTIG O BAHAGI LAMANG NG SALITA ANG INUULIT. Halimbawa: lilima, pupunta MAGKAHALONG GANAP AT PARSIYAL-BUONG SALITA AT ISANG BAHAGI NG PANTIG ANG INUULIT Halimbawa: iilan-ilan, tutulog-tulog TAMBALAN - ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lámang. TAMBALANG DI GANAP KAPAG ANG KAHULUGAN NG SALITANG PINAGTAMBAL AY NANANATILI Halimbawa: tulay-bitin, bahay-kubo, kuwentong-bayan TAMBALANG GANAP-KAPAG NAKABUBUO NG IBANG KAHULUGAN KAYSA SA KAHULUGAN NG DALAWANG SALITANG PINAGSAMA. Halimbawa: dalagambukid, bahaghari MOHANDAS GANDHI - ay isang dakilang guro at kilala sa pangalang "Mahatma" na hango sa wikang Sanskrit na "Dakilang Guro" o “Dakilang Nilalang" Ipinanganak noong Oktubre 2, 1869 Ang kanyang ama ay is Karamchand Gandhi at ang kanyang ina ay si Putlibai ELEHIYA - tulang may dalawang katangiang pagkakakilalanlan. Ito ay isang tula ng pananangis, lalo na sa pag alala sa isang yumao. "Isang Punong-kahoy" na isinulat ni Jose Corazon de Jesus AWIT (DALITSUYO) - Isang tulang liriko o padamdamin na nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pagmimighati sa isang mangingibig. "Kay Selya" by Francisco Baltazar. PASTORAL (DALITBUKID) - Ito ay naglalarawan ng tunay na buhay Bahay Kubo na isinulat ni Victor S. Fernandez ODA (DALITPURI) - isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal "Manggagawa" na isinulat ni Jose Corazon de Jesus DALIT (DALITSAMBA) - isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Maikling tulang liriko na nilikhang may aliw-iw subalit hindi ito kinakanta. SONETO (DALITWARI) - tulang may labing-apat na taludtod. Mahalagang malaman ang soneto dahil hindi lamang ito basta lamang tula, sa halip ito ay naghahatid ng aral sa bumabasa. IBA’T IBANG URI NG KUWENTO AT PANANDANG PANDISKURSO KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI - sa uring ito, ang pangyayari ay sadyang kapuna-puna, makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan. KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN - sa ganitong uri ng kuwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan. KUWENTONG TALINO - sa ganitong uri ng kuwento ang pang-akit ay wala sa tauhan o sa tagpuan kundi sa mahusay na pagkakabuo ng balangkas. Ito ay punumpuno ng suliraning dapat lutasin na hahamon sa katalinuhan ng babasa. Ang ganitong uri ng kuwento ay karaniwang walang tiyak na katapusan. KUWENTONG SIKOLOHIKO - ang ganitong uring maikling kuwento ang pinakamahirap sulatin sapagkat sinisikap nitong pasukin ang kasulok-sulukang pag-lisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa. KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN -sa ganitong uri ng kuwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan. APOLOGO - ang layunin ng kuwentong ito ay hindi lumibang sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila. KUWENTONG PANGKAISIPAN - sa ganitong uri ng kuwento, ang pinakamahalaga ay ang paksa, diwa, at kaisipan ng kuwento. KUWENTONG PANGKATAUHAN - ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bandang huli nang sumunod na araw- nagpapahiwatig na ang pangyayari ay naganap pagkatapos ng isang araw. pagkatapos- pangyayari ay naganap pagkatapos ng isa pang pangyayari. Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso: Ito ang mga salitang ginagamit upang maiugnay ang mga ideya sa isang teksto, lumikha ng isang lohikal na daloy, at ayusin ang mga bahagi ng isang diskurso. a. Pagbabagong-lahad: Paglilipat ng pokus o pagpapakilala ng isang bagong ideya. b. Pagtitiyak: Pagbibigay ng karagdagang impormasyon o paglilinaw sa isang bagay. c. Paghahalimbawa: Paggamit ng mga halimbawa upang suportahan ang isang punto. d. Paglalahat: Paggawa ng isang pangkalahatang konklusyon batay sa mga naunang impormasyon. e. Pagbibigay-pokus: Pagbibigay-diin sa isang partikular na punto. f. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari: Pag-aayos ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito.