Aralin 2: Mga Konseptong Pangwika PDF (Senior High School)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Senior High School
Gng. Eloisa P. Sanchez
Tags
Related
- Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWKP) Midterms PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino - KOMPAN PDF
- Opening Prayer and Questions on Filipino Language Development PDF
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino (Tagalog PDF)
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
This document contains an overview of several concepts of the Filipino language. There is an explanation of the levels of Filipino and different aspects of Filipino language and communication.
Full Transcript
SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester |...
SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Bilang ng Modyul. 2: Aralin 2: Mga Konseptong Pangwika 1. Pangkalahatang Ideya Sa modyul na ito ay tatalakayin ang iba’t ibang konseptong pangwika tulad ng antas ng wika, wikang pambansa, wikang panturo, wikang opisyal,, unang wika, pangalawang wika, monolinggwalismo, bilinggwalismo at multilinggwalismo. Sa pag-aaral na ito ay miuugnay mo ang mga konseptong ito sa mga sitwasyong pangkomunikasyon. Ang mga inihandang mga gawain ay makatutulong upang makita ang mas malawak na larawan ng kahalagahan ng wikang ginagamit sa iyong paligid. Gayundin kung papaanong nakatutulong ang kaalamang ito sa iyong pakikipag ugnayan at pakikiangkop sa lipunang iyong ginagalawan. 2. Mga Kasanayang Pampagkatuto Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga sumusunod ay inaasahang iyong matatamo: 1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. 3. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. 3.Nilalaman/ Talakayan Pag-usapan Natin Naniniwala ka ba rito? Ipaliwanag ang iyong opinyon/ komento ukol dito. “Ang antas ng wikang madalas gamitin ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung aling antas panlipunan siya nabibilang.” Aralin 2 : Mga Konseptong Pangwika Isang mahalagang katangian ng wika ang pagkakaroon nito ng antas. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya ayon sa kaantasan nito. Ang antas ng wika na madalas gamitin ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas panlipunan siya nabibilang. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 1|Pahina SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Aralin 2.1 : Antas ng Wika KATEGORYA NG WIKA PORMAL IMPORMAL PAMPANITIKAN LALAWIGANIN PAMBANSA KOLOKYAL BALBAL Nahahati ang antas ng wika sa dalawang kategorya- PORMAL AT IMPORMAL. Sa bawat kategorya nakapaloob ang bawat antas. A. PORMAL Ginagamit ng higit na nakararami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika. Ito ang mga salitang istandard, kinikilala at tinatanggap na nakararami. 1. Pambansa- mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa mga paaralan, wikang ginagamit sa pamahalaan at paaralan. 2. Pampanitikan- mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalim, makulay at masining. B. IMPORMAL Mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na palaging ginagamit sa pakikipag-usapat pakikipagtalastasan sa pamilya, kaibigan at mga kakilala. 1. Lalawiganin – ginagamit sa partikular na pook o lalawigan lamang nakikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono/ punto. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 2|Pahina SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 2. Kolokyal- pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. 3. Balbal – tinatawag na slang sa Ingles, mababang antas ng wika. 2.2 Wikang Pambansa 🞆 Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Ito naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa. Ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. Batayan ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito. Alam mo Ba? Sa Artikulo XIV, Seksyon 6 nakasaad na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.” Ito ay ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamamayang Pilipino. Ayon sa Philippine Census noong taong 2000, 65 milyong Pilipino 0 85.5% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. 2.3 Wikang Panturo Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 3|Pahina SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Alam Mo Ba? Ayon sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV ,Seksiyon 7 mababasa ang sumusunod: “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.” Mother Tongue Based- Multi Lingual Education ( MTB-MLE) - Ito ang pagbibigay diin sa paggamit ng mga katutubong wika sa pagtuturo. Opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga pampubliko at pribadong paaralan - Makakatulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng bawat mag-aaral at makapagpapatibay din ng kanilang kamalayang sosyo-kultural. - Filipino, Kapampangan,Iloko, Pangasinense, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Chavacano, Sambal, Aklanon, Surigaonon at iba pa ang ginagamit sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sa pagtuturo. Para sa karagdagang kaalaman sa paksa panoorin ang mga sumusunod na Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 4|Pahina SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 link: 1. https://www.youtube.com/watch?v=_-XJ5oC4jXs 2. https://www.youtube.com/watch?v=nc29yODBMA4 2.4 Wikang Opisyal Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. Ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Alam Mo Ba? Ayon sa Artikulo IV, Seksyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. 2.5 Una at Ikalawang Wika Unang wika ay tinatawag ding inang wika o mother tongue dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan at damdamin. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao gaya ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro at iba pa. Mula sa mga paulit ulit nitang naririnig ay unti-unti niyang natutuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang ikalawang wika. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 5|Pahina SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 2.6 Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo Monolinggwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England,Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa Edukasyon, sa sistemang monolinggwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay. Bilinggwalismo ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Maituturing na bilinggwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Ang mga batang bilinggwal ay kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin. Multilinggwalismo - ang Pilipinas ay isang bansang multilinggwal. Mayroon tayong mahigit 180 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingual. Karamihan sa atin ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles at isa o higit pang wikang katutubo na kinagisnan. Mabuting Naidudulot ng Pagiging Multilinggwal Kritikal na pag-iisip, kahusayan sa paglutas sa suliranin, mas mahusay sa kasanayan sa pakikinig at matalas na memorya, mas maunlad na kognitibong kakayahan at mas mabilis na pagkatuto. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 6|Pahina SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Alam Mo Ba? Ayon sa maraming pag-aaral, ang mga mag-aaral na naturuan sa wikang hindi nila unang wika ay nakararanas nang mas maraming bilang ng dropout o kaya’y pag-uulit sa antas. Sa taya ng World Bank (2005), may limampung bahagdan ng mga batang nahinto na sa pag-aaaral ang nakatira sa mga pamayanang ang wikang panturo ay hindi ang wikang ginagamit nila sa tahanan. Si Pinnock (2009), ay naglabas ng isang nakagugulat na puntos, 72% daw ng mga out-of-school youth sa buong mundo ay nagmula sa mga bansang naituturing na “highly linguistically fractionalized” o may mas mataas na pagkakahati-hating panlinggwistika. 5. Paglalahat/ Pagpapahalaga Sadyang mahalaga ang wika dahil instrumento ito sa pakikipag-uganayan ng tao sa kanyang kapwa tao maging sa bawat bansa sa mundo. Magiging matagumpay ang komunikasyon kung may mga wika tayong ginagamit na angkop sa ating kausap, angkop sa sitwasyon at angkop sa lugar kung saan tayo nakikipag-usap. Masasabing tayong mga Pilipino ay lubos na pinagpala sapagkat napakaraming wika sa ating bansa ang maaaring gamitin upang maipahayag ang anumang ating naiisip at nadarama. Isang masayang pagbati! Nawa’y marami kang natutuhan sa Modyul na ito. Isang paalala mula sa iyong guro: “Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga” Mga Sangunian: Bernales, R. A. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House. Dayag, A. M. at Del Rosario, M.G. (2016). Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House. Geronimo, J. V. At Petras, J. D. Taylan, D.R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Rex Book Store,Inc. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 7|Pahina