Mga Tala sa Pag-aaral ng COR 004 PDF
Document Details

Uploaded by SeasonedLightYear
PHINMA Cagayan de Oro College
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala sa pag-aaral para sa kurso ng COR 004. Saklaw nito ang iba't ibang uri ng teksto, gaya ng impormatibo, deskriptibo, at persweysiv. Tinalakay din ang mga elemento at katangian ng bawat isa, na tumutulong upang mas mapalawak ang kaalaman sa pagsusulat.
Full Transcript
COR 004 STUDY NOTES **a. Tekstong Informativ at Tekstong Deskriptiv** Sangay ng tesktong informativ Informativ-Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari bagong paniniwala at mga bagong impormasyon. Bukod dito, ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad ng buong linaw at...
COR 004 STUDY NOTES **a. Tekstong Informativ at Tekstong Deskriptiv** Sangay ng tesktong informativ Informativ-Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari bagong paniniwala at mga bagong impormasyon. Bukod dito, ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad ng buong linaw at kaisahan; kaugnayan at kagamitan. Sangay ng tesktong informativ - SANAYSAY- Isang maikling sulating naglalaman ng mga ideyang may tiyak na direksyon at maaring isulat sa paraang pormal at impormal. Kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda Uri ng SANAYSAY: PORMAL Ang pormal na sanaysay ay may layuning magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa. Karaniwang nagsisimula ang sanaysay sa isang pagpapakilala, kung saan isinasaad ng manunulat kung ano ang kanilang pag-uusapan sa talata. DI-PORMAL Ay karaniwang nakikita bilang mas personal at Karaniwan itong nailalarawan sa pamamagitan ng personal na damdamin na hindi lohikal na naayos Karaniwan silang nakikita bilang pang-araw-araw na kaisipan at opinyon ng manunulat. BAHAGI NG SANAYSAY 1\. PANIMULA 2. GITNA/KATAWAN 3. WAKAS - PROSESO- Nagpapaliwanag kung papaano maisasagawa ang simpleng trabaho o bagay sa pamamagitan ng mga hakbang. - SURIMBASA o REBYU- maingat na komentaryo sa isang akdang nabasa, napanood o napakinggan - MGA BAHAGI NG SURIMBASA/REBYU: PANIMULA naglalaman ng uri ng panitikang ginamit sa akda PAGSUSURING PANGNILALAMAN ang bahagi kung saan makikita ang tema o paksa ng akda. PAGSUSURING PANGKAISIPAN napapaloob ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda. BUOD ang huling bahagi kung saan idinidiin ang mahahalagang punto. - EDITORYAL- malinaw ngunit hindi maligoy ang mga detalyeng nagpapatunay na mas wasto ang kanyang paniniwala ngunit ito\'y nakaangkla sa katotohanan. - BALITA o ULAT- ✓ Ito ay tekstong nagbibigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa mga bagay na kagaganap pa lamang. ✓ Naglalaman ng 5Ws na siyang pinakaesensyal sa pagbabalita: What, Who, When, Where, at Why ** Uri ng tekstong deskriptiv ayon sa layunin** DESKRIPTIV ✓ Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, o bagay gamit ang limang pandama. ✓ Ipinamamalas dito ang pagbuo ng detalye upang luminaw ang isang tiyak na impresyon o kakintalan o pangunahing larawan. Uri ng tekstong deskriptiv ayon sa layunin KARANIWAN Naglalayong maibigay ang karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang pandama; panlasa, pandinig, paningin, panalat at pang-amoy. MALIKHAIN o MASINING Naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama, damdamin at isipan ng naglalarawan. Paraan ng paglalarawan **BATAY SA PANDAMA** kung ito nakikita, naaamoy, nalalasahan, nahahawakan, at naririnig BATAY SA **NARARAMDAMAN** Ito ay naglalaman ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan. BATAY SA **OBSERBASYON** masasabing ito ay batay sa obserbasyon ng mga nagyayari. **b. Tekstong Persweysiv at Tekstong Narativ** TEKSTONG PERSWEYSIV Ang tekstong persuweysib ay naglalayong makapangumbisi o manghikayat sa tagapakinig, manonood, o mambabasa. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla. Ang tono ng tekstong ito ay sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya. Tatlong pangunahing Elemento ng Paghihikayat ▪ ETHOS Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat. ▪ PATHOS Paggamit ng emosyon ng mambabasa ▪ LOGOS Paggamit ng lohika at impormasyon Mga kailangang isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong persweysiv ▪ TONO (TONE) ▪ DAMDAMIN(EMOTION) ▪ PANANAW (POINT OF VIEW) Mga propaganda device na ginagamit sa tekstong persweysiv 1\. **Name Calling** Ito ay pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin. 2\. **Glittering Generalities** Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. 3\. **Transfer** Ito ay paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. 4\. **Testimonial** Ito ay naisasakatuparan kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto sa pamamagitan ng mgaebidensya at sariling testimonya. 5\. **Bandwagon** Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat o makisabay sa kung ano ang patok dahil lahat ay sumali na. Mga katangian na dapat taglayin sa tekstong narativ **TEKSTONG NARATIV** Ito ay isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwento ng isang karanasan, nasaksihan, napakinggan, nabasa o likhang-isip ayon sa pagkasunud-sunod. MGA KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN SA TEKSTONG NARATIV ▪ ANG PAMAGAT AY MAIKLI, ORIHINAL, KAPANAPANABIK AT NAPAPANAHON ▪ MAHALAGANG PAKSA O DIWA ▪ MAAYOS AT DI-MALIGOY NA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI. ▪ KAAKIT-AKIT NA SIMULA ▪ KASIYA-SIYANG WAKAS Bahagi ng narativ 1\. **Simula** Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa kung dapat bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng kuwento o hindi. 2\. **Tunggalian** Dito nakikita ang suliranin sa kuwento kung sino ang mga bida at kontrabida, at kung ano ang problemang dapat bigyan ng solusyon. May iba't ibang uri ito: a. Tauhan laban sa ibang tauhan b. Tauhan laban sa sarili c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan 3\. **Kasukdulan** Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang solusyon ang sulirain kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. 4\. **Kakalasan** Sa bahaging ito naman bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay daan sa wakas. 5\. **Wakas** Dito naman nakasaad ang panghuling mensahe ng kuwento, lantad man o tago. c\. Tekstong Argumentativ at tekstong Prosidyural **Tekstong Argumentativ** - Hangarin ng paraang ito na mapatunayan ang isang katwiran, katotohanan o proposisyon upang makuhang mapaniwala, mahikayat at maimpluwensyahan ang tagapakinig o mambabasa sa paninindigan at pananw ng nagsasalita o manunulat. Mga layunin -Upang mabigyang linaw ang isang mahalagang usapin o isyu \- Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa iba \- Makapagbahagi ng kaalaman sa ibang tao -Makapagpahayag ng saloobin \- Mapananatili ang opinyon ng bawat isa \- Makaimpluwensya ng ibang tao na kumilos nang naayon sat ama **Tekstong Prosidyural**- Naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Katangian ng tekstong prosidyural Tunguhin- nilalahad kung ano ang gagawin at para saan ito Kasangkapan- nilalahad ang mga kinakailangang material upang maisakatuparan ang gagawin Pamamaraan-nilalahad ang mga eksaktong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na gawin Ebalwasyon- nilalahad kung paano masusukat nang matagumpay ang isinasagawa. Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur 1\. Gumagamit ng payak na pananalita at nasa kontemplatibong aspekto ng pandiwa. 2\. Tumutukoy sa pangkalahatang mambabasa o manonood at hindi sa indibidwal na tao. 3\. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos o pandiwa upang ihayag ang tamang pamamaraan. 4\. Gumagamit ng mga pang-ugnay na salita upang ipakita ang pagkasunod-sunod ng bawat hakbang. 5\. Detalyadong tuntunin kung paano, saan at kailan gagawin ang prosidyur. 6\. Detalyadong paglalarawan sa materyales na maaaring gamitin. **d. Pagsulat ng Burador o Draft sa Pananaliksik** Sa wikang Ingles, ang borador ay tinatawag na draft. Hindi pa ito pinal at maaari pang magpasok ng mga ideyang iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang iyong papel. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakalap na talla. Ang borador ay ibinabatay sa panghuling balangkas. Kailangang pag-aralang mabuti ang balangkas bago isulat ang borador. Kung kulang ang datos na nakalap ay tiyak na mahihirapang isulat ang ilang bahagi. Dapat ay mabilis ang pagsulat sa borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng kaisipan. Maaari ding samahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos ang iyong papel ngunit siguruhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga may kredibilidad na impormasyon. Bigyang-halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya kaysa sa kung paano mo ito ilalahad. Kung mas pagtutuonan ng pansin ang paraan ng paglalahad ng ideya, baka hindi mo na maisulat ang mga dapat mo sanang maisulat pa. Mahalagang magkaroon ng borador sa pagsulat ng sulating pananaliksik upang makita mo ang kabuoan nito at mapagpasiyahan kung mayroon pa bang kinakailangang impormasyon, may paliwanag na kailangang palitan o burahin, o kailangang palitan ang organisasyon ng ilan sa mga ideya, na tutulong sa pagsulong ng iyong tesis. Sa pagsulat ng iyong borador, kinakailangang hawak mo ang pinal na balangkas, mga ginawa mong notecard, at ang tentatibong bibliyograpiya. Maaaring gawin mo ito ng sulat-kamay o ginagamitan ng computer. Magpasiya kung anong paraan ang mas komportable para sa iyo. Sa panahon kasi ngayon, rnas marami atig gumagamit ng computer sa pagsusulat, ngunit may ilan ding gumagamit pa ng bolpen at papel. Ang burador o draft ay tumutukoy sa pansamantalang talaan ng mga impormasyong kaugnay ang isinasagawang pananaliksik. Sa burador makikita ang unang sulatin ng bawat bahagi ng pananaliksik kaugnay ng mga tinipon o nakolektang impormasyon. Maihahalintulad ang burador sa isang ipunan o imbakan ng mga kaalamang gagamitin sa pananaliksik. Ang burador ang pangunahing binabalik-balikan ng isang mananaliksik upang baguhin, dagdagan, at payabungin ang mga impormasyon sa pananaliksik. Dahil ito ay pansamantala lamang, asahang maraming makikitang puwede pang pagyamanin. Mahalagang yugto ng pananaliksik ang pagbuo ng burador. Tulay sa pagbuo ng unang draft ang papel at panulat, maari din namang kompyuter ang gamitin. Sa yugtong ito, matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng pananaliksik. Mula sa binabalangkas na konsepto na maaari papaksa o papangungusap, magiging gabay ito upang pagyamanin ang nililinang na pananaliksik. Bukas ang unang draft sa pagbabago upang lalong mapabuti ang pananaliksik. 1\. Magbalangkas sa paraang konseptuwal, papangungusap, patalata, o biswal na paraan gamit ang grapikong pantulong. 2\. Maghanay-hanay ng pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o konsepto. Posibleng gumawa ng sariling pananda o pangkulay upang matukoy ang dibisyon ng mga konsepto. 3\. Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o pananaliksik. Maikli, malinaw, pormal, at intelektuwal na wikang gamitin. e\. Pagsasaayos ng Kabanata I Bahagi ng Kabanata 1 **Rasyunale ng Pag-aaral** Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. Bahagi din ng diskusyon ang pagtalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa. **Suliranin ng Pag-aaral** Ang pakay o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito. Binubuo ito ng dalawang uri: PANGUNAHING SULIRANIN na kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik; at TIYAK NA SULIRANIN na kung saan itinuturing na bahagi ngpangunahing suliranin at ipinahahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pa kay sa pananaliksik na nasusukat, nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan. **Kahalagahan ng Pananaliksik** Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung papaano sila makikinabang dito. **Batayang Konseptwal** Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang isinagawang pag-aaral. **Batayang Teoretikal** Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik na kanya namang susuriin, ipaliliwanag at lalagumin. Dito tinatalakay ang nakaraang deskripsyon o kasalukuyang teorya na may kahalagahan sa pag-aaral. Isinasaad ang sanggunian ng mananaliksik kung saan ipinakikita ang kaugnayan ng mga variable sa pag-aaral. Nagsisilbing legal na basehan ito upang ilarawang mabuti ang proseso ng pag-aaral. **Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral** Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumentong ginamit sa pananaliksik. Tinutukoy din nito ang saklaw ng pag-aaral at ang mga hadlang habang ito ay isinasagawa. **Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita** Ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang paglalahad ng key terms na ginamit sa pag-aaral. Ang pagbibigay ng kahulugan ay maaaring mailahad na KONSEPTWAL kung saan ito ay basesa konsepto o ideya na kadalasang makikita ang kahulugan sa diksyunaryo o di kaya naman ayOPERASYONAL na kung saan ang konsepto o ideya ay base sa kung papaano ito nagamit sa isinasagawang pag-aaral o pananaliksik. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral **Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral** Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na suliranin ng pananaliksik. Sa pamamaraang ito matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang nanaliksik na may kaugnayan sa iyong paksa. Ang pangangalap ng kaugnay na literatura ay kinakailangang komprehensibo kung maari -- isang payak na dulog upang malinaw na mai-ugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral. **Kaugnay na Literatura** Ilalahad ng kabanatang ito ang pangkalahatang larawan ng paksang pampananaliksik. Layunin ditong ipakita ang mga nagawa o hindi pa nagagawang pananaliksik ukol sa suliranin at bigyang linaw ang rasyonaleng teoritikal ng problema. **Kaugnay na Pag-aaral** Sakaling mahaba ang literatura at kaugnay na pag-aaral, maaari itong tumayong isang kabanata pagkatapos ng introduksyon. Kabilang sa bahaging ito ang mga pag-aaral na ang layunin, metodo, o mga natuklasan ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ihain ang pagtalakay ng mga nabanggit na layunin, pamamaraan ng pagaaral, mga pangunahing natuklasan, at kongklusyon sa anyo ng maikling kritikal na pag-aanalisa f\. Pagsasaayos ng Kabanata 3 Metodolohiya at Pamamaraan **Disensyo ng Pananaliksik**. Nililinaw rito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Ang pinakasimple ay ang paggamit ng descriptiveanalytic na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik. **Respondente**. Tawag sa mga sasagot ng iyong talatanungan o survey questions para makuha ang datos na kailangan sa pananaliksik. Babanggitin dito kung ilan sila at bakit sila napili. **Instrumento ng Pananaliksik**. Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Sa bahaging ito, maaaring interview o pakikipanayam, pasasagawa ng sarbey at pagpapasagot ng survey questions sa mga respondente. **Tritment ng mga Datos.** Inilalarawan kung anong statisticalna paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan. g\. Talatanungan bilang instrument sa pananaliksik Talatanungan Instrumentong gagamitin ng mananaliksik sa pagkuha ng mga datos na ipamamahagi at pasasagutan sa mga respondente. Taglay nito ang mga tanong na may kinalaman sa suliranin ng pag-aaral. Ito ang pinakamabisa at pinakamadaling instrument ng sarbey. Ang bawat talatanungan ay kinakailangang may kalakip na sulat, na magalang na humihingi ng kooperasyon mula sa mga repondente na magbibigay ng inaasahan at tamang impormasyon sa ikatatagumpay ng ginagawang pananaliksik. Gabay/Tagubilin sa Pagsulat ng talatanungan a\. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng pagsasarbey, kahalagahan nang matapat at tuwirangsagot ng mga respondente, inaasahang takdang-araw kung kailan maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang talatanungan, pasasalamat at iba pang makatutulong upang mahikayat ang kooperasyon ng mga respondente. b.Tiyaking malinaw ang lahat ng direksyon o panuto. c.Tiyaking tama ang gramatika sa lahat ng pahayag satalatanungan. d\. Iwasan ang mga may pagkiling na katanungan. e\. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian. f\. Tiyaking may kaugnayan ang lahat ng tanong sa suliranin ngpananaliksik. g\. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunod-sunod. h\. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na sagot o mga nakahihiyang impormasyon. i\. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong. j\. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian. k.Panatilihing tago ang pagkakakilanlan ng mga respondente. TALATANUNGAN -Instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga datos na ipamamahagi at pasasagutan sa mga respondente. Taglay nito ang mga tanong na may kinalaman sa suliranin ng pag-aaral. IBA'T IBANG FORMAT NG TALATANUNGAN (SEVILLA 1992;232-234) OPEN-END FORMAT -- Malaya ang mga respondent na sagutin ang hinihingi sa talatanungan sa paraang gusto niya. MULTIPLE CHOICE FORMAT -- Halimbawa: Ano ang nararamdaman mo nang marinig mo ang kwento ng kababalaghan? A. Takot na takot B. Natakot C. Di-tiyak D. Hini natakot E. Hinding-hindi natatakot CHECKLIST FORMAT Halimbawa: Ano ang dahilan/mga dahilan mo na piling sagot sa itaas na katanungan? \_\_\_Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang kwento \_\_\_Marami akong kakilala na nakikita na ng mga taong di-katulad natin \_\_\_duwag kasi ako \_\_\_hindi karaniwan ang paksa ng kwento ISKALA Halimbawa: 5- sang-ayon na sang-ayon 4-sang-ayon 3 -- hindi tiyak 2 -- hindi sang-ayon 1 -- hinding-hindi sang ayon INTERVYU May mga hakbang sa pagsasagawa ng interbyu \[Constantino at Zafra 1997\] na napapangkat sa mga sumusunod na yugto BAGO ANG INTERBYU A. Tiyakin ang taong iinterbyuhin B. Makipag-ugnayan at itakda ang petsa at lugar C. Magsaliksik tungkol sa paksa at sa taong iinterbyuhin D. Maghanda ng mga gabay na tanong E. Ihanda ang mgateknikal na kagamitan para sa interbyu AKTWAL NA INTERBYU A.Dumating sa takdang petsa, oras, at lugar B. Magpakilalang muli at bigyan ng malinaw na background tungkol sa paksa impormasyong nais makuha at layon ng interbyu. C. Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong tanong. D. Magpasalamat sa nagpaunlak ng intrbyu. PAGKATAPOS NG INTERBYU A. I-voice record ang petsa, lugar, paksa, pangalan ng na interbyu upang hindi mo makalumtan ang detalye ng interbyu. B. Gawan mo ng transkipsyon ang voice teyp. Isalin ito sa papel. Gawing verbatim o ayon sa sinabi ng transkipsyon. Itala din kung tumawa, nainis, nagalit o natakot, at iba pa.