Mga Tala sa Akademikong Pagsulat PDF

Summary

These notes provide an overview of Filipino academic writing, outlining its key characteristics, various types, and steps in writing such as prewriting and editing. They also include different writing structures including cause-and-effect and the process of writing. The notes are useful for Filipino students to enhance their academic writing abilities.

Full Transcript

COMPILED NOTES APP 003 (UNANG MAHABANG PAGSUSULIT) SAS 1: KAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSUSULAT Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan reaksyon at opinion base sa manunul...

COMPILED NOTES APP 003 (UNANG MAHABANG PAGSUSULIT) SAS 1: KAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSUSULAT Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan reaksyon at opinion base sa manunulat, gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat. Layunin nito na mailahad nang maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabatid o maiparating sa mga makakakita o makababasa. Ito ay nagsisilbing paraan upang maipahayag ng isang manunulat ang kanyang mga ideya, opinyon, at pananaliksik sa isang sistematiko at malinaw na paraan. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. SAS 2: PROSESO NG PAGSUSULAT SAS 3: PAGTUKOY SA MGA IBA’T IBANG HULWARAN NG PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN Pagbibigay Kahulugan o Depinisyon Ito ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rinay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larangan ay may tiyak na mga salitang ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa pamamagitan ng depinisyon. Mga Uri ng Depinisyon May dalawang uri ng depinisyon: (1) maanyong depinisyon, at (2) depinisyong pasanaysay. 1. Maanyong Depinisyon (Denotasyon) Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya. Tatlong Bahagi ng Maanyong Depinisyon a. Katawagan (form) – ang salitang ipinaliliwanag o binibigyang-depinisyon Halimbawa: Ang Parabula b. Klase o Uri (genus) – ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad na bagay Halimbawa: Ang Parabula ay isang maikling kuwento c. Mga katangiang ikinaiiba ng salita (difference) – mga paglalarawan na ikinaiiba ng salitang binibigyang-depinisyon s iba pang salita o katawagan. Halimbawa: Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang moral o espirituwal sa isang matalinghagang paraan. Iba pang halimbawa ng Maanyong Depinisyon A. Ang liriko ay isang uri ng tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng matinding damdamin ng makata. B. Ang astrolohiya ay sangay ng meteorolohiya na nag-iimbestiga sa kondisyon sa himpapawid at atmospera ng daigdig. C. Ang ekolohiya ay isang sangay ng siyensya na pag-aaral sa pag-uugnayan ng mga organism at sa kanilang kapaligiran, maging hayop man o halaman. Depinisyong Pasanaysay (Konotasyon) Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili- wili, makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang tiyak nah aba ito basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan. Halimbawa: Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa masamaat makagagawa ng inaakala nating magaling. Ang mga sumusunod ay mga iba pang uri ng hulwaran na maaaring magamit sa pagsulat ng akademikong sualtin. Ito ay ang sanhi– bunga at proseso. Sanhi at Bunga. Ito ay ang pagtunton sa pinagmulan ng isang isang bagay maging ang dahilan at epekto nito. Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katwiran sa teksto. Proseso.Ito ang pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay o kung ano ang mabuting paraan upang matamo ang isang layunin. SAS 4 at 5: :Pagkilala sa mga Iba’t Ibang Sulating Akademiko Ayon sa Katangian, Layunin at Gamit SAS 6: Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Abstrak Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Samakatuwid, ang sulating abstrak ay naglalayong mabigyang-diin ang pinakamahalagang aspeto ng orihinal na teksto sa isang maikling pahayag, na nagbibigay ng mga mahalagang impormasyon upang maakit at mabigyan ng pangkalahatang pag-unawa ang mga mambabasa. Kung mapapansin mo, ang mga bahagi ng abstrak ay makikita sa mga bahagi ng pananaliksik. Sapagkat ito ay abstrak ng isang pananaliksik. Huwag mo sanang kalimutan na maikli lang dapat ang pagsulat nito. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak  Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon, rekomendasyon o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.  Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita.  Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungu. Tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon at magdagdag ng mahahalagang impormasyon. Tiyakin ang ekonomiya ng mga salita at iwasto ang maling grammar at mekaniks.  Iproofread ang pinal na kopya. Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak  Binubuo ng 150-250 salita  Gumagamit ng mga simpleng pangungusap  Kumpleto ang mga bahagi  Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel  Nauunawaan ang pangkalahatan target ng mambabasa SAS 8: Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Sintesis Dalawang Uri ng Pagsulat ng Sintesis

Use Quizgecko on...
Browser
Browser