Filipino Summative Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by CuteFlerovium
Holy Cross of Davao College
Tags
Summary
This document appears to be a Filipino summative review for writing, highlighting different types of writing, including academic, and the elements of a good composition. Emphasis is placed on the process and principles of writing, going over different aspects, from the different kinds and types of writing processes, their objectives, and different perspectives on writing.
Full Transcript
Filipino Summative Reviewer WEEK 1 PAGSULAT Pagsulat - pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao - Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. -...
Filipino Summative Reviewer WEEK 1 PAGSULAT Pagsulat - pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao - Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. - Ang pagsuong sa gawaing ito ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain. Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales et al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. MGA MAKRONG KASANAYAN 1. PAGBASA 2. PAKIKINIG 3. PAGSASALITA 4. PAGSULAT Badayos (2000), ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Hellen Keller (1985) 1. BIYAYA - ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao. 2. PANGANGAILANGAN - kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa, at pagsasalita ay may malaking impluwensya sating pagkatao 3. KALIGAYAHAN - isang sining, maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sino man sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama. Peck at Buckingham - ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. MGA PANANAW SA PAGSULAT Sosyo-kognitibo Sosyo- salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Kognitibo- tumutukoy sa pag-iisip, empirical o paktwal na kaalaman. Sosyo-kognitibong pananaw - isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. 1. Mental na Aktibiti - pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat 2. Sosyal na Aktibiti - pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto. Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan. Personal na gawain - sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin at karanasan. Sosyal na gawain - pagganap sa ating mga tungkuling panlipunan at sa pakikisalamuha sa isa’t isa. Dalawang Dimensyon ng Pagsulat 1. Oral na Dimensyon - Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. 2. Biswal na Dimensyon - Ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginagamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo. PANANAW SA PGSULAT 1. Layuning ekspresibo - nagpapahayag ng iniisip o nadarama. Halimbawa: pagsulat ng tula ng mga makata. 2. Layuning transaksyonal - layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan. Halimbawa: paggawa ng liham-pangangalakal (Business Letter) TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT (Bernales, et al. 2001) 1. Impormatibong Pagsulat - expository writing. makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. PAKSA ANG POKUS 2. Mapanghikayat na Pagsulat - persuasive writing. magkumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. MAMBASA ANG POKUS 3. Malikhaing Pagsulat - mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. pagpapahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya. MANUNULAT MISMO ANG POKUS 8 KATANUNGAN NG PROSESO NG PAGSULAT Mga katanungan sa paghanda ng isang sulatin 1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? 2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito? 3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos? 4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap? 5. Sino ang babasa ng aking teksto? 6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalaman ko? 7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? 8. Paano ko pa mapauunlad at mapabuti ang aking teksto? Pre-writing (Bago Magsulat) - nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Actual Writing (Aktwal na Pagsulat) - pagsulat ng burador o draft. Rewriting (Muling Pagsulat) - pag-eedit at pagrerebisa ng draft 6 MGA URI NG PAGSULAT 1. Akademiko - isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paaralan. Primary to Doctorate 2. Teknikal - tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa. makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. 3. Journalistic - kadalasang ginagawa ng mga journalist, saklaw sa balita, editoryal 4. Reperensyal - magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. 5. Propesyonal - nakatuon o ekslusibo, police report, medical report, briefs and pleadings 6. Malikhain - ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at di-piksyonal WEEK 2 AKADEMIKONG PAGSULAT Akademikong Pagsulat - makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik. magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. 3 KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Fulwiler at Hayakawa (2003) 1. Katotohanan - nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. 2. Ebidensya - gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad. 3. Balanse - nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento, gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang magiging makatwiran nagsasalungatang pananaw. 15 KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. KOMPLEKS- ang pasulat na wika ay mas kompleks sapagkat may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. 2. PORMAL- hindi angkop ang mga kolokyal at balbal na salita at ekpresyon 3. TUMPAK- facts at figures ay inalalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang. 4. OBHETIBO- ang pokus ay ang mga impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin. 5. EKSPLISIT- ginagamitan ng mga signaling words sa teksto 6. WASTO- gumagamit ng wastong mga bokabularyon o mga salita 7. RESPONSIBLE- pagiging responsible sa pagkilala ng impormasyon. 8. MALINAW NA LAYUNIN- 9. MALINAW NA PANANAW - layuninng maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa. Ito’y tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat. 10. MAY POKUS - bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. 11. LOHIKAL NA ORGANISASYON- may introduksyon, katawan, at konklusiyon. 12. MATIBAY NA SUPORTA- maaaring kapalooban ng facts, figures 13. MALINAW AT KUMPLETONG EKPLANASYON 14. EPEKTIBONG PANANALIKSIK 15. ISKOLARLING ESTILO SA PAGSULAT - sinisikap ang kalinawan at kaiklian, madaling basahin at maiwasan ang pagkakamali. TUNGKULIN O GAMIT NG AKDEMIKONG PAGSULAT 1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika -KOMUNIKATIBO, LINGGWISTIK, KOMYUNIKEYTOR 2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip - lumilinang sa kritikal na pag-iisip 3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao. -halaga ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap,responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan. 4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. Halibawa: Ang doktor ay gumagawa ng medical abstract at patient’s medical history. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. Mapanghikayat na Layunin Mahikayat ang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. (Halimbawa: Posisyong Papel) 2. Mapanuring Layunin - Maipaliwanag at masuri, iniimbestigahan ang sanhi bunga at epekto, inuugnay (panukulang proyekto) 3. Impormatibong Layunin -ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong Week 3 - Pagsulat ng buod Buod - tala ng isang indibidwal, sariling pananalita TATLONG PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD O SUMMARRY 1. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto 2. Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan 3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa. 5 Katangian ng Mahusay na Buod 1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. - sumasagot sa mga pangunahing katanungan tulad ng sino, ano, saan, kailan, bakit, at paano. 2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. - impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat na isama. 3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto. - paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad na linaw ng orihinal. 4. Gumagamit ng mga susing salita. - pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto. 5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na mensahe. 5 HAKBANGIN SA PAGBUBUOD 1. Habang binbasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye. (pagsasalungguhit) 2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya. 3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan. 4. Kung gumamit ng unang panuhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido. Ang manunulat, o siya. 5. Isulat ang buod PAGSULAT NG SINTESIS Sintesis - paglalahad ng kaisipan nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na pangyayari. pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon ANYO NG SINTESIS 1. Explanatory synthesis - tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. 2. Argumentative synthesis - maglahad ng pananaw ng sumusulat nito. 3 MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS 1. Background synthesis.- pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. 2. Thesis-driven synthesis. - malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin. 3. Synthesis for the literature. - pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. 8 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS 1. Linawin ang layunin sa pagsulat. 2. Pumili ng naaayong saggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito. 3. Buuin ang tesis ng sulatin. 4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. 5. Isulat ang unang burador 6. Ilista ang mga sanggunian. MLA and APA 7. Rebisahin ang sintesis.- basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito. 8. Isulat ang pinal na sintesis.