Filipino sa Piling Larang (Reviewer) Pagsusulat PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses various aspects of writing in Filipino, including the different types of writing, writing processes, and the importance of writing. It also focuses on academic writing and offers guidelines for writing effectively.
Full Transcript
**Filipino sa Piling Larang** *(Reviewer)* **Pagsusulat** Sauco et al(1998)- ang pagsalin sa papel ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon. Layunin nitong maipahayag ang nasa isipan ng isang tao. Mabilin (2012)- ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalah...
**Filipino sa Piling Larang** *(Reviewer)* **Pagsusulat** Sauco et al(1998)- ang pagsalin sa papel ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon. Layunin nitong maipahayag ang nasa isipan ng isang tao. Mabilin (2012)- ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Bernales et al. (2001)- Artikulasyon ng ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinapahayag sa paraang pagsulat, limbag at elektroniko. Peck at Buckingham- ang pagsulat ay extension ng wika. Anumang natutunan sa makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa ay nagiging output ng pagsulat. Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo. Xing at Jin- ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento. Keller- ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. **Proseso ng Pagsulat** Bago ang pagsulat- Nagaganap dito ang paghahanda sa pagsulat tulad ng pagpili ng paksa at pangangalap ng datos. Aktwal na pagsulat- Isinasagawa dito ang aktuwal na pagsulat kabilangna ang pagsulat ng burador o draft. Muling pagsulat- Nagaganap dito ang pag-eedit at pagrerebisa ng burador batay sa wastong gamit ng mga salita, talasalitaan at pagkakasunodsunod ng mga ideya. **Layunin ng Pagsusulat** \- ang maipabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat (Royo na nasa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, 2001). \- maaaring **personal o ekspresibo** kung saan ang layunin ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat (Mabilin, 2012) \- maaaring **panlipunan o sosyal** kung saan ang layunin ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan (Mabilin, 2012) **Kahalagahan ng Pagsusulat** 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 3\. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4\. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5\. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag- ambag ng kaalaman sa lipunan. 6\. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7\. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. **Kahalagahan ng Pagsulat** Kahalagahang Panterapyutika- Ito ay upang gumaan ang kanilang pakiramdam at maibsan ang isang mabigat na dalahin. Kahalagahang Pansosyal- Ito ay bilang sandata para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Kahalagahang Pang-ekonomiya- Ito ay para siya'y mabuhay. Sa madaling salita, ito'y nagiging kanyang hanapbuhay. Kahalagahang Pangkasaysayan- Ito ay mahalaga sa pagpreser- ba ng kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon. **Gamit o Pangangailangan** Wika -- Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, imporma- syon at iba pang nais ilahad ng taong nais sumulat. Paksa -- Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Layunin -- Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. **Pamamaraan ng Pagsulat** \- impormatibo \- ekspresibo \- naratibo \- deskriptibo \- argumentatibo Kasanayang Pampag-Iisip-- kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga dato na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging mga imporma-syong dapat isa sa akdang isusulat. Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin-- kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at mainang na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat-- pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabu- luhang pangungusap, pagbuo ng talata at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. **Mga Uri ng Pagsulat** 1. Malikhaing Pagsulat (*Creative Writing*)- pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mamba- basa. Maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang isip lamang. *Maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp.* 2. Teknikal na Pagsulat (*Technical Writing*)- ginagawa sa layuning pagaralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang inaasahang higit na makauunawa lamang nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan. *feasibility study, project on renovation,* *proyekto sa pagsasaayos ng ilog, daan, gusali at iba pa.* 3\. Propesyunal na Pagsulat (*Professional Writing*)- may kinala- man sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibig- yang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag- aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. *lesson plan, pagsusuri ng kurikulum at paggawa ng mga pagsusulit o assessment para sa mga guro, sa larangan ng medisina, medical report, narrative report tungkol sa physical examination ng isang pasyente* 3. Dyornalistik na Pagsulat (*Journalistic writing*)- ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. *pagsulat ng balita,editoryal, lathalain, artikulo atbp* 4. Reperensiyal na Pagsulat (*Referential Writing*)- layunin ng sulating ito na bigyangpagkilala ang mga pinakunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis o disertasyon. Layunin din na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. *bibliography, index, note cards at itbp.* 6\. Akademikong Pagsulat (*Academic Writing*)- isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataaas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan. Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinanganga- twiranan. Layunin nito na ipakita ang resulta ng pagsisisyasat o ng ginawang pananaliksik (Carmelita Alejo et al., 2005). Ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat (Edwin Mabilin et al., 2012). Akademiya \- academie (Pranses) \- academia (Latin) \- academeia (Griyego) Academos \- bayaning Griyego \- institusyong pangedukasyon **Ang Akademikong Pagsulat** \- isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na maaaring magamit sa ikatataguyod ng lipunan. \- layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabulu-hang impormasyon. \- ito'y isinasagawa upang makatupad sa isang panga-ngailangan sa pag-aaral at itinatakdang gawaing pasulat sa isang tagpuang akademiko. **Akademikong Sulatin** \- iba-ibang sulatin na ginagawa gamit ang intelektwal na isip. \- layuning mapalawak ang kaalaman hinggil sa iba't ibang larangan at paksa. \- mahalaga ito sapagkat ito ay magagamit sa trabahong papasukin sa hinaharap **Katangiang Dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat** Obhetibo - Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi personal o pansarili. Binibigyang-diin dito ang impormasyon na gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa. Iwasan ang pagiging subhetibo o pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala Pormal**-** Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Gumagamit ng salitang pormal na madaling mauuna- waan ng mambabasa. Pormal ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon Maliwanag at Organisado**-** Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. May Paninindigan- Hindi maganda ang magpabago- bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. May Pananagutan- Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoidad ng mga ginagamit na sanggunian. Ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa. **Iba't Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat** Lakbay Sanaysay, Agenda, Pictorial Essay, Sintesis, Replektibong Sanaysay, Bionote, Posisyong Papel, Talumpati, Katitikan ng Pulong, Abstrak, Panukalang Proyekto, Memorandum **Abstrak -** ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. \- Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon - Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. \- naglalaman ng pamagat ng pananaliksik, kailan, paano, at saan nagmula ang problemang kinakaharap kung kaya kailangan ng pananaliksik, malinaw na pakay o layunin ng isang manunulat, pokus o paksang binigbigyang-diin o empasis, pangkalahatang metodolohiyang ginamit, resulta o kinalabasan ng pag- aaral, kongklusyon, at implikasyon. Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na *How to Write an Abstract* (1997), bagama't ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. **Dalawang uri ng Abstrak** Deskriptibong Abstrak- ay maiksi na uri ng sulatin. \- 100 or less na mga salita \- walang konkretong buod o resulta ng sulatin Impormatibong Abstrak- ay nagtataglay ng halos lahat ng elemento ng abstrak. \- Detalyado at malinaw ang mga impormasyon \- Kumpleto at binubuo ng 250 or more na mga salita **Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak** 1\. Lahat ng detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel 2\. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak 3\. Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap. 4\. Maging obhetibo sa pagsulat. 5\. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak** 1\. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. 2\. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin 3\. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. 4\. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5\. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang kaisipang dapat isama rito. 6\. Isulat ang pinal na sipi nito. **SINOPSIS/BUOD** \- isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan. \- ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. \- sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? \- mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. \- maging obhetibo sa pagsulat nito. **Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod** 1\. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. 2\. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. 3\. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinakaharap. 4\. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod 5\. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6\. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. **Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod** 1\. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa 2\. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. 3\. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas. 4\. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat. 5\. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal. 6\. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod. **Ano ba ang Sintesis?** \- Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin. \- Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan piksyon. \- Karaniwang hindi lalampas sa dalawang pahina. **Mga Anyo ng Sintesis** Explanatory na Sintesis- isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. Argumentative na Sintesis- ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito. **Mga Uri ng Sintesis** Background Synthesis**-** Nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa. Thesis-Driven Synthesis**-** Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit magkaiba lamang sila ng pagkatuon. Synthesis for the Literature**-** Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. **Mga Katangian ng Mahusay na Sintesis** \- Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba't ibang estruktura at pahayag. \- Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba't ibang sangguniang ginagamit. \- Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napapalalim nito ang pagunawa ng nagbabasa sa mga akdang pinagugnay-ugnay. **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis** \- Isulat ang unang burador \- Ilista ang sanggunian \- Rebisahin ang sintesis \- Isulat ang pinal na sintesis **Bionote** \- maituturing ding uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. \- mas maikli sa talambuhay o kathambuhay \- ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa (Duenas at Sanz, 2012) \- sa madaling salita, layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. **Mga Bagay ng Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote** 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. \- resume (200 words) \- networking site (5-6 sentences) 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. \- interes \- tagumpay na nakamit (2-3 na mahahalaga) 3\. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4\. Gawing simple ang pagkakasulat nito. 5\. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. **MEMORANDUM** \- ito ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos (Prof. Ma. Rovilla Sudaprasert, 2014) \- Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito, nagiging malinaw sa mga dadalong pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. \- ang mga kilala at malalaking kompanya at institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationary para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod (Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in the Discipline, 2014): \- **Puti-** pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon \- **Pink o Rosas**- ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department \- **Dilaw o Luntian**- para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department Tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito (Bargo, 2014) 1. Memorandum para sa kahilingan 2. Memorandum para sa kabatiran 3. Memorandum para sa pagtugon *Nagmula ito sa salitang Latin na memorandum est na nangangahulugang "It must be remembered."* **Layunin ng Memorandum** 1\. Magbigay ng mga anunsyo o maglahad ng mga patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. 2\. Paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan, o bagong usapin o tuntunin sa trabaho 3\. Magbigay ng babala sa isang partikular na sektor o departamento, o kaya sa isang indibidwal na empleyado kung may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho. \- Magbigay at Manghingi ng impormasyon \- Pagkompirma sa kumbersasyon \- Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa pulong \- Pagbati sa katrabaho \- Pagbuod ng pulong \- Pagpapadala ng dokumento \- Pag-uulat sa pang-araw-araw na gawain **Mga Bahagi ng Memorandum** 1\. **Letterhead** - Naglalaman ito ng pangalan ng samahan at kung saan nagmula ang memo. 2\. **Ulo (Heading)** - Ito ay binubuo ng pangalan para sa pagdadalhan at pangalan mula nagpadala, petsa kung kalian isinulat at ipinaskil ang memo at paksa o pinag- uusapang impormasyon. 3\. **Katawan (Body)** -- Dito inilalagay ang panimula at ang buod ng pinakamensahe ng memo. 4. **Konklusyon** - naglalaman ng pahabol na mensahe o impormasyon. **Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Memo** 1\. Pag-isipan kung ano ang priyoridad at ang mga pinahahalagahan ng mga taong babasa nito. 2\. Paghandaan ang mga posibleng katugunan ng mga mambabasa kaya suriing mabuti ang nilalaman ng memo at ihanda ang mga halimbawa o ebidensya 3\. Ang wika gagamitin ay dapat na tuwid at simple. 4\. Gumamit ng mga parirala ng babala. 5\. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong memo. 6\. Gumamit ng naaangkop na mga pangalan para sa tatanggap. 7\. Huwag lagyan ng pagbati. 8\. Gawing maigsi ang memo. Ang isang propesyonal na memo ay hindi dapat lumagpas sa dalawang pahina. 9\. Isama ang isang konklusyon. 10.Lagyan ng iyong buong pangalan at lagdaan pagtatapos ang memo. 11.Repasuhin nang mabuti ang memo bago ipadala sa kinauukulan. **ADGENDA O ADYENDA** \- ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong (Sudaprasert, 2014) **Mga Hakbang** 1\. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar. 2\. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kinakailangang magpadala sila ng tugon 3\. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. 4\. Ipadala ang siping adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. 5\. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong. **Mga Dapat Tandaan** \- Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng siping mga adyenda. \- Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa. \- Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. \- Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa siping adyenda. \- Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda. **KATITIKAN NG PULONG** \- ang opisyal na talang isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalye ng tinalakay sa pulong. **Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong** 1\. Heading- ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, lokasyon, at oras ng pagsisimula ng pulong. 2\. Mga kalahok- nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. 3\. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay nagpatibay o may mga pagbabagong isinasagawa sa mga ito. 4\. Action items o usaping napagkasunduan - makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. 5\. Pabalita o patalastas- hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong \- halimbawa mga suhestiyong agenda para sa susunod na pagpupulong. 6\. Iskedyul ng susunod na pulong **-** Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. 7\. Pagtatapos -- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong. 8\. Lagda- mahalagang ilagay ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kalian ito isinumite. **Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong** 1\. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong 2\. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong 3\. May siping mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong 4\. Handa sa mga siping adyenda at katitikan ng nakaraang pulong 5\. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda 6\. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading 7\. Gumamit ng recorder kung kinakailangan 8\. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos 9\. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan. 10\. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong. **TALUMPATI** \- Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. \- Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat \- Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito\'y biglaan. \- Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalum- pati. \- Ito ay isang proseso o paraan ng papapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa 1\. Biglang Talumpati (Impromptu)- ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. 2\. Maluwag (Extemporaneous)- nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan 3\. Manuskrito - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. 4\. Isinaulong Talumpati- ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. **Mga Uri Ng Talumpati ayon sa Layunin** 1\. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran- Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. 2\. Talumpating Panlibang- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng Kasiyahan sa mga nakikinig. 3\. Talumpating Pampasigla- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. 4\. Talumpating Panghikayat**-** Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. 5\. Talumpati ng Pagbibigay-galang**-** Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. 6\. Talumpati ng Papuri- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. **Mga dapat isalang-alang sa Pagsusulat ng Talumpati** A. **Uri ng mga Tagapakinig**- Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al (2002) ang ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod: 1. Ang edad o gulang ng mga makikinig- mahalagang alamin ang edad gulang ng nakararami sa ma tagapaking lakma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin 2. Ang bilang ng mga makikinig- importante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa talumpati. 3. Kasarian- madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. 4. Edukasyon o antas sa lipunan- mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng nakararaming dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng kanilang buhay sa lipunan. 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig- dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakiking tungkol sa paksa. B. **Tema o Paksang Tatalakayin-** mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon. Ayon kina Casanova at Rubin (2001), upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, dapat makitaan na may sapat na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa. Narito ang nga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati: 1\. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin**-** Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon si ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at dyornal. 2\. Pagbuo ng Tesis**-** mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. 3\. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto**-** mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibikasing talumpati. C. **Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati-** malaki ang epekto ng paraan ng pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati sa pag-unawa nito ng mga tagapakinig. Ayon kinaCasanova at Rubin (201), may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati: 1\. Kronolohikal na Hulwaran- ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. 2**.** Topikal na Hulwaran- Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito. 3\. Hulwarang Problema- ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. D. **Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati-** Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati Ayon kay Alcmitser P. Tumangan, Sr. et al., ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi: 1. Introduksiyon- Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang: \- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig \- makuha ang kanilang interes at atensiyon \- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa \- maipaliwanag ang paksa \- mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin \- maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe 2. Diskusyon o Katawan- dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati: a\. Kawastuhan**-** Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. b\. Kalinawan- Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. Mahalagang tandaan ang sumusunod: 1\. Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang mauunawaan ng mga makikinig. 2\. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang hugnayang pangungusap. 3\. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasang magpaligoy- ligoy sa pagpapahayag ng paksa. 4\. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga tagapakinig. 5\. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng paksa 6\. Kaakit-akit o gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. 3\. Katapusan o Kongklusyon**-** Dito nakasaad ang pinakakongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malamán. 4\. Haba ng Talumpati- Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentason nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras