Babasahin sa Filipino sa Piling Larangan PDF
Document Details
Uploaded by FastestGrowingRomanticism
FEU Roosevelt
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Filipino para sa mga mag-aaral sa sekondarya sa larangan ng humanidades at agham panlipunan.
Full Transcript
F E U R O O S E V E LT ONLINE DISTANCE LEARNING Secondary Education Department Babasahin sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 5-Disiplina sa Iba't Ibang Larangan: Larangan ng Humanidades Filipino bilang Wika Si Manuel Quezo...
F E U R O O S E V E LT ONLINE DISTANCE LEARNING Secondary Education Department Babasahin sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 5-Disiplina sa Iba't Ibang Larangan: Larangan ng Humanidades Filipino bilang Wika Si Manuel Quezon ay nag-iwan ng kataga na “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika” sa Filipino bilang Wika. Filipino bilang larangan at Filipino bilang iba’t ibang larangan Ang salitang larangan ay nagmula sa salitang "lárang," na nangangahulugang isang akademikong disiplina o saklaw ng pag-aaral. Sa salitang Ingles, ito ay field, field of knowledge, areas o sphere. Ito ay maraming kahulugan na nakadepende sa pagkakagamit sa isang pangungusap. Ang salitang disiplina ay nagmula sa salitang espanyol na disciplina, na nagmula sa salitang latin na disciplīna na nangangahulugang "paraan," "pag-aaral," o "pagtuturo." Ang Filipino sa Iba’t ibang disiplina ay tumutukoy sa gamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang larangan o kurso. Isa itong malinaw na katotohanan na sa kasalukuyang panahon ang Wikang Filipino ay intelektwalisado, tanggap at ginagamit ng mga Pilipino ano mang tribu o grupo ang kanilang pinanggalingan. Gayundin sa mga disiplina sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang pagpaplanong pangwika. Unang antas, ito ay ang antas makro sa pagpaplanong pangwika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Ikalawang antas, maykro sa pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa bawat lugar. Filipino sa Humanidades Ang Larangan ng Humanidades ay na nakatuon sa tao, mga aspeto ng kultura, kasaysayan, sining, relihiyon, at wika ng isang indibidwal. Ang pangunahaing layunin nito ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao.” Mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng: Pagpuna o Analitikal na Lapit - Ito ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa. F E U R O O S E V E LT ONLINE DISTANCE LEARNING Secondary Education Department Malawakang Pagsusuri o Kritikal na Lapit – Ito ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya. Pagbabakasali o Ispekulatibo Lapit – Ito ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat. Mga Disiplina o Pag-aaral sa Larangan ng Humanidades: Pilosopiya – Ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Etika – Ito ang pag-aaral na tumutukoy sa mga bagay na ginagawang tama o mali ang isang gawain, at ang mga kaisipan tungkol sa tamang gawain na maaaring ilapat sa mga natatanging katanungang pangmoral. Pilosopiya ng Pagdama – Ang pag-aaral na pampilosopiya na ito ay tungkol sa kalikasan ng pag-iisip, pagdama, kaugnayan nito sa katawan at iba pang bahagi ng daigdig. Larangan ng Panitikan – Ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karansan, hangarin, at diwa ng tao. Larangan ng Relihiyon - Nakatuon ang pag-aaral na ito sa kaugalian, paniniwala at kultura na naguugnay sa sangkatuhan sa mga ispiritwal na bagay o pangyayari. Larangan ng Lapat-Sining - Tumutukoy sa pag-aaral sa mga disenyo o kinuhanan ng litrato upang maging kaaya-aya. Larangan ng Sining-Biswal - Ang pokus nito ay pag-aaral sa isang sining na naglalayong makuha ang atensyon ng mga tagapanood sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknik na nakikita, naririnig at nararamdaman. F E U R O O S E V E LT ONLINE DISTANCE LEARNING Secondary Education Department Aralin 6-Disiplina sa Iba't Ibang Larangan: Larangan ng Agham Panlipunan Ang agham ay isang obhetibong pag-aaral ngunit gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Binubuo rin ng iba’t ibang insititusyon, ugnayan at kultura. Ang Larangan ng Agham Panlipunan ay pumapaksa sa lipunan, tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan na kinabibilangan. Mga Disiplina o Pag-aaral sa Larangan ng Agham Panlipunan: Antropolohiya – Ang disiplinang ito ay pinag-aaralan kung paano inuunawa ang iba't ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng isang kultura sa lipunan. Narito ang mga founding fathers o mga pundasyon na nagbukas ng pagkilala sa disiplinang ito: Otley Beyer - Isang amerikanong antropologo na may malaking ambag sa kasaysayan ng pilipinas. Franz Boas – Tinaguriang ama ng Antrolopohiyang Amerikano. Charles Darwin – Siya ang may konsepto ng Survival of the Fittest, Quadrupedalism at Bipedalism na pag-aaral sa disiplina ng antropolohiya. Edward Tylor – Siya ay kilalang tao bilang Ama ng Antropolohiyang Ingles. Ekonomiks – Ito ay nagmula sa salitang oicos (bahay) at nomos (pamamahala). Ito ay isang pag-aaral kung paano ang mga tao at lipunan ay gumagawa ng mga desisyon ukol sa paggamit ng limitadong mga yaman upang matugunan ang kanilang mga walang katapusang pangangailangan at kagustuhan. Sa disiplina o pag-aaral na ito ay may kinikilalang ama ng ekonomiks na si Adam Smith. Ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakapusan o scarcity ang isang bansa ay dahil sa mga sumusunod: Mabilisan Paglobo ng Populasyon (Population Growth) Kakulangan sa impormasyon tungkol sa teknolohiya (Teknolohiya o Machinery) Mataas na pagpataw ng presyo ng mga bilihin (Inflation) Arkeolohiya - Isang agham na nag-aaral ng mga sinaunang tao at kanilang mga kultura sa pamamagitan ng mga materyal na kasangkapan tulad ng fossils, labi o artifacts at iba pa na bakas ng nakaraan. F E U R O O S E V E LT ONLINE DISTANCE LEARNING Secondary Education Department Agham Pampolitika - Ito ay sangay ng agham panlipunan na nag-aaral ng mga sistema ng pamahalaan, magproseso ng paggawa ng desisyon, batas, mga ideolohiya at mga ugnayan sa pagitan ng mga tao, institusyon, at mga estado. Lingguwistika – Ito ang pag-aaral sa wika, kabilang ang mga istruktura, mga tuntunin, at gamit nito sa komunikasyon. Sosyolohiya – Ito ay isang maka-agham na pag-aaral ng tao sa kaniyang relasyon o interaksyon sa kaniyang lipunan at sa iba pang indibidwal o grupong kaniyang kinabibilangan. Sikolohiya - Hango sa salitang psyche (kaluluwa o buhay) at ology (pag-aaral). Ito ang pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao. Arkeolohiya - Isang mahalagang sangay ng agham panlipunan na tumutok sa pagsusuri mga fossils at labi o artifacts kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao. Area Studies – Ito ay isang interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong luga. Ginagamitan ito ng lapit sa pananaliksik na kuwantitatibo, kuwalitatibo,empirikal na obserbasyon at imbestigasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pag-aaral sa Korean Studies, Philippines Studies, American Studies at Russian Studies atbp. Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik Mga Anyo o Genre ng sulatin sa Larangan ng Agham Panlipunan Report Balita Sanaysay Editorial Papel ng Pananaliksik Talumpati Abstrak Adbertisment Artikulo Proposal sa Pananaliksik Rebyu ng Libro o Artikulo Komersiyal sa Telebisyon Biyograpiya Testimonyal