Arpan 10 Reviewer - Q1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses sociological concepts and examples related to social groups, culture, and current societal issues. It covers various aspects of social structure, including institutions, status, roles, and different types of social groups.
Full Transcript
Arpan 10 Kontemporaryo - naglalarawan sa panahon mula sa pagitan ng ika – 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. - sa makatwid, ang mga pangyayari na nangyayari sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay maituturing na kontemporaryo. Isyu - nangangahulugan ng mga paksa,...
Arpan 10 Kontemporaryo - naglalarawan sa panahon mula sa pagitan ng ika – 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. - sa makatwid, ang mga pangyayari na nangyayari sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay maituturing na kontemporaryo. Isyu - nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning nakaaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate sa lipunan, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Kontemporaryong Isyu - pangyayari o ilang suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon Paano maituturing na Isyu? - Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan - May malinaw na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan - May matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon - Mga temang nagpag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan. Mga Sosyologo tungkol sa Lipunan 1. Emile Durkheim “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nangmaayos ang kanilang tungkulin." (Mooney, 2011)” 2. Karl Marx "Ang lipunan ay kakikitan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-agawan ng mga tao, sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga ito,nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao salipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan."(Panopio, 2007) 3. Charles Cooley “Ang lipunanay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawan at higt na nakikila ng tao ang kaniyang saili sa pamamagitan ng pakikisamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kayusang, panlipunan sapamamagitan ng mayo na interaksiyon ng mga mamamayan. (Money, 2011) Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan a. Institusyon b. Social Groups c. Status (Social Status) d. Gampanin (Roles) A. Institusyon - pamilya - paaralan/edukasyon - ekonomiya - relihiyon B. Social Groups - Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. Dalawang Uri ng Social Group 1. Primary group - tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. - kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan 2. Secondary group - indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa. - karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan Halimbawa: - ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa't isa. C. Status - ang mga social groups naman ay binubuo ng iba't ibang status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. - ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status Dalawang Uri ng Status 1. Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak - hindi ito kontrolado ng isang indibiduval Halimbawa: Kasarian - Si Jaja ay ipinanganak na babae 2. Achieved Status - nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap - maaaring mabago ngang indibiduwal ang sang achieved statem Halimbawa: Pagiging isang guro -Si Nho-nho ay naging guro dahil sa kaniyang pagsusumikap. D. Gampanin (Roles) - may posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. - ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. - sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Kultura - ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupon panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. (Andersen at Taylor 2007) - “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawai ng tao". (Panopio 2007) - tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. - tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Dalawang Uri ng Kultura 1. Materyal - binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nananawakan at gaya o nilikha ng táo. (Panopio, 2007) - ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan. 2. Hindi Materyal - kabilang dito ang batas, gawi, ideya. paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao - hindi tulad ng materyal na kultura hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. - ito ay bahagi ng pang- araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011) Elemento Ng Kultura 1. Paniniwala (Beliefs) - tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Halimbawa: - ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito. 2. Pagpapahalaga (Values) - batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. - batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat. - Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan. 3. Norms - tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. - nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Uri Ng Norms Folkways (Customs) - pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. - ito ay mga kagawian ng pamumuhay, pag-iisip, o pag-akto ng isang grupo ng mga tao. Halimbawa: - ang pag mamano, paggamit ng po at opo, bayanihan, harana at pamamanhikan. Mores - tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. - ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). - mga kaugalian kung na nagsasaad ng mga maling moral o mga bagay na mali. Halimbawa: - pedophilia, rape at incest. 4. Simbolo (Symbols) - ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. - kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Halimbawa: - wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan. Rasismo - paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao. - Kontemporaryong Isyung Panlipunan Terorismo -ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o criminal. - Kontemporaryong Isyung Panlipunan Malnutrisyon - isang kondisyon ng katawan na kulang sa bitamina o maling pagpili ng pagkain. - Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan Globalisasyon - tumutukoy sa pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa. - Kontemporaryong Isyung Pangkalakan Climate Change - pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. - Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran Suliranin sa Solid Waste - tumutukoy ito sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na basura na nakikita sa paligid - bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste. (National Solid Waste Management Status Report, 2015). -Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%. - Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% Konteksto ng Suliranin pangkapaligiran dahilan at epekto Dahilan ng Problema sa Solid Waste a. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. -Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay Epekto ng Problem sa Solid Waste a. ang paglala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto_na nagdudulot ng iba't ibang sakit. b. Ang pagsusunog ng basura ay nakadaragdag sa polusyon sa hangin. c. Sa mga tirahan na malapit sa Dumpsite ay nagdudulot ng panganib sa mga naninirahan dito. d. Katas ng basura na nagtataglay ng lead, arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. Problemang maaari sanang maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga pampublikong lugar ang Waste Segregation. 2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman - malaki Ang kinikita ng PILIPINAS mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at pangingisda. - sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit pito. HINDI EPEKTIBONG pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan. Suliranin sa Yamang Gubat Deforestation -tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba't ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad. Dahilan at Epekto ng Deforestation sa Pilipinas i.) Illegal logging llegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. – dahilan - pagbaha, soil erosion, pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop. – epekto ii. Ang Pagsasagawa ng KAINGIN – dahilan Migration paglipat ng pook panirahan ang mga hayop. – epekto iii.) Mabilis na pagtaas ng populasyon – dahilan - Mataas na demand sa mga produkto kung kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdivision, paaralan atbp. plantasyon. – epekto iv.) Fuel wood harvesting – dahilan - Kung kaya, kapag nawala ang mga puno, ang karaniwang epekto ay pagbaha at pagguho ng mga bundok – epekto v.) Ilegal na Pagmimina – dahilan - Paghuhukay sa ilalim ng lupa ng ginto, pilak, diamond, ruby, limestone atbp. - Pagguho ng mga lupain – epekto 3. Climate Change - ito ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari din gawain ng tao. Epekto ng Climate Change a.) Isa sa sinasabing DAHILAN nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. b.) Isa ring dahilan ang usok na mula pabrika, mga iba't ibang industriya, at c.) pagsusunog ng mga kagubatan. a.) El Niño at La Niña b.) pagkakaroon ng malalakas na bagyo c.) malawakang pagbaha d.) pagguho ng lupa e.) tagtuyot f.) forest fires. Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran – Programa 1. Suliranin sa Solid Waste Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa pamamahala ng solid waste sa bansa. Isa sa mga naging resulta ng batas ay pagtatayo ng mg Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga DUMPSITE. Takakura Composting Method in Bago City. Bago City is promoting Takakura Composting method that uses local organic solutions to speed-up the decomposition of garbage. Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod: A. Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay B. Clean and Green Foundation -kabahagi ng mga programa tulad ng Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines C. Bantay Kalikasan - paggamit ng MEDIA upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. D. Greenpeace - naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan Pangangalaga ng Likas na Yaman Ang PILIPINAS ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. NAGLILINGKOD NA KAGAWARAN AT AHENSIYA - Isa ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga gumaganap ng tungkulin ng pamahalaan, ma pangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Narito ang mga tungkulin nito. 1. Pangalagaan ang mga gubat laban sa illegal na pagputol ng kahoy at PANUNUNOG ng mga kaingero. 2. Pagpapatupading programang pagkagubatan. 3. Pangangasiwa sa industriya ng pagmimina. 4. Pagpapatupad sa wastong pangangalaga ng mga isda at iba pang yamang-dagat Mga Programa at Proyekto ng DENR 1. Luntiang Kapaligiran - dahil sa SULIRANING PANGKAPALIGIRAN, nagsagawa ng mga proyekto at programa ang DENR upang maisaayos ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa. Nagbuo ito ng estratehiyang Sustainable Development Activities na kinapapalooban ng mga Gawain PARA SA KAGUBATAN Narito ang ilan sa mga gawaing ito: a. Pagsasaayos na teknikal at pangangasiwa ng mga YAMANG- GUBAT para mapanatili ang wastong paglinang ng yaman nito b. Pagtukoy ng mga bagong kagubatan o taniman ng mga punungkahoy sa ilang piling lugar na pananatilihin at pangangalagaan c. Pagprotekta sa mga pisikal na YAMAN NG KAGUBATAN sa anumang salot at kapabayaan sa pagpapatupad ng mga batas ukol dito. d. Pangangalaga, pagprotekta, pagsasaayos, at pagpapanatili ng mga likas na yaman e. Pangangalaga sa mga natatanging hayop sa bansa gaya ng Philippine Eagle, pawikan Tamaraw sa MINDORO, at mga buwaya sa PALAWAN. Sa kasalukuyan Mga programa para sa pagpapanumbalik ng kagubatan - National Greening program - National Forest Protection Program - Forestland Management Project - Integrated Natural Resources and Environmental Management Project 2. Bughaw na Kapaligiran - Narito ang ilang programa at proyekto hinggil dito: a. Pangangalaga at pangangasiwa ng kapaligirang pangkatubigan b. Pagsasaayos ng lugar ng BAKAWAN. c. Programa laban sa El Niño phenomenon 3. Ilan pa sa mga programa ng pamahalaan: a.) Bantay-Gubat - binabantay ang mga gubat upang hindi maputol ang mga puno nang walang awa at pahintulot. b.) Bantay-Dagat - yamang dagat naman ang inaalagaan ng mga Bantay-Dagat. - hinuhuli ng mga namumuno rito ang mangingisdang gumagamit ng lason at dinamita sa pangingisda. c.) Bantay-Kalikasan - ay proyekto para sa pangangalaga ng ating kapaligiran at mga yaman nito. -Kabahagi nito ang mga non-government organization (NGOs). 3. CLIMATE CHANGE - sinasabi na kahulugan na ang climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. - sinabi naman ni DILG sec. Eduardo Año na isa itong mabisang pamamaraan upang malaman kung ang mga ipinapatupad na programa ng pamahalaan ay climate change responsive. Mga Simpleng Paraan Upang Labanan ang Epekto ng Climate Change 1. Magtanim ng puno at halaman 2. Magpalit ng bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs 3. Magtipid sa paggamit ng koryente. Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at hangin sa tahanan. Iwasang gumamit ng aircon. 4. Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi ginagamit. 5. Magtipid sa paggamit ng tubig. 6. Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan. 7. Huwag magsunog ng anumang basura. 8. Magrecycle. Iwasang gumamit ng plastic bags sa halip, gumamit ng recyclable bags. -Layunin din ng gawaing ito na magtuluy-tuloy at hindi masayang ang mga pondong iginugugol ng gobyerno sa mga programa't proyekto partikular sa agrikultura sa kabila ng mga inaasahang hindi na mapipigilan pang papalit-palit na klima at mga di inaasahang kalamidad sa bansa. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor). Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa Mga Hamon Pangkapaligiran Disaster Risk Reduction Management o DRRM - ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna. - isinasagawa sa local, Pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw. - hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng disaster management, kabilang din dito ang gma gawain upang lubusang makabangon at maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao. Mga Termino o Konsepto na ginamit sa Pag-aral ng Disaster Management 1. Hazard - ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. - kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. 2 Uri ng Hazard 1.1. Human-Induced Hazard - ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. 1.2. Natural Hazard - ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. 2. Disaster - ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. - maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. 3. Vulnerability -halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales. 4. Risk - ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. 5. Resilience - ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. - ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad. 2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard. National Disaster Risk Reduction Management Framework (NDRRMF) Mga tungkulin ng Ahensiyang ito: 1. Ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring maiwasan. 2. Isinusulong ang kaisipan ang lahat ay may tungkulin sa paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sector ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang particular na komunidad sa paggawa ng Disaster Management Plan. 3. Isinusulong ang Community-Based Disaster Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Community-Based Disaster and Risk Management Approach (CBDRMA) - ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagsuri, at pagtugon, ng mga risk na maaari nilang maranasan. - isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari- arian. Abarquez at Zubair (2004) - ayon sa kanila, ang CBDRMA ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. - binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriiin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. Shah at Kenji (2004) - ayon sa kanila, magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung matutulungan ang pamahalaan at iba’t ibang sector ng lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO, at Business Sectors. - “napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan sa komunidad”. Kahalagahan ng CBDRM Approach 1. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan. 2. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang sector ng lipunan tulad ng pamahalaan, mamamayan, business sectors, at NGO. 3. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach dahil kabilang dito ang paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga mamamayan at paggamit ng local na kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan. - pinakamahalagang layunin nito ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. Dalawang Approach sa Pagtugo sa mga Hamong Pangkapaligiran 1. Bottom-up Approach - kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pabgkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan. - ang konsepto nito ay ginagamit sa CBDRM. - binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at ng pamayanan. Katangian ng Bottom-Up Approach a. ang mga mamamayan ay may kakayahan simulat at panatilihin ang kaunlaran ng kaniland komunidad. b. bagama’t mahalaga ang tungkulin ng local na pamahalaan, pribadong sector at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa development ang pamumuno ng local na pamayanan. c. ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na Bottom-up Strategy. d. ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansiyal ay kailangan. e. mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito. f. ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan. g. ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar. 2. Top-Down Approach - ay tumutukoy sa sitwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpapaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. - maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng disaster risk management. National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) - layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Management Plan. - mahalaga ang proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng sapat na kaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga local na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan. Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee (BDRRMC) Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) -------------------------------------------------------GOODLUCK----------------------------------------------------------