Araling Panlipunan-9 (Quarter 1) Notes PDF

Summary

These are notes about economics concepts. The document presents the core ideas of economic concepts. It explains trade-offs, opportunity costs, incentives, and marginal thinking.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN-9 (Quarter 1) By: Richard Ethan T. Cordero Module 1: Kahulugan ng Ekonomiks Quarter 1 Module 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS Mga Pangunahing Ko...

ARALING PANLIPUNAN-9 (Quarter 1) By: Richard Ethan T. Cordero Module 1: Kahulugan ng Ekonomiks Quarter 1 Module 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS Mga Pangunahing Konsepto: Kahulugan ng Ekonomiks: Trade-off: Ang proseso Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na ng pagpili o nag-aaral kung paano matutugunan ang walang katapusang pagsasakripisyo ng isang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong bagay kapalit ng iba. pinagkukunang yaman. Opportunity Cost: Nagmula sa salitang Griyego na "oikos" na nangangahulugang Halaga ng best alternative bahay at "nomos" na nangangahulugang pamamahala. na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng Layunin ng Ekonomiks: desisyon. Incentives: Mga Pag-aralan ang mga kilos ng tao na nagtutulak ng mga paraan benepisyo o dagdag na upang mabuhay, magkaroon ng trabaho, maayos na pamilya, at halaga na nakukuha sa matustusan ang mga pangangailangan. isang produkto o serbisyo. Maunawaan ang epekto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na Marginal Thinking: pamumuhay. Pagsusuri ng karagdagang halaga o pakinabang na Suliranin ng Kakapusan: makukuha sa isang Kakapusan ay ang limitasyon ng mga pinagkukunang likas na desisyon. yaman at kapital. Kailangan ng mekanismo upang masolusyunan ang mga suliraning dulot ng kakapusan. Pagdedesisyon sa Ekonomiks: Mahalaga ang matalinong pagdedesisyon gamit ang konsepto ng opportunity cost, trade-off, marginal thinking, at incentives upang masolusyunan ang mga suliranin ng kakapusan at matugunan ang pangangailangan ng lipunan. Summary Tumatalakay ito sa pag-aaral kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao gamit ang limitadong yaman, sa pamamagitan ng mga konsepto tulad ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking. Mahalaga ang matalinong pagdedesisyon upang masolusyunan ang mga suliranin ng kakapusan at matugunan ang pangangailangan ng lipunan. Module 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pamumuhay ng Bawat Pamilya Quarter 1 Module 2 KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PAMUMUHAY NG BAWAT PAMILYA Mga Palatandaan ng Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay Kakapusan Pag-aaral ng Ekonomiks: Mahalaga ito upang makabuo ng Polusyon matalinong desisyon at mabuting pamamahala. Kakulangan ng Pagkain Ugnayan sa Lipunan: Tinutulungan kang maunawaan ang mga Pagkapinsala ng Likas isyu na may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa. na Yaman Pagtugon sa mga Batas at Programa: Makakatulong ito upang Pagkasira ng Kalikasan maintindihan ang mga batas at programa ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Mahahalagang Konsepto Pag-unawa sa Mga Desisyon ng Pamilya: Mahalaga ang ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon batay sa mga Kakapusan (Scarcity) pagpipilian ng pamilya. Kakulangan (Shortage) Opportunity Cost Kakapusan at Kakulangan Kakapusan (Scarcity): Di-karapatan ng pinagkukunang-yaman upang matustusan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao; pangmatagalan ito. Kakulangan (Shortage): Sitwasyon kung saan mas mataas ang demand kaysa sa supply ng produkto; panandalian lamang ito. Uri ng Kakapusan: ○ Absolute Scarcity: Kawalan o kahirapan sa pagkuha ng pinagkukunang-yaman na hindi napapalitan o nauubos. ○ Relative Scarcity: Kapag ang isang yaman sa isang lugar ay hindi sapat dahil sa maling pamamahala. Kahalagahan ng Kakapusan Supply at Demand: Ang kakapusan ay nakakaapekto sa supply at demand ng mga produkto at serbisyo. Pagtaas ng Presyo: Dahil sa kakapusan, tumataas ang presyo ng mga mahahalagang produkto tulad ng langis at metal. Wastong Pagpili: Kailangan ng tamang pagpili sa paggastos upang matugunan ang mga pangangailangan sa kabila ng kakapusan. Opportunity Cost Kahulugan: Tumutukoy sa nawalang benepisyo mula sa hindi napiling alternatibo. Halimbawa: Pagpili sa pagitan ng panonood ng sine at paggawa ng proyekto; ang hindi napiling gawain ay may katumbas na nawalang oportunidad. Kahalagahan ng Ekonomiks 1. Personal na Kaalaman ○ Pananaw sa Buhay: Pinapalakas ang pananaw sa realidad at tumutulong sa pagbuo ng tamang desisyon. ○ Pagpapahalaga at Kooperasyon: Nagpapatibay ng pagpapahalaga, pakikipagtulungan, at kooperasyon sa kapwa. 2. Para sa Mga Mangangalakal ○ Pagtugon sa Kakulangan: Nakatutulong sa solusyon ng kakulangan at kakapusan. ○ Pag-unawa sa Presyo: Nagbibigay ng pag-unawa sa galaw ng presyo para mapaunlad ang negosyo. 3. Para sa Mga Lider ng Bansa ○ Pag-unawa sa Mga Suliranin: Nakatutulong sa pag-unawa sa sosyal at ekonomikal na mga suliranin ng bansa. ○ Pamamahala ng Ekonomiya: Nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pamamahala ng sistema ng ekonomiya. 4. Para sa Mga Mamamayan ○ Pag-alis sa Kahirapan: Nakatutulong sa tamang pagpaplano at pagdedesisyon para unti-unting makaahon sa kahirapan. ○ Pagpili ng Kurso at Negosyo: Nagbibigay gabay sa pagpili ng kurso at negosyo na kapaki-pakinabang. Summary Ang ekonomiks ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay dahil tinutulungan nito ang mga indibidwal at pamilya na gumawa ng matalinong desisyon sa kabila ng kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman. Ang kakapusan (scarcity) at kakulangan (shortage) ay mga pangunahing konsepto na nagpapaliwanag sa limitadong pagkakaroon ng mga yaman at produkto, na nagdudulot ng pagtaas ng presyo at pagpili ng mga oportunidad (opportunity cost). Ang tamang kaalaman sa ekonomiks ay nagbibigay-daan sa pag-unawa sa mga isyu sa lipunan at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Module 3: Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya Quarter 1 Module 3 IBA’T IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA Kakapusan: Alokasyon Pangkaraniwang 1. Kahulugan: nararanasan ng bawat ○ Isang mekanismo ng pamamahagi ng mga ekonomiya dahil sa pinagkukunang-yaman upang lutasin ang kakapusan. walang hanggang ○ Tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pangangailangan at pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. kagustuhan ng tao. 2. Kahalagahan: Mga Pangunahing ○ Mahalaga ang episyenteng paggamit ng mga Katanungang Pang-ekonomiko: pinagkukunang-yaman upang maiwasan ang pag-aaksaya. Ano ang gagawin? ○ Nagbibigay solusyon sa mga pangunahing katanungan Paano gagawin? pang-ekonomiko tulad ng ano ang gagawin, paano Para kanino gagawin? gagawin, para kanino, at gaano karami. Gaano karami ang gagawin? Mga Sistemang Pang-ekonomiya Mekanismo ng Pamilihan: 1. Lipunang Tradisyonal (Traditional Society): ○ Nakabatay sa tradisyon, relihiyon, at kultura. Ang presyo ang ○ Ang pinakamatanda sa pangkat ang gumagawa ng mga nagtatakda ng demand desisyong pangkabuhayan. at supply. ○ Produkto at serbisyo ay nakatuon lamang sa Ang malayang pamilihan pangunahing pangangailangan. ay nagbibigay-daan sa 2. Sistemang Pamilihan (Market Economy): pribadong sektor na ○ Nakabatay sa pribadong pagmamay-ari ng kapital. nagsulong ng sariling ○ Produksyon at distribusyon ng mga kalakal at serbisyo interes. ay nagaganap sa malayang pamilihan. ○ Ang presyo ang nagtatakda ng demand at supply. ○ Ang pamahalaan ay may limitadong pakikialam sa ekonomiya (laissez faire). 3. Sistemang Pagmamando (Command Economy): ○ Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan. ○ Sentralisadong sistema ng pagpaplano upang sagutin ang mga katanungan pang-ekonomiko. ○ Pag-aari ng pamahalaan ang mga pinagkukunang-yaman. 4. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy): ○ Kombinasyon ng sistemang pamilihan at sistemang pagmamando. ○ Ang desisyon kung paano gamitin ang mga pinagkukunang-yaman ay nasa kamay ng pribadong sektor at pamahalaan. ○ Maaaring manghimasok ang pamahalaan sa mga usaping may kaugnayan sa katarungang panlipunan at kalikasan. Summary Ang alokasyon ay mahalaga sa pagresolba ng kakapusan sa pamamagitan ng episyenteng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman. May apat na pangunahing sistemang pang-ekonomiya: tradisyonal, pamilihan, pagmamando, at pinaghalo, na bawat isa'y may kanya-kanyang paraan ng pagharap sa mga pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang pag-unawa sa mga sistemang ito ay nagbibigay-daan sa mas maayos na pamamahala ng ekonomiya at paggawa ng tamang desisyon para sa kabutihan ng lipunan. Module 4: Mga Salik ng Produksyon at ang Implikasyon nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay Quarter 1 Module 4 Mga Salik ng Produksyon at ang Implikasyon nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay Mga Katangian ng Isang Mga Konsepto ng Produksyon Entrepreneur 1. Kahulugan ng Produksyon: 1. Kakayahang magpatupad ○ Ang produksyon ay ang proseso ng pagpapalit ng anyo ng inobasyon. ng produkto kung saan ang mga salik ng produksyon o 2. Pagtitiwala sa sarili. input ay pagsasama-sama upang makabuo ng bagong 3. Pagiging malikhain. produkto o output. 4. Kakayahang ○ Halimbawa: Ang tubo ay maaaring gawing asukal. makipagsapalaran. 2. Mga Salik ng Produksyon: ○ Lupa: Sumasaklaw sa lahat ng yamang likas na nasa Mahalaga bang malaman ang ibabaw at ilalim ng lupa, kabilang ang yamang-tubig, sangkap ng mga produktong yamang-mineral, at yamang-gubat. ginagamit mo? Bakit? ○ Paggawa: Lakas at panahon na ginagamit ng tao sa pagproseso ng mga sangkap upang maging tapos na Oo, dahil makakatulong produkto. May dalawang uri: ito sa pag-unawa sa White-collar job: Manggagawang may kalidad at kaligtasan ng kakayahang mental (hal. guro, abogado). mga produktong Blue-collar job: Manggagawang may kakayahang ginagamit natin. pisikal (hal. karpintero, driver). ○ Kapital: Kalakal na ginawa ng tao na ginagamit sa Bakit mahalagang magpatuloy paglikha ng panibagong kalakal (hal. makinarya, gusali, ang produksyon? kalsada). ○ Entrepreneurship: Tumutukoy sa taong nagsisimula, Upang matugunan ang pagtatayo, nangangasiwa, at nakikipagsapalaran sa pangangailangan at isang negosyo. Mahalagang katangian ng entrepreneur ay kagustuhan ng tao at pagiging malikhain, may tiwala sa sarili, at kakayahang upang magpatuloy ang magpatupad ng inobasyon. pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Kahalagahan ng Produksyon 1. Ang produksyon ay mahalaga upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. 2. Mahalaga ang bawat salik ng produksyon sa pagpoproseso ng produkto. Halimbawa, ang lupa ay nagbibigay ng hilaw na materyales, ang paggawa ay nagpoproseso, ang kapital ay nagpapaunlad ng produksyon, at ang entrepreneurship ay nagpapasimula ng mga bagong pamamaraan. Epekto ng Hindi Pinaghuhusay ang Salik ng Paggawa Kung hindi pinaghuhusay ang salik ng paggawa, maaaring bumaba ang kalidad ng mga produkto at serbisyo, na magreresulta sa negatibong epekto sa ekonomiya. Summary Ang produksyon ay ang proseso ng pagpapalit anyo ng mga input tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship upang makabuo ng mga bagong produkto o serbisyo. Mahalaga ang bawat salik ng produksyon sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao, at sa pagpapasulong ng ekonomiya. Ang entrepreneur ay may mahalagang papel sa paglikha ng inobasyon at pagpapatakbo ng mga negosyo, na nagpapalakas sa pag-unlad ng ekonomiya. Module 5: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo Quarter 1 Module 5 MGA SALIK NA NAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO Ang pagkonsumo ay Depinisyon ng Pagkonsumo isang mahalagang aspeto ng ekonomiya na Pagkonsumo: Ang pagkonsumo ay ang proseso ng paggamit ng mga naapektuhan ng iba't produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. ibang salik tulad ng kita, presyo, inaasahan, Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo kagustuhan, demograpiko, at pananalapi. Ang 1. Kita (Income) pag-unawa sa mga salik ○ Mataas na Kita: Kapag mataas ang kita ng isang tao, may na ito ay mahalaga upang kakayahan siyang bumili ng mas maraming produkto at maintindihan kung paano serbisyo. gumagalaw ang ○ Mababang Kita: Kapag mababa ang kita, limitado ang ekonomiya at kung paano kanyang pagkonsumo dahil sa kakulangan ng pondo. ito naapektuhan ng 2. Mga Presyo ng Produkto (Prices of Goods) ○ Mataas na Presyo: Ang pagtaas ng presyo ng mga produkto pagbabago sa ay maaaring magresulta sa pagbaba ng pagkonsumo. pagkonsumo. ○ Mababang Presyo: Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto ay maaaring magresulta sa pagtaas ng pagkonsumo. Uri ng Anunsiyo 3. Mga Inaasahan (Expectations) ○ Inaasahan sa Hinaharap: Kung inaasahan ng mga tao na Bandwagon - Ipinapakita na tataas ang presyo sa hinaharap, maaaring bumili sila ng mas maraming tao ang bumibili at maraming produkto sa kasalukuyan. gumagamit ng produkto upang 4. Kagustuhan at Panlasa (Preferences and Tastes) hikayatin ang iba na sumunod. ○ Pagbabago sa Panlasa: Ang pagbabago sa kagustuhan at panlasa ng mga tao ay maaaring magdulot ng pagbabago sa pagkonsumo. Brand - Ipinapakita lamang ang 5. Demograpiko (Demographics) tatak ng produkto dahil kilala na ○ Edad, Kasarian, Edukasyon: Ang iba't ibang ito at hindi na kailangan ng iba pang demograpikong katangian tulad ng edad, kasarian, at promosyon. edukasyon ay may epekto sa uri at dami ng produktong pagkonsumo. Testimonial - Gumagamit ng mga 6. Pananalapi (Finance) sikat na tao para magpatotoo sa ○ Credit Availability: Ang pagkakaroon ng access sa credit o kalidad ng produkto. pautang ay nagpapataas ng kakayahan ng mga tao na bumili ng mga produkto at serbisyo. Scary - Naglalayong magbigay ng Mga Uri ng Pagkonsumo takot sa mga mamimili upang bilhin ang produkto, sa takot na 1. Makonsyumer na Pagkonsumo (Consumer Consumption) magsisi kung hindi ito bibilhin. ○ Personal na Pagkonsumo: Ang pagbili ng mga produkto at serbisyo para sa personal na paggamit. 2. Pamumuhunan (Investment) ○ Kapital na Pagkonsumo: Ang pagbili ng mga produkto at serbisyo na ginagamit upang makagawa ng iba pang produkto o serbisyo. Kahulugan ng Marginal Propensity to Consume (MPC) MPC: Ito ay ang sukat ng pagbabago sa pagkonsumo na dulot ng pagbabago sa kita. Mga Epekto ng Pagbabago sa Pagkonsumo Multiplier Effect: Ang pagtaas o pagbaba ng pagkonsumo ay may direktang epekto sa kabuuang ekonomiya. Summary Ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ay kinabibilangan ng pagbabago ng presyo, kita, mga inaasahan, at pagkakautang. Ang pagkonsumo ay tumataas kapag mababa ang presyo ng produkto at bumababa naman kapag tumaas ang presyo. Ang kita ng tao ay nagtatakda rin ng kanilang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo Module 6: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili Quarter 1 Module 6 KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MAMIMILI Mga Ahensya para sa Proteksyon ng Karapatan ng Mamimili: Mamimili: Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan: Pagkakaroon ng DTI (Department of Trade sapat na pagkain, damit, tirahan, pangangalagang pangkalusugan, and Industry): edukasyon, at kalinisan. Pangunahing ahensya na Karapatan sa Kaligtasan: Ligtas mula sa mga produktong nagtatakda ng mga mapanganib sa kalusugan. karapatan at tungkulin ng Karapatan sa Tamang Impormasyon: Proteksyon laban sa mamimili. mapanlinlang na patalastas at etiketa. FDA (Food and Drug Administration): Tungkulin ng Mamimili: Nagbabantay sa kaligtasan ng mga gamot, pagkain, Mapanuring Kamalayan: Maging listo at mausisa sa kalidad at pabango, at make-up. halaga ng mga binibiling produkto at serbisyo. ERC (Energy Regulatory Pagkilos: Malayang maipahayag ang sarili at makatiyak sa Commission): Nagbabantay makatarungang pakikitungo. sa wastong sukat o Pagmamalasakit na Panlipunan: Isaalang-alang ang epekto ng timbang ng mga produkto pagkonsumo sa ibang tao at sa kapaligiran. ng gasolinahan at LPG Environmental Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng Mamimili: Management Bureau (DENR-EMB): Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines): Pangangalaga sa ○ Kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksyon at kapaligiran (halimbawa nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Kasama rito ang polusyon sa tubig) proteksyon laban sa panganib sa kalusugan, mapanlinlang na Fertilizer and Pesticide patalastas, at karapatang makapaghain ng reklamo​ Authority (FPA): Republic Act 7581 (Price Act): Nagbabantay sa mga ○ Nagbibigay mandato sa pagkakabit ng price tag sa mga gumagawa ng pataba at paninda upang masiguro ang tamang presyo at maiwasan ang pamatay insekto o pamatay panloloko sa mga mamimili​ peste. Republic Act 5921: Housing & Land Use ○ Ang nagbebenta ng gamot ay may pananagutan kapag sira Regulatory board ang selyo ng lalagyan ng gamot. Mahalaga ito upang masiguro (HLURB): Nangangalaga na ligtas at epektibo ang mga gamot na bibilhin ng mamimili​ sa mga bumibili ng bahay Republic Act 3940: at lupa. ○ Pagpaparusa sa panloloko sa anunsyo, maling etiketa at Philippine Overseas pag-aanunsyo na ang hangarin ay makakuha ng malaking kita. Employment Republic Act 4729: Administration (POEA): ○ Ipinagbabawal ang pagbili ng gamot ng walang reseta. Tumatanggap ng mga reklamo sa illegal na gawain Tungkulin ng mga Mamimili ukol sa pagtatrabaho sa ibang bansa 1. Mapanuring Kamalayan: Professional Regulatory ○ Maging listo at mausisa tungkol sa gamit, halaga, at kalidad Commission (PRC): ng mga paninda at serbisyo na binibili. Ang mamimili ay Nangangasiwa sa mga dapat maging responsable sa pagsusuri ng mga produkto bago gawaing propesyonal tulad bilhin​ ng doctor, guro, inhinyero at 2. Pagkilos: iba pa. ○ Maipahayag ang sarili at malayang kumilos upang makatiyak Securities Exchange sa makatarungang pakikitungo. Kailangan din makilahok sa Commission (SEC): mga gawain na makakapagpabuti sa kapakanan ng lahat ng Nagbabantay hinggil sa mamimili​ paglabag sa binagong 3. Pagmamalasakit na Panlipunan: Securities Act ng ○ Isaalang-alang ang epekto ng pagkonsumo ng mga produkto pyramiding na gawain. at serbisyo sa ibang tao at sa kapaligiran. Ang mga mamimili ay may tungkuling tiyakin na ang kanilang mga pagpili ay hindi nakakasama sa lipunan at kalikasan​ Summary Matututuhan mo ang kahulugan ng mamimili at ang kanilang mga karapatan at tungkulin. Kabilang dito ang pagkakaroon ng karapatan sa kaligtasan, tamang impormasyon, at malinis na kapaligiran, pati na rin ang tungkulin na maging mapanuri at responsable. Ang mga ahensya tulad ng DTI at FDA ay nagtatakda ng mga patakaran at nagbibigay proteksyon para sa kapakanan ng mga mamimili​

Use Quizgecko on...
Browser
Browser