Araling Panlipunan Ikalawang Markahan 2021 PDF

Document Details

StainlessElPaso

Uploaded by StainlessElPaso

Budlaan Integrated School

2021

Christine A. Arendain

Tags

social studies economics demand philippines education

Summary

This document is a module on Araling Panlipunan (Social Studies) for the second semester, likely for secondary school students in the Philippines. It covers Demand concepts.

Full Transcript

9 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Revised 2021 1 Pambungad sa Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng...

9 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Revised 2021 1 Pambungad sa Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayupaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Tagalikum/ Tagakontekstuwalisa: Christine A. Arendain, T-III, Budla-an Integrated School Girlie V. Pales, MT-1, Talamban National High School Elaine Shara B. Pozon, T-I Basak Community HS Tagasuri: Alice S. Ganar,SSPPIII OIC-PSDS, SD-8,Assistant Division Coordinator Roy Guarin, Principal IV Ramon Duterte National High School, Division ALS and IPED Coordinator Juan Damasceno D. Villaver, Assistant Principal II SHS, School Head First High School for the Hearing Impaired Santiago B. Hubahib , Jr., MAEd,CESE Principal II Talamban National High School Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, EdD, Schools Division Superintendent Bernadette A. Susvilla,EdD, Asst. Schools Division Superintendent Grecia F. Bataluna, Curriculum & Implementation Division Chief Luis O Derasin, Jr., DPA, EPSvr, Araling Panlipunan/HEKASI Vanessa L. Harayo, EPSvr, LRMS Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City – Region VII Office Address: Imus Ave., Day-as, Cebu City Telefax: 255-1516 E-mail Address: [email protected] 2 9 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Demand Tagalikum / Tagakontekstuwalisa CHRISTINE A. ARENDAIN Budla-an Integrated School 3 Paunang Salita Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ninanais ding matulungan kang makamit ang pamatayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag- aaral. Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makakaugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyung pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag- aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Balikan/ Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan Panimulang kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Gawain 4 Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong Suriin konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain Susi sa sa modyul. Pagwawasto Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. 5 Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! 6 Modyul 1 Demand Unang Linggo __________________________________________________________________________________ Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay- kalakal tungo sa pambansang kaunlaran. Pamantayang Pangkasanayan: Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay- kalakal tungo sa pambansang kaunlaran Kakayahan: Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. Paksa/Code: Ang Demand __________________________________________________________________________________ Subukin Sa bahaging ito ay susubukin natin ang iyong pangunahing kaalaman na may kaugnayan sa paksa. Pagtuunang-pansin ang mga katanungan na sa palagay mo nangangailangan ka ng karagdagang kaalaman sa mga paksang tatalakayin. Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang tawag pagtaas ng demand ng isang indibidwal? A. Bandwagon Effect C. Income Effect B. Complementary Goods D. Substitute Goods 7 2. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita? A. Capital Goods B. Exterior Goods C. Inferior Goods D. Normal Goods 3. Ano ang sa matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity Demanded? A. Demand Curve C. Demand Schedule B. Demand Function D. Quantity Demanded 4. Alin ang hindi kabilang sa mga produktong mataas ang suplay ngayong panahon ng pandemya? A. Alcohol B. Cosmetics C. Face Mask C. Face Shields 5. Kapag dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na ________? A. Capital Goods B. Exterior Goods C. Inferior Goods D. Normal Goods 6. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon ng mga mamimili. A. Demand C. Kagustuhan B. Supply D. Pangangailangan 7. Ano ang tawag sa mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo o kapalit ng isang bagay? A. Income Effect C. Substitute Goods B. Bandwagon Effect D. Complementary Goods 8. Ang kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal, ito ay halimbawa ng? A. Income Effect C. Substitute Goods B. Bandwagon Effect D. Complementary Goods 9. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo. A. Demand Curve C. Demand Schedule B. Demand Function D. Quantity Demanded 10. Tumutukoy sa mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkro kung wala ang produktong tumutumbas nito? A. Income Effect C. Substitute Goods B. Bandwagon Effect D. Complementary Goods 11. Ito ay ang pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito din ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. A. Demand Curve C. Demand Schedule B. Demand Function D. Quantity Demanded 8 12. Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, ano ang aasahan ng demand ng nasabing produkto? A. Tataas B. Mananatili C. Bababa D. Walang pagbabago 13. Anong salik na nakaaapekto sa demand na kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand? A. Kita B. Panlasa C. Dami ng Mamimili D. Presyo ng magkaugnay na na produkto sa pagkonsumo 14. Anong salik ang nakaaapekto sa suplay ng pag-aaayon sa isang tao na kumain ng pandesal bilang pang-almusal na mas marami kaysa ensaymada? A. Kita B. Panlasa C. Dami ng Mamimili D. Presyo ng magkaugnay na na produkto sa pagkonsumo 15. Anong salik ang inilahad sa napabalitang may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa? A. Panlasa B. Dami ng Mamimili C. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap D. Presyo ng magkaugnay ng produkto sa pagkonsumo Alamin Natin Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: A. nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya; B. nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa demand; at C. matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga salik na nakaaaapekto sa demand. 9 Balikan Matapos mong pag-aralan ang konsepto ng produksiyon, mga salik nito, at ang mga organisasyon ng presyo sa naunang mga aralin, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa konsepto ng demand.Upang higit na maging masaya at makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang gawain. PINAGHALU-HALONG MGA LETRA Panuto: Ayusin ang mga pinaghalu-halong letra sa puzzle box upang maibigay ang hinihinging ksagutan sa mga gabay na tanong. Maaari mong balikan ang iyong napag-aralan sa mga naunang aralin upang madali mong masagot ang katanungang nakapaloob dito. Kung maisasaayos mo na nang tama ang mga letra sa puzzle ay may mabubuo kang salita sa unang kolumn nito. 1. A P Y G O D I R E M A 2. N I M E S O K O K 3. W A M O L S 4. A K Y O S N L A O 5. S O N G O Y E 6. T R I D I S B U S O Y N Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon? 2. Ano ang sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili at pagamit ng mga pinagkukunang-yaman? 3. Sino ang isa sa bumuo ng teorya hinggi; sa herarkiya ng pangangailangan ng tao? 4. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao? 5. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pag-ekonomiya na ang layunin ay magkamit ng kita at tubo. 6. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o kita ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship? 10 Pamprosesong Tanong: 1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay pababa? 2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand? Tuklasin at Suriin Teksto-suri. Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba para sa karagdagang kaalaman. Ngayong nagawa natin ang gawain sa itaas. Dadako naman tayo sa pagsusuri ng teksto. Upang higit na mapaunlad ang iyong kaalaman. Simulan na natin! MAHAHALAGANG KONSEPTO NG DEMAND 1. Ano ang Demand? Sagot: Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon ng mga mamimili. 2. Ano ang isinasaad sa Batas ng Demand? Sagot: Ayon sa Batas ng Demand, mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan ang presyo sa Quantity Demanded (QD) ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mga mamimili; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mga mamili (Ceteris Paribus). 3. Ano ang kahulugan ng Ceteris Paribus? Sagot: Ang Ceteris Paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demand habang ang ibang salik ay hindi nagbabago ang epekto nito. 4. Anu ano ang dalawang konsepto kung bakit may magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded? 11 Sagot: 1. Substitution Effect – kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. 2. Income Effect – Ipinapahayag dito na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa kapag mas mababa ang presyo. MGA TATLONG PAMAMARAAN SA PAGPAPAKITA NG KONSEPTO NG DEMAND 1. DEMAND SCHEDULE – ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo.Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Demand Schedule para sa Kendi Presyo (PhP) bawat piraso Quantity Demanded (QD) PHP 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60 Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa kendi sa iba’t-ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (PhP 1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (PhP 2.00) bawat piraso, apat napung (40) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (PhP 5.00) ang bawat piraso, maging sampu (10) na lamag ang magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa mamimili. 2. DEMAND CURVE – ay ang pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito din ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. 12 Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t-ibang kumbinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para sa kendi. Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (PhP 5.00), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at kayang bilhin ng maimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (PhP 4.00), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handing bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong F ay makakabuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Halimbawa, ang paggalaw sa kurba sa punto A papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula sa limang piso (PhP 5.00) pababa ng apat na piso (PhP 4.00), ang demand sa kendi ay tataas ng 10 sampung (10) piraso. Kapg ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung piso (10) piraso. 3. DEMAND FUNCTION – ito ay ang matematikong pagpapkita ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maaaring ipakita sa equation sa ibaba: Qd = f (P) Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay sa Qd ang pagbabago sa dami at kayang bilhin ng mga mamimili. Isa sa paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na: 13 Qd = a-bP Kung saan: Qd = Quantity Demanded P = Presyo a = intercept (ang bilang ng Qd kung saan ang presyo ay 0) b = slope = ∆Qd ∆P Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat paggalaw sa presyo. Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba. Demand Function sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60-10P Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd =? Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10 (5) Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50 Qd = 50 piraso Qd = 10 piraso Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo sa piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na – 10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay PhP 5.00 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10. Ngayong napag-aralan na natin ang mahalagang konsepto ng demand. Sagutin ang mga katangungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang demand? 2. Ano ang isanasaad sa batas ng demand? 3. Ano ang ibig sabihin ng Ceteres Paribus? 4. Anu-ano ang tatlong paraan sa paglalarawan ng demand? 5. Anu-ano ang tatlong pamamaraan sa pagpapakita sa konsepto ng demand? Halika at sabay tayong magbasa. Tara na! Tuklasin natin ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang pagsususuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon. 14 Mga salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo 1. Kita - Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagbabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kanyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito at maituturing na normal goods. Sa kabilang banda, inferior goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay Ayer. Sa pagtaas ng kita ni Ayer ay tataas din ang kaniyang demand sa karneng baka, Kapag bumaba naman ang kita ni Ayer, bababa rin ang demand niya para dito. Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para kay Ayer. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand sa sardinas. Sa pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito. 2. Panlasa - Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-almusal, mas marami ang makakin mo nito kesa sa ensaymada. 3. Dami ng Mamimili - Maaari ding magpataas ng demand ng indibiduwal ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang smartphone, marami sa mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya marami ang demand nito. 4. Presyo ng makaugnay na produkto sa pagkonsumo - -Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t- isa. Ang mga komplementaryo ay ang mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay ng produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong komplementaryo (complementary goods). Samantala, pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice at maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay may pamalit sa 15 isa’t-isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsaa, keso, at margarine. 5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap - Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mamimili ay bibili ng marami habang wala pang bagyo at mababa ang presyo. Sa kabilang banda, kung inaasahan ng mga maimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi muna bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami. Karagdagang Kaalaman!! Pag-aralan ang graph sa ibaba para sa karagdagang kaalaman. Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagbaba ng demand. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand 1.Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong pagplanuhan nang Mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilhin. 2.Maghanap na alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t-ibang pamilihan. 16 Ang anumang pagbabago sa nasabing salik ay may kaakibat na epekto sa mga mamili. Ang matalinong pagtugon ng mga mamimili sa mga nagbabagong salik ay napakahalaga. Ngayong nauunawaan na natin ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. Mahalagang masagot natin ang mga sumusunod na katanungan: Isulat ang sagot sa sagutang papel 1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo? 2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw ng demand curve? Sa paglipat ng demand curve? Paano naiiba ang salik na presyo sa ibang salik? 3. Anu-ano ang katangian na dapat taglay ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand? Isaisip Natin Panuto: Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap. Hanapin ang angkop na sagot mula sa kahon. GUSTO FUNCTION MAMIMILI INAASAHAN PRESYO KAYANG BILHIN PANLASA SCHEDULE CURVE QD Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo ng 1. ________ at 2._______ ng mga 3. __________. 4. Ceteris Paribus ay na nagsasad na mayroong magakataliwas na ugnayan sa pagitan ng _________ at 5. _________. 6. Ang tatlong paraan sa paglalarawan ng demand ay ang mga _______ at 7. _________ at 8. ________ 9. Karaniwang naaayon sa __________ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. 17 10. Kung __________ ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito. Isagawa Mag-compute Tayo! Mula sa datos na nasa ibaba, kumpletuhin ang talahanayan upang maipakita ang demand schedule. A. Demand Function: Qd = 300 - 20P Halimbawa kapag Presyo ang hahanapin. 2. Bonus Sample 200 = 300 – 20P 200 – 300 + 20P -100 = -20P - 20 - 20 5=P P (Presyo) Qd (Quantity Demanded) 1 1. ? 2. 5 (bonus answer) 200 6 3.? 4.? 100 15 5.? B. Demand Function: Qd = 750 - 10P P (Presyo) Qd (Quantity Demanded) 6.? 600 30 7.? 8.? 300 60 9.? 10.? 0 18 Pagyamanin at Isagawa DEMAND UP, DEMAND DOWN! Panuto: Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa ibang produkto batay sa mga pagbabago ng mga salik. Isulat sa patlang ang kung tataas ang demand at kung bababa ang demand. ________1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand). ________2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods). ________3. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods). _________4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto. _________5. Inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo. _________6. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo. _________7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit. _________8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo. _________9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo. _________10. Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit. Tayahin Ngayong natalakay na natin ang mga aralin sa modyul 1. Inaasahan ko na masagutan natin ng buong husay ang mga katanungan sa ibaba. Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Sa paglaganap ng pandemya, ano ang direksiyon ng kurba ng pangunahing produkto at serbisyo? A. Pababa B. Pakanan C. Pakaliwa D. Pataas 2. Saang direksiyon lilipat ang kurba ng demand kung may pagtaas ng demand? A. Taas B. Kanan C. Kaliwa D. Bababa 19 3. Ang papel at lapis, sapatos at medyas, sabon at shampoo ay iilan sa mga halimbawa ng? A. Normal goods C. Substitute goods B. Inferior goods D. Complementary goods 4. Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa mga produktong mas mabili kapag papalapit na ang pasko? A. Rain Gears C. Keso de bola B. Christmas decors D. Lechon de Leche 5. Ang pagbili ng mga normal goods sa halip na inferior goods ay palatandaan ng ________ ng kita ng isang tao? A. Pagtaas C. Walang pagbabago B. Pagbaba D. Wala sa nabanggit 6. Naubusan ng pluma sa tindahan kaya bumili nalang ng lapis si Trina. Ang pahayag sa usapin ng pluma at lapis ay halimbawa ng? A. Normal goods C. Substitute goods B. Inferior goods D. Complementary goods 7. Nakanayan ni Kuku ang pag-inom ng gatas kaysa kape tuwing umaga. Ang pahayag ay tumutukoy sa anong salik na nakaaapekto sa demand? A. Kita B. Panlasa C. Dami ng Mamimili D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo 8. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamiili sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon? A. Demand C. Demand Function B. Demand Curve D. Demand Schedule 9. Sa anong salik kung saan masasaksihan sa kasalukuyan ang talamak na paggamit ng mga Social Media Platforms? A. Kita B. Panlasa C. Dami ng Mamimili D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo 10. Sa panahon ng COVID-19 Pandemic, mas mabili ang paggamit ng face masks gawa ng tela sa halip na surgical face masks dahil mas mura ito. Ang face masks na gawa sa tela ay maituturing na? A. Normal goods C. Substitute goods B. Inferior goods D. Complementary goods 20 11. Napabalita noong Marso 2020 ang outbreak ng COVID-19 Pandemic, alin ang hindi kabilang sa negatibong epekto nito? A. Patuloy na sumigla ng ekonomiya. B. Marami ang nawalan ng hanapbuhay. C. Apektado ang pandaigdigang ekonomiya. D. Nagkaubusan ang pangunahing produkto at serbisyo. 12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng bandwagon effect? A. Bumili ng nauusong smart phone si Leah. B. Bumili ng mas murang klase ng bigas si Khate. C. Bumili ng bagong mamahaling sapatos si Peter. D. Bumili nalang ng sardinas sa halip preskong isda si Bebe. 13. Sa pagpapakita ng matalinong pagpapasya, alin ang hindi kabilang sa mga pagpipilian sa ibaba? A. Bumili ng gulay si Dorres sa halip na karne. B. Inilagay ni Mona sa alkansya ang sobrang allowance niya. C. Ginawang fried rice ni Tonyo ang sobrang kanin sa umaga. D. Araw-araw nagpapa-load si Janna para sa paglalaro ng online games. 14. Sa pagsisikap ni Leona matagumpay niyang natapos ang kanyang pag-aaral. Nakuha siya ng magandang trabaho sa isang malaking kompanya. Kaya, nakakabili na siya ng mga pangangailangan niya kahit nasa mataas na presyo. Ang sitwasyon ay nagpapakita ng anong salik na nakaaapekto sa supply? ` A. Kita B. Panlasa C. Dami ng Mamimili D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo 15. Kamakailan lang ay naging unang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa Tokyo, Olympics si Hidilyn Diaz sa isports na weightlifting. Kaya, inaasahan na mabibigyan siya ng maraming incentives gaya ng pera at pabahay. Inaasahan na kaya na niyang makabili ng nanaisin niyang produkto kahit may kamahalan o hindi. Ang pagtamo ng kanyang gustong bilhin ang bahagi ng anong uri ng produkto? A. Normal goods C. Substitute goods B. Inferior goods D. Complementary goods 21 Karagdagang Gawain GRAPHIC ORGANIZER Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong. ↙ Mga Salik na nakaaapekto sa Demand Pamprosesong Tanong: 1. Anu-ano ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa demand? 2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalawa sa demand curve? Sa paglipat ng demand curve? 3. Anu-ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand? Sanggunian: Balitao, Bernard R. et al., (2015), Ekonomiks K to 12 Modyul, pp. 112 - 129, Manila, Philippines, Department of Education Tagalikum/Tagapagkontekswalisa: CHRISTINE A. ARENDAIN 22

Use Quizgecko on...
Browser
Browser