Araling Panlipunan Q1 Module 2: Kahalagahan ng Ekonomiks PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

2020

Ruthchell C. Laquinario, Aimee D. Chua, Angel Rose L. Suansing, Francis Al B. Laquinario, Reynaldo M. Guillena, Basillio P. Mana-ay Jr., Emma Camporedondo, Alma C. Cifra, Aries Juanillo, Amelia S. Lacerna

Tags

economics philippines education social studies

Summary

This module discusses the importance of economics in daily life. It's designed for ninth-grade students in the Philippines. The module covers economic concepts and their relevance to personal, social, and economic challenges.

Full Transcript

9 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks Araling Panlipunan– Ika-siyam Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan– Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng k...

9 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks Araling Panlipunan– Ika-siyam Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan– Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdaang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunto nang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang ano mang parte ng materyles na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ruthchell C. Laquinario Editor: Aimee D. Chua Tagasuri: Angel Rose L. Suansing, Aimee D. Chua Tagaguhit: Ruthchell C. Laquinario, Francis Al B. Laquinario Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V ASDS Basillio P. Mana-ay Jr., CESE ASDS Emma Camporedondo, CESE CID Chief Alma C. Cifra, EdD LRMS EPS Aries Juanillo, PhD AP EPS Amelia S. Lacerna Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region XI Davao City Division Elpidio Quirino Avenue, Davao City Philippines Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970 Email Address: [email protected]/ [email protected] 9 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks Paunang Salita Para sa taga pagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan ng Ekonomiks. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong taga pagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: MgaTala para saGuro Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag- aaral ng Ekonomiks. Ang suliranin ng kakapusan ay binigyang diin at ang kaugnayan nito sa matalinong pagdedesisyon upang matugunan ang maraming pangangailangan at kagustuhan ng tao. Basahin at unawain nang mabuti ang mga aralin upang matamo ang mga inaasahang kasanayan. Bilang taga pagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul naito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan ng Ekonomiks. Bago lubosang pag-aralan lahat ng mga konsepto ng makroekonomiks at maykroekonomiks, nararapat na unawain mo muna ang kahulugan at kahulugan ng ekonomiks. Sa unang modyul, natutunan mo na ang kahulugan ng ekonomiks, sa modyul na ito iyong pag-aaralan ang kahalagan ng ekonomiks at implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mag-aaral, tandaang ang mga kahalagahang ito ang magsisilbing gabay mo kung bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks. Makakapulot ka ng mga aral mula dito tungkol sa paglapat mo ng mga koseptong mapag-aaralan mo sa buon taon. Dahil sa ikaw lamang ang sasanay sa iyong sarili, basahin mong mabuti ang bawat kahalagahan at konsepto na ipapaliwanag sa modyul na ito at sagutin nang maayos ang bawat Gawain. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong Alamin matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa Gawain natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot salahat ng mga Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul n aito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan Sanggunian sapaglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bagol umipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari Karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, mga katatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakakaalam sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuhaka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kasanayan sa pagkatuto. Kaya mo ito! iv Alamin Binigyang-pansin sa nakaraang aralin ang kahulugan ng Ekonomiks at kung paano ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang kahalagahan ng ekonomiks. May papel bang ginagampanan ang Ekonomiks sa pagsulong ng kabuhayan ng mga tao at bansa? Mga mag-aaral, basahin at unawaing maigi ang bawat detalye ukol kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral. Makakaasa kang ang bawat gawain ay madali mong masasagutan sapagkat ang bawat konsepto ay maayos na inilahad. Ang mga aralin sa modyul na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency ng Department of Education na: Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2). Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa: 1. Kagustuhan ang Pangangailahan 2. Kahalagan ng Ekonomiks 3. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay Mga mag-aaral, ang mga sumusunod na layunin ay nararapat mong maisagawa pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito: 1. natatalakay ang kahalagahan ng Ekonomiks; at 2. nasusuri ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan; Kapag natapos mong makamit ang mga layuning ito, higit mong mauunawaan ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. 1 Subukin Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ng tao MALIBAN SA _________ A. Nalilinang ang kaisipang kritikal B. Nagkakaroon ng praktikal na kaalaman C. Nauunawaan ang sarili kung paano mag-isip D. Nahuhubog ang pagiging responsableng mamamayan ng bansa 2. Ano ang pinakamabuting dulot ng pag-aaral ng kahalagahan ng ekonomiks? A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan. B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks. C. Makatutulong sa iyo upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at mga desisyon sa buhay. D. Maisasaulo ang mga mahalagang konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo. 3. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw- araw na buhay? A. nakatutulong ito upang makalaya sa kahirapan ng buhay. B. nakatutulong ito upang maunawaan ang pagbabagong nagaganap sa lipunan. C. nakatutulong ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng tao. D. nakatutulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan. 4. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay? A. Pagbili ng limited edition na sapatos pandagdag sa iyong koleksyon B. Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng dayuhang kaibigan C. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa kung ano lang ang mga mahahalaga. D. Pagpunta sa mall tuwing araw ng sahod upang magshopping sa paboritong boutique shop. 2 5. Bakit kailangang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagtukoy ng kahalagan ng ekonomiks? A. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng limitadong pinagkukunang yaman. B. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang. C. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan. D. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat magagamit ito upang makaahon sa kahirapan. 6. Ano ang epekto ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral? A. Pagbili sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanyang sarili at pamilya. B. Natutong magbahagi ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kanyang paligid. C. Natutuhan kong gamitin nang maayos ang aking allowance sa mas makabuluhang bagay. D. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman na hahantong sa kakapusan. 7. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain. A. Magpanic buying sa tuwing may sales sa mall B. Maglaan ng oras para sa sarili, pamilya at kaibigan C. Gamitin ang natitirang oras sa paglalaro ng mobile legend D. Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng pangangailangan 8. Bilang isang mag-aaral bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng matalinong desisyon sa ating mga personal na pangangailangan at kagustuhan? A. Mapunan ang mga pansariling luho at kasiyahan. B. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad. C. Hindi masayang ang limitadong mga pinagkukunang-yaman. D. Itaguyod at isulong ang pagkonsumo sa mga likas na yaman 9. Bilang bahagi ng lipunan bakit kinakailangang maging matalino sa pagdedesisyon ang isang tao pagdating sa pagtugon ng kanyang pangangailangan at kagustuhan? A. dahil magamit nang maayos ang mga produkto B. dahil may hangganan ang lahat ng bagay dito sa mundo C. upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman D. upang hindi masayang ang pera sa pagkonsumo ng mga produkto 3 10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng malaking epekto sa paggawa ng desisyon at pagpili upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan batay ng pag- aaral ng ekonomiks? A. Naging matipid ako sa aking mga gastusin sa pang-araw-araw. B. Natutuhan kong huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin. C. Naging mas mulat at lohikal ako sa mga nangyayari sa aking paligid. D. Pinag-iisipan ko na nang mabuti ang pagpili at desisyong gagawin kung ito ba ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa akin. 11. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-19, kailangan nilang mag doble sikap at makipagsapalaran sa ibang lugar upang maibigay ang inyong mga pangangailangan. Bilang panganay sa magkakapatid, ikaw ay inaasahang hahalili sa iyong mga magulang. Ibinigay sa iyo ang responsibilidad na pangasiwaan ang pagbubudget sa pang-araw-araw ninyong gastusin. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng aplikasyon sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay? A. Sa pagbubudget lagi siyang humihingi ng tulong sa mga kaibigan. B. Upang hindi mahirapan sa pagbubudget at paghahanda ng pagkain laging siyang umoorder sa food panda. C. Upang magamit nang maayos ang perang ibinigay maglalaan siya ng kaunting halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan at ang natira ay kanyang itatabi para may pang load. D. Sa pagbubudget pinag-iisipan niyang maigi kung anong bibilhin upang masigurado na ang produktong bibilhin ay magbibigay ng mas malaking kapakinabangan sa kanilang magkakapatid. 12. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks MALIBAN SA _________. A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan. B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga desisyon. C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang ekonomiya. D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay 13. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pangkabuhayan at pamumuhay ng tao at ng bansa. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay sa pahayag na ito? A. Ang ekonomiks ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman na kailangan sa pag-unawa ng mga pangkabuhayang kalagayan ng ating bansa B. Ang ekonomiks ay nakatutulong upang maunawaan ang ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal, at industriya C. Ang ekonomiks ay nagsisilbing gabay upang maunawaan ang ating pagkakakilanlan bilang bahagi ng lipunan D. Ang ekonomiks ay nagsisilbing sukatan ng kagalingan ng isang bansa. 4 14. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang mag-aaral? A. Gagawa ako ng isang matalinong desisyon sa buhay na magbibigay sa aking ng malaking kapakinabangan B. Magkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay. C. Ipapamalas ko ng aking talino at galing sa lahat ng aking gagawin sa aking buhay. D. Magiging modelo ako sa aking kapwa kabataan na gumawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon 15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng direktang relasyon ng kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa paggawa ng wastong desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan? A. Nakatutulong ang ekonomiks upang makakuha ng mga kaisipan sa nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at patakaraan na makaaapekto sa takbo ng bansa. B. Sinusuri ng ekonomiks ang antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang dapat makamit upang maging produktibong mamamayan. C. Nakakatulong ang ekonomiks sa paggawa ng desisyon tungkol sa wastong paggamit ng mga pinagkukunang yaman at tamang desisyon upang maging matalinong mamimili. D. Tinuturo ng ekonomiks ang tamang pagbabadget ng oras, pera, at mga produkto. 5 Balikan Mahusay! Ipinamalas mo ang iyong pagkatuto at pagkaunawa sa paksa. Iyong ibinahagi ang iyong kagalingan sa pagsagot sa bawat gawain. Handa ka na ba para sa susunod na aralin? Sa nakaraang aralin, tinalakay ang kahulugan ng Ekonomiks at kung paano ito nakaaapekto sa iyong pang-araw araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Ang ekonomiks ay ang pag-aaral sa tamang pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Natutunan mo na ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nakaaapekto sa aspekto ng ating buhay mula pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog. Iyong nauunawaan na bawat kilos o gawain ay gumagawa tayo ng mga desisyon o tamang pagpili na magbibigay sa atin ng higit na kapaki-pakinabangan. Samakatuwid, sa diwang ito, ang Ekonomiks ay ginagamit natin upang magbigay sa atin ng pamantayan sa pagbuo ng mga matalinong desisyon sa buhay. Gaya na lamang kung paano mo tutugunan ang iyong mga pangangailangan at kagustuhan sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman. Sa modyul na ito, mas mauunawaan mo ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mga Tala para sa Guro Upang lubos at higit na maunawaan ang mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks. Basahin at unawain ang mga teksto at mga gawaing inihanda. 6 Tuklasin Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa kahalagahan ng Ekonomiks at kung paano ito magagamit bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay. GAWAIN 1: PAG-ISIPAN Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito ng magkasunod-sunod ayon sa kahalagahan. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang sa ibaba. PamprosesongTanong: 1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Magaling! Nasagutan mo nang maayos ang Gawain 2. Ipinakita sa Gawain na ito ang pagtugon at ang pagkaiba-iba ng mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit may mga pag-aaral na isinasagawa sa Ekonomiks. 7 Likas sa bawat tao ang magkaroon ng mga pangangailangan at kagustuhan. Sa araw-araw na buhay gumagawa tayo ng mga paraan upang matugunan ang mga ito. Subalit sa kagustuhan natin na makamit lahat ng ating mga pangangailangan nakakalimutan natin ang kahalagahan ng pagbalanse at pagdesisyon nang tama. Ano ba dapat ang uunahin, ang ating mga pangangailangan o ang ating mga kagustuhan? Ano nga ba ang pagkakaiba nito at gaano ba ka halaga ang mga konseptong ito: Pangangailangan (needs) ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa pagpapanatili ng buhay ng tao. Mga halimbawa nito ay pagkain, damit, tirahan at kalusugan. Samantalang, ang kagustuhan (wants) ay tumutukoy sa mga bagay na magpapagaan ng uri ng pamumuhay at magbibigay kasiyahan sa tao. Mga halimbawa nito ay mga aplayanses, kotse, alahas at magagarang kagamitan (Gonzales, 2004). Magkaiba ang pangangailangan at kagustuhan ng bawat indibiduwal. May mga bagay na sa iba ay pangangailangan at sa iba naman ito ay kagustuhan lamang. Upang higit mo na maunawaan ito ipagpalagay, ang buhay ng isang ordinaryong mag-aaral, ang pagkakaroon ng cellphone ay isang kagustuhan lamang ngunit para sa iba, na ang mga magulang ay nagtratrabaho sa malayong lugar, ang pagkakaroon ng cellphone ay isang pangangailangan sapagkat ito ang naging daan upang magkaroon sila ng komunikasyon ng kanyang mga magulang. Samatuwid may bagay kang gustong maabot o makuha dahil nagbibigay ito ng dagdag kaginhawaan sa iyong buhay. Ang pangangailangan at kagustuhan ay bahagi sa buhay ng tao, kapag sinabing pangangailangan ito yong mga bagay na lubhang importante upang ikaw ay mabuhay habang kagustuhan ito ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan at kulay sa iyong buhay. Sa bahaging ito, hindi mo pwedeng husgahan ang isang tao sa pagkamit ng mga bagay na sa tingin mo ay hindi mahalaga dahil baka lingid sa iyong kaalaman na ang mga bagay na iyon ay bahagi o mahalaga pala para kanyang hanapbuhay. Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang katapusan ngunit ang pinagkukunang yaman ay limitado kaya ang tao ay kailangang gumawa ng pagpili. Ang pangangailangan ng tao ay may ibat-ibang digri o tinatawag na Herarkiya ng Pangangailangan, ayon sa kakayahan ng tao na makamit at matugunan ang mga ito at magkaroon ng kasiyahan (Imperial, 2015). Ika nga “People are motivated to achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next one, and so on.” Tingnan ang pigura 1 na nasa ibaba. 8 Self- Actualization Esteem Needs Pigura 1. Herarkiya ng Pangangailangan ni Love and Belongingness Abraham Maslow (Imperial, 2015) Safety Needs Physiological Need 1. Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog. 2. Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan. 3. Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao. 4. Esteem needs (pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao. 5. Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao. Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas. Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng suliraning may kaugnayan sa kakapusan (Rillo, 2005). Ayon kay Imperial (2015) nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol sa paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman. Kinakailangang bigyang- tuon ang mga bagay na makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at kasiyahan. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaksaya at hindi na magiging malaking suliranin ang kakapusan. Ayon naman ky Rillo (2005) bukod sa matalinong pagpili o pagpapasya, dapat tiyakin ang mahusay na alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman batay sa dapat paggamitan. Makatutulong din ang pagpipigil ng mga tao sa kanilang kagustuhan. Ang pagpapaliban sa mga kagustuhan ay nangangahulugan ng pagbibigay-halaga sa mga pangangailangan. Maaring magbunga ng suliranin ang maling pasya. Kailangang matiyak na pinakakapaki-pakinabang ang ginawang pasya hindi lamang sa isang tao kundi sa marami (Cruz, 2000). 9 Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan. Ikaw bilang mag-aaral mayroon kang maraming pangangailangan at kagustuhan na nais at gusto mong makuha. Laging pagkatandaan na hindi masama ang maghangad sa bagay na nagbibigay kasiyahan sa atin pero pakaisipin na kailangang pag-isipang mabuti kung mga bagay na ninanais mo ay magbibigay ba ng malaking kapakinabangan sa iyo dahil ang bawat desisyon ng inyong gagawin ay may malaking epekto sa takbo ng ating ekonomiya. Mahalagang maunawaan ninyo, kahit sa murang edad kinakailangan na sa paggawa ng desisyon o pagpipili kaakibat nito ay paggawa ng matalinong desisyon. GAWAIN 2: PAGSULAT NG SANAYSAY Panuto: Sagutin ang katanungang na nasa ibaba: Bakit mahalagang pag-aralan ang pangangailangan at kagustuhan bilang salik sa pagtukoy sa kahalagahan ng ekonomiks? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ______________________________________________________________ Mahusay! Sa gawaing ito nagpamalas ka ng angkin galing sa pagsagot sa sitwasyong ibinigay. Ipinakita mo iyong abilidad sa pagtugon sa naturang hamon. Handa ka na sa susunod na gawain. Gabay sa Pagwawasto (Rubric) 3 2 1 Wasto at makatotohanan Maayos na nailahan Inilahad ang mga ang impormasyon. May ang impormasyon. sagot gamit lamang dalawa I higit pang Mayroong isang pag- ang isang pag-aaral o Nilalaman pinagbatayang pag-aaral, aaral, artikulo, o artikulo artikulo, o pagsasaliksik pagsasaliksik ang ang ginamit sa ginamit sa pagsalaysay. pagsalaysay. 10 Kumprehensibo at Malinaw ang daloy Kakikitaan ng dalawa Organisasyon malinaw ang daloy ng ng pagkakasulat. o higit pang kamalian pagkakasulat. Walang Subalit kakikitaan ang sagot maling makikita sa ng isang mali (pagkakabaybay, pagkakasulat sa mga pagkakasulat sa mga paglalahad ng mga sagot. sagot. pangungusap, at iba pa) Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin sa bahaging ito ay matutuhan mo bilang isang mag-aaral ang ilang konsepto ng ekonomiks at ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Suriin Ang limitadong pinagkukunang yaman ng bansa at ang pagtugon sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang pangunahing layunin ng Ekonomiks. Dahil dito, kinakailangang magkaroon ng isang sistema ng pamamahagi o alokasyon na siyang sasanayin sa ekonomiks (Cruz, 2000). Bilang mag-aaral mahalagang iyong matutunan ang kahalagahan ng Ekonomiks dahil makakatulong ito sa iyo sa paggawa ng iyong tamang desisyon. Upang mas lalo mo itong maintindihan, basahin mo ang tungkol sa Kahalagahan ng Ekonomiks. KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS Ang sumusunod ay kahalagahan ng ekonomiks ayon sa iba’t ibang manunulat: Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya. Ayon kay Cruz (2000) ang natalakay na mga kaisipan sa ekonomiks ay nagpapatunay na ang ekonomiks ay sadyang mahalaga. May bahaging ginagampanan ang ekonomiks sa pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagtatamo ng pagsulong at pag-unlad ng mga tao at ng mga bansa ay nakasalalay sa mabuting pamamahala at pagpapalago ng ekonomiya Nauunawaan ang napapanahong isyu. Ayon naman kay Balitao (2015), nakakatulong ang ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Sa pamamagitan ng ekonomiks, higit mong mauunawaan ang mga patakaran ng pamahalaan at ang mga suliraning hinaharap ng bansa. 11 Minumulat ang kaisipan ng kabataan. Ayon kay Rillo (2005), nakakatulong sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa ekonomiks sapagkat sa murang edad pa lamang ay alam nila ang tamang paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng bansa. Pinapaunlad din ng pag-aaral ng ekonomiks ang kaisipang kritikal ng mga kabataan. Bukod rito nauunawaan din ng mga kabataan ang maayos na pangangalaga, pagkokonserba sa mga likas na yaman. Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon. Ayon kay Imperial (2015), sa sa kanyang aklat na ang ekonomiks ay mayroong malaking kontribusyon sa paggawa ng wastong desisyon at aksyon. Ang pagiging mulat sa mga isyung pang-ekonomiya, at ang mga kaalaman sa konsepto ng ekonomiks ay nakakatulong sa paghubog ng wastong asal, gawi, at kilos na mahahalagang salik sa tama o wastong pagdedesisyon. Idinagdag pa ni Balitao (2015) na ang kaalaman ng tao ay makatutulong upang makapagbigay ng makatuwirang opinion tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon sa loob ng pamilya. KAHALAGAN NG EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pagtitipid at Pag-iimpok Sa panahon ngayon nahaharap ang ating bansa sa pandemiyang COVID-19 ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan mula sa mga produktong pagkaing, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay, gas at iba pa. Dahil sa sitwasyong ito, nararapat mong matutunan ang magtipid, at mag impok. Ano nga ba ang pagtitipid at pag-iimpok? Ang pagtitipid ay tumutukoy sa kasanayan ng pamamahala sa iyong pera. Habang ang pag-iimpok ay tumutukoy din sa pag- sisikap ng isang tao na makaipon ng sapat na salapi o aria-rian para sa kanyang kinabukasan. Sa iyong pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks ay matututunan mo ang konseptong pagtitipid at pag-iimpok, at ang paglalapat nito sa iyong buhay. Marahil ay mas nauunawaan mo na ngayon na ang pagtitipid at pag-iimpok ay magbibigay sa iyo ng malaking insentibo sa hinaharap. Maaaring mayroon kang gustong bilhin ngunit ipinagpaliban mo muna ito, ginawa mong opportunity cost ang bagay na iyon upang makapag-ipon para sa mas mahalagang bagay na kakailanganin mo sa hinaharap. Samakatuwid, malimitahan ang paggastos sa di makabuluhang bagay at mapaglalaanan ng sapat na halaga ang mga mas importante. Mahalaga ang ekonomiks sapagkapat ituturo sa iyo ang praktikal na paalala tulad ng paglilista ng bawat gastos araw-araw upang iyong masuri at mapag-aralan nang mabuti kung anong mga gastusin pa ang dapat alisin o malimitahan man lang. Sa ganitong paraan sinisimulan mo nang turuang disiplinahin ang iyong sarili sa paggasta. Pagkatandaang napakahalaga ng pagtitipid at pag iimpok dahil ang iyong naipon at natipid ay magagamit pagdating ng panahon. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pangkonsumo 12 Ang pagkonsumo ay bahagi ng iyong buhay simula ng ikaw ay isilang sa mundo. Ang Pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili sa mga produkto at serbisyo. Mas mapapalalim mo pa ang aralin tungkol dito sa mga kasunod na module. Sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang kahalagan ng ekonomiks sa pangkonsumo. Upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks sa pagkonsumo, isipin mo na sa tuwing recess, ikaw ay pupunta sa canteen upang bumili ng pagkain. Ang pagbili mo ng pagkain ay gumawa ka na ng pagkonsumo. Sa bawat pagkonsumong gagawin ay may pakinabang kang makukuha mula rito na tinatawag na kasiyahan (satisfaction). Paano mo masasabing may nakuhang kapakinabangan ka sa produktong iyong binili? Ito ay kapag patuloy ka sa pagbili ng produktong ito at nakaramdaman ka ng pagkabusog o kasiyahan sa tuwing ikaw ay kumakain o bumibili nito. Nararapat na magkaroo ng tamang padedesisyon sa pangkonsumo upang maggamit ng maayos ang budget na mayroon ka. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pagnenegosyo Mahalaga ang kaalaman sa ekonomiks sa isang negosyo. Ang mahalagang desisyong ginagawa ng mga negosyante ay makakatulong upang mapalaki ang kanilang tubo at maging maunlad ang negosyo. Nakakatulong ang kaalamang ito para maging kritikal sa pagsusuri sa mga nangyayari upang maunawaan kung anong aksyon ang gagawain na makabubuti sa negosyo. Ang mga kaalamang ito ay magtuturo sa iyo na mag-isip nang lohikal at malaman ang mga teorya, Sistema, at balangkas tungkol sa pamilihan. Bilang mag-aaral, marahil isa sa iyong pangarap ay isang maging entreprenyur. Ituturo sa iyo ng ekonomiks ang mga isyu at konsepto na umuusbong sa mga kumplikadong aspeto ng isang ekonomiya at kung paano mo ito mailalapat sa iyong sariling negosyo sa hinaharap. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pag-alaga sa Kapaligiran Ang mga likas na yaman ay mahalagang dimensyon ng kabuhayan at kaunlaran ng isang lipunan. Mula sa mga yamang likas ay nakakukuha ng pagkain at mga hilaw na materyal na sangkap sa iba't ibang industriya. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks upang maunawaan ang kahalagahan ng kapaligiran sa buhay ng isang tao. Ang kaalamang ito ay makakatulong upang maunawaan na may limitasyon at maaaring maubos kapag labis ang paggamit dito. Dahil kapag hindi malinaw sa tao ang layunin ng paggamit ng likas na yaman walang nakakamit na kapakinabangan sa mga ito. Ang ekonomiks ay makakatulong upang maggamit nang maayos ang likas na yaman upang hindi ito maabuso at patuloy na mapangalagaan. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Indibiduwal at Pamilya Ang pagdedesisyon at ang paghahanapbuhay sa ngayon ay ginagampanan ng iyong mga magulang, ang kanilang desisyon at pagkilos ay batay rin sa nga pangangailangan at kagustuhan ng kanilang mga anak. Subalit, sa maliit na paraan, ikaw ay gumagamit din ng salapi, pumipili, namimili, gumagamit ng mga pinagkukunang-yaman, tumutulong sa paghahanapbuhay, at sa paggasta at 13 pagtitipid sa iyong tahanan (Cruz, 2000). Samakatuwid, sa pagpili ng iyong pagkakagastusan, nagagamit mo ang prinsipyo ng alokasyon at pamamahala. Kung matalino kang magdesisyon, maaaring may maiambag ka sa pangangailangan ng iyong pamilya kahit kaunti gaya ng pag-iimpok mo ng iyong baon para sa panahon ng pangangailangan. Kung tutuusin, mula sa pagdilat ng iyong mga mata sa umaga, hanggang sa muli mong pagtulog sa gabi, kaagapay mo ang ekonomiks sa pagtahak ng landas ng pagsulong at pag-unlad. Kung lubusan mong mauunawaan bilang isang mag-aaral ang mga konsepto at prinsipyong nakapaloob sa agham na ito, matututo kang maging mapagsuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa ating ekonomiya. Makagagawa ng isang matalinong pagdedesisyon sa buhay at mababatid mo kung gaano kahalaga at kalawak ang epekto ng ekonomiks sa iyong buhay (Imperial, 2015). Pagyamanin Marahil malinaw na sa iyo ang kahalagahan ng Ekonomiks, buhat sa mga nabasa mo sa araling ito. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman. Maghanda ka na, umpisahan mo nang sagutin ang gawain 3. GAWAIN 3: SITWASYON-SURI Panuto: Basahin ang mga pahayag o pangungusap na nasa ibaba at tayain kung ano ang kahalagahan ng ekonomiks na inilalarawan sa pahayag o pangungusap. Piliin ang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. A. Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon B. Minumulat ang kaisipan ng kabataan C. Nauunawaan ang napapanahong isyu D. Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya 1. Natanggap ni Brian ang kaniyang unang sahod sa trabahong kaniyang pinapasukan. Inanyayahan siya ng kaniyang mga kaibigan na mag-inuman bilang selebrasyon sa unang sahod na kaniyang natanggap. Bago siya gumawa ng pagpapasya, pinag-isipan mo na niya ito ng ilang beses. Napagpasyahan niya na ipagpaliban muna ang pagsama sa kaniyang mga kaibigan dahil may mas importanteng bagay siya na pinaglalaanan ng kaniyang unang sahod. 2. Ang mga mamamayan sa Barangay Malinaw ay nagkaroon ng suliranin sa baha. Lagi nila itong nararanas sa tuwing may malakas na pag-ulan. Bilang solusyon at tugon sa naturang problema, nagpulong pulong ang mga lideres sa naturang barangay upang malaman kung ano ang dahilan bakit binabaha ang kanilang lugar at nalaman nila na ang sanhi ng pagbaha ay ang dumadaming water lily sa sa ilog. Upang maiwasan ang pagbaha, naisipan nila na pakinabangan ang tinuturing nilang salot upang maging nahanapbuhay at dagdag kita. Ginamit nila 14 ang water lily upang makagawa ng isang panibagong produkto na pwede nilang ipagbili sa merkado. 3. Si Mariano ay lumaki sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya na may pagpapahalaga sa pera. Kaya sa tuwing binibigyan siya ng pera ng kaniyang lolo at lola sa tuwing maganda ang ani sa bukid, sinisigurado ni Mariano na gagamitin sa maayos at makabuluhang bagay ang kaniyang pera. Bukod doon nagtatabi siya ng pera para may maitabi at magamit sa araw ng kagipitan. 4. Ipinanganak na mayaman si Cherry, hindi siya nakaranas na hirap sa buhay dahil lahat ng kaniyang pangangailangan at kagustuhan ay ibinibigay ng kaniyang mga magulang. Isang araw, nagsara ang kanilang mga negosyo dulot ng COVID-19, kahit lumaki si Cherry sa masaganang pamumuhay sa kabila nito naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Natuto siyang magtipid at mahalagahan ang mga bagay na meron siya. GAWAIN 4: TAMA O MALI Basahin ang mga pahayag o pangungusap sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap o pahayag ay tama at kung MALI palitan ang salitang may salungguhit ng tama salita upang maging tama ang pahayag o pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Kung matalino kang magdesisyon, maaaring may maiambag ka sa pangangailangan ng iyong pamilya kahit kaunti gaya ng pag-iimpok mo ng iyong baon para sa panahon ng pangangailangan. 2. Ayon kay Cruz, may bahaging ginagampanan ang ekonomiks sa pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagtatamo ng pagsulong at pag-unlad ng mga tao at ng mga bansa ay nakasalalay sa katalinuhan ng mga namumuno sa bansa. 3. Ayon kay Imperial ang pagiging mulat sa mga isyung pang-ekonomiya, at ang mga kaalaman sa konsepto ng ekonomiks ay nakakatulong sa paghubog ng wastong asal, gawi, at kilos na mahahalagang salik sa tama o wastong pagdedesisyon. 4. Ayon kay Rillo, nakakatulong sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa Araling Panlipunan sapagkat sa murang edad pa lamang ay alam nila ang tamang paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng bansa. 5. Kung marunong kang magtipid at mag-impok tiyak na mayroon kang magandang kinabukasan, pagdating ng araw kapag ikaw ay nagigipit meron kang madudukot, di mo na kailangang magmakaawa sa iba para humingi ng tulong. 15 Magaling, mag-aaral sapagkat natapos mo ng suriin ang kahalagahan ng ekonomiks at kung paano mo ito mailalapat sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang buod, basahing mabuti ang Isaisip bago kang magsimula sa aplikasyon ng araling ito. Isaisip Ngayon ay inaasahang batid mo na ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral. Mahalaga ang Ekonomiks sapagkat… Matutuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagpatupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Nalilinang ang iyong kaisipan ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan. Mauunawaan mo ang konsepto ng ekonomiks at epekto nito sa iyong pamumuhay bilang isang mag-aaral. Gaya na lamang sa pagbili mo sa tindahan, naaaplay mo ang mga konsepto ng ekonomiks. Magiging matalas ang iyong obserbasyon at interpretasyon sa mga bagay na may kaugnayan sa pangkabuhayang pag-unlad. Higit mong mauuunawaan ang mga patakaran ng pamahalaan at ang mga suliraning hinaharap ng bansa. Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya. Nauunawaan ang napapanahong isyu. Minumulat ang kaisipan ng kabataan. Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon. 16 Isagawa Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahalagahan ng ekonomiks. GAWAIN 5: TAYAHIN MO Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tayahin mo ang desisyong ginawa ni Cherry at Crisitne gamit ang talahanayan na nasa ibaba ng bawat sitwasyon. Kung sa tingin mo ay tama ang desisyon i-tsek ang OO, kung mali naman i-tsek and HINDI. Isulat din ang dahil kung bakit sang-ayon ka o hindi sa desisyong nagawa ni Cherry at Cristine. Isulat din ang iyong suhestiyon para kay Cherry at Cristine upang mas mapabuti ang kanilang pagdedesisyon. Gagamitin ang sumusunod na rubrik pagbibigay ng puntos sa bawat tanong: 5 4 3 2 Ang pagtatayang Ang pagatatayang Ang Ang pagtatayang sinulat ng may sinulat ay may pagtatayang sinulat ay hindi kaugnayan sa kaugnayan sa sinulat ay hindi maiuugnay sa paksa. Ito rin ay paksa at masyadong paksa at hindi makabuluhan at makabuluhan. maiuugnay sa masyadong Nilalaman nagpapakita ng Subalit kakikitaan paksa ngunit makabuluhan. malalim na ito ng isang ito ay Kakikitaan ang pagkatuto ng mag- maling pahayag, makabuluhan. sagot ng tatlo o aaral ukol sa paksa. Kakikitaan ito higit pang maling Lahat ng detalyeng ng dalawang pahayag, naggamit bilang maling basehan ng pahayag, pagtataya ay tama. A. Mayroong 10,000 pesos na naipon. Inilaan niya ito upang bumili ng bagong cellphone na magagamit niya sa online classes. Habang siya ay nagbabasa ng mga binebentang cellphone sa internet, nakita niyang mayroong second hand na i-phone na 6s 64GB, at mayroong 70% battery life na naggamit na sa loob ng dalawang taon ng unang may-ari, at brand new na android phone na 128GB, at 64 mega-pixels. Napagdesisyunan ni Cherry na bilhin ang second hand i-phone 6s sapagkat matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng ganitong cellphone. Tanong Oo Hindi Bakit Tama ba ang naging desisyon ni Cherry sa pagbili ng second hand i- phone 6s? Tama bang isaalang-alang ang kaniyang kagustuhan o pangarap na makagamit ng i-phone? Ano ang iyong suhestiyon kay Cherry? 17 B. Si Cristine ay may naipong 300 pesos mula sa kaniyang pang-araw-araw na baon. Hinikayat siya ng kaniyang kaibigang si Cathy na kumain sa bagong Korean Restaurant na nagbebenta ng samgyeopsal (isang sikat na pagkaing Koreano). Kahit hindi gutom si Cristine ay pinili niyang sumama kay Cathy sapagkat ayaw niyang magalit ang kaibigan at gustong-gusto niyang makipaghalubilo sa mga bagong kailbigan ni Cathy na sasama rin sa kanila. Tanong Oo Hindi Bakit Tama ba ang desisyon ni Cristine na gamiting and kaniyang ipon upang makasama lang ang mga kaibigan kahit hindi siya nagugutom? Tama bang unahin ni Cristine ang makipaghalubilo sa mga kaibigan? Tama bang ikonsidera ni Cristine ang nararamdaman ng kaibigang si Cathy sa kayang paggasta? Ano ang iyong suhestiyon para kay Cristine? Kasiya-siya ang ipinakita mong galing sa pagsagot sa gawain ito. Handa ka para sa susunod na gawain. Halina’t umpisahan mo na! 18 Tayahin Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng direktang relasyon ng kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa paggawa ng wastong desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan sa larangan ng suliranin sa kakapusan at kakulangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao? A. ang pag-aaral na ito ay nagkakaroon pagsusuri sa epekto ng populasyon sa antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang dapat makamit upang maging produktibong mamamayan. B. ang pag-aaral ng ekonomiks nagkakaroon ka kaalaman sa wastong paggamit ng mga pinagkukunang yaman at tamang desisyon upang maging matalinong mamimili. C. sa pag-aaral na ito ay nakakatulong upang makakuha ng mga kaisipan sa nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at patakaraan na makaaapekto sa takbo ng bansa. D. sa pag-aaral ng ekonomiks natutuhan kong magbudget ng tama, gamitin ng maayos ang aking oras, at suriin ang mga bagay-bagay nang sa gayon ay hindi maluko sa mga produktong aking bibilhin. 2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks maliban sa _________. A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan. B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga desisyon. C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang ekonomiya. D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay. 3. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang mag-aaral? A. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa pamamagitan ng magiging modelo ako sa aking kapwa kabataan na gumawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon B. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa pamamagitan paggawa ng isang matalinong desisyon sa buhay na magbibigay sa aking ng malaking kapakinabangan C. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay. D. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa pamamagitan ng pagpapamalas ng aking talino at galing sa lahat ng aking gagawin sa aking buhay. 19 4. Ano ang pinakamabuting dulot ng pag-aaral ng kahalagahan ng ekonomiks A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan. B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks. C. Maisasaulo ang mga mahalagang konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo. D. Makatutulong sa iyo upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at mga desisyon sa buhay. 5. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay? A. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa kung ano lang ang mga mahahalaga. B. Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng dayuhang kaibigan C. Pagpunta sa mall tuwing araw ng sahod upang magshopping sa paboritong boutique shop D. Pagbili ng limited edition na sapatos pandagdag sa iyong koleksyon 6. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-19, kailangan nilang mag doble sikap at makipagsapalaran sa ibang lugar upang maibigay ang inyong mga pangangailangan. Bilang panganay sa magkakapatid, ikaw ay inaasahang hahalili sa iyong mga magulang. Ibinigay sa iyo ang responsibilidad na pangasiwaan ang pagbubudget sa pang-araw-araw ninyong gastusin. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng aplikasyon sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay? A. Sa pagbubudget lagi siyang humihingi ng tulong sa mga kaibigan B. Sa pagbubudget pinag-iisipan niyang maigi kung anong bibilhin upang masigurado na ang produktong bibilhin ay magbibigay ng mas malaking kapakinabangan sa kanilang magkakapatid. C. Upang hindi mahirapan sa pagbubudget at paghahanda ng pagkain laging siyang umoorder sa food panda. D. Upang magamit nang maayos ang perang ibinigay maglalaan siya ng kaunting halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan at ang natira ay kanyang itatabi. 7. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pangkabuhayan pamumuhay ng tao at ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa pahayag na ito? A. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman na kailangan sa pag-unawa ng mga pangkabuhayang kalagayan ng ating bansa. B. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang maunawaan ang ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal at industriya. C. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagsisilbing gabay upang maunawaan ang ating pagkakakilanlan bilang bahagi ng lipunan. D. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay makakatulong upang maging mabuting mamamayan. 20 8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malaking epekto sa paggawa ng desisyon at pagpili upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan batay ng pag-aaral ng ekonomiks? A. naging matipid ako sa aking mga gastusin sa pang-araw-araw B. natutuhan kong huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin C. naging mas matanong at mulat sa mga nangyayari sa aking paligid D. mas pinag-iisipan ko na ng mabuti ang pagpili at desisyong gagawin kung ito ba ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa akin 9. Bilang isang mag-aaral bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng matalinong desisyon sa ating mga personal na pangangailangan at kagustuhan? A. Mapunan ang mga pansariling luho at kasiyahan. B. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad. C. Hindi masayang ang limitadong mga pinagkukunang-yaman. D. Itaguyod at isulong ang pagkonsumo sa mga likas na yaman 10. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw- araw na buhay? A. nakatutulong ito upang makalaya sa kahirapan ng buhay B. nakakatulong ito upang maunawaan ang pagbabagong nagaganap sa lipunan C. nakakatulong ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng tao D. nakakatulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan. 11. Bakit kailangang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagtukoy ng kahalagan ng ekonomiks? A. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng limitadong pinagkukunang yaman. B. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang. C. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan. D. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sapagkat magagamit ito upang makaahon sa kahirapan. 21 12. Bilang bahagi ng lipunan bakit kinakailangang maging matalino sa pagdedesisyon ang isang tao pagdating sa pagtugon ng kanyang pangangailangan at kagustuhan? A. dahil magamit ng maayos ang mga produkto B. dahil may hangganan ang lahat dito sa mundo C. upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman D. upang hindi masayang ang pera sa pagkonsumo ng mga produkto 13. Ano ang epekto ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang mag-aaral A. Pagbili sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanyang sarili at pamilya. B. Natutong magbahagi ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kanyang paligid. C. Natutuhan kong gamitin ng maayos ang aking allowance sa mas makabuluhang bagay. D. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman na hahantong sa kakapusan. 14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks maliban sa _________. A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan. B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga desisyon. C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang ekonomiya. D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay 15. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain. A. Magpanic buying sa tuwing may sales sa mall. B. Maglaan ng oras para sa sarili, pamilya at kaibigan. C. Gamitin ang natitirang oras sa paglalaro ng mobile legend. D. Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng pangangailangan. 22 Karagdagang Gawain Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSIYON Buuin mo ang sumusunod na matrix. Magbigay ng sariling halimbawa, batay sa obserbasyon mo sa pang-araw-araw na buhay, ng isang kahalagahan ng Ekonomiks para sa bawat hanay. Magbigay ng halimbawa ng mga nakikita mo sa iyong paligid kung paano nakatutulong o makatutulong ang kaalaman sa ekonomiks sa iyong sarili, sa isang pamilya, sa barangay o pamayanan, sa bansa, at sa daigdig. Kahalagahan ng Ekonomiks SARILI PAMILYA BARANGAY BANSA DAIGDIG 5 4 3 2 Ang nilalaman ng Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay may kaugnayan sa may kaugnayan hindi masyadong hindi maiuugnay paksa. Ito rin ay sa paksa at maiuugnay sa sa paksa at hindi Nilalaman makabuluhan at makabuluhan. paksa ngunit ito ay masyadong nagpapakita ng Subalit makabuluhan. makabuluhan. malalim na kakikitaan ito ng Kakikitaan ang Kakikitaan ang pagkatuto ng mag- isang maling sagot ng dalawang sagot ng tatlo o aaral ukol sa paksa. pahayag, maling pahayag, higit pang maling Lahat ng isinulat ay pahayag, tama. Mahusay! Ang iyong naging sagot ay nagpapakita ng lubos na pag-unawa at kaalaman sa nasabing paksa. Ngayon, handa ka na para sa maikling pagsususlit. Binabati kita at natapos mo ang pagsusulit. Natapos mo na ang lahat ng mga gawain sa araling ito. Handa ka susunod na paksa para sa mas mapalalim ang iyong kaalaman sa Ekonomiks. 23 24 Gawain 1: Pag-isipan 1. Notebook 5. Baon 9. Art materials 2. Ballpen at lapis 6. Tubig 10. Correction tape 3. Aklat 7. Cellphone at charger 4. Papel 8. Bag Pamprosesong tanong 1. Mahalaga ang mga ito dahil magagamit ko ito sa aking pag-aaral 2. Ang aking naging batayan sa paggawa ng desisyon ay kung ano ang malimit gamitin sa klase. SUBUKIN Gawain 2: Pagsulat ng sanaysay Paunang ✓ Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa Pagsusulit pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag isinaalang-alang mo ang konseptong ito, magiging makahulugan ang pagdedesisyong isasagawa dahil mas 1. C pipiliin ng tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan. 2. C PAGYAMANIN 3. D 4. C Gawain 3: Sitwasyon suri 5. A 1. A 2. D 3. B 4. C 6. C Gawain 4: TAMA O MALI 7. D 1. TAMA 3. TAMA 8. C 2. MABUTING PAMAMAHALA AT PAGPAPALAGO NG EKONOMIYA 9. C 3. TAMA 4. EKONOMIKS 10. D 5. TAMA 11. D 12. A ISAGAWA 13. A Gawain 5: PAGDEDESISYON 14. A (Nakabatay ito sa pagtataya ng mag-aaral sa sitwasyon) 15.A KARAGDAGANG GAWAIN TAYAHIN Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSYON 1.C SARILI Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ko bilang isang mag-aaral 2.A dahil maaaring mahubog ang aking pag-unawa, ugali at gawi sa pamaraang makatutulong sa 3.B aking pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap. 4.D PAMILYA Nagagamit ang kaalaman sa asignaturang ekonomiks ng aking pamilya 5.A sapagkat gumagawa tayong ng pagpipili, pagdedesisyon at pagbabadget sa pang-araw-araw 6.B na pumumuhay. Gamit ang kaalaman sa ekonomiks higit ka na makagagawa ng isang 7.A matalinong desisyon sa buhay. Mas nagiging mapanuri at mapagtanong ka sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran upang makapagbigay ng rasyonal na interpretasyon sa mga nangyayari. 8.D 9.C BARANGAY Nagagamit din ang kaalaman sa ekonomiks ng aming barangay sapagkat 10.D pinamamahalaan ang mga opisyalis ng barangay ang limitadong resources na mayroon ang 11.A aming komunidad upang matugunan ang ibat-ibang pangangailangan ng kanyang nasasakupan. 12.C 13. C BANSA Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakapokus sa pangkalahatang 14. A pagpapaunlad ng kalakalan, pananalapi, at kagalingang panlipunan sa loob at labas ng bansa 15.D o sa buong daigdig. Dito nakapaloob ang pagsusuri sa GNP at GDP, mga paglago ng kita produksyon ng iba’t ibang sektor, at ang paglutas ng kahirapan. DAIGDIG Dahil sa kaalaman ng ekonomiks, nagagamit ito ng mga lideres sa ibat- ibang bansa upang magamit ng maayos ang yaman ng kanilang bansa para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Nagagamit din nila ang nasabing kaalaman upang matugunan ang ibat ibang pangangailangan ng kanilang nasasakupan. Susi sa Pagwawasto Sanggunian: Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D. 2015. Kayamanan: Ekonomiks. 3rd ed. 856 Nicanor Reyes Sr. Street 1977 CM Recto Avenue Manila Philippines. Rex Bookstore. Balitao, B.R., Buising, M.D., De Guzaman, A.D., Garcia, E. D.J Lumibao, Jr. J.L. Mateo, A. P. Mondejar, I.J. 2015. Ekonomiks 10, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. 1st ed. 5th Floor, Mabini Building, DepEd Complex Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600. Vibal Group. Balitao, B.R., Cruz, N.B., Rillo, J.D. 2005. Makabayan Serye: Ekonomiks sa Pagsulong at Pag-unlad. 4th ed. Pilipinas ng Vibal Publishing House Inc., 1253 Gregorio Araneta Avenue Queszon City Cruz, N.B., Lim, A. L., Rillo, J.D., Villoria, E. M. 2000. Ekonomiks, Batayang Aklat parsa sa Ikaapat na Taon. 2nd ed. G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara St., 1107 Quezon City Philippines. SD Publication, Inc. 25 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region XI Davao City Division Elpidio Quirino Avenue Davao City, Philippines Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970 Email Address: [email protected] 26

Use Quizgecko on...
Browser
Browser